RAIDEN: NAKAPAMEWANG akong nakanguso habang nakamata sa mga tauhan kong kasalukuyang nagha-harvest ng mga carrot. Napangiti ako ng maalala ang unang araw ni Akhirah dito sa farm kung saan dito siya unang sumabak ng trabaho. Kahit napakainit noon at hindi nito alam ang trabaho ay sinubukan niya pa rin ng walang reklamo. "Thinking of her?" Napabalik ang ulirat ko sa tudyo ni Dale na bahagya akong binunggo sa balikat. Napakamot ako ng batok. Alam naman kasi nito at ni Clara na hanggang ngayo'y iniisip ko pa rin si Akhirah. Panay nga ang solsol nila sa aking puntahan ito sa syudad na mahigpit kong tinututulan. "Kailan ba hindi?" natatawang saad ko na inakbayan na ito at lumilim sa pahingaan ng mga trabahador. Mag-a-alasonse na ng tanghali pero matindi na rin ang sikat ng araw kaya sinen