Chapter 11 Amnesia

1722 Words
RAIDEN: NANIGAS ako sa sinaad nito. Kahit inaasahan ko na ay parang isang hollowblock na humampas sa mukha ko ang katagang narinig mula dito. Except him. Burado ako. . . sa memorya nito. Pagak akong natawa sa isip-isip habang nakamata sa nagtatayugang building na kaharap ng hospital ng mga Casanova. Nandidito ako ngayon sa rooftop dahil pakiramdam ko'y napakasikip ng silid para sa akin lalo na't. . . masayang-masaya ang buong pamilya nitong tuluyan ng nakaligtas sa peligro Akhirah. Kaso burado ang previous memories nito ng ilang buwan. At kabilang ako sa mga hindi nito natatandaan. Ang sabi ng mga doctor nito ay walang gamot ang temporary amnesia. Kusa daw 'yon babalik sa memorya nito. Hindi rin nila masabi kung ilang araw, linggo, buwan o baka abutin pa ng taon bago bumalik ang mga nawala sa ala-ala nito. "Why life is unfair?" matabang kong saad na nakamata sa mga kumpulan ng bituin sa kalangitan. Namumuo na naman ang luha ko na mahigpit kong tinututulan. Pero kahit anong pigil ko ay tumutulo ang mga ito. Gustuhin ko mang maging masaya dahil ligtas na si Akhirah pero. . . bakit ang hirap-hirap namang gawin. Kahit pekehin ko ang ngiti ko ay alam kong hindi maitago ng mga mata ko ang lungkot na nadarama ko. "Bro." Nagpahid ako ng luha na marinig ang boses ng Kuya nito at ang mga yabag nilang papalapit. Napapahinga ng malalim ang mga itong tumukod sa railings at tumanaw sa paligid tulad ko. "How are you?" ani Aldrich. Ang isa sa kambal na panganay na Kuya ni Akhirah. Napailing akong muling tumulo ang luha. "Masaya na malungkot, Kuya," pagtatapat ko. Totoo naman kasi. Masaya akong nagising at ligtas na siya pero. . . nalulungkot din ako. Nalulungkot na hindi na niya ako naaalala pa. "It's just temporary, Raiden. Magpakilala ka ulit sa kanya. Hindi naman. . . mahirap lapitan ang kapatid namin. Tutulungan ka naming muling makipaglapit kay Steffi," saad ni Alden na kakambal ni Aldrich. Pilit akong ngumiti na umiling. Matamang namang nakatitig ang mga ito sa akin na bakas ang awa, lungkot at simpatya sa kanilang mga mata. "Hwag na, Kuya. Salamat na lang. Babalik na rin naman ako ng Bicol. Ilang linggo na rin kasi ako dito. Paniguradong tambak na ang trabaho ko sa farm," pagtanggi ko na pinasigla ang tono. Kahit ang totoo ay labag 'yon sa loob ko. Pero anong magagawa ko? Lalo lang akong nasasaktan na harapin ang katotohanan dito. Ang katotohanang. . . hindi na ako maalala ng mahal ko. "Okay. But just incase you change your mind, bro. Tawagan mo lang kami. Alam mo namang gusto ka namin para sa bunso namin, hindi ba?" masiglang saad ni Alfonso na tinapik ako sa balikat. Ngumiti akong nakipagtapikan din ng balikat sa mga ito na nanlalamlam ang mga matang tumitig sa akin. Kita doon ang lungkot at awa na ikinaawa ko lalo sa sarili. TULOG na si Akhirah pagbalik namin ng silid. Katabi nito sa kama ang ina na nakayakap dito habang hinahaplos sa ulo ang anak na nakasubsob sa dibdib nito. Pilit akong ngumiti na lumapit kay Tito para makapagpaalam na. "Ahm. Mauuna na rin po ako, Tito. Gising naman na siya," mahinang saad ko dahil nakapikit na rin ang asawa nitong kayakap si Akhirah. Napahinga ito ng malalim na tinapik ako sa balikat. Kita ang lungkot at awa sa kanyang mga mata. "Sigurado ka na ba, hijo? Ayaw mo bang hintaying magising siya at magpaalam sa kanya?" anito. Ngumiti akong umiling na muling sinulyapan ang mahal ko. Nahihimbing sa bisig ng kanyang ina. "Hwag na ho, Tito. Kailangan ko na rin kasing bumalik ng Bicol." Tumango-tango itong inakbayan akong sinamahan sa labas at inihatid sa parking lot nitong hospital. "Tumawag ka lang kapag nagbago ang isip mo, Raiden. Hwag kang matakot magpakilala kay Akhirah. Kilala ko ang anak ko. Matigas lang ang ulo no'n pero hindi naman siya suplada," saad nito pagdating namin ng parking lot. "Salamat po, Tito. Siguro po. Sa tamang panahon ay maglalakas loob po akong magpakilala kay Akhirah. Hindi niyo naman po siya ipapaasawa sa iba, 'di ba?" nahihiya kong saad na napakamot sa ulo. Natawa naman itong napailing na tinapik ako sa balikat. "Hwag kang mag-alala, hijo. Ikaw lang ang gusto kong maging asawa ng dalaga ko. Iingatan at aalagaan ko siya habang hindi ka niya naaalala. Kapag bumalik naman na ang memorya ni Akhirah ay tiyak akong hahanapin ka niya," sagot nitong ikinangiti kong nangilid ang luha. "Salamat po, Tito. Sige ho, mauuna na ako," naluluhang pamamaalam ko. "Mag-iingat ka sa byahe mo, Raiden. Alam mo namang para na rin kitang tunay na anak." Ngumiti akong tumango na tinapik ito sa balikat. Nagpaalam na rin naman ito na bumalik na sa silid ni Akhirah. Napakaway na lamang ako dito na inihatid ko ng tinging pumasok ng elevator. Pilit akong ngumiti dito bago magsarado ang elevator. Sumakay na rin ako sa kanilang kotse na nagpahatid sa driver nila sa terminal ng bus. Napasandal akong mariing napapikit kasabay ng pagtulo ng luha kong hinayaan ko lang. Ang bigat sa dibdib na sa gantong paraan kami magkakahiwalay. Pero anong magagawa ko? Nahihiya naman akong ipagsiksikan ang sarili sa kanya lalo na't ramdam kong. . . hindi ako gusto ng kanyang ina. Ni minsan nga ay hindi niya ako inimikan sa ilang linggo ko dito sa syudad para makipagbantay kay Akhirah. Hindi niya nga ako tinataboy pero damang-dama ko na ayaw nito sa akin. At hindi ko naman siya masisisi kung galit siya sa akin na napahamak ang anak nito. Dahil kahit ako ay galit sa sarili ko at sinisisi sa nangyaring pagkalagay ng buhay ni Akhirah sa peligro. "Paalam. . . mahal ko," piping usal ko na mapasulyap muli sa malaking hospital ng mga Casanova habang papalayo na ang kotseng sinasakyan ko. PAGOD, inaantok at gutom na ako pero wala akong kagana-gana. Pagdating namin ng terminal ay nagpaalam na ako sa driver nila Tito Dionne. Sumakay na ako ng bus at nagtungo sa pinakadulong bahagi. Napangiti pa ako na maalala ang unang tagpo namin ni Akhirah noon sa pampasaherong bus. Kung paano niya ako tinalakan noon na pinaghahampas pa ng kanyang bag at inakusahang manyak dahil lang nakaidlip ako noon sa balikat nito ng 'di ko namalayan. Naupo akong pumikit na iidlip na lamang ang mga halo-halong nararamdaman ko. Wala naman kasi akong karapatang magreklamo. Una sa lahat ay hindi kami legal ni Akhirah. Ni hindi nga niya ako boyfriend at hindi niya alam na ako ang ipapakasal sana sa kanya na tinatakasan niya. At ngayon nama'y nawala na ako sa ala-ala niya. Paano pa ako lulugar sa puso niya? Ni hindi ko nga sigurado kung. . . may pagtingin din ba siya sa akin? "Babalikan kita, sweetheart. Sana ay mahintay mo pa ako. Sana sa susunod na magkita tayo ay naaalala mo na ako. At sana. . . sana ay pareho tayo ng nadarama. Mahal na kita, mahal na mahal na kita. . . my ugly duckling," piping usal ko na tumulo ang luha. MATAAS na ang sikat ng araw nang magising ako sa pagtapik sa balikat ko ng konduktor ng bus. Nakarating na pala kami ng terminal nila dito sa Bicol na hindi ko namamalayan sa sarap ng tulog ko. Ilang linggo din kasing wala akong masyadong tulog sa gabi-gabing pagbabantay ko kay Akhirah na umaasang magigising na ito. Napahilamos ako ng palad sa mukha at inayos ang sabog-sabog kong buhok bago tumayo at bumaba na rin ng bus. Kahit paano'y nakahinga ako ng maluwag na malanghap ang sariwang hangin ng probinsya namin. "Kuya!" Napangiti akong lumapit sa kinaroroonan ni Dale sa kabilang gilid nitong kalsada na nakasandal sa wrangler jeep na dala nito at kumakaway sa akin. "Kumusta sa farm?" aniko nang makasakay na kami at ito ang nagmaneho. Napailing itong ikinakunotnoo ko na nagtatanong ang mga mata. Napahinga ito ng malalim na sa daan nakamata. "Nasa farm nga pala ang mga Tita mo, Kuya," matamlay nitong saad. Napalunok ako na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib. Ang mga Tita kong binabanggit nito ay kapatid sa labas ng Mama ko. Una pa lang ay hindi ko na gusto ang prehens'ya ng mga ito lalo na si Tita Madeline na parang pakitang tao lang ang pinapakitang kabaitan sa mga magulang ko lalo, na kay Mama. "Bakit?" Napabuga ito ng hangin na napailing. Kitang maging ito ay hindi masaya na nandoon ang mga Tita ko. Kahit naman ako. Hindi naman sa pagiging mapanghusga pero. . . malakas kasi ang kutob ko. Na hindi sila mapagkakatiwaang tao. "Doon muna daw sila. Hinatid ni Tita Raquel, ilang linggo na rin ang nakakalipas. Hindi ka namin matawagan kaya hindi ko maipaalam sa'yo," anito. Napatampal ako ng noo na nanghihinang sumandal na lamang. "Hindi naman sila gumagawa ng gulo?" tanong ko sa mahaba-haba naming katahimikan. Umiling ito na ikinahinga ko ng malalim. "Paano sila makakagawa ng gulo? Nasa mansion din naman sina Tita Raquel at Tito Keith kaya para silang mga maamong kuting. Masama talaga ang instinct ko kay Tita Madeline. Alam mo 'yon? Para siyang may ibang katauhan sa kabila ng mga ngiti niya. Mas lalo naman si Tita Monica na napakaseryoso lagi ang mukha kahit napakalapad na ng ngiting ginagawad mo sa kanya," bulalas nito. Napailing akong mahinang natawa sa sinaad nito. Totoo naman kasing iba ang aura ng dalawang Tita kong 'yon na half sister ni Mama. "Ang mahalaga naman ay hindi sila gumagawa ng gulo, Dale. Subukan lang nila. Ako mismo ang magpapalayas sa kanila sa teritoryo ko." "Hihintayin mo pa bang manggulo sila, Kuya? Paalisin mo na kaya sila," natatawang saad nito na binatukan ko. Napahalakhak naman itong napakamot sa ulo na naiiling. "Mga Tita ko pa rin naman sila. Ikaw talaga. Mag-drive ka na nga lang." "Haist. Basta, ayoko sa mga Tita mo, Kuya. Hindi nga ako makagala sa bahay dahil nag-aalala akong makasalubong ko sila. Si Tita Madeline ay matamis kung ngumiti. Si Tita Monica naman ay naka-pokerface lagi. Alam mo 'yun? 'Yong hindi mo alam kung paano sila pakikitunguhan dahil dama mong may kakaiba sa aura nila. Nakakakilabot. Ah, basta!" bulalas pa nitong ikinabungisngis kong nabatukan ito. "Ikaw talaga. Pakitunguhan na lang natin sila, Dale. Kahit naman dama nating may kakaiba sa kanila ay mas matanda pa rin sila ng 'di hamak sa atin." "Sige, sabi mo eh. Basta, wala akong tiwala sa kanila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD