RAIDEN: TATLONG araw lang naming ipinagluksa ang labi ng mga magulang ko. Crimination ang ginawa namin dahil lasog-lasog ang katawan ng mga ito na halos hindi na makilala sa sinapit. Buong lamay nila ay tahimik lang ako. Wala akong sinasagot sa mga kumakausap sa akin. Maski sina Dale at Clara. Pakiramdam ko ay namanhid na ang puso ko sa mga nangyari. Makulay at masaya ang buhay ko eh. Pero nagsimulang unti-unting nagbago ito magmula noong mawala sa akin si Akhirah. At ngayon naman ay sabay na nawala ang mga magulang ko. Pakiramdam ko ay napilayan ako. Na hindi na makatayo sa kinalulugmukan kong lungkot at pangungulila. Kung sana. . . kung sana lang ay nandidito sa tabi ko si Akhirah? Kahit paano ay may panghahawakan ako para magpatuloy mabuhay. Pero wala. Wala dito. At wala na ring kasi