Chapter 10 Don't Remember

2500 Words
MRS DI CAPRIO: PALAKAD-LAKAD ako dito sa veranda ng mansion. Ilang linggo na rin magmula noong tumakas si Akhirah dahil sa engagement nito. Mabuti na lang at natunton din namin kung nasaan ito kaya hinayaan na muna namin siya sa Bicol. Kung saan ang Buenaventura farm na pag-aari mismo ng mapapangasawa nito. Walang kaalam-alam si Akhirah na si Raiden na amo nito doon ang mapapangasawa nitong tinakasan nito. Hinahayaan na muna namin siya doon para magkakilanlan sila ni Raiden. Mabait naman ang batang 'yon kaya kampante na akong ipaubaya sa kanya ang kapakanan ng anak ko. Alam kong. . . hindi magdudusa ang dalaga ko sa kamay nito. Napasinghap ako na yumapos mula sa likuran ko ang asawa ko. Mahigpit ako nitong niyakap na sumubsob sa balikat ko. Napayakap naman ako sa braso nitong nakapulupot sa dibdib ko. "Dionne, namimis ko na ang dalaga natin," maktol ko. Napahinga ito ng malalim na mas niyakap ako. "Namimis ko rin naman ang Akhirah natin, honey. Pero hayaan na muna natin ang mga bata. Para magkakilanlan na rin sila. At hindi na natin kailangang pilitin ang dalaga nating pakasalan si Raiden," saad nito. Napabuntong hininga na lamang ako na nakabusangot. Hindi kasi ako sanay na nailalayo si Akhirah sa amin. Sa kanilang limang anak ko ay kay Akhirah ako pinakamalapit. Nag-iisa siyang dalaga ko at bunso pa. Kaya naman siya ang pinakatinututukan ko. Palaging binabakuran at natatalakan dahil likas na pilya ito at may katigasan ang ulo. "Ang bata pa ng Akhirah natin, Dionne. Tingin mo ba, makakabuti sa kanya na ipakasal na sila?" nag-aalalang saad ko sa mahaba-haba naming katahimikan. "Maigi ng ipakasal natin siya kay Raiden, honey. Kita mo naman kung gaano katigas ang ulo ng anak mo. Ayokong mapunta ito sa iba. Sa anak ni Kieth ay nakakatiyak akong hindi magdudusa ang anak natin," sagot nito na ikinahinga ko ng malalim. "Sana nga, Dionne. Sana nga." MAGKAYAKAP kaming mag-asawa na pumasok ng silid. Malalim na ang gabi pero heto at hindi ako dalawin ng antok. Nag-aalala ako na hindi ko malaman kung para saan? O para kanino? Basta nasasabik na lamang ako bigla. . . sa dalaga ko. Si Akhirah. "Magpahinga ka na rin, honey. Malalim na ang gabi," anito na nahiga ng kama. "Mauna ka na. Mamaya na ako," sagot ko na napahalik dito. Pilit itong ngumiti na hinagkan ako sa noo bago umayos ng higa. "Goodnight, honey." "Goodnight, hon." Humiga na rin ako ng kama paharap sa asawa kong ngayo'y nahihimbing na. Panay ang pagbuntong hininga ko ng malalim. Hindi kasi ako mapakali na parang may masamang nangyari. Maya pa'y nag-ring ang telepono sa bedside table na ikinabangon ko at sinagot ang caller. "Di Caprio's resident, hello?" pormal kong pagsagot. "Diane, ikaw ba 'yan?" ani ng baritonong boses. Bakas sa tono nito ang pagkataranta at takot na sunod-sunod kong ikinalunok. "Uhm, yeah. Keith, napatawag ka? Nakatulog na si Dionne eh. May kailangan ka ba?" tanong ko na makilala ang boses nito. "Balae, hwag kang mabibigla, ha? Pero kasi. . . pero kasi may nangyari kay. . . kay Akhirah eh." Dinig kong saad nito. Parang bombang sumabog iyon sa dibdib ko na ikinagising ng dugo ko sa narinig dito! "What!?" Napatayo akong napatampal ng noo sa narinig sa kabilang linya! Parang umiikot ang paligid ko sa mga oras na ito at paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko ang sinaad nito. "Paanong nangyaring nag-aagaw buhay ang anak ko!?" bulyaw ko sa kumpare ng asawa kong si Keith Buenaventura. Kaninang umaga lang ay tumawag itong hwag na kaming mag-alala dahil nasa Bicol lang pala ang anak naming naglayas at nasa pangangalaga ng unico hijo nitong siya ring mapapangasawa ng bunso ko. Pero ngayon. . . ano ito? Paanong nag-aagaw buhay na ang Akhirah ko!? "I'm sorry, balae. Napaengkwentro sila ng anak ko," anito sa mababang tono. Nanghihina akong napaupo ng kama at masaganang tumulo ang luha ko. Hindi ko na napigilan ang sariling napahagulhol at pinaghahawi ang mga nasa lamesa ko! Pinagbabasag ko rin lahat ng mga nadadampot kong gamit! Naalimpungatan naman si Dionne na nahihimbing at naalarma itong lumapit. "Honey!" "Urrggh!! AKHIRAAAAH!" Nanghihina akong napasalampak sa sahig sa kaalamang nasa peligroso ang anak ko na wala manlang akong nagawa. Kung hindi dahil sa pesteng arrange marriage na pinagkasunduan ni Keith at Dionne ay hindi aalis ng mansion ang anak ko. "Honey." "Fvck you!" singhal ko dito. Napatanga naman ito na nagtatanong ang mga matang napatitig sa akin. "Damn you, Dionne! Kung hindi ka nagdesisyon na ipakasal ang Akhirah natin? Nandidito pa sana siya at buhay na buhay! 'Di na baleng kay tigas ng ulo niya, ang mahalaga ay ligtas ang anak ko!" nanggagalaiting bulyaw ko dito na lumambot ang itsura. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Panay ang tulo ng luha ko at bawat segundong lumilipas ay parang sinasaksak ang puso ko sa kaisipang mag-isang lumalaban ngayon si Akhirah sa bingit ng kamatayan! "I'm sorry." "Sorry!? Dionne, ng dahil sa kasunduan niyo ng kaibigan mo, nanganganib ngayon ang bunso natin! Sorry?! Bakit maibabalik ba ng sorry mo ang mga nangyari, huh!? I warned you, hwag mong pangunahan ang anak mo sa mga desisyon niya sa buhay. Kita mo na ang resulta, huh? Kung sana nakinig ka sa amin ng anak mo, maayos sana siya ngayon!" bulyaw at paninisi ko dito kahit bakas sa mukha nito ang labis-labis na pagsisisi at pag-aalala para sa bunso namin. "Ipagdasal mong makakaligtas ang anak ko, Dionne. Mark my words. Oras na mawalan ako ng anak dahil sa'yo? Mawawalan ka rin ng asawa!" madiing banta kong nagpatiuna nang lumabas ng silid at nagtungo ng rooftop. Sumunod naman ito dahil palapag na ang chopper na sundo namin papuntang Bicol. TAHIMIK akong nakahalukipkip habang nasa ere lulan ng chopper katabi ang asawa ko. Panay ang buntong-hininga nito na napapahilamos ng palad sa mukha at napapahilot ng sentido pero hindi ko iniimikan. Nababagalan ako sa lipad ng chopper. Pakiramdam ko'y anumang oras ay mawawala na ang anak ko sa akin. At isa lang ang sigurado ako. Hindi ko 'yon kakayanin. "Hold on, sweetie. Parating na ang Mommy. Parating na ako, anak." Piping usal ko na nangingilid ang luha. Ilang minuto pa at sa wakas ay nakarating na rin kami ng Bicol kung saan naka-admit ang anak ko sa isang pampublikong hospital. Patakbo kong tinungo ang elevator pagkalapag pa lang ng chopper sa rooftop ng hospital kung saan dinala ang anak ko kasunod ng asawa ko. Abot langit ang kaba ko at piping nagdarasal na sana may milagrong mangyari ngayong araw. At 'yon ang maging stable ang sitwasyon ni Akhirah. Naabutan namin ang ilang kalalakihan sa labas ng icu kung saan naroon ang anak ko. Napapayuko ang mga ito na mabungaran kami ni Dionne. "Pare." Salubong sa amin ng kaibigan nitong si Keith na hindi ko pinansin at ang asawa ko ang nakipagkamayan. Tumuloy ako sa glass window kung saan tanaw mula dito sa labas ang anak kong. . . puno ng aparato sa katawan. May puting telang nakabenda sa ulo na may bahid pa ng dugo. Naka-oxygen at may tubo sa bibig. Kabilaan din ang dextrose at kasalukuyang sinasalinan ito ng dugo. Napakuyom ako ng kamao na nagngingitngit ang mga ngipin. Natahimik naman ang mga lalake na ramdam kong nakatutok sa akin ang paningin. "I wanna go in." "Pero, Ma'am--" Napatikom ng bibig ang nurse na kalalabas lang sa akmang pagpasok at pinigilan ako. "Anak ko ang nasa loob. Tumabi ka. Baka gusto mong pasabugin ko ang buong hospital niyo," mahina at madiing asik kong ikinamutla nito at napayuko. Sinamaan ko ito ng tingin at pumasok na ng icu. Naramdaman ko naman ang pagsunod ng asawa ko. Nangangatog ang mga tuhod kong dahan-dahang naglakad palapit sa anak kong nakaratay. Panay ang tulo ng luha ko habang nakamata dito. Para akong sinasaksak sa nakikita ngayong kalagayan nito. "A-Akhirah, hija. . . Mom's here. . . wake-up, sweetie," pagkausap ko na pumipiyok ang boses habang maingat na gagap ang kamay nitong may suero ng liquid. Mariin akong humalik sa palad nito at napahagulhol. Naramdaman ko naman si Dionne na nasa likuran ko at napapahikbi na rin habang nakahawak sa magkabilaang balikat ko. "C'mon, sweetie. Hwag mo na akong paiyakin. Lumaban ka, anak ko. Hindi kakayanin ni Mommy na mawala ka. H-Hindi ko kaya, anak," humahagulhol kong pagkausap dito. "H-Hija. . . I'm so sorry. I didn't know this will happen," basag ang boses na pagkausap ng asawa ko dito na nagtungo sa tabi ng anak at marahang hinaplos sa pisngi. Yumugyog ang balikat nito na nanghihinang napaluhod at maingat niyakap ang anak namin. Hindi ko na rin napigilang napahagulhol na nakasubsob sa palad ng anak namin. "Wake-up, anak. I promise, hindi ko na ipagpipilitan ang pagpapakasal sa'yo kay Raiden. Basta gumising ka lang, sweetie. Hindi na ulit kita. . . pakikialaman." Mapait akong napangiti sa narinig. Kailangan pa bang may mangyari sa anak namin bago siya makinig? Kung sana hindi niya pinilit ang anak kong ipakasal sa hindi nito gusto? Wala sana ngayon dito sa icu ang anak ko. Maayos sana siya ngayon. Kasama namin. INILIPAT namin si Akhirah sa Manila kung saan ang hospital ng mga Casanova. Sumama rin dito ang binatang anak ni Keith na si Raiden. Hindi ko ito iniimikan. Kita ko namang nagu-guilty din siya sa nangyari. Dapat lang. Dahil siya ang kasa-kasama ng anak ko nang mabagok ang ulo nito sa bato. Kung hindi nito ginawang alalay ang anak ko? Hindi sana ito nadamay sa personal nitong mga kalaban. Isa siya sa mga dahilan kaya nakaratay pa rin hanggang ngayon si Akhirah. Paano ko pa ipagkakatiwala ang dalaga ko sa kanya kung hindi manlang nito kayang protektahan ang anak ko? RAIDEN: ILANG linggo ang lumipas at bumuti na ang lagay ni Akhirah. Nailipat na rin namin siya ng recovery room at hinihintay na magkamalay ito. Abot langit ang pagdarasal naming sana walang maging problema sa paggising nito. Hindi ko yata kakayanin kapag. . .may ibang epekto ang pagkakabagok ng ulo nito dahil sa akin. Hindi rin ako iniimikan ng ina nito. Si Ma'am Diane Di Caprio. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman nito kung hindi ako gusto para sa anak at sinisisi ako sa nangyari dito. Pasalamat na lang akong hindi ako nito tinataboy. Maayos naman kami ni Tito Dionne na asawa nito at malaking bagay sa akin na hindi ako nito sinisisi. "Sweetheart, how are you? Hindi ka pa ba nangangawit? Ilang linggo ka ng tulog. Gumising ka na, please?" mahinang pagkausap ko dito habang hinahaplos sa pisngi. Gabi na at ang isang Kuya nito ang kasama ko ngayong naiwan dito sa hospital para magbantay kay Akhirah. Nakagaanan ko rin ng loob ang apat nitong Kuya at laking pasasalamat kong. . . hindi nila ako sinisisi sa nangyari sa kapatid nila. "Gumising ka na, please? Namimis na kita." Tumulo ang luha kong mapait na napangiti. Mariin akong humalik sa pisngi nito at nanatili sa ganoong posisyon. Napadilat ako ng maramdaman ang paggalaw ng hinliliit nito dahil pinag-intertwined ko ang mga daliri namin. Napapalunok akong napatitig sa kamay naming magkahawak. Pigil-pigil ang hininga at walang kakurap-kurap akong nakamata doon ng. . . muli itong gumalaw! "Allen!? Allen?!" Pagtawag ko sa Kuya nitong nahihimbing sa kabilang kama nitong silid. Napabalikwas naman itong pupungas-pungas na lumapit sa gawi ko. "Raiden, bakit?" anito na napakusot-kusot ng mga mata. "G-Gumalaw ang daliri niya." Nanlaki ang mga mata nitong napatitig sa kamay namin ni Akhirah. "I'll call the doctor!" bulalas nito na makitang mahinang gumalaw muli ang daliri ng kapatid. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na panay ang tulo ng luha! "Thanks, God! Sweetheart, gumising ka na, ha? Nandidito lang kami na handang alagaan ka," humihikbing pagkausap ko dito. Maya pa'y nagdatingan na ang mga personal doctor at nurse na umaasikaso kay Akhirah kasama si Allen. Tumayo ako para bigyan sila ng espasyo na masuri ito. Magkatabi kami ni Allen na katulad ko'y bakas ang tuwa at kasabikang nagigising na ito. "Hmmm," mahinang ungol nito na ikinasinghap namin. "I'll just call Mom, bro!" tapik nito sa masiglang tono na tinanguhan ko at kay Akhirah pa rin nakamata. Lumayo ito saglit na may tinawagan. Parang matutunaw ang puso ko nang dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Akhirah habang sinusuri ng mga doctor. Napangiti akong panay ang pahid ng luha sa labis-labis na tuwang nararamdaman ko ngayong. . . gising na ito. SABAY-SABAY na dumating ang pamilya nitong humahangos at mga nakapantulog pa! Marahil dala ng kasabikan at taranta kaya hindi na sila nag-atubiling magbihis. "How's my daughter, Doc!?" baling ni Ma'am Diane sa mga doctor. Hinihingal pa itong patakbong lumapit sa anak na malamlam ang mga matang pilit dinidilat. Palipat-lipat ng tingin sa aming lahat. "She's awake now, Ma'am Di," nakangiting saad ng isang doctor. "Thanks, God. Anak, how are you? How do you feel?" malambing baling nito kay Akhirah na bahagyang ngumiti. Nagsilapit na rin ang tatlo pang Kuya nito at si Tito Dionne na naluluhang nakatitig dito. "I-Im f-fine, Mom," mahinang sagot nitong ikinangiti namin na tumulo ang luha. Nakahinga kami ng maluwag na maayos na ito. Tipid ang ngiti nito na kitang nanghihina pa siya. "Ms Akhirah, do you remember what happened to you?" Natahimik kami sa tanong ng isang doctor nitong sumuri dito. Napapilig pa ito ng bahagya at napahawak sa ulong may benda pa rin. Bakas sa magandang mukha nito na napapaisip sa mga nangyari. Napalunok ako. Bigla akong nilukob ng 'di maipaliwanag na takot at kaba! Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at pigil-pigil ang hininga na hinihintay ang sagot nito. "A-Ano nga bang nangyari? The last thing I remembered was. . . nasa Bar ako kasama sila Andrei, Khiro at Khiranz. . . naaksidente ba ako?" mahina pero malinaw nitong saad. "W-What do you mean, hija?" nauutal na tanong ng ina nito. Matamang lang kaming nakamata dito habang ako'y parang pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig. "It's Andrei's birthday, kaya kami lumabas at sa Bar nila tumambay pero. . hindi ba't kasama ko si Khiro? Wait. . . where is he? Is he okay? But. . . I didn't remembered na naaksidente kami?" naguguluhang bulalas nito na nakahawak pa sa ulo. Nagkatinginan kaming lahat. Napailing naman sa amin ang mga doctor nito. Dahan-dahang naupo si Akhirah na inalalayan ng nurse dahil natutulala na kami sa nahihinulaang. . . nangyari dito. Napasapo ito sa ulo na mariing napapikit. Para akong sinasaksak sa mga oras na 'to. Nangangatog ang mga tuhod ko sa mga nangyayari. Nagising nga siya pero. . . bakit ganito? "Ms Akhirah, natatandaan mo ba ang lahat ng nandidito ngayon?" muling tanong ng doctor sa mahinahong tono. Napaangat ito ng mukha na isa-isa kaming tinignan ng pamilya nito na nakangiti. Pero unti-unting napalis ang magandang ngiti nito ng mapatingin sa akin. Mahigpit akong napakuyom ng kamao. Nangunotnoo itong bakas sa mga mata ang katanungan. Napapilig ito ng ulo na bahagyang ngumiting bumaling sa mga doctor na kaharap at tumango-tango. "Yeah. . . of course, I remembered my family, doc. Except. . . him," anito sabay turo. . . sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD