Chapter 3 Farm Girl

2403 Words
AKHIRAH: NAALIMPUNGATAN ako sa pagyugyog sa akin ng kung sino sa kasarapan nang tulog ko. "10 minutes more, Yaya." Inaantok kong saad at muling umidlip pero hinila lang nito ang kumot ko kaya padabog akong napaupo! "Yaya--" Naputol ang protesta ko nang mabungarang nasa ibang silid ako at ngayo'y nakapamewang sa harap ko si Isay na siyang nagpabalik sa akin sa realidad na hindi na nga pala ako heredera ngayon kundi isa na lang tauhan sa farm ni Rk. "Yaya ka d'yan. Wala po kayo sa palasyo, mahal na prinsesa." Natatawang saad nito na ikinasabunot ko sa sariling buhok. Namamangha naman itong umupo sa gilid ng kama ko at pinakatitigan ako. "Bakit?" kunotnoong tanong ko na ikinangiti at iling nito habang nakatulala sa akin na parang sira. "Ang unfair ng mundo, bff, kahit kagigising mo lang at wala ka pang hilamos ay p'wedeng-p'wede ka pa ring isalang sa pictorial! Alam mo ba 'yon?!" Natawa naman ako sa bulalas nito na ikinabusangot nito. "Seryoso ako. Iba talaga pag anak mayaman eh, automatic na magagandang lahi." Muli akong natawa at napailing dito kaya pabiro nitong hinila ang buhok ko. "Ang alam ko nasa lahi 'yon, ikaw talaga." Lalo naman itong napabusangot ng mukha sa isinagot ko. Bumangon na ako at nagtungo ng banyo. Nanginig naman ako ng mapahawak sa tubig ng gripo at sobrang lamig! Parang nagyeyelong tubig sa sobrang lamig kaya lakas-loob kong binasa ang sarili ko. Panay ang tili at talon ko sa bawat patak ng tubig sa katawan kong tila matulis na kutsilyong sumasaksak sa balat ko! Naririnig ko naman ang malulutong na paghalakhak ni Isay sa labas sa bawat tili ko! Nanginginig akong nakabalot ng makapal na tuwalya bago lumabas ng banyo. Napakalapad nang pagkakangiti nitong naghahanda ng agahan sa kusina dahil kita naman doon at walang ni anong nakatabing para ihiwalay ang kusina dito sa higaan. Napangiwi pa ako ng pumili sa mga isusuot kong dinala ni Rk kagabi. Literal na pang Manang ang dating! Napakasimple at ang luluwang sa akin! Napahinga na lang ako ng malalim at nagbihis na bago sinimulang papangitin muli ang itsura ko. Nangingiti lang naman akong pinapanood ni Isay habang nagdi-disguise muli. Napabuga pa ito sa iniinom na kape pagkaharap ko dahil sa itsura ko. "Alam mo, para kang prinsesang sinasamba sa gabi, pero sinusumpa naman pagsapit ng umaga." Natatawang saad nito kaya nabatukan ko. Kakamot-kamot naman ito pero nando'n pa rin ang pilyang ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi. Humigop na ako sa kape ko para mainitan ang sikmura pero kaagad kong naibuga ito at sapul sa mukha ni Isay na ikinapikit nito! "Langhiya naman, bff!! Nakaligo na ako eh!" Maktol nito at nagpunas ng mukha gamit ang laylayan ng damit. "Sorry!" Napa-piece sign pa ako na ikinaningkit ng kanyang mga mata. "Sorry na, bff, bakit kasi ang pait ng kapeng ginawa mo?" Paninisi ko dito na ikinataas ng kanyang kilay. "Aba'y syempre kapeng barako 'yan, bff! Ang sarap nga eh!" Anito na ikinanganga ko. "Masarap?! Eh napakapait nga eh-" Natigil ang pagprotesta ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal no'n si Rk! Napatayo pa kami ni Isay sa biglaang pagsulpot nito. Lihim akong nagpapasalamat na naka-disguise na ako bago ito dumating dahil paniguradong nabuko ako nito kung nahuli lang ako ng ilang minuto. "Good morning, girls!" Masigla at nakangiting pagbati nito at lumapit na sa amin. May dala naman itong mga nakasilid sa paperbag at isa-isang inilabas ang mga tupperware doon na may iba't-ibang uri ng kakanin at ulam. "Good morning, Boss! Para sa amin ba 'yan?!" Magiliw din nitong sagot at naki-osyoso na sa mga nilalabas ni Rk na tupperware. "Oo naman, dadalhin ko ba naman dito kung hindi para sa inyo?" Anito bago bumaling sa akin kaya kaagad akong napaiwas ng tingin. Natawa pa ito bago bumati sa'kin na nag-iinit ang mukha at hindi makatingin sa kanya ng diretso. "Good morning, my ugly duckling." Napapatili naman si Isay na pinaghahampas at inuga-uga pa ako nito sa braso sa sobrang kilig at tuwa nito. "Good morning daw, ugly duckling ni Boss! Yieehh!" Kinikilig nitong tukso at sinundot-sundot pa ako sa tagiliran kong nagpapaiktad sa akin. Natawa na rin ako sa ginagawa nitong panunukso, maging si Rk ay nakitawa na rin na napapailing. "Good morning." Casual kong sagot dito na ikinalapad lalo ng kanyang pagkakangiti. Inisa-isa nitong inilabas ang mga dalang pagkain. Nangutitap naman ang mga mata namin ni Isay lalo na nang buksan niya ang mga takip ng tupperware at umalingasaw sa buong silid namin ang nakakagutom at takam na bango ng mga iyon! Kumalam tuloy ang sikmura naming ikinatawa at iling ni Rk. Nahihiya naman akong napakamot sa wig ko habang 'di na nga napigilan si Isay na sumandok na at inuna talaga ang chicken inasal na hita na siyang plano ko sanang dukwangin. Ang buraot naman pala ng babaeng 'to! Kaya naman pala bilog na bilog ang mukha at pangangatawan dahil likas na matakaw kumain! Naiiling na lang akong sinabayan ang mga ito habang napakasigla ni Isay kumain na kahit punong-puno ang bibig ay dumudukwang na naman nang iuumang sa bunganga. "Thank you." Aniko kay Rk na panay naman ang lagay sa plato ko ng mga ulam at kanin na sinangag. Pangiti-ngiti at kindat lang naman ito sa akin kaya napapairit si Isay na palipat-lipat nang tingin sa amin ni Rk na kilig na kilig sa ka-sweetan ng amo. Lihim din naman akong napapangiti at kinikilig dahil kahit napakapangit ko sa disguise ko ay napakamaasikaso nito. Katulad na lang sa bus na kahit hindi kami magkakilala at tinaray-tarayan ko'y nagawa pa rin niya akong binilhan ng makakain at sinusubuan pa ng walang pandidiring mababakas sa kanya. Siguro nga likas lang siyang maasikaso sa lahat lalo na ngayong magtatrabaho na ako sa kanya. Panaka-naka ko itong ninanakawan nang sulyap at talaga namang napakagwapo niya kahit pa ang simple ng suot niyang black plain shirt at army green na cargo pants at rubber shoes. Bakat na bakat ang damit nito sa maskulado niyang pangangatawan at makikitaan mong pinagpala ito sa laki niyang tao at sa haba at taba rin ng mga daliri sa kamay! Nag-init ang pisngi ko sa sumagi sa utak kong daks ito! Parang ngayon pa lang gusto ko na tuloy makita mismo ng mga mata ko! Lintek na utak 'to! Nagkakasala tuloy ako kay aga-aga. MAGKAKASAMA kaming sumakay muli sa wragler jeep nito patungo sa napakalawak nitong farm. Samo't-sari naman ang tanim na mga gulay dito at nakahiwalay ang kinaroroonan ng mga prutas at gulay. Nandito na rin ang lahat at nagsisimulang magbabaan sa sundo nilang mga elf truck. Nahihiya tuloy akong bumaba na nasa harap ako katabi ni Rk dahil nakatingin na ang lahat sa amin habang taas noo namang bumaba si Isay sa likod namin na ikinanganga ng lahat. "Okay ka lang ba?" Untag ni Rk na ikinatango-tango ko kahit ang totoo'y parang gusto ko na lang bumalik ng silid namin. Pero dahil trabahador ako dito at hindi bisita ay kailangan kong makisama at sumunod. "Tara na, hindi ka naman dadakmain ng mga 'yan. . . habang nandito ako." Napanganga ako at lalong kinabahan sa sinaad nito. Ngingiti-ngiti naman itong kinindatan pa ako bago lumabas ng sasakyan kaya naalarma na akong bumaba at napasinghap ang lahat lalo na ang mga kababaihang nakatiimbagang akong sinasamaan ng tingin. Napalunok akong napayuko nang madako ang paningin ko sa tatlong kababaihang nakahalukipkip at nang-uuyam ang mga matang nakatutok sa akin. Ang kapal din ng mga kolorete nila sa mukhang akala yata ay ikinaganda nila. Kung sa syudad lang ang mga ito na ganu'n ang postura ay mapagkakamalhan mong mga prostitute lalo na sa pulangpula nilang mga labing may kakapalan naman. Napaiktad ako nang umakbay si Rk sa akin at iginiya ako palapit sa mga tauhan nitong nakatanga sa amin. Habang para namang kiti-kiti si Isay na sumiksik din sa kabilang tagiliran ni Rk na ikinatawa lang nito at inakbayan din ito. "Ako din, boss! Gusto ko din nang akbay mo!" Impit pa nitong tili na parang batang napapairit sa kilig! Mabuti na lang at hindi suplado si Rk kundi napakagaling makisama kahit siya ang boss dito at mga tauhan lang kami'y napaka-humble nitong makisalamuha sa amin. "Magandang umaga, boss Rk!" Panabay pang bati ng lahat na may kasamang pagyuko dito na ikinangiti lalo ni Rk. "Good morning! Anong gagawin ng mga kababaihan ngayon, Dale?" Tanong nito. Napanganga naman ako nang lumabas mula sa kumpulan ang isang mala-adonis din na binata! Tisoy din ito na may pagka-chinito ang mga kulay berdeng mata. Naa-amazed tuloy akong napatitig dito at napaubo sa pagngiti at kindat nito sa akin. Impit pang napairit na naman si Isay na hanggang ngayo'y nakayakap pa sa tagiliran ni Rk na nakaakbay pa rin sa amin ni Isay. "Hi there, beautiful. Good morning," malambing bati nito na sa akin nakatingin habang nangungutitap ang mga mata. Pigil ang ngiti kong napaiwas ng tingin dito kaya bahagya pa nitong sinundot ang tongki ng ilong kong ikinalingon ko dito. "H'wag kang magkakamaling idagdag siya sa listahan ng mga babae mo, Dale, makakatikim ka hindi lang ng tadyak sa akin." Mahinahong pagbababala ni Rk na ikinangisi ng kaharap namin. "H'wag ka namang ganyan, couz, ngayon na nga lang ako nakakita ng tunay na maganda eh." Kakamot-kamot nitong sagot na ikinatili ni Isay at inuga-uga pa si Rk na mahigpit nang yakap! Hindi ko tuloy alam kung kanino siya kinikilig, kay Dale ba na malagkit na nakatitig sa akin? O sa simpleng pagkakayakap nito sa boss namin? Para-paraan din ang isang tao para maka-tsansing kay Rk eh. "Back off." Simpleng saad ni Rk na ikinangiti at kilig ko habang napaismid naman si Dale dito bago binuklat ang hawak na logbook. Napanguso pa itong tinignan ang schedule naming mga trabahador at pinasadaan nang tingin ang mga pangalang nakalista sa bawat area ng farm. Pasimple kong sinilip ang nakabuklat na logbook sa harap ko at nabasang hiwalay pala ang mga lalake at babae. Maging ang mga capacity nila. Sama-sama ang mga dalaga, at hiwalay na grupo naman ang mga may asawa ng adult. Maging sa mga kalalakihan ay nakahiwalay ang mga adult at mga binata. "Ahm, beautiful, sa may carrot garden kayo, huh? Marunong ka naman sigurong magbungkal ng lupa?" Nakangiting saad nito sa akin kaya napanganga ako. Ni hindi ko nga alam kung paano magbungkal dahil ni minsa'y hindi ko pa 'yon nararanasan. Mukhang mapapasubo na naman ako sa unang araw ko pa lang. "Ah, Kuya Dale, kaya na 'yan ni bff! Nandito naman ako para turuan siya." Masiglang sabat ni Isay na ikinahinga ko ng maluwag. Napangiti na rin si Dale na bumaling dito at ginulo sa buhok na ikinairit ulit nito. Napaghahalataang kilig na kilig sa mga boss namin. Ang landi hah! "Yeah, I know. I-guide mo siyang maigi, pretty." Bola pa nito kay Isay na ikinalapad lalo nang pagkakangiti nito na may kasapang papadyak sa lupa ng mga paa. Kaloka! INIHATID pa kami ni Rk sa gawi ng carrots area. Napakalawak dito at halos maluwa ang mga mata ko pagkakita sa ginagawa ng mga nauna na naming makakasama dito. Kay bibilis nilang kumilos habang nagbubungkal ng lupa at maingat namang hinuhugot ng iba ang mga carrots na nagpaningning sa mga mata ko! Ngayon ko lang nasaksihan ang ganitong fresh from farm na pagha-harvest! Para tuloy akong na-excite na sumabak na sa trabaho. Tinapik naman ako ni Rk sa balikat kaya napatingala ako dito. Natulos ako nang inayos nito ang sombrerong proteksyon ng mukha ko sa init ng araw. "Kaya mo ba? P'wede namang manood ka muna para matuto ka." Suhest'yon pa nito na ikinailing ko. "Hindi na, gusto kong subukan. Gusto kong matuto." Saad ko na ikinangiti nito. Bumaling naman ito kay Isay na kumukuha na ng pambungkal nitong 'di ko mawari ang pangalan. "Isay, ikaw na lang ang bahalang magbungkal at si Steffi naman ang taga hugot mo para mai-guide mo siya. Pupuntahan ko pa ang iba." Anito na ikinatango-tango ni Isay. "Opo, boss! H'wag mo ng alalahanin ang bff ko, hindi ko 'yan pababayaan dito," masiglang sagot naman nito. "Kaya mo, ha?" pagpapaalala pa nito sa aking ikinakindat ko dito. "Kaya ko. Alis na," pagtataboy kong ikinatawa nitong hinaplos pa ako sa ulo. "Sige. Babalik ako mamaya, galingan mo dito. . . my ugly duckling." Kindat nitong ikinangiwi ko. Matapos magpaalam ni Rk sa amin ay naglakad na kami ni Isay papasok sa gardeng kinatataniman ng aabot sa limang hektaryang mga carrot ang tanim. Napapataas pa ng kilay sa akin ang mga nadadaanan namin na binalewala na lang namin ni Isay. Hindi ako p'wedeng masangkot sa gulo ngayon lalo't first day ko pa lang. Baka mapalayas ako dito at mahanap ako nila Daddy. Mas gugustuhin ko namang maging farm girl kaysa ipangasawa ako sa 'di ko mahal at 'di ko manlang kilala. "Bff, hwag mong pansinin ang mga palaka sa tabi-tabi. Mga echosera ang mga 'yan eh. Inggit lang sila sa'yo na binibigyan ka ng importansya ni boss Rk. Magtrabaho na lang tayo. Para mas matuwa pa si boss sa atin. Ayaw kasi nila boss Rk at Dale ng mga palekera. Gusto nila 'yong magkakasundo ang lahat." Bulong ni Isay habang naghahanda na kami sa gagawin. "Okay, turuan mo ako, ha? Wala akong kaalam-alam sa mga gan'tong gawain eh," bulong kong ikinangiti nito. "Oo naman. Halika, madali lang naman itong matutunan eh," sagot nito. Nagbungkal ito ng lupa habang pinapanood ko naman. Matapos magbungkal ay hinugot nito ang mga carrot na winagwag lang para maalis ang lupa. Namamangha naman ako na pinapanood ito. Maingat nitong inilipat sa naglalakihang basket ang carrot sabay bumaling sa akin. "Madali lang, 'di ba? Huhugutin mo lang ang carrot sa lupa at iwawagwag para maalis ang lupa, bago mo isalansang sa basket," saad nito. Tumango-tango ako na sinubukang hinugot ang dalawang carrot at winagwag na inalis ang lupa doon bago isinilid sa basket. "Gan'to ba?" nangingiting tanong ko. "Yon! Ang talino mo naman pala eh. Ganyan nga, bff." Masiglang sagot nitong ikinangiti ko. "Sige, magtrabaho na tayo." Tumango ito na maingat na nagbungkal ng lupa. Nasa likuran naman ako nito na hinuhugot ang mga carrot at sinisilid sa basket namin. Nangingiti na lamang ako habang nagtatrabaho. Bago lang ang lahat ng ito sa akin. Madali lang naman siya pero. . . nakakangawit ng balakang. "Kaya ko 'to, Akhirah. Mas gugustuhin ko pang maging farm girl dito sa probinsya kaysa nasa syudad na ipapaasawa sa hindi ko gusto at kakilala," piping usal ko habang nagtatrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD