Chapter 9 Critical

1523 Words
RAIDEN: NANGANGATAL ang kamay kong hinapit ito sa baywang na makitang sa ulo ito dumudugo! Mabuti na lang at hindi na nila kami sinundan dito sa baba ng mga huma-hunting sa amin. Kabado akong inihiga ito dito sa may batuhan at agad hinubad ang suot kong t-shirt na piniga at ibinenda sa ulo nitong malaki ang sugat! Dinama ko ang palapulsuhan nito at nakahingang maluwag na humihinga pa naman ito! Maingat ko itong kinarga at muling binagtas ang kakahuyan para makalabas na kami ng gubat. Panay ang linga ko sa paligid dahil baka nandidito pa ang mga hunter at hinihintay lang kaming lumabas. Hindi ako pwedeng magtagal dito sa loob. Sa laki ng sugat sa ulo ni Akhirah ay paniguradong mauubusan ito ng dugo! "Sweetheart. . . lumaban ka, huh? Hwag ka namang madaya. Nagsisimula pa nga lang tayong magkalapit," pagkausap ko dito at 'di na mapigilang mapaluha. Ni minsan ay wala pa akong iniyakang babae. Pero pagdating sa kanya ay mabilis tumulo ang luha ko lalo na sa kalagayan nito ngayon. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili na nadamay pa ito sa mga taong gusto akong ipatumba! Puro dugo na kaming dalawa dahil masagana pa ring bumubulwak ang dugo sa sugat nito kaya lalo akong natataranta. Nabuhayan ako ng loob na marating ko na ang pajero namin at mabilis itong isinakay sa passenger seat. Halos paliparin ko na ang kotse palabas ng gubat! Kakaibang takot ang lumulukob sa akin ngayon lalo na at wala pa ring malay si Akhirah sa tabi ko! Naliligo na nga ito ng sariling dugo! "s**t!!" Napapahampas ako ng manibela na hindi na gumagana ang cellphone kong nalublob sa tubig! Napapabuga ako ng hangin habang pinapaharurot na ang kotse pababa ng bayan. Clinic lang ang pinakamalapit na pagamutan ngayon dito dahil aabutin ka pa ng ilang oras bago marating ang pinakamalapit na hospital. Nakahinga ako ng maluwag na bukas pa ang clinic kaya agad kong kinarga ito. Gulat ang rumihistro sa mukha ng mga nandidito sa loob na mga midwife, nurse at doctor na makitang puro dugo kami! "Boss Rk?!" bulalas ni doc Samuel na ka-batch at kababata ko rin. Taranta itong inalalayan akong ipinahiga si Akhirah sa kama at agad sinuri ang sugat na hanggang ngayo'y masagana pa rin ang umaagos na dugo mula sa ulo nito! "Jen, call the ambulance!!" sigaw nito sa nurse na alalay na agad tumalima! Napasabunot ako sa ulo na panay ang tulo ng luha habang nakasandal sa pader at pinapanood ang mga ito na kasalukuyang nililinisan ang sugat nito. Saglit lang ay dumating na ang ambulance! "Bro, tatapatin kita," paninimula nito habang binibihisan ng mga nurse si Akhirah ng hospital gown. Napalunok akong nakamata sa makulimlim nitong mga mata. Napailing itong ikinatulo ng luha ko. "Hindi maganda ang lagay niya. Mababa na rin ang dugo niya sa dami ng nawala sa kanya," anito. "Ilipat natin siya sa hospital. Dahil. . . hindi ko siya kayang iligtas dito." Napahagulhol akong ikinapik-tapik nito sa balikat. "Tara," akay nito sa akin pasunod sa stretcher bed na kinahigaan ni Akhirah. May suero na sa kamay. Benda sa ulo at naka-oxygen mask na rin. Mahigpit kong hawak ang kamay nito habang lulan na kami ng ambulance. 'Di ko mapigilan ang mga luha kong masaganang tumutulo habang nakamata dito na mariing nakapikit. Nalinisan na rin ang mukha at natanggal ang disguise nito kaya kita kung gaano na kaputla ang itsura! PALAKAD-LAKAD ako sa harap ng OR habang hinihintay matapos asikasuhin ng mga doctor si Akhirah na kasalukuyang nililinisan ang ulo. Panay ang buga ko ng hangin. Kasasabi ko lang kanina kay Papa na maayos siya at ligtas sa piling ko pero heto at sa isang iglap lang ay nanganganib na ang buhay niya! Ano na lang ang sasabihin ng pamilya nito. Natigilan akong napahilot sa sentido na maalala ang pamilya ni Akhirah. Wala pa naman akong contact sa kanila. "Boss Rk, paano, mauna na rin kami?" Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Pilit akong ngumiti na kinamayan ito. "Salamat sa tulong, Doc Sam." Ngumiti itong tumango na tinapik ako sa balikat. "Ikaw pa ba?" "Ahm, sandali lang," pigil ko nang maalala si Dale. Baka hanggang ngayo'y hinahanap pa rin kami sa gubat! Pumihit naman ito. "Uhm. . . makikitawag sana ako. Nasira 'yong phone ko eh," nahihiyang saad kong ikinangiti nito. Hinugot nito sa suot na white coat ang cellphone na iniabot sa aking agad kong tinanggap. "Here." "Thanks." Tumango lang ito. Mabilis kong ni-dial ang number ni Dale na agad namang sumagot. "Dale?" "Kuya!!" Para itong nakahinga ng maluwag na marinig ang boses ko. "Kuya, nasaan kayo!?" "Sa hospital. May nangyari kay Akhirah. Agaw buhay siya ngayon. Puntahan mo ako dito, Dale. Para na akong mabubuang dito!" frustrated kong saad na napapahawi ng buhok. "Sige, Kuya. Parating na kami. Magpakatatag ka lang, ha? Makakaligtas siya. Makakaligtas. . . si Ate Akhirah." MATAPOS kong matawagan si Dale ay tuluyan na ring bumalik sina Doc Samuel ng bayan. Naupo ako sa waiting area dito sa hallway ng OR habang hinihintay matapos ang operation. Napapahilamos ako ng palad sa mukha at piping nagdarasal na makakaligtas ito. Paano ko haharapin ang pamilya niya? Isang heredera ang nasa pangangalaga ko pero hindi ko manlang naprotektahan? Paano pa nila ipagkakatiwala si Akhirah sa akin? Paniguradong kukunin na nila ito oras na malaman nila ang nangyari sa anak. Kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang. . . pakawalan na siya? Iniisip ko pa lang na babawiin na nila sa akin ito ay para ng pinipiga ang puso ko. Aminado akong sa maiksing panahon ay natutunan ko agad itong. . . patuluyin sa puso ko. "Kuya!" Napalingon ako sa humahangos na bagong dating. Pilit akong ngumiti na malingunan si Dale at ilang mga kasamahan namin sa farm na mga trained din sa labanan. Nanghihina itong napalingon sa pinto ng OR. Kitang basang-basa pa ito ng pawis at nanlulumong naupo sa tabi kong tinapik ako sa balikat. "Tinawagan ko na si Tito Keith. Maya-maya lang ay nandidito na sila," pagbibigay alam nitong tinanguhan ko lang. "Ano ba kasing nangyari, Kuya?" Napailing akong napatukod ng siko sa hita at napahilamos ng palad sa mukha. Muling tumulo ang masaganang luha ko. "Kasalanan ko. Nabitawan ko siya nang tumalon kami sa may talon. Pero kung hindi ko ito hinila ay baka mas malala pa ang nangyari. Dahil pinasabugan kami ng mga humahabol sa akin," basag ang boses kong saad. Napahinga ito ng malalim na tinapik-tapik ako sa balikat para kalmahin. "Anong gagawin ko, Dale? Napahamak siya dahil sa akin. Wala akong kwenta. Paano pa nila ipagkakatiwala si Akhirah sa akin nito?" "Kuya, wala kang kasalanan. Ipagdasal na lang natin na magiging maayos ang lahat. Makakaligtas siya, Kuya. Hwag ka ng mag-alala," pagpapatahan nito na kinabig akong pinasandal sa balikat at hinayaang humahagulhol. Hindi ko na kayang pigilin ang nararamdaman kong takot at pangamba ngayon. "Lumaban ka, sweetheart. Nandidito ako, nandidito pa ako." Piping usal ko. SABAY kaming napatayo ni Dale ng bumukas ang pinto at niluwal no'n ang isang nurse na nagpalipat-lipat ng tingin sa aming mga nandidito sa labas. Lumapit na kami ni Dale dito. "Nurse, kumusta siya?" agad kong tanong. Kita ang paglamlam ng mga mata nito na pilit ngumiti sa amin ni Dale. Napapalunok ako at halos hindi humihinga na hinihintay ang sagot nito. "We're so sorry, Sir, pero. . . critical po si Ma'am." Nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig at napagewang. Kaagad naman akong nasalo ni Dale na inalalayan sa panghihina ng mga tuhod ko. Natutulala ako na nag-aalpasan ang butil-butil kong luha. Paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko ang katagang binitawan nito. "Critical siya? Critical ang mahal ko? Anong gagawin ko? H-hindi ko kaya. Hindi ko kayang. . . mawala ka, Akhirah." Napalupasay ako sa sahig na napahagulhol sa bisig ng pinsan ko. Pakiramdam ko ay parang kutsilyong tumatarak sa puso ko ang kaisipang nag-aagaw buhay ngayon si Akhirah dahil sa akin. Kung sana hindi ko na lamang ito inilabas ng bahay ay hindi ito mangyayari. Dahil sa akin kaya siya napahamak! "Kuya, makakaligtas siya. Magpakatatag ka, Kuya. Ngayon ka niya mas kailangan," ani Dale na hinahagod-hagod ako sa likuran ko. "Dale, hindi ko kaya. Anong gagawin ko?" humihikbing saad ko. Pinahid naman nito ang luha ko. Malamlam ang mga mata nitong luhaan din at bakas ang awa, takot at simpatya sa mga iyon. "May awa ang Diyos, Kuya. Hindi niya pababayaan si Ate Akhirah. Magtiwala lang tayo sa kanya, hmm?" anito na ikinalabi kong napayuko at tumango-tango. Yumugyog ang balikat ko na napahagulhol habang nakasalampak pa rin sa sahig at piping nagdarasal para sa mahal ko. Na sana. . . sana makaligtas siya. Na sana makaya niya at makabalik muli sa amin. Sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko na may mangyaring masama dito. Napapikit ako na hinayaang umagos ang luha ko. Nagdarasal sa isip-isip ko para sa kapakanan ng mahal ko. Lahat-lahat gagawin ko. . . maisalba lang ang buhay nito. Napakuyom ako ng kamao na maalala ang mga taong sanhi kaya nag-aagaw buhay ang mahal ko. Nagpahid ako ng luha na pilit tumayo. "Pagbabayarin ko sila. Kulang pa ang buhay nila sa ginawa nilang ito kay Akhirah."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD