Chapter 6 Sweetheart

2018 Words
AKHIRAH: PABALING-BALING ako ng ulo at pinaparamdam ang sarili. Nanayo ang mga balahibo ko sa katawan na maalalang. . . nahulog ako sa malalim na ilog! "Hey, Akhirah?" Dinig ko sa baritonong boses na marahang tinapik ako sa pisngi. Dahan-dahan kong iminulat ang namimigat kong mga mata at bumungad ang malabong kisame at pigura ng isang lalake. "How do you feel, hmm?" malambing tanong nito. Napangiti ako ng unti-unting luminaw ang pigura nito. "Ang gwapo naman. Nananaginip ba ako? O nasa langit na? Sinusundo mo na ba ako? O guardian angel kita?" namamalat ang boses kong tanong. Napapilig pa ito ng ulo na kalauna'y. . . napangiti. Lalong namigat ang mga mata ko nang marahan itong humaplos sa pisngi ko. "Magpahinga ka pa, mukhang nagdedeliryo ka pa rin hanggang ngayon, sweetheart." Natatawang saad nito na mahinang ikinatawa ko. Inayos pa nito ang kumot ko at mariing humalik sa noo ko bago ako muling natangay ng antok. "Dito ka lang," ungot ko na hinila ito sa batok. Dama kong natigilan ito at halos sumayad na ang mga labi sa labi ko. Napapikit ako na muling nagpatangay sa antok. Hinang-hina ang katawan ko na nangangalay. Pakiramdam ko ay binugbog ako ng sampung katao sa bigat ng katawan ko. NAPAKUNOTNOO ako habang pinapakiramdaman ang paligid. Napakatahimik, lamig at napakalambot ng kamang kinahihigaan ko. Napangiti ako. Nakauwi na ba ako? Pero nang sumagi sa isip ko ang huling nangyari kung saan nahulog ako sa malalim na ilog ay naalimpungatan ako bigla na napaupo! Napasapo ako ng ulong biglang kumirot na tila pinipiga ang mga braincells ko! "Nasaan ako?" Napalinga-linga ako sa silid na kinaroroonan. Wala akong kasama dito. Napanguso ako. Napaka-plain ng pintura ditong nakakasilaw sa mga mata na kulay puti, tss. Maayos, malinis at maaliwalas naman ang buong silid. Napatingin ako sa kamay kong may. . . suero?! Napapilig ako ng ulo. Bakit ako naka-suero? "Oh?! Gising ka na pala!" Napalingon ako sa nagsalita. Nangunotnoo ako pero dahil napakaganda ng ngiti nito sa akin ay nahihiya naman akong snob-in ito. "Hi, I'm Clara. Dale's younger sister," masiglang saad nito na naglahad ng kamay. Nahihiya pa akong tanggapin ang kamay nito. Dalagita pa siya pero hindi maipagkakailang. . . napakaganda niya. Maaliwalas din ang mga ngiting mababakas mong tunay at hindi pinipeke lang. Kumalam ang tyan ko ng malingunang may dala pala itong pagkain na nakalagay sa trolley na hila-hila nito. "Sorry," nahihiyang paumanhin ko nang tumunog ng malakas ang walanghiya kong tyan sa gutom! Ramdam kong gumapang ang init sa mukha ko pero nakangiti lang naman itong maingat na inilapag sa harapan ko ang mga dala. Umuusok-usok pa ang mushroom soup na nakakagutom ang amoy! "Lugaw at soup ka muna, Ate Steffi. Baka mabigla ang tyan mo. Maigi din 'yan para bumaba ang lagnat mo," anito na hinahalo-halo ang lugaw. Umuusok pa iyon at may mga topings na itlog, chicken, oniong leaves at chopped crispy garlic. Lalo tuloy akong natatakam kaya panay ang tunog ng tyan ko. "Hwag kang mahiya sa akin, Ate. Ako ang naka-duty ngayon para asikasuhin ka. Malalagot ako kina Kuya Rk at Dale kapag lumala ka," nakangiting saad nito. Napakalambing niyang magsalita. Bagay nga sa kanya ang pangalan niya. Dahil para siyang Maria Clara sa hinhin niyang kumilos, magsalita lalo na sa ganda. Hindi rin masagwa ang suot nito dahil mahabang dress na lagpas hanggang tuhod ang haba at 3/4 ang manggas na hanggang siko. Nahihiya kong tinatanggap bawat sinusubo nito na talaga namang napakasarap ng pagkakatimpla! Hindi ko tuloy namalayang naubos ko ang lahat ng dala nitong pagkain at napadighay ng malakas na ikinatawa nito habang ako'y pinamumulaan na sa hiya! "Sorry." Ngumiti lang ito na maingat muling isinalansang sa trolley ang mga pinagkainan ko. "Magugutom ka talaga, Ate. Dalawang araw ka ba namang tulog." Namilog ang mga mata kong natigilan sa sinaad nito! "D-Dalawang araw!?" bulalas ko. Tumango-tango ito na may ngiti sa mga labi. Napasabunot ako sa ulo at nakahingang maluwag na. . . suot ko pa rin ang wig ko. Pasimple akong napahilamos ng palad sa mukha at naramdamang nasa baba ko pa rin naman ang fake mole ko. Lihim akong nagdidiwang na hindi pa pala bistado ang totoong itsura ko kahit dalawang araw na akong naka-sleeping beauty, tsk! Ganon ba ako kapagod? Kung sabagay. . . ito ang unang beses na nagtrabaho ako. At bilang magsasaka pa kaya pakiramdam ko'y namamanhid pa rin ang mga braso ko. Idagdag pang nalunod ako. Ang malas ko naman. "Take a rest, Ate. Hwag mo munang alalahanin ang mga bagay-bagay." Napabalik ang ulirat ko ng magsalita ang kaharap ko na matiim na palang nakatitig sa akin sa pagkakatulala ko. Pilit akong ngumiti. "Salamat." "Magpahinga ka pa, Ate. Mamaya pa ang dating ni Kuya Raiden," nanunudyong kindat nitong ikinalapat ko ng labi na namula ang mukha. Napasunod na lamang ako ng tingin ng lumabas na ito ng silid dala ang pinagkainan ko. Napahinga ako ng malalim na nasapo ang noo. Medyo mainit pa nga ako at ramdam ang pananamlay at pamimigat ng katawan ko. Napabuga ako ng hangin at muling isinandal ang sarili sa headboard ng kama. Napapikit ako at kusang nanumbalik ang huling tagpo na nasa ilalim ako ng ilog. Si Rk kaya 'yon? Ang sumagip sa akin? So it means. . . sinundan niya ako nang mag-walk out ako? "How do you feel?" Napangiti akong nanatiling nakapikit. Sa kakaisip ko sa kanya ay parang naririnig ko pa ang baritonong boses nito na ngayo'y kausap ako na puno ng pag-aalala at lambing ang tono. "Better," simpleng sagot ko. Natigilan ako ng maramdaman ang paglundo ng gilid ko at ang pamilyar niyang pabango na ngayo'y. . . nasisinghot ko! "R-Rk!?" gulat na bulalas ko ng magdilat ako at makita itong nangingiting nakatitig sa akin! Napakurap-kurap pa ako dahil baka nagdi-day-dreaming na ako pero heto at nananatili pa rin siya sa harapan kong may matamis na ngiti at nangingislap ang mga matang nakatutok sa akin. Parang nahihipnotismong napaangat ako ng palad at sinundot-sundot ng hintuturo ang maliliit niyang dimples sa gilid ng kanyang bibig na lalo nitong ikinangiti. Para akong napasong binawi ang kamay nang maramdaman kong. . . totoo ito! Gumapang ang kakaibang init sa mukha ko at hindi na masalubong ang mga mata nitong matiim pa ring nakatitig sa akin! "Unconscious ka pa rin ba, hmm?" nag-aalalang tanong nito. Napayuko ako. Sa tono kasi nito ay nanunudyo at may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi. Kakaibang kiliti din ang hatid non sa puso ko at aaminin kong. . . gusto ko ang pakiramdam na 'yon! "Sorry, naging abala pa ako," mahinang saad ko. Sapat na para marinig nito dahil magkaharap lang naman kami. Napapitlag ako ng humawak ito sa baba ko at iniangat ang mukha pasalubong sa kanya. Napakurap-kurap pa ako na halos maduling sa sobrang lapit ng aming mukha dahil nakadukwang na ito sa akin! Nanunuot sa buto ko ang pagtitig nitong tila may ibang ibig sabihin. "Tama ka. Ang laki mong abala," ngisi nito. Napanguso akong napairap sa hangin. Nangingiti pa rin ito pero 'yong ngiti ay hindi ngiti na natutuwa kundi. . . nanunukso. "Hindi ka pwede sa farm. Dagdag trabaho ka lang doon. Paano 'yan? Saan kita ililipat?" anito na nakahawak pa rin sa baba ko. Gahibla na nga lang ang pagitan namin kaya nalalanghap ko pa ang mainit na hininga nito at ang fresh mint na gamit na nakaka-engganyong samyuhin! "Uhmm. . . k-kahit saan, hwag mo lang akong paalisin. Alam mo namang wala akong mapupuntahan, 'di ba?" pinalungkot ko ang tono at mukha na ikinalunok nito. Lihim akong napangiti ng mapatitig ito sa mga labi kong nakanguso pa rin. Namula pa ang mga tainga nito na muling napalunok. "Marunong ka ba sa gawaing bahay?" anito na sa mga labi ko pa rin nakatitig. Napangiti ako na sinadyang iawang bahagya ang mga labi kong ikinalunok nitong muli at ngayo'y napaiwas na ng tingin. Binitawan na rin nito ang baba ko na umayos na ng upo kaya nakahinga ako ng maluwag. "Hindi eh," kakamot-kamot sa ulong sagot ko. Natawa itong napailing kaya ako naman ang nag-iwas ng tingin. "Pero. . . pero madali akong matuto. Turuan mo lang ako," segunda ko. Mahirap ng palayasin ako nito sa kawalan ko ng silbi dito sa farm. This time ay nagsalubong na ang mga mata namin. Kahit nakakatunaw ng puso ang malamlam na mga mata nitong nangingislap ay pinatatag ko ang sarili at matapang nakipagtitigan para mabasa niya sa mga mata kong. . . sincere akong akong matuto sa mga bagay-bagay. Kaysa naman maging palaboy ako. Syempre. . . sino ba naman ang tatanggap sa isang katulad kong mapagkakamalhang taong grasa. "Bakit ako? Amo mo kaya ako," ingos nito na ikinatikom ko ng bibig. "Kasi mabait ka," mahinang sagot kong napaiwas na ng tingin dito. Kita ko sa peripheral vision kong napangiti itong napakagat ng ibabang labi. "Mabait din naman ang mga tao dito." "Hindi kaya," ismid ko na ikinabungisngis nitong napapailing kaya natawa na rin ako. Totoo naman ah. Ang sama kaya ng ugali no'ng tatlong palaka na siyang nam-bully sa akin noong isang araw. Itusta ko ang mga iyon eh! Bweset sila! Ang lakas ng loob hamakin ako, kung wala lang akong malaking problemang tinatakasan ay hindi ako magdi-disguise ng pang-taong grasa para lang makatakas kina Daddy! "A'right. Magluto marunong ka?" anito na ikinalingon ko na dito. Napangiwi akong ikinailing nitong napapakamot sa batok. "Paano ka ba nabubuhay, hmm? Hindi ka marunong sa trabaho sa farm, hindi ka marunong sa gawaing bahay. Pati ba naman sa pagluluto? Mahirap ka ba talaga oh. . . isang prinsesang nagbabalatkayo?" panunuri nito. Natigilan akong napalunok sa sinaad nito. Aminado akong guilty ako. Napaiwas ako ng tingin. Fvck! Napaghahalataang guilty ang tao na hindi na makatingin sa mga mata niya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Napahiga na nga ito sa paanan ko na nakadantay ang braso sa noo habang nakaunan sa isa pang braso at nakapikit na tila may malalim na iniisip. "R-Rk, hindi ako magiging pabigat. Willing akong matuto. . . turuan mo lang ako," untag ko. Alam ko namang kalabisan na ang dala ko dito. At mas gugustuhin ko namang maging katulong na lang kaysa magtrabaho sa farm niya na may mga bullies doon. At mas malala kung palayasin na niya ako. Napahinga ito ng malalim at bumangon na. Napahilamos pa ito ng palad sa mukha at nagpamewang sa harapan ko. Ngumiti itong ikinapanatag ng puso kong napakabilis ng t***k! "Hindi naman kita paaalisin kung 'yon ang inaalala mo. Pero. . . pero maigi na rin siguro na dito ka na lang sa mansion manilbihan. Don't worry, ako ang magga-guide sayo sa mga gawain dito para hindi ka mailang. Para naman. . . mapagsilbihan mong maayos balang araw ang . . . mapapangasawa mo," nanunudyong saad nito na napapataasbaba ng mga makakapal at itim niyang kilay. Napalunok akong nag-init ang mukha lalo na't makahulugan ang ngiti at tingin nito. "Sige na, magpahinga ka pa. Babalik ako mamayang gabi." Napakurap-kurap ako ng dumukwang itong tumitig sa mga mata ko. Napalunok akong bumilis ang t***k ng puso ko lalo na ng mapatitig ito sa mga labi ko. "Rest well, my ugly duckling. . . sweetheart," anas nito. Namilog ang mga mata ko ng dumampi ang mga labi nito sa gilid ng mga labi ko. Dinig ko pa ang mahinang pagtawa nito na iginiya ako pahiga at kinumutan hanggang dibdib ko na natutulala lang naman sa. . . paghalik nito!? ILANG minuto akong nasa ganoong posisyon na nakatulala sa kisame. Kanina pa nakaalis si Rk pero tulala pa rin ako. Napahawak ako sa gilid ng bibig ko kung saan humalik ito at kusang napangiti. Paulit-ulit kasing nagri-replay sa utak ko ang sinaad nito at ang paghalik niya sa gilid ng mga labi ko. Kahit segundo lang 'yon ay matatawag pa ring halik iyon. Nakagat ko ang ibabang labi na hindi mapigilan ang sariling kiligin at mapangiti. Pero unti-unti ring nabura ang matamis kong ngiti na mag-sink-in sa utak ko ang sinaad nito. Namimilog ang mga mata na halos hindi na humihinga na mapagtanto ko ang itinawag nito sa akin! "Did he just called me. . . sweetheart?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD