AKHIRAH:
One year later.
NAPAPANGUSO ako habang binabasa ang mga papeles sa harapan ko at pinapaikot-ikot ang sign pen sa daliri ko. Inaantok pa ako dahil dalawang oras lang ang tulog ko mula kagabi mula sa party ni Khiro na isa rin mga bestfriend ko. Lima kaming matatalik na magkakaibagan at ako lang ang babae sa grupo kaya feeling princess ako na over protective sa mga itong dinaig pa ang apat na Kuya ko.
Matalik din namang magkakaibigan ang mga parent namin kaya hindi sila tutol na sumasama-sama ako sa mga ito kahit na puro lalake sila. Mas nakasanayan ko na rin kasi silang ka-bonding magmula bata pa lang kami kaya nga magkakasundo kaming lima at kilalang-kilala na ang isa't-isa.
Si Andrei Mondragon, ang panganay na anak nila Tita Lira at Tito Adrian Mondragon. Kasalukuyang senador na rin si Tito ngayon ng bansa. Si Khiro at Khiranz ay kambal. Quadruplets to be exact. Kaibigan ko rin naman ang dalawa nilang kakambal na si Catrione at Cathleen pero sa ngayon ay nasa ibang bansa naman ang mga ito dahil halos doon naman na sila lumaki kasama ang dalawa pa nilang nakababatang kapatid. Mga anak lang naman sila ng pamilyang pinakamayaman at makapangyarihan sa bansa. Nagmula ba naman sa dalawang kilalang angkan ang mga ito. Del Prado at Montereal na mga kaibigan din nila Mommy at Daddy. Si Tita Liezel at Tito Cedric na mga kilalang negosyante at magkasamang tinataguyod ang kanilang kumpanya.
Habang si Kenzo ay isa ring heredero ng pamilya Castañeda. Anak ng Ninang Irish at Ninong Alpha ko na mga kaibigan din ng mga magulang ko kaya kampate sila Mommy kapag ang mga ito ang kasama ko dahil alam nilang hindi ako pababayaan ng mga ito.
Napaangat ako ng mukha nang may kumatok sa pinto.
"Come in!"
Napangiti akong tumayo ng niluwal no'n si Khiro na may dalang lunch box at napakalapad ng ngiti sa akin.
"Busy?"
"Yeah," sagot ko sa pagod na boses.
Natawa naman itong sinalubong muna ang yakap ko bago dinala sa mini kitchen ang mga dala nito.
Magkalapit lang kasi itong boutique ko at ang Montereal's Real State Corporation na pinapatakbo nito kaya madalas itong mag-take-out ng tanghalian at dito kumakain kasabay ako.
"Where's Khie?" usisa ko habang magkaharap kaming kumakain.
Napakibit balikat ito dahil puno ang bibig, tss. Sa akin lang naman sila gan'to. Tipong hindi sila nahihiya ipakita sa akin ang pagka-childish side nila kahit sina Khiranz, Kenzo at Andrei.
"May date," anito matapos malunok ang nginunguya.
Napanguso naman ako. Nakikipag-date sila pero hindi naman relasyon. Fling lang. Nakakainis naman kasi ang mga babaeng malakas ang loob na umaali-aligid sa mga ito. Syempre mga tanyag silang heredero. Nasa kanila na lahat. Kasikatan, pera, itsura. Idagdag pang friendly ang mga ito na madaling lapitan. Pinagpapasalamat ko na lamang na hindi sila katulad ng iba na paiba-iba ng babaeng kinakama.
"Is there a problem?" anito.
Napaismid akong nagpatuloy kumain. Aminado naman akong nagseselos ako kapag may mga kinaka-date ang mga ito. Syempre nasanay na akong ako lang ang prinsesa ng buhay nila. Para ko na nga silang mga instant boyfriend eh.
"Nothing," bagot kong sagot.
Napanguso itong pinakibot-kibot habang matamang nakatitig sa akin. Tila binabasa ang nasa utak ko. Masyado pa naman silang matalino at mabilis lang mabasa ang mga tumatakbo sa isipan ko.
Kabisado naman nila ang ugali ko. Hindi ko sila pinagbabawalan pero. . . hindi ko maiwasang magselos kapag may dini-date ang mga ito. Lalo na sa Khiranz na 'yon. Mabuti na lang mas matino-tino itong si Khiro kaya ni minsan ay hindi nito pinasama ang loob ko.
Natigilan ako nang punasan ng hintuturo nito ang gilid ng mga labi ko habang doon nakamata. Napalunok akong nag-iwas ng tingin dito dahil aksidenteng napatitig din ako sa mga labi nitong manipis at natural na mapula.
"Ang kalay mong kumain, para kang bata," natatawang ingos nito.
"Bata ka d'yan. Dalaga na kaya ako. Pwede na nga mag-asawa eh," ismid kong sunod-sunod nitong ikinaubo.
Napahagikhik akong nabato ito ng nirolyo kong tissue na nasapol sa mukha. Napainom ito ng tubig na naghahabol ng hininga sa pagkakasamid.
"Ang tanong eh. . . may gusto naman kayang pakasalan ka, hmm?" tudyo nitong ikinairap ko dito.
Ngingisi-ngisi naman itong nagtaas baba pa ng mga kilay. Inaasar na naman ako.
"Marami kaya. Ayoko lang. Baka ikaw ang walang magkakagustong asawahin ka." Ismid kong malutong nitong ikinahalakhak.
Natatawa na rin akong tinapos na ang kinakain ko. Sanay naman na akong minsan ay nag-aalaskadoran kami ni Khiro. Kumpara kasi kay Khiranz, Kenzo at Andrei ay kay Khiro ako madalas napapasama. Katulad na lamang ngayon. Magkatabi lang ang pinapasukan namin kaya sabay kaming nagtatanghalian. Hindi katulad nila Kenzo, Khiranz at Andrei na kapaag hang-out o bakasyon lang saka kami magkakasa-kasama.
Matapos naming kumain ay ito na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Isa sa mga hinahangaan kong katangian ni Khiro ay malinis siyang lalake. Na dinaig pa akong babae. Maswerte ang babaeng matitipuhan niya dahil na kay Khiro na ang lahat-lahat ng katangiang hinahanap ng babae. Masipag, mabait, makulit, maunawain, at mapagmahal. Kung sa itsura naman ay wala ka ng maipipintas. Matangkad, mistiso, makisig at saksakan ng kagwapuhan ang nilalang na 'to. Bonus pang isa siyang matalinong batang bilyonaryo na kilala ng bansa. Kahit sinong babae ay nanaisin siyang mapangasawa.
NANGINGITI ako habang pinagmamasdan itong nagligpit ng mga pinagkainan namin. Napaka-gentleman na nilalang. Tipong ituturing ka talagang prinsesa kaya nga. . . maswerte ang babaeng mapapaibig ito. May pagkapihikan pa naman ito kaya ni minsan hindi ko ito nabalitaang nakipag-date. Minsan ay nali-link din kami nito dahil 'di katulad nila Khiranz, Kenzo at Andrei na mga kaibigan namin ay nakikipag-date ang mga iyon. Si Khiro? Malapit na nga ako magduda na hindi maganda ang hanap nito kundi. . . gwapo katulad niya.
Napahagikhik ako sa naiisip na ikinalingon nito sa akin.
"Ahem!" napatikhim ako na pinaningkitan ako nito habang nasa kitchen at naghuhugas ng mga pinagkainan namin.
"Bakit?" painosenteng tanong ko.
Naipilig nito ang ulo na ikinalapat ko ng labi. Muli din naman itong bumaling sa ginagawa at nilinis muna ang lahat bago lumapit sa akin.
"Mauna na ako," anito pagkatapos mailigpit ang mga kalat sa kitchen.
Ngumiti akong yumapos sa baywang nitong ikinalunok at pula nito. Natatawa akong tumingkayad na humalik sa makinis nitong pisngi na lalong namula.
"Are you blushing?" natatawang tudyo ko.
Napailing lang itong nangingiting niyakap ako na pinaghahalikan sa ulo. Lahat naman silang apat ay malambing sa akin. Kaya sanay na ako sa mga yakap at halik nila sa akin dahil ramdam ko namang. . . walang malisya sa kanila ang ginagawa nila. Sabi ko nga. Para na nila akong prinsesa.
"Sige na, marami pa akong babalikang trabaho," anito na mariing humalik sa noo ko.
Magkayakap kaming inihatid ko ito sa may pinto. Napanguso ako na binuksan na nito ang pinto na bumaling sa akin.
"I'll fetch you tonight?" anito na napisil ang tungki ng ilong ko.
Umiling ako kaya napakunotnoo ito na matiim na nakatitig sa akin.
"Sa condo ako u-uwi tonight, K."
Napatango-tango itong ginulo ang buhok ko at muling humalik sa noo ko bago lumabas ng opisina.
"Okay, daan ulit ako mamaya to check on you, huh?" pagpapaalala pa nito.
Ngumiti akong tumingkayad na hinagkan ito sa gilid ng kanyang mga labing ikinatuod nitong namilog ang mga mata at pinamulaan ng pisngi.
"Alis na," natatawang pagtataboy ko.
"S-sabi ko nga. Ikaw eh," natutulalang sagot nitong ikinahagikhik ko.
Nanggigigil naman nitong pinisil ang pisngi ko bago tuluyang lumabas ng shop. Napasunod na lamang ako ng tingin ditong iiling-iling na tumawid ng kalsada at pumasok sa kumpanya nito.
NAPAPANGUSO kong muling binalingan ang mga design ng gown na nasa table ko. In-submit ng dalawang designer ko. Si Dahlia at Delia. Magkapatid sila at talaga namang magagaling at magaganda ang mga disenyo nila sa mga gown na naka-sketch kaya hirap akong makapili ng para sa gaganapin ng fashion show next week.
Sikat ang Double A boutique dahil sa mga gawa ng dalawang designer ko kaya kahit nasa isang taon pa lang kami ay nakakaabot na sa France ang mga gawa namin. Kung saan naka-base ang kauna-unahang branch namin abroad na nasa pangangalaga ng mga kaibigan kong sina Charrie, Catrione at Cathleen na mga nakababatang kapatid nila Khiranz at Khiro.
Napasapo ako ng ulo. Mariin akong napapikit ng muli na namang umaatake ang migraine ko!
"Urrrhhgg!!"
Napasabunot ako sa lalong pagtindi ng kirot na tila pinipiga ang bawat ugat sa utak ko! Dali-dali kong binuksan ang handbag ko at dinampot ang gamot ko sa migraine. Kaya masama sa akin ang mag-isip ng malalim o mamroblema ng mga bagay-bagay dahil inaatake ako ng matinding sakit sa ulo!
"A-Akhirah sweetheart. . . gumising ka."
Mariin akong napapikit na muling nag-e-echo sa pandinig ko ang misteryosong boses ng isang lalake na ni minsa'y hindi ko pa nakakaharap sa kasalukuyan. Ilang bwan ko na nga ba itong nararanasan? No, it's been one year since may lalake akong napapanaginipan at hindi ko naman maalala kung saan ko ito nakita. Kahit ang boses nitong baritono na napakalambing ng dating sa pandinig ko ay paulit-ulit kong naririnig sa panaginip. At kahit gising ako. Nakakatawa nga na in-sketch ko pa ang mukha nito dahil halos gabi-gabi naman ay napapanaginipan ko ang napakagwapong mukha nito. Maamo ang nangungusap niyang mga mata. Matangos na ilong. Maninipis din ang mga labing namumula na paulit-ulit humahalik sa mga labi ko. . . sa panaginip nga lang.
"Sino ka ba talaga? Bakit ba hindi mo ako patahimikin?" pagkausap ko sa sarili habang sapo ang ulo.
Pakiramdam ko tuloy ay may mahalaga akong taong nakalimutan mula sa nakaraan. Pero wala namang binabanggit sina Mommy at Daddy sa mga nabura sa memories ko. Isang taon lang naman ang naburang ganap sa buhay kong hanggang ngayo'y hindi ko maalala. Pero ang sabi nila Mommy ay wala namang naidagdag na mga bagong taong nakilala ko. Kaya hwag ko ng alalahanin dahil palaging umaatake ang migraine ko kapag napapaisip ako ng malalim.
Binuksan ko ang drawer at dinampot ang frame na nakatago doon. Ang sketch ng mysterious guy sa panaginip ko. Napangiti akong hinaplos ang nakangiting mukha nito habang nakamata sa akin. Para siyang totoo. Totoong tao na nag-e-exist dito sa mundo. Pero kung. . . kung parte ng nakaraan ko ang mga paulit-ulit kong napapanaginipan kasama ito? Bakit hindi siya nagpaparamdam? Ni hindi ko alam ang pangalan kaya hindi ko alam kung hallucinations lang ang mga 'yon gawa ng malikot kong isipan dahil sa mga nawala sa memory ko o. . . bahagi talaga siya ng nakaraan ko.
"Who are you, handsome cowboy? Sino ka ba talaga? Kilala ba kita?" Parang hibang kong pagkausap dito.
Napapikit ako na naisandal ang sarili sa swivel chair ko. Yakap ang frame nito na inaalala ang mga laman ng panaginip ko kasama ito.
Tumulo ang luha ko na maalala ang kaganapan na parang totoo sa panaginip ko. Kung saan nasa malawak akong farm at nagha-harvest ng mga carrot. . . kasama ito. Napakakulit nito na tinuturuan ako habang nagtatrabaho kami. Kahit ang ganap kung saan nagmo-mop ako sa balconahe ng bahay nito at tinulungan ako nito. Nadulas pa ito dahil binaha ko ang sahig na kahoy sa pagma-mop ko.
Mapait akong napangiti na patuloy sa pagtulo ang luha ko. Para kasi akong kinukurot sa puso na nakikipagtitigan dito. Damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at parang. . . parang may pinangungulilahan ang puso ko na hindi ko matuloy kung ano. . . o tamang sabihing. . . sino?