bc

[DI CAPRIO SERIES3] The Handsome COWBOY (Akhirah Allison Casanova Di Caprio)

book_age18+
2.6K
FOLLOW
19.3K
READ
HE
opposites attract
arrogant
badboy
sweet
bxg
campus
small town
like
intro-logo
Blurb

Nagpanggap siyang nerd at pangit para hindi siya makilala at takasan ang arrange marriage na nakatakda sa kanya.

Ngunit sa paglayo niya at pagbabago ng anyo ay makikilala niya ang lalakeng walang interest sa totoong kaanyuhan niya at naging pabor ditong tumakas ang dalaga sa kanilang arrange marriage.

Mamahalin pa rin kaya nila ang isa't-isa kung makilala na nila ang totoong katauhan....ng isa't-isa?

chap-preview
Free preview
Arrange Marriage
AKHIRAH ALLISON: "Hija! Thanks God! Umuwi ka pa!" NAPAPITLAG ako sa biglaang pag-singhal ni Mommy mula sa sala. Kauuwi ko lang mula sa pagha-hang-out naming magbabarkada mula sa bagong bukas na branch ng Mondragon's Bar ni Andrei Mondragon. Anak ng matalik na kaibigan ni Mommy. "Morning, Mom." Inaantok kong bati dito at humalik sa kanyang pisngi. Nakataas na naman ang mga kilay nitong nakapamewang sa akin at umugang-umaga na umuusok ang butas ng ilong sa galit. Sanay naman na sila sa akin na mahilig maglakwatya kasama ang mga kaibigan ko. Ewan ko ba kung bakit sangkatutak na sermon pa rin ang naaabot ko kay Mommy. "Look at yourself, Akhirah Allison!? Ni hindi ka na makalakad ng maayos!" Panenermon pa rin nito habang nakasunod sa akin papanhik ng hagdanan. "Mom, please? Not now, inaantok na po ako." Bagot kong sagot dito. Inaantok naman na kasi talaga ako at napakasakit sa tainga ang kay aga-agang pagtatatalak ni Mommy. Palagi na lang! Nakakainis na! "Anak, naman! How many times do I have to remind you? Dalaga ka na! Ayusin mo naman ang mga kilos mo!" singhal pa rin nito. "Blaaaahh blaaahhh blaaahhh." Napapaikot na lamang ako ng mga mata dahil hanggang dito sa silid ko'y wala akong kawala sa tigre namin este reyna ng mansiong ito! "Night, Mom." Aniko at hinalikan ito sa noo. Isa-isa kong hinubad ang mga saplot ko at tanging ang lace panty ko lang ang itinira ko. Padapa akong bumagsak sa kama at sumubsob sa unan. Nakahinga ako ng maluwag sa ginhawa at comfort na hatid ng sariling kama ko. Agad akong nagpatangay sa antok para na rin makaiwas sa panenermon ni Mommy na tila wala yatang kapaguran ang dila sa kakaputak maghapon sa akin. Tsk! Palibhasa mag-isa akong anak nilang babae kaya ako lagi ang natatalakan at pinaghihigpitan. Nakakainis na. Lima kaming magkakapatid, apat na lalake at ako ang bunso sa amin. Nasa Canada ang dalawang Kuya ko, sina Kuya Aldrich at Alden, kambal sila at sila ang panganay sa aming lima. Sila rin kasi ang kasalukuyang nakatutok sa negosyo ng pamilya namin doon. Ang Casanova Real Estate Corporation main branch. Sina Kuya Allen at Alfonso na sinundan ko ay nasa Cebu para i-manage ang bagong bukas naming hotel ang resort doon. Dinig ko pa ang pagbuntong-hininga ni Mommy at inayos ang comforter ko sa akin bago lumabas ng silid. ***** "What?! No way, Dad! Bakit naman ako papayag sa arrange marriage na 'yan?" Bulyaw ko sa harap ng mga magulang ko! Naluluha naman si Mommy habang naka-pokerface lang si Daddy na nakamata sa akin. "Hija, this is for your own good. Tiwala akong mapapangalagaan ka ng anak ng kumpañero ko. Matutunan mo rin siyang mahalin dahil alam kong mabait ang anak no'n." Ani Daddy. Napangitngit ako ng mga ngipin at sinamaan sila ng tingin. Sanay naman silang nagmamaldita ako sa tuwing hindi ko gusto ang mga ipapagawa nila sa akin! Pero ito ang pinakamalala! Sa edad na bente, ipapakasal na nila ako?! Gosh! Ang bata ko pa! At sa hindi ko pa kakilala. "No!" Pinal kong saad. Napahilamos naman si Daddy ng mga palad sa mukha at malalim na napabuntong-hininga. Tila nauubusan ng pasensiya sa akin pero hindi niya ako madadala. Hindi ako makakapayag na maitali ng ganto kaaga. No way. "Hija-" "I said no!" putol ko sa sasabihin pa nito. Marahas itong napatayo at sinamaan na rin ako ng tingin. Napalunok ako dahil iba na ang timpla ng mukha ni Daddy. Minsanan lang kasi ito makialam pero sinisigurong nasusunod ito ano man ang utos. "That's final. Whether you agree, or not. Prepare yourself for your upcoming engagement party, this weekend." Pinal nitong hayag at nag-walkout na ng mansion. Napaupo ako sa sofa at nag-alpasan ang mga luha ko. Kaagad namang lumapit si Mommy Diane at pinahid ang mga luha ko. Lumuluha din itong matamang nakatitig sa akin. "Mom." Kaagad ako nitong niyakap na lalo kong ikinahagulhol. Hinahaplos naman ako nito sa ulo at hinayaan lang umiyak sa bisig niya. "Please, Mom? Kausapin mo si Dad, ayoko pang mag-asawa." Pagsusumamo ko dito na ikinailing nito. Lalo akong napahagulhol sa kawalan ko ng kakampi. "You know your Dad, once he decide, hija. I'm sorry, but there's nothing I can do to changed his mind." Napalabi akong bumitaw dito at nagpahid ng mukha. Tumayo na ako at bagsak ang balikat na umakyat muli ng silid ko. Napa-upo ako sa harap ng salamin ko at pinagmasdan ang mukha. Mapait akong napangiti at muling tumulo ang mga luha ko. Wala pa akong stable na trabaho kaya nasa pangangalaga pa rin ako nila Mommy at mga credit card na nagmula sa kanila ang gamit ko. Hindi katulad ng mga Kuya kong may mga kanya-kanya ng kita. Paniguradong kapag magmamatigas ako kay Daddy ay ipapa-block niya ang mga card at atm ko para maipit ako! At 'yon ang 'di ko hahayaang mangyari! Napatitig ako sa mukha ko habang nag-iisip ng gagawin para makatakas ako. Kung maglalayas ako, saan naman ako pupunta ng 'di nila ako mahahanap? Paniguradong wala pang bente-kwarto oras ay nahanap na nila ako. At walang kawala sa pesteng engagement na 'yan! Napabuntong-hininga ako at pinaikot-ikot ang make-up brush ko sa daliri. Parang nagliwanag ang utak ko nang may sumagi sa utak ko para tuluyang makatakas sa engagement party na naghihintay sa akin. Napangisi ako sa loob-loob ko at napatangu-tango. Kaagad akong pumasok ng walk-in closet ko at naghalungkat ng ilang pares na damit na sinilid ko sa maliit na backpack ko. KABADO ako habang hinihintay maghating-gabi. 'Yon kasi ang oras na magpapalitan ang mga guard ng shift kaya madali akong makakapuslit ng mansion ng 'di nila napapansin. Puno ng camera ang bawat sulok ng mansion kaya sa veranda nitong kwarto ako madalas dumaan sa tuwing tumatakas ako ng mansion. Pinagpapawisan na ako ng malamig nang sa wakas nagsi pasukan na sa guardhouse ang mga naka-duty para magpalitan ng shift! Kaagad kong isinubit ang backpack ko at maingat na tumalon mula dito sa ikalawang palapag ng mansion sa ground kung saan walang nakatutok na camera. Napangisi na lang ako ng madali ko lang naiilagan ang mga camerang kabisadong-kabisado ko kung saan nakapwesto. Mabilis akong tumakbo palapit ng gate at pakubli-kubli sa matatayog na halaman ni Mommy. Nang makatiempo na akong palabas na ang ilang guard naming stayout ay maingat akong pumasok sa van nilang service at ikinubli ang sarili sa pinakalikod na bahagi ng van! Habol ang hininga ko nang isa-isa na silang nagsipasok dito sa van at may tatlong umupo sa kinakukublian ko! Halos mapisat ako sa ilalim nitong upuan nang maupo ang tatlong kay bibigat! Palibhasa mga borta ang pangangatawan ng mga kinukuha nila Daddy at Mommy! Panay ang buga ko ng hangin habang nasa byahe na kami. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta! Lalong hindi ko alam kung taga saan ang guard naming driver na siyang mag-uuwi nitong van! "Kaya mo 'to, Akhirah! Ngayon ka pa ba susuko?!" HALOS isang oras din akong napipisat dito sa ilalim ng upuan nang sa wakas bumaba na ang tatlong barako. Nakahinga ako ng maluwag at dahan-dahang lumipat sa upuan. Naliligo na ako ng pawis sa halo-halong emosyong nararamdaman! Tanging cash lang ang dala kong nasa 200 thousand na 'di ko alam kung hanggang saan aabot! Iniwan ko rin maging ang cellphone ko para 'di nila ako ma-trace! Binago ko rin ang itsura ko para 'di ako makilala. Halos hindi ko na nga makilala ang sarili sa ginawa kong pag-disguise na dinaig ko pa si Betty Lafea sa pagpapakapal ko sa mga kilay ko, pagsuot ng fakegums at paglalagay ng nunal sa baba ko! Maging pananamit ay binago ko, nakasuot din ako ng mala-dora hairstyle na wig at nakasuot ng bilugang reading glasses! Nagmukha tuloy akong isang Manang na dugyot sa transformation ko! Nerd na nerd ang datingan! Gosh! Never in my wildest dreams na sasapitin ko ito. Natatakot rin naman akong pag-interest-an o kaya'y ma-kidnap for ransom! Lalo na at kilala ako ng publiko. Halos magiba na ang ribcage ko sa lakas nang kabog ng puso ko! Panay ang lunok ko nang maramdamang nagpa-park na ang van! Nang maramdaman kong bumaba na si Kuyang at pumasok ng bahay ay maingat na akong bumaba. Panay ang buga ko ng hangin at mabilis tumakbo patawid ng kalsada! Nagpalinga-linga ako sa paligid kung saan ang exit ng subdivision na 'to. Halos wala ng tao sa paligid at tanging ilaw lang sa mga poste ang nagbibigay liwanag sa daan! Kabado akong napakapit ng mahigpit sa backpack ko. Kaliwa't kanan ang kabahayan ditong tila mga paupahan dahil iisa lang ang design at maliliit lang. Lalong lumukob ang matinding kaba sa dibdib ko ng maramdamang may nakasunod sa akin! Gustung-gustong ko nang kumaripas ng takbo dahil sa takot na lumulukob sa akin! Nang makita ko sa kabilang kanto na may mga nakabukas pang street vendor at may mga nakatambay pa rin naman ay mas nilakihan ko pa ang mga hakbang ko. Nakahinga ako ng maluwag nang lumiko ito ng gawi palayo sa daang tinatahak ko. Ngayon ko lang napansing tagaktak na pala ang pawis ko! Basang-basa na rin ang sando ko ng pawis dahil naka-hoddie jacket at tattered pants ako. "Saan po kayo, Manang?" Napanganga ako sa tanong ni Manong driver. Mapakla akong natawa sa isip-isip ko sa pagtawag nito sa akin ng. . . Manang?! Mga tao nga naman. . . nakabase sa itsura mo ang pakikitungo ng kaharap mo. Kung maganda ka ay napakagiliw ng mga kaharap mo at nagkukumahog makipag-usap sa'yo! Pero kung pangit ka? Pangit ka talaga. Wala silang pakialam sa'yo, at halos ipagtabuyan ka palayo sa kanila. Tsk! "Terminal." Ismid kong sagot. Nilingon naman ako nito sa rearview mirror at napapailing habang nagmamaneho na ikinataas ng kilay ko. "Saang terminal, Manang?" Nagtagis ang panga ko sa muling pagtawag nito sa akin ng Manang! "Just drive! Kahit saang terminal d'yan. Gosh!" iritadong sagot ko. Napapailing na lang itong mas binilisan pa ang pagmamaneho. Maya pa'y inihinto na nito ang taxi. Kaagad akong kumuha sa packbag ko ng isang libo at inabot dito. "Aati-attitude 'kala mo naman kagandahan." Bulong pa nito pagkababa ko ng taxi nito. Sa inis ko'y sinipa ko ang pinto nito pasara at nagmart'yang pumasok ng terminal. Sa sobrang inis ko'y 'di ko na tinignan kung saan patungo ang bus na sinakyan ko lalo't paalis na ito. Pinagtitinginan pa ako ng mga nadadaanan ko at halatang nandidiri silang makitabi ako! Tumungo ako sa pinakadulo kung saan walang nakapwesto at sumuksok sa gilid katapat ng bintana. Mariin akong napapikit at nakaramdam ng ginhawa. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta pero ang mahalaga ngayo'y, ligtas na akong bi-byahe kung saan man ako dalhin ng kapalaran. Napadilat ako ng maramdamang may naupo sa tabi ko. Lihim akong napangiti na maamoy ang manly perfume nito. Simple pero napakasarap sa ilong singhutin. Naka-hoddie jacket rin ito at sombrero kaya 'di ko makita sa peripheral vision ko kung gwapo ba ito. O pangit gaya ng disguise ko kaya sa akin nakitabi dahil iniiwasan din. Muli akong pumikit at niyakap ang backpack ko. "Bahala na bukas." NAGISING akong may mabigat na nakapatong sa balikat ko kaya napamulat ako at nagtititili! "Help! Help! You, pervert asshole! Get off me!" pagtitili ko at inihampas-hampas dito ang backpack ko na sinasalo naman nito! Nagulantang din namin ang mga kasama namin at nagsitayuang pinanood kami dito sa likurang bahagi ng bus! Tumayo naman ito at pabalang hinablot ang bag kong pinanghahampas ko sa kanya. Napalunok ako at napatameme ng matanggal ang sombrero nito at nasilayan ko ang mala-adonis nitong mukha. Kahit salubong ang mga kilay at galit ang mga matang matiim na tumitig sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa 'di ko maipaliwanag na dahilan! "Will you shut up? Nakaidlip lang ako at napasandal sa'yo, ano'ng pinagsasabi mong manyak ako? Sorry, Ms, huh? Pero. . . manghihipo na rin lang ako, sa'yo pa talaga?" pang-uuyam nito sabay suri ng tingin sa kabuoan ko! Nagpantig ang mga tainga ko sa pang-iinsulto nito kaya kaagad dumapo ang palad ko sa makinis nitong pisngi! Napatabingi ito at nagsinghapan naman ang mga kasamahan namin. Lumapit na rin ang konduktor at kaagad pumagitna sa amin nitong mala-adonis na nilalang pero napakasagwa ang tabas ng dila! "How dare you! Ikaw na 'tong mali, ikaw pa ang may ganang mang-uyam!" Singhal ko. Mahina naman itong natawa at napailing na lalong nagpainit ng ulo ko! "Ahm, mawalang galang na po, Ma'am, pero. . . baka pwedeng kumalma kayo kasi nakakagambala kayo sa iba pang pasahero." Ani ng konduktor sa mahinahong tono na umani ng tawanan sa buong bus! Nag-init ang mukha ko at napaiwas sa kanila ng tingin dahil naiiling pa ang mga itong obviously na ako pinagtatawanan. Padabog akong umupo at sinamaan ng tingin ang aroganteng ngising-ngisi sa akin! Bwisit siya! Muli rin namang umupo ito sa tabi ko nang iwanan na kami ni Manong konduktor. Napahinga na lamang ako ng malalim at niyakap muli ang backpack ko. Mariin akong napapikit ng masulyapang alaskwatro pa lang ng madaling araw. Ramdam ko naman ang matiim na pagtitig ng katabi kong nagpapailang sa akin. Kahit nagfo-focus akong muling makaidlip ay 'di ko na magawa sa init ng pagtitig nito! Nagdilat ako ng mga mata at nahuli nga itong nakatitig sa akin. Namilog pa ang mga mata nitong nag-iwas tingin. "Manyak ka talaga eh," pang-uuyam ko na ikinalingon nito. Nagpakurap-kurap pa itong tila hindi makapaniwala sa sinaad ko. Maya pa'y mahina itong natawa na lalo niyang ikinagwapo! s**t! Nangingislap ang mga mata nitong tumitig sa akin at mahina pang pumitik sa malaking round reading glasses ko! "In your dreams." Anito na ikina-init muli ng ulo ko. Pinaningkitan ko ito at pigil-pigil ang sariling makalmot ang makinis nitong mukha! "Don't look at me like that, lalo kang pumapangit." Dagdag pa nito kaya 'di ko na napigilan ang sariling binatukan ito. Natatawa naman itong napakamot sa batok at tila tuwang-tuwa na umuusok na ang mga butas ng ilong ko sa inis sa kanya! "Piece na tayo, malayo-layo pa ang byahe natin eh. Buti sana kung may malipatan pa ako." Anito sa mahaba-haba naming katahimikan. Napaismid na lamang ako na sinamaan ito ng tingin ng masulyapan kong nakangisi ng nakakaloko habang matiim ang mga matang nakatutok sa akin. "In your dreams too. Pisti ka sa buhay ko." Mahina at madiing singhal ko na ikinabungisngis nito. "Ang sungit, ha? Hmm. . . interesting," makahulugang bulong pa nito. Hindi na lamang ako kumibo pa at nababanas lang ako sa kayabangan ng isang ito. Gwapo sana eh. Pero ang lakas magpainit ng ulo. Kung may pamimilian lang ako eh lilipat ako ng upuan. Tumalikod ako sa gawi nito at humarap na lamang sa bintana. Mariin akong napapikit na makita dito sa salamin ng bintanang nakatutok pa rin sa akin ang paningin nito at sinusuri ang kabuoan ko sabay napapailing! Kakaiba ang ginagawad niyang tingin. Hindi ko naman mabasaan ito ng pangmamanyak o pandidiri sa itsura ko kundi. . . parang tuwang-tuwa pa siya sa nakikitang itsura kong napaka-nerd. "Bwisit na 'to, Ano ba'ng iniisip niya sa akin?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.6K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.6K
bc

His Obsession

read
92.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook