AKHIRAH:
AKALA ko madali lang ang trabaho sa farm na pagha-harvest dahil nabungkal naman na ang lupa pero, nakakapagod pala.
Si Isay ang tagabungkal ko habang ako naman ang humuhugot sa mga carrot.
Panay pa ang parinig sa amin ng tatlong grupo ng mga dalagang akala mo nama'y ikinaganda ang makakapal na kolorete sa mukha. Gosh!
"Marunong naman palang magtrabaho si Manang," ani ng isa na ikinahagikhik nila.
"Hoy, hindi naman Manang ang pangalan niya," natatawang saad ng isa.
"Mas bagay niya ang Manang sa Steffi na pangalan niya." Ismid ng isa na ikinatawa nilang tatlo.
"Ganyan naman talaga. Kapag hindi ka biniyayaan ng ganda? Bumawi ka sa ugali," natatawang saad ng isa na sa amin nakamata.
"Pero kahit anong sipag mo kapag ganyan ka naman kapangit? Hindi papatol maski kargador sa'yo. Kaya hwag ng mangarap na mabingwit ang gwapong amo," napapahagikhik na pasaring ng isa.
"Mismo, bes! Akala yata ng iba d'yan, porke't isinabay na sila ni boss ay may gusto na sa kanila ang mga amo natin. Ang kakapal ng mukha na mangarap ng gising," parinig ng isa na nakamata sa akin.
Napapaikot na lamang ako ng mga mata dahil panay ang pasaring nila sa amin ni Isay. Keso literal daw na makapal ang mukha namin na makisabay kay Rk. Masyado raw kaming sipsip sa amo as if naman daw magkakagusto si Rk at Dale sa amin, tsk!
Sinasadya pa akong hagisan ng bulate kaya napapatili at talon-talon ako na ikinahahagalpak nila ng tawa. Kung wala lang si Isay na bumabara sa kanila at tinutulungan ako ay baka mahihimatay na ako dito sa pagod at takot.
Tuwang-tuwa naman ang mga itong pinagti-trip-an kami ni Isay na pinapalagpas na lang namin para walang gulo.
Sobrang nakakangawit ng mga binti
at braso ang paghugot sa mga hina-harvest naming carrot, particular sa balakang dahil sa kakatuwad. Idagdag pang napakasakit sa balat ang sikat ng araw kaya kahit dalawang oras pa lang kaming nagtatrabaho ay naliligo na ako sa pawis!
"Bff, iwasan mo ang tatlong bruhang 'yan, huh? Sila ang mga filingerang palaka dito sa farm na akala yata nila ay sila na ang pinakamaganda sa lahat ng dilag dito," bulong ni Isay habang kumukuha kami ng dala ni Manang Lita na meryendang juice at tinapay para sa aming mga nagtrabaho.
"Bakit, sino ba ang mga 'yan, bes?" bulong ko.
Naupo kami sa lupa na nakalilim sa malalagong puno ng mangga na siyang pinagkukumpulan naming mga dalaga.
"Mga feeling dyosa dito sa farm, bff. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malaki ang pagkagusto nila kina boss Rk at Dale kaya ingat ka, hindi malayong pag-initan ka nila. Tatlo pa naman sila, kumpara sa ating dalawa lang tayo."
Napalunok akong pasimpleng napalingon sa gawi ng tatlong babaeng napakasama kung makatingin sa amin or should I say. . . sa akin.
"Si Bea ang pinuno, at 'yong dalawang alipores si Mary at Annie," bulong nito habang ngumangasab ng tinapay.
Napatango-tango akong iniwas na ang paningin sa tatlo na para na akong tinitiris sa kanilang isip. tsk. Subukan lang nila akong kantihin at babalian ko sila ng mga patpatin nilang braso.
"Sige, umiwas na lang tayo para wala ng gulo."
MATAPOS naming nakapagpahinga ay sumabak muling mag-harvest ng mga carrot. Nakakainis, basang-basa na ako ng sarili kong pawis dahil hindi naman ako sanay nagbibilad sa araw, ang magtrabaho pa kaya sa garden? Gosh. Pakiramdam ko'y sunog na ang balat ko sa tindi ng sikat ng araw!
"Kaya pa?"
Napapitlag ako sa biglang bumulong mula sa likuran ko.
"R-Rk!?"
"Ssshh. . . boss Rk, okay? Kapag tayong dalawa lang? I'll allow you to call me by my name. Mahirap ng may ibang makarinig sa'yo. Baka isipin pa nilang. . . kasintahan kita. Kuha mo, my ugly duckling?" nanunudyong bulong nito.
Napabusangot akong napairap sa ibinulong nito habang pasimpleng nanghuhugot na rin ng carrot, tss.
"Ugly duckling, tsk. Anong tingin sa akin? Duck?" maktol kong bulong.
Napabungisngis pa ito sa bubulong-bulong kong saad kaya nairapan ko itong mukhang nag-e-enjoy na naman mangasar. Bipolar talaga ang lalakeng 'to! Kainis kung hindi lang siya gwapo eh sinipa ko na.
"Bakit, hindi mo ba alam 'yong kwento ni ugly duckling? Hwag mo siyang minamaliit kasi. . . parang ikaw lang siya, naglayas ng walang-wala at hindi alam ang pupuntahan," bulong pa nito.
Napaismid lang naman ako dito. Pakialam ko ba sa story na 'yan? Ni hindi ko nga alam ang kwentong 'yan kaya hindi ako sigurado kung totoo ba o nangti-trip na naman ito lalo na't may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi nito. Tipong hindi mapagkakatiwaan sabayan pa na nagniningning ang mga mata!
"Hwag kang magmadali. Unang araw mo pa lang dito sa farm. Ikaw din, mabibigla ang katawan mo niyan," bulong nito.
Binibilisan ko kasi talaga ang paghugot ng mga carrot para makalayo dito pero humahabol naman ito at tila walang pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga trabahador nito.
"Madali lang naman eh. Ang dali lang kaya," ismid ko.
Napabungisngis naman ito na sinasabayan pa rin ako.
"Mararamdaman mo 'yan mamayang gabi, sinasabi ko sa'yo. Kaya magdahan-dahan ka. Alam ko namang 'di ka sanay sa gantong trabaho," anito na ikinanguso ko.
"Umalis ka na nga," asik ko.
"Ayoko nga."
"Lumayo ka."
"Ayoko."
"Haist, bwisit ka."
"Aba. . . boss mo ako," anito na ikinalapat ko ng labi.
"Lumayo ka kasi," ismid ko.
"Ayoko nga kasi. Bakit ba?"
Napaikot na lamang ako ng mga mata. Wala talaga akong panalo sa lalakeng 'to. Daig pa ang bata sa kakulitan eh.
"Bahala ka nga sa buhay mo. Hwag mo akong ginugulo," inis kong asik na ikinahagikhik nito.
Mag-a-alasonse na nang umahon na kami ng sakahan. Hilong-hilo na nga ako sa tindi ng pagod at init! Mabuti na lang may kaibigan na ako ditong nakaalalay sa akin dahil nanginginig na ang mga tuhod ko. Parang gusto ko na tuloy tumakas at bumalik ng mansion. Pero kapag iisipin ko pa lang ang problemang tinakasan ko doon ay umuurong na agad ang buntot kong bumalik. 'Di bale ng maging magsasaka ako, atlis malaya. Kaysa buhay reyna nga, kasal naman sa hindi ko mahal. Masasanay din ako dito. Ang mahalaga naman ay mabait ang amo ko, idagdag pang may matalik na agad akong kaibigan na handa akong damayan at protektahan. Maswerte pa rin ako sa kinalalagyan ko. Sana lang. . . sana lang kapag nahanap na ako nila Daddy ay mauunawain din niya ang side ko. Na wala pa sa plano ko ang magpakasal lalo na at hindi naman kami nagmamahalan ng ipapakasal sa akin.
NAPALUNOK ako habang dala ang tray ng tanghalian ko. May malaking bahay pahingaan dito sa farm kung saan open area. Nandidito na ang lahat para sabay-sabay kaming mananghalian. May sariling kusina ang nakalaan kay Rk dito kasama si Dale kaya hindi sila nakikisabay sa aming mga trabahador nila. Pero nakakatuwa na kahit mga trabahador lang nila ang mga tao dito ay sagana naman sa pagkain at inumin. Pansin ko nga na hindi siya madamot na amo, labis-labis pa nga kung tutuusin ang pagpapahalaga nito sa lahat ng tauhan nito kaya hindi na nakapagtatakang pinagpapantasyahan sila ng mga kababaihan dito. Dahil bukod sa saksakan ng yaman, gwapo ay saksakan din ng kabaitan. Pero minsan pinagti-trip-an ako ng Rk na 'yon. Parang sa akin lang naman siya gano'n na tipong komportable siyang inaasar o tinutukso ako na parang matagal na kaming magkakilala o kaya'y kilalang-kilala niya ako.
Imposible namang alam niyang nagbabalatkayo lang ako sa itsura ko? Si Isay palang naman ang nakakaalam ng totoong itsura at pagkatao ko dito.
Napahinga ako ng malalim at naglakad na. Madadaanan ko kasi ang table nila Bea, Annie at Marie kaya ramdam kong may mangyayari sa uri palang ng bulungan at hagikhikan nilang napapatingin sa akin ay madali kong mabasa ang pinaplano nila.
"Ayt!!"
Mariin akong napapikit ng sumubsob ako sa sahig at naihagis sa ere ang pagkain kong naisaboy sa akin!
Napakuyom ako ng kamao dahil pinagtatawanan na ako sa pag-aakala nilang nadulas lang pero ang totoo ay pinatid ako ng Bea na 'yon. Nangilid ang luha kong mahigpit kong pinigilang hwag tumulo at dahan-dahang tumayo na pinagpag ang sarili na naligo lang naman ng kanin at ulam. Panay ang halakhak ng mga itong pinagmamasdan ako na ang dugis ng itsura!
"Bakit mo ginawa 'yon!?"
Napataas kilay itong tumayo na nakangising humalukipkip. Napakuyom ako ng kamao. Pigil-pigil ang sariling babasagin ang mukha nitong puro kolorete!
"Bakit? Anong ginawa ko?" maang-maangang tanong nito.
"Pinatid mo ako!" asik ko na naiduro ito.
Napasinghap naman ang lahat na nakamata sa amin ni Bea. Ngumisi ito na nagtaas ng kilay habang nakahalukipkip.
"Hindi kita pinatid, Manang. Kasalanan ko ba kung lampa ka at tatanga-tanga?" anito na umani ng halakhakan sa paligid.
Nakuyom ko ang kamao na nag-init ang mukha. Nahihiya ako pero nilalabanan ko lang.
"Anong nangyayari dito!?"
Natahimik ang lahat sa bulyaw ng baritonong boses mula sa likuran ko. Napakagat ako ng ibabang labi para pigilin ang pagpatak ng luha ko na marinig si Rk at ang papalapit nitong yabag.
"Ahm, boss, ito kasing si Steffi, nadulas siya pero. . . pinaparatangan niya ako," mahinhing sumbong ni Bea na ikinatagis ng panga ko!
"Oo nga, boss. Tahimik kaming kumakain dito tapos paparatangan kami ng Steffi na 'yan. Kasalanan ba namin kung lampa siya?" dagdag ni Annie na nagpapaawa ang tono.
"Pangit na lampa pa."
Nagtawanan ang mga nandito sa sinaad din ni Marie na tila diring-diri sa itsura ko. Napayuko ako para ikubli ang tuluyang tumulong luha ko. Pakiramdam ko'y mag-isa lang ako. Pinagkakaisahan. Pinagtatawanan.
Napapitlag ako ng biglang may umakbay sa akin na ikinasinghap at tahimik ng mga ito.
"Totoo ba 'yon, Steffi? Nangbibintang ka ng walang ebidensiya?" Paninita nito na matiim na nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ako nakaimik. Ramdam ko ang mga mata nilang nakatutok sa akin. Paano ko ba sasabihing pinatid niya ako kung wala namang ibang nakakita na nagsasabi ako ng totoo.
"Sorry," mahinang saad ko na inalis ang kamay nitong nakaakbay sa akin at nanatiling nakayuko na nag-walk out.
Panay ang tulo ng luha ko at hindi ko na mapigilang mapahagulhol kaya napatakip ako ng palad sa bibig. Ngayon palang ako napahiya sa tanang buhay ko! Kahit gusto kong ipagtanggol ang sarili ay pakiramdam ko walang maniniwala sa akin. Ano nga bang laban ko sa kanila? Itsura ang pinagbabasehan nila. At dahil naka-disguise ako na dinaig pa ang itsura ng mga batang hamog ay sino bang gugustuhin na kampihan at samahan ako?
Malalaki ang yabag ko na naglakad palayo sa mga ito. Nang bigla akong madulas at nahulog sa. . . ilog!!?
Panay ang kawag ko sa ilalim dahil palubog ako ng palubog at hirap makaahon! Ramdam kong nauubusan na ako ng hangin at halos hindi maigalaw ang katawan ko dala ng pagod sa pagtatrabaho! Pero natigilan ako sa pagkawag ng makitang may bultong papalapit sa gawi ko. Hindi ko maaninag kung sino pero sigurado akong sa uri ng bulto nito ay. . . lalake ito. Mapait akong napangiti kasabay ng unti-unting pagpikit ng mga mata ko.
"Rk, help me." Piping usal ko.
Naramdaman ko naman ang pagkabig nito sa baywang ko at ang pagtapik-tapik nito sa pisngi ko. Nanatili akong nakapikit na natatangay na sa pagkakahilo ko. Pakiramdam ko ay naninigas ang katawan ko at hindi makagalaw lalo na't nauubusan na ako ng hangin sa baga!
Mahigpit ako nitong niyakap na inilangoy ako paahon sa malalim na kinahuhulugan namin. Mapait na napangiti na hindi na halos makahinga.
"Rk, save me."