AKHIRAH:
KINABUKASAN ay nagsimula na akong magtrabaho bilang katulong dito sa mansion. Mas okay na ako dito dahil bukod sa hindi ako nakabilad sa araw? Walang mga bully dito. Lima lang kaming katulong ng mansion at ako ang pinakabata at wala pang asawa. Si Manang Lisa, ang pinakamatanda at para ng mayordoma ng mansion. Kasunod sina Manang Anita, Eden at Lorna na mga may asawa na rin.
Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi naman ako makaramdam ng negative vibes sa mga ito o kahit ang mandiri sa itsura ko.
"Steffi, sa may balkonahe ka. Ikaw na muna mag-mop ng sahig," ani Manang Eden na ikinangiti at tango ko.
"Opo, Manang."
Tumalikod na akong dinampot ang timba at mop bago nagtungo sa balkonahe nitong mansion. Napanguso akong pagod na tinignan ang lilinisin ko. Maluwag ang espasyo dito na may mga nakahilera pang sofa. Open area dito kaya naman nagliparan din ang mga tuyong dahon. Napahinga ako ng malalim at nagsimulang walisan ang sahig. Pasikat pa lang ang araw pero. . . pakiramdam ko'y pagod na ako kahit kasisimula ko pa lang ng trabaho ko. Ayoko namang ilipat na naman ako ni Rk kaya minabuti ko na lamang ang pagwawalis at pag-mop ng kahoy na sahig.
"Urrrhh! s**t!"
Nanigas ako ng may tila kumalampag sa sahig at ang pagdaing ng kung sino sa likuran ko! Dahan-dahan akong lumingon at namilog ang mga mata na makita si Rk na. . . nakahiga sa sahig!?
"Rk!?" bulalas ko na nanlalaki ang mga mata.
Natataranta naman akong kaagad itong tinakbo para daluhang makatayo.
"Oh ingat--"
"Aayyyy!!"
Napatili ako sa pagkakadulas ko sa basang-basang sahig at sumubsob sa. . . matigas niyang dibdib!? Mariin akong napapikit sa pagkakatama ng ilong at bibig ko sa dibdib nitong parang bato sa tigas! Nalasahan ko pa ang kalawang sa bibig ko senyales na dumugo ito! Taranta akong bumangon at napapangiwing inalalayan itong makatayong napasapo ng balakang. Mukhang masama nga ang pagbagsak nito!
"Anong ginagawa mo?"
Salubong ang mga kilay na tanong nitong napagala ng tingin sa kabuoan nitong balkonahe na kita ang disappointment sa mukha.
"Nagma-mop," mahinang sagot kong napapayuko.
"Mop? Steffi naman, pagma-mop ba ang tawag mo dito eh binaha mo na ang sahig. Masisira ang kahoy sa ginagawa mo," mahinahong saad nito na napapailing at hilot ng sentido.
"Sorry."
Napaangat ako ng tingin ng humawak ito sa baba ko na itiningala dito at sinalubong ang mga mata ko.
"Hindi ako galit. Sana hinintay mo ako para maituro ko sa'yo ng maayos," nakangiting saad nito.
Napalabi akong ikinatawa nito na mahina akong pinitik sa noong ikinabusangot ko.
"Akin na nga 'yan," anito na binawi ang mop sa akin.
Nilublub nito iyon sa timba at piniga ng maigi. Nakamata lang naman ako dito.
"Panoorin mo ako para makuha mo," anito na ikinatango ko lang kahit hindi ito nakatingin.
Matamang kong pinanood kung paano ito mag-mop hanggang sa halos makalahati na niya.
"Do'n pa oh," turo ko sa kabang side.
Napailing naman ito pero sinunod ding in-mop ang kabilang side nitong balkonahe na basang-basa pa rin.
Maya pa'y natigilan ito.
"Teke nga. . . namumuro ka na ah. Halika dito. Paano ka matututo kung hindi mo gagawin?"
Napatikom ako ng bibig na pigil-pigil ang sariling mapabungisngis. Saka lang kasi niya napansin na siya na ang nanglinis ng balkonahe kung kailan. . . patapos na ito.
Para akong nakukuryente nang maglapat ang balat namin. Nagtungo ito sa likod ko na pinahawakan ang gitna at dulo ng mop na nakahawak sa mga kamay ko. Bahagya pa akong pinayuko kaya para na niya akong niyakap mula sa likod! Napapalunok akong 'di mapigilang mag-init dahil kinikilig akong nakayakap ito sa akin!
"Diinan mo konti para may pwersa," bulong nitong ikinalingon ko.
Nanlaki ang mga mata namin pareho nang 'di sinasadyang sa paglingon ko ay dumaplis ang mga labi ko sa mga labi nito sa sobrang lapit nito sa mukha ko!
Para itong napapasong napabitaw at napaatras na natulala tulad ko. Sobrang bilis din ng kabog ng dibdib kong para akong pinatakbo ng milya-milya!
"Ahm! Kaya mo ng tapusin?"
Hindi ito makatingin na pinamumulaan. Tumango akong pilit ngumiti dahil naiilang na nahihiya na rin ako sa aksidente naming halikan! s**t! Kahit saglit lang iyon ay pakiramdam ko'y napakatagal!
Tumango-tango itong naupo ng couch at binuksan ang laptop at mga logbook niyang nasa lamesang kaharap kaya nagsimula na rin akong tinapos ang pagma-mop ng sahig.
NAPAPANGUSO ako habang nakamata dito. Kanina ko pa kasi natapos linisan ang balkonahe pero ayaw akong paalisin sa harap nito habang matamang nakatutok sa ginagawa.
"Kumain na muna tayo," anito.
Akmang tatayo na ako nang pigilan ako nito.
"Ako na. Magpapadala na lang ako dito. Masarap mag-agahan dito sa balkonahe kapag ganitong hindi pa mataas ang sikat ng araw," kindat nito na nangingiting tinalikuran ako at pumasok ng mansion.
Napasunod na lamang ako ng tingin dito na 'di namalayang. . . nakangiti na rin.
"Oh my gosh!!"
Napatayo ako ng humangin ng may kalakasan at nagsiliparan sa sahig ang mga papeles na pinipirmahan nito!! Taranta kong pinulot ang mga iyon na agad dinala sa lamesa at inayos sa dapat na folder.
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko na isa-isang inayos ang mga papeles na naaayon sa folder nito. Mabuti na lang at hindi na basa ang sahig kaya hindi nasira ang mga papeles na nilalagdaan ni Rk.
"Anong nangyari?" anito na malalaki ang hakbang na nilapitan ako.
"Naihangin eh," aniko na hindi na ito nilingon.
Lumapit naman ito na maingat inilapag ang mga pagkaing dala kasama si Manang na hindi ko na nilingon at abala sa pagsi-separate ng mga documents.
Maya pa'y umalis na rin si Manang. Sakto namang nai-ayos ko na ang mga papeles sa folder ng mga ito. Napapanguso itong isa-isang inusisa ang mga papeles na napakunotnoo.
"May problema ba? May nawawala?" kabadong tanong ko.
Napanguso itong humalukipkip at pinapakibot-kibot ang nguso na matamang akong tinitigan na ikinalunok ko dahil para niya akong binabasa sa lalim ng pagtitig nito.
"Nakapag-aral ka ba, Steffi?" tanong nito na nang-uusisa ang tono.
Kinabahan akong napaiwas ng tingin na napakapit sa laylayan ng damit ko.
"Ah. . . eh. . . a-ano-"
"Umamin ka nga. Paano mo naisaayos ang mga documents sa dapat nilang folders? Ang sabi mo nilipad ang mga ito so. . . nagtataka lang ako na ang isang katulad mo ay tila batikang-batika pagdating sa larangan ng. . . negosyo."
Lalo akong kinabahan at parang nalunok na ang dila ko sa muling sinaad nito. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling na madaling mabasa sa mga mata ko.
"Kasi kung kaya mong magbasa at makaunawa ng mga papeles, magiging PA na lang kita. Wala ka namang ibang alam na gawain. Mukhang dito kita mapapakinabangan," anito sa matagal-tagal naming katahimikan.
Pilit akong ngumiti na makitang maaliwalas na ang gwapong mukha nito at hindi na rin salubong ang mga kilay.
"PA? Kung ganon lagi akong--"
"Lagi kang nasa tabi ko. Kahit saan ako magpunta," putol nito na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.
"Kumain na nga tayo. Ililibot kita sa mga planta natin dito para na rin makabisa mo ang buong farm."
"Pero--"
"Ayaw mo? Sige malaya ka--"
"Gusto!" mabilis kong sagot.
Napahalakhak pa itong napailing na umupo na at naglahad ng kamay na tinuturong maupo na rin ako kaharap ito at sabayang kumain.
Napabusangot akong sumunod ditong sinabayan siyang mag-agahan. Pangiti-ngiti naman itong sarap na sarap kumain. Napakagana niya at walang kaarte-arte. Nagkakamay kasi ito. Napakasimple niyang kumilos. Ibang-iba sa mga nakaka-date ko na sa syudad na mga mayayaman ding binata. Ang kaibahan lang kay Raiden ay ang simple nito. Sa kilos, sa pananalita, sa pananamit. Hindi siya arogante at abusadong amo. Kung hindi lang siya magandang lalake ay mapagkakamalhan mong isa lang siyang farmer dito sa farm. Dahil napakasimple niyang tao sa lahat ng aspeto.
"Ang kalat mong kumain," puna nito.
Makalat talaga ako dahil sinasabayan ko kasi itong nagkakamay. Parang hindi naman kasi bagay na gumagamit ako ng kubyertos habang ang boss ko ay nagkakamay lang. Hindi ako marunong magkamay kaya napapasunod na lamang ako kung paano ito magkamay.
"Sorry," aniko.
"You know what. . . ? Malapit na akong magduda sa katauhan mo. Una ay wala kang kaalam-alam sa anumang gawain. Sa farm man o dito sa bahay. Kahit ang magkamay ay hindi mo alam. Pero matalino ka naman sa kabila ng itsura mo." Saad nito na ikinatigil ko.
Nanunuri kasi ang mga mata nito kaya hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Napatikhim akong uminom ng orange juice ko at nagpunas ng mga labi.
"Uhm. . . nag-aral naman kasi ako. Saka. . . kung mayaman ako? Eh 'di sana pinaganda ko na ang itsura ko para hindi kinukutya ng mga taong mapanghusga," alibi ko.
Piping nagpapasalamat na nakaisip kaagad ako ng maisasagot dito. Napanguso naman ito na tumango-tango. Tila napaniwala ko na lihim kong ikinahinga ng maluwag.
"May punto ka naman d'yan, Steffi. Tama ka. Madalas kasi. . . ang mga tao ay bumabase sa panlabas na itsura. Hindi na natin maiiwasang. . . maraming judgemental na tao sa paligid." Pagsang-ayon nito na napainom na rin ng juice nito.
"Are you done?"
"Oo."
"Good. Maligo ka na doon at magbihis. Ililibot kita sa farm," saad nitong ikinatango at tayo ko.
"Paano ang mga 'to?" aniko na naituro ang mga pinagkainan namin.
"Hwag mo ng alalahanin ang mga 'yan. Magpaganda ka na doon, sweetheart." Kindat nito na napapangisi.
Napairap ako dito na kaagad tumalikod para ikubli ang ngiti ko. Napabungisngis naman ito at dama ko ang mga mata nitong nakasunod ng tingin sa likuran ko. Malalaki ang hakbang ko na pumasok ng bahay at nagtungo ng silid ko para makaligo na rin. Siguro naman kaya kong gampanan ang pagiging. . . personal assistant dito.