Chapter 5 Kiss

2324 Words
RAIDEN: MALALAKI ang hakbang kong sinundan si Akhirah na umalis ng bahay dahil sa pagkapahiya nito. Kung hindi lang nakaharap ang lahat ng mga tao ko ay nasermonan ko na sina Bea at mga kaibigan nito. Kita ko namang sinadya ni Bea na iharang ang paa nito sa dadaanan ni Akhirah kaya ito napatid at napada! Damn! Parang ngayon pa lang gusto ko ng magpakilala sa kanya kung sino talaga ako. At kung paanong. . . nag-cross ang landas namin. flashback few days ago: NAPAANGAT ako ng mukha ng biglang bumukas ang pinto nitong opisina ko sa bahay at niluwal no'n si Papa Keith na seryoso. Napatayo akong isinara muna ang laptop ko at sinalubong itong nagmano. "Pa, napadaan kayo?" takang tanong ko dito. Napahinga ito ng malalim na umupo ng sofa kaya napasunod ako dito. Sa uri pa lang ng pagsasalubong ng mga kilay nito ay tiyak kong may malaking kinakaharap itong problema. "Son, kilala mo naman ang amigo kong si Dionne Di Caprio, right?" seryosong tanong nito. Napapilig ako ng ulo. Kung hindi ako nagkakamali ay ito 'yong mayamang negosyante na matalik na kaibigan ni Papa mula bata pa lamang sila. Pilit akong ngumiti at tumango. Napahinga ito ng malalim na pagod ang mga matang matiim na napatitig sa akin. Binundol naman ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko na makipagtitigan ditong bakas ang kaseryosohan. "Nakapag-usap na kami, son. Ihanda mo na ang sarili mo. Pupunta tayo sa mansion nila this coming weekend para sa. . . engagement niyo ng unica hija nila." "What!?" gimbal na bulalas kong napatayo sa narinig! Paulit-ulit ay nag-re-replay sa utak ko ang sinaad nitong. . . engagement ko! "Pa, hindi pwede! Alam niyong may girlfriend na ako at siya ang gusto kong pakasalan!" angil ko na napataas ang boses! Nanatili itong nakaupo na napakaseryoso pa rin ng mukhang nakatingala sa akin. Napahilot ako ng sentido. Hindi ito pwede! Hindi ako pwedeng makasal sa iba. May Faith Carson na ako na nagtatrabaho sa France dahil isa itong international model! "That's final, Rk. Whether you agree or not," pinal nitong hayag na napatayo. Pagak akong natawa na napailing at nagpamewang. Pagod ang mga mata nitong nilingon akong napahimas ng baba ko. "Look, Pa. Ako ang pipili ng mapapangasawa ko. Bakit niyo naman ako basta-basta nirereto sa iba? Ni hindi ko pa nga kilala ang anak ng amigo niyo," apila ko. Napahinga ito ng malalim na napahilot sa kilay na nagsasalubong. Napalunok ako. Kilala kong mahinahon si Papa pero kapag nasagad mo ang pasensiya ay. . . magtago ka na. Minsanan lang siyang magalit pero siya 'yong tipo na kapag nagalit ay buhos. Walang makaawat. "Fix yourself, Rk. Para ito sa partnership ng kumpanya namin ni Dionne, isa pa. . . hindi ka na lugi sa anak niya. Sinisigurado ko 'yan sa'yo. Walang makakapantay. . . sa heredera nito. Bakit hindi mo subukang silipin sa social media ang mapapangasawa mo, son? Akhirah. Akhirah Allison Casanova. . . Di Caprio," anito na ikinatanga ko at 'di namalayan ang pag-alis nito. Napahilamos ako ng palad sa mukha at naiiling. Wala sa sariling bumalik ako ng swivel chair ko at binuksan muli ang laptop ko para lang. . . ma-i-research online ang mapapangasawa ko. "Akhirah Allison Casanova Di Caprio," usal ko na tinitipa ang pangalan nito online. Sunod-sunod akong napapalunok ng mag-appear ang account nito na umaabot ng. . . 700 million ang followers!? Nangangatal ang kamay kong in-click ang profile nito na ikinatanga at laglag ng panga ko na masilayan. . . kung gaano ito kaganda! Napakurap-kurap pa ako dahil para akong napuwing sa pagkakatulala ko sa larawan nito na ilang minuto ko na palang tinititigan! Biglang bumilis ang t***k ng puso kong pinapasadaan ang bawat hulma ng mukha nito mula sa mapupungay niyang mga matang kulay asul. Mahahaba at malalagong pilikmata, pointed nose at maninipis na mga labi! Napalunok akong napatitig sa mga labi nitong tila nag-aanyayang magpahalik sa bahagyang pagkakaawang! Bigla akong natuyuan ng lalamunan na napainom ng isang litrong tubig ng bumaba ang paningin ko sa baba nito, panga, leeg at sa nakalitaw nitong malulusog na cleavage dahil naka-two-piece red bikini ito na nasa rooftop na swimming pool na hanggang hita ang taas. Kaya nakalantad kung gaano ito kaputi at kinis! Kahit sinong lalake ay mapapalunok na mapatitig sa perpektong pagkakahubog ng katawan nito! "Shut! Magiging asawa ko ito!?" bulalas ko at biglang nakaramdam ng. . . excitement! Napatayo akong napatampal ng noo na naiiling! "Hindi pwede, Rk! May girlfriend ka na!" singhal ko sa sarili. "Oh bakit ganyan ang mukha mo, Kuya?" Biglang sulpot ni Dale na pinsan ko, pero para na kaming magkapatid at magkatulong na namamahala dito sa farm na itinayo namin. Ang Buenaventura Farm na ngayo'y nangungunang farm dito sa Bicol. Napailing ako na inginuso ang laptop ko. Nagtataka naman itong dinampot iyon at katulad ko'y napatanga ito na tumambad sa mga mata ang profile picture ni Akhirah. "Wow!! At sino naman itong ini-stalked mo, Kuya? New model? Beauty Queen? Actress?" Natutulala nitong sunod-sunod na tanong. Umiling akong napahilot ng sentido na ikinalingon nitong nagtatanong ang mga mata. Napahinga ako ng malalim na nagpamewang. "Heredera. Ipapakasal sa akin." "Oh. . . teka, ano!?" Napahalakhak ako ng magulantang ito na ma-realize ang sinaad ko. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa akin na napapailing sa reaksyon nito. "Oo nga. Anak ng amigo ni Papa. Siya si Akhirah Allison. Ewan ko, Dale. Pero. . . parang bigla akong nagka-enteresado sa kanya," wala sa sariling saad ko. Nanlalaki pa rin ang mga mata nitong muling tinitigan ang picture ni Akhirah. "Panalo! Kung ito din naman ang magiging reyna ng Buenaventura Farm ay hindi ka na lugi nito, Kuya. Isa pa. . . heredera ka'mo?" bulalas nitong bakas ang saya at excitement sa mukha at tono. Tumango-tango akong dinampot ang whiskey na nagsalin sa pangdalawahang baso at inabot ang isa dito. Napaupo ako ng sofa at naidantay ang dalawang paa sa maliit na lamesang pinagigitnaan namin ni Dale na hawak pa rin ang laptop at nakamata kay Akhirah. "Tama na 'yan. Baka naman ma-inlove ka sa kanya eh. . . mapapangasawa ko 'yan," natatawang saad ko. Napahalakhak lang itong umiling na itinabi na sa lamesa ang laptop na inabot ko at muling tinitigan ang maamong mukha ng mapapangasawa ko. Parang nanghihipnotismo ang mga mata nitong napakalagkit ng tingin sa camera. "Anong plano mo niya'n, Kuya? Hindi ba't may Faith ka na?" Napalis ang ngiti ko na maalalang may girlfriend na nga pala ako. Kahit five years na kaming ldr at ni minsan ay hindi pa naman kami nagme-meet personally ay napamahal na rin naman sa akin si Faith. Napahinga ako ng malalim na itinabi na ang laptop at inisang lagok ang shot ko. Napangiwi akong humagod ang kakaibang init sa lalamunan ko. "Pupuntahan ko siya. Silipin ko lang kung anong klaseng babae siya," aniko na ikinatango-tango nito. "Pwede bang sumama? Gusto ko din siyang makita. s**t! Kung ito lang din ang ipapaasawa sa akin ay hindi pa man nagsisimula ang kasal ay under de saya na niya ako!" bulalas nitong ikinahalakhak ko. "Sira ulo! Maiwan ka dito sa farm. May tamang oras para makilala mo siya. Dahil sa oras naman na matuloy ang kasal ay iuuwi ko siya dito sa farm," kastigo ko ditong napanguso. Tumayo na ako na nagtungo ng silid ko. Naiwan naman si Dale sa opisina ko at itinuloy ang ginagawa ko. Hindi ko alam pero kakaiba ang excitement na nadarama ko sa mga sandaling ito. Kung saan makakaharap ko sa unang pagkakataon. . . ang mapapangasawa ko. May ngiti sa mga labi na bumyahe ako paluwas ng syudad. Dama ko ang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na hindi ko makalma. Kabado ako at nasasabik na rin na masilayan ang babaeng magiging asawa ko. "Akhirah. . . Akhirah," paulit-ulit kong sambit na parang may sayad na nakangiti. Kahit naman kasi winawaglit ko sa isipan ang mukha ni Akhirah ay paulit-ulit iyon na nagri-replay sa utak ko. Na parang nakatatak na siya sa isipan ko. NAPAPALINGA-LINGA ako habang nandito sa harapan ng mataas at magarang mansion nila Akhirah. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nandidito ngayon na parang die hard fan na hinihintay ang idolong dumaan. Tss. "Tawagan ko kaya si Papa at ipaalam na nandidito ako?" usal ko na napapahimas ng baba. Fvck! Ilang oras na ba akong nakatambay dito sa harapan ng mataas nilang gate na inaabangan ang paglabas ni Akhirah. Nakakainis! Bakit ba kasi ako napaluwas bigla!? Napapilig ako ng ulo nang makita ang isang babaeng nerd na tumalon mula sa veranda ng mansion at pakubli-kubli itong nagtatago sa mga halaman hanggang sa nakarating sa isang van na nakabukas. Napalunok akong bumilis ang t***k ng puso. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'yon. Ang mapapangasawa ko. Mukhang may plano itong tumakas ng mansion kaya naka-disguise na tumakas. Dahil sa pagkakatanda ko ay. . . iisa lang ang dalagang anak nila Tito Dionne! "What the fvck! Maglalayas ba siya kaya naka-disguise!?" bulalas ko na napapasunod ng tingin sa babaeng pakubli-kubli. Nang nagsisakayan na ang mga guard nila sa sinakyan nitong van ay napasunod ako sa taxi na sinakyan ko para sundan ang van. Paniguradong walang alam ang mga guard nilang nakasakay na pala sa kanila ang. . . anak ng amo nila. Napapailing na lamang ako. Mukhang matigas ang ulo ng isang ito. Napababa na ako ng taxi ng makitang huminto na ang van sa isang subdivision at maingat na lumabas si Akhirah mula sa loob na hindi napapansin ng driver. Kinabahan ako dahil hatinggabi na at wala itong kasama kaya palihim ko itong sinundan hanggang sa makasakay ng taxi na nagpahatid ng terminal. Mabuti na lang at sa Bicol ang destination ng bus na sinakyan nito kaya napasakay ako at lihim na nagdidiwang na sa pinakadulo ito sumakay kaya malaya kong. . . nakatabi. Napapakagat labi akong napapailing na katabi ko na ito at napakalaki ng binago sa itsura at pananamit. Mautak din ang isang ito ah. Ngunit unti-unting napalis ang ngisi ko ng may ma-realize ako. Napalunok akong dahan-dahang nilingon itong nahihimbing na. "Hindi kaya. . . naglayas siya para takasan ang arrange marriage namin?" piping usal ko na nakamata ditong napapangiti. Kahit naka-disguise ito ay kung tititigan mo lang maigi ay hindi maipagkakailang napakaganda pa rin niya. Marahil ay natatakot din siyang maglayas dahil hindi malayong pagka-interesan ito at kidnapin sa ganda niyang dalaga at anak pa ng mga kilalang bilyonaryo ng bansa. Napahinga ako ng malalim. Parang kasalanan ko pa tuloy na naglayas ito ng mansion nila. Tahimik ako na pinapakiramdaman itong nahihimbing. Bakas ang pagod at pangamba sa mukha na hindi malaman kung saan pupunta. Mabuti na lang at napapayag ko ito na tumuloy ng farm ko na hindi nakakahalatang. . . kilala ko kung sino talaga siya. Kahit alam kong mahihirapan ito sa gawain sa farm ay hindi ko naman pwedeng maging especial ang trato ko dito dahil paniguradong mapapasama ito sa mga kadalagahan dito. Hindi naman lingid sa kaalaman namin ni Dale na may gusto sa aming mga boss nila. At mukhang nagsimula na nga. Sa pangunguna ng grupo nila Bea. ******* NAPA-DIVE ako sa ilog na makitang nadulas ito dala na rin ng pagmamadali at hindi nakatingin sa dinaraanan! Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ng mamataan ko na ito sa ilalim na. . . hindi na gumagalaw! Mabilis akong lumapit na hinapit ito sa baywang at iniahon sa ilog! Tumulo ang luha ko sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Pero nangingibabaw ang takot sa puso ko. Takot na. . . napahamak ito sa pamamahala ko! "Akhirah!? Akhirah!?" Natataranta akong tinapik-tapik ito sa pisngi para gisingin. Lihim akong napangiti na sa wakas ay nakita ko na ang totoong itsura nito. Naanod kasi ang short hair wig nito na parang kay dora ang style. Nabura din ang makapal na kayumangging foundation nito at ang makakapal na kilay maging ang nilagay nitong pekeng malaking nunal sa baba. Lumitaw kung gaano ito kaganda at kinis na. . . nalinisan ang mukha sa pagkakahulog dito sa ilog! Nangangatal ang kamay kong napahaplos sa pisngi nitong napakaputi at kinis. Sunod-sunod akong napapalunok na namimigat agad ang paghingang napatitig sa nakaawang niyang mga labing namumula-mula! "A-Akhirah. . . gumising ka, sweetheart," anas ko at wala sa sariling napayuko itong binugaan ng hangin sa bibig! Dahan-dahan kong inayos ang pagkakahiga nito dito sa gilid ng ilog at sinimulang i-cpr at panay ang buga ng hangin sa bibig nito! "Fvck! Hwag mo naman akong takutin, sweetheart! Gumising ka na, please?" bulalas ko na naluluha na rin dala ng takot at kaba! "Boss, anong nangyari-Ayytt!!" Nanigas ako sa biglaang pagsulpot ni Dale at Isay na napatili na makita akong kasalukuyang. . . nakahalik ako kay Akhirah! "Um, that's what they're called. . . CPR, mouth to mouth, Isay. Walang masamang ginagawa si Kuya Raiden. Binubugaan niya lang ng hangin si Akhirah para makahinga ito," bulalas ni Dale. "W-wala naman po akong sinasabi," nagkakandautal utal na bulalas ni Isay na ramdam kong nakamata sa amin. Patuloy kong sini-CPR si Akhirah at panay din ang pagbuga ko ng hangin sa bibig nito. Nasa likuran ko lang naman ang dalawa na nag-aalala ding nakamata kay Akhirah. "Um, Isay. . . atin-atin na muna ito, ha? Ang totoo kasi niyan, hindi lang ordinaryong dalaga si Steffi. Siya ang. . . ang pangangasawa ni Kuya Raiden kaya. . . alagaan mo siya, ha?" saad ni Dale. "O-opo. H-hindi naman po ako Marites." "Anong Marites?" takang tanong ni Dale dito. "Um, Marites po, Boss. 'Yong palikera, chismosa, ganern." "Oh?" singhap ni Dale. "Sweetheart, gumising ka na, please?" naluluhang saad ko na muli itong binugaan ng hangin sa bibig. Natigilan ako na naigalaw ang mga labi. Fvck! Bumilis ang kabog ng dibdib ko na ma-realize na pagbibigay ng hangin ang ginagawa ko kundi. . . hinahalikan ko na siya! Kahit naman kasi kastiguhan ko ang sarili ay hindi ko mapigilang. . . sipsipin at salitang hinahagkan ang mga labi nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD