Chapter 8 Hunt

2005 Words
RAIDEN: LIHIM akong nangingiti na napapayag si Akhirah na maging personal assistant ko. Mas kampante kasi akong kasa-kasama ko ito at nababantayan bawat kilos. Mahirap ng may iba pang makaalam ng totoo nitong katauhan, baka siya pang ikapahamak nito. Expected ko naman na 'yon sa kanya. Na wala siyang alam sa gawaing bahay. Napapailing na lamang akong binaha nito ang sahig sa balkonahe sa pag-mop ng sahig. Pero kakatuwang kahit hirap ito at hindi marunong ay sinusubukan niya pa rin at willing matuto. Isang bagay na nagustuhan ko sa katangian niya. "Handa ka na?" aniko na pinasadaan ang suot nitong kargo pants, doll shoes at simpleng white shirt. Naka-disguise pa rin ito dahil hindi pa naman nito alam na dati ko pang bistado kung sino talaga ito. "Kanina pa, ikaw handa ka na?" natatawang baliktanong nito sa bahagyang pagkakatulala ko. Nakaka-impressed lang na ang isang katulad niya ay maaatim ang mga ganitong bagay na ginagawa nito ngayon para lang makapagtago sa magulang. Naiiling kong pinitik ang noo nitong ikinabusangot nito at ginulo ang buhok bago ako nagpatiunang lumabas ng mansion. Nakasunod naman ito kaya hindi niya kita ang pagkakangiti ko sa kaisipang. . . kasa-kasama ko ito kahit saan ako magpunta. Natigilan ako ng maramdamang mag-vibrate ang phone ko. Napanguso akong makitang si Papa ang caller. "Sagutin ko lang 'to," baling ko kay Akhirah na ngumiti lang at tumango kaya lumayo ako bahagya dito. "Pa," sagot ko na napahinga ng malalim. "May kinalaman ka ba sa pagkawala ni Steffi, son?" kalmado pero may kadiinang bungad nito sa kabilang linya. Napabuga ako ng hangin na napahawi sa buhok at nagpamewang. "She's with me. Nandidito siya ngayon sa farm bilang PA ko. Gusto niya munang mapag-isa at matuto kaya. . . pakisabi kina Tito Dionne na hwag na muna nilang pupuntahan si Steffi. Maayos naman siya dito at. . . hindi ko po siya pababayaan," pagtatapat ko. Alam ko namang kapag nagkaila ako ay ipapahalungkat ng mga magulang nito ang buong bansa mahanap lang ang anak nila. Baka ako pa ang maipit kapag nagkataon. Dinig ko naman na napahinga ito ng malalim na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan. "A'right, son. I'll call Dionne. Mabuti na ring magkasama kayo ni Steffi nang magkakilanlan kayo ngayon pa lang," sagot nito. tumango-tango ako kahit hindi nito nakikita. "Sige po, Pa. Ililibot ko pa si Steffi sa mga planta dito," pamamaalam ko at ibinaba na ang tawag. Lumapit na ako kay Akhirah na napalinga-linga sa paligid habang nakanguso at halukipkip. "Maglalakad tayo?" "No, masyadong malayo," aniko na inakay na ito. "Saan tayo sasakay?" muling tanong nitong sinasabayan ang hakbang ko. Napangisi ako. "Sa kanya," saad kong tinapik-tapik ang kabayo kong si Saturn. Purong itim ang kulay nito at mula naisilang ay ako na ang nangalaga dito. Nanlaki naman ang mga mata nitong natigilan. "Se-Seryoso?" utal ang boses nitong tanong. "Yeah, mabait siya. Isa pa. . . kasama mo ako. Ligtas ka naman eh. . . sa piling ko," makahulugang saad ko na kinindatan itong pinamulaan. Nangingiti kong ginulo ang buhok nito bago sumampa kay Saturn at naglahad ng kamay dito na napapalunok. "Halika na," untag ko. Pilit itong ngumiti kahit kitang kabado. Buong lakas ko itong hinila paakyat at sa unahan ko pinaupo. Nanigas itong napakapit sa palapulsuhan ko ng mapayakap ako mula sa likuran nito. "Relax ka lang," bulong ko na bahagyang hinila na ang tali ni Saturn, kaya dahan-dahan na itong naglakad na lalong ikinakapit nito sa kamay ko. Napayakap naman ako ditong bahagyang isinandal ang baba sa balikat. Panay ang lunok nitong tila maging paghinga ay pinipigilan sa abot langit na kaba. "First time?" bulong ko sa punong tainga nito. "O-Oo," nauutal pa rin itong panay ang lunok. Maya pa'y nagiging mas komportable na ito at mas lumuwag na rin ang pagkakakapit sa kamay ko. "Feel better?" Tumango ito at bahagyang ngumiti na ikinangiti ko. Hindi ko na lang pinatakbo ang kabayo dahil baka mag-panic ito at mahulog pa kami! Napapagala na rin ito ng paningin sa paligid at namamangha. Malawak kasi ang farm at maganda ang tanawin. Tahimik dito at presko ang hangin. MAGTATANGHALIAN na ng matapos naming bisitahin ang ilang planta. Tahimik lang naman itong nililista ang mga dapat i-take-note nito sa mga tinuturo ko. Kita ko namang matalino siya na isang instruction ko lang ay nakukuha na nito. "Paano si Saturn?" "Masyadong mainit kung siya ulit ang gagamitin natin." Napatango-tango naman itong nagpatianod nang akbayan kong iginiya sa pajero. Napapalinga ito sa nadadaanan namin habang pababa ng bayan. Bakas ang kamanghaan dito kahit na puro nagtatayugang puno ang kaliwa't kanan na makikita dahil liblib dito sa probinsya lalo na dito sa gawi papuntang farm ko. "May mga kapatid ka ba, Steffi?" pagbubukas ko ng topic habang binabaybay ang kahabaan ng main road. Napalingon naman itong ngumiti na tumango-tango. "Meron. Lima kami. Ako lang ang babae at bunso. 'Yong apat na Kuya ko ay mga wala pang asawa." Napangiti akong hindi nito pinagkaila ang totoo. Alam ko namang may apat siyang nakatatandang kapatid. Sinusubukan ko lang kung kaya na ba niya akong pagkatiwalaan ng kanyang pagkatao. "Eh ikaw ba? Nakilala ko si Clara. Ang ganda niya, noh?" balik tanong nito. Tumango-tango ako habang nakamata pa rin sa daan. Kita ko naman sa gilid ng mga mata kong sa akin na ito nakatingin. "Mag-isang anak. Pero kapatid na ang turing ko kay Dale at Clara na mga nakababatang pinsan ko." "Wala pa bang girlfriend si Dale?" Nasamid akong napaubo sa tanong nito. "Ahem! Marami," medyo paismid kong sagot. Napanguso naman itong tila hindi naniniwala habang matiim na nakatitig sa aking nagmamaneho. "Ganun ba?" may panghihinayang saad nito. "Bakit? May gusto ka ba sa kanya?" tanong ko na nilingon itong napabusangot at sa harapan bumaling ng paningin. Pigil-pigil ang hininga ko na hinihintay ang isasagot nito. Piping nagdarasal na sana wala itong gusto sa pinsan ko. s**t! Hindi pwede. "May gusto agad? Tinanong lang eh. Ikaw ba, Rk . . . may girlfriend ka na?" Muli akong nasamid sa muling tanong nito. Natawa naman itong hinagod ako sa likod. Kakaibang init ang lumukob sa akin na nagmumula sa palad nito kahit na may suot akong damit! Para akong nakukuryente sa paglapat ng palad nito sa balat kong marahang humahagod. "Wala," napapalunok kong sagot. Kusa na lang kasing lumabas ang katagang wala sa bibig ko. Natigilan naman ito sa paghagod na umayos ng upo. "Eh ikaw. Meron ba?" baliktanong kong muling nagdarasal na sana ay wala rin. Napahinga ito ng malalim na sa daan na tinuon ang paningin. "Wala din," kiming sagot nito. Para akong nabuhayan ng dugo sa sagot nito at 'di mapigilang mapangiti. NAPALUNOK ako nang masulyapan sa rear view mirror na may dalawang motorsiklo ang nakasunod sa amin. Wala naman kaming kasabayan pero hindi manlang mag-overtake ang mga ito na kitang nakasunod lang sa amin. Kakaibang kaba ang lumukob sa akin. Paniguradong ako ang target ng mga ito. Hinugot ko ang cellphone sa bulsa at ini-connect sa bluetooth earpiece ko at ni-dial ang number ni Dale. Saglit lang ay sumagot na ito. "Dale, may sumusunod sa amin." Kita kong natigilan si Akhirah na napalingon sa likuran namin at nanlalaki ang mga mata. "Ano!? Nasaan kayo, Kuya?" tarantang bulalas nito sa kabilang linya. "Pababa ng bayan," aniko na mas binilisan na ang takbo ng kotse. Kita ko sa side view mirror na mas bumilis din ang mga itong halatang hinahabol nga kami! "Sige, Kuya, sunod na kami!" anito na ibinaba na ang linya. "R-Rk, b-bakit? Sino ba sila?" bakas ang takot sa tono nito na napapalingon sa likuran. "Hwag mo silang pansinin. Magkubli ka." Agad naman itong napakubli sa upuan kaya dinampot ko na ang caliber 45 kong nakasilid sa gilid ng upuan ko! "Putang ina!" bulalas ko nang magsimula na kaming paulanan ng bala! Pagewang-gewang ang pagmaneho ko para maiiwas na sa pagpapaulan nila ng bala sa amin! Napapatili namang nakayuko at takip sa tainga si Akhirah habang nakikipagpalitan na rin ako ng putok sa mga humahabol sa amin! Kinabig ko ang manibela na humiwalay sa main road papasok ng gubat! Kabisado ko naman dito sa loob dahil kami rin ang isa sa mga nagbabantay ng kagubatan na kalapit namin laban sa mga illegal logger's at mahigpit kong katunggali dito sa probinsya ng negosyo. Ang Arellano Farm na maraming illegal activities at isa na nga doon ang illegal logging na pasikreto nilang pamumutol ng mga kahoy kahit hindi nila sakop ang lugar. Kilalang gahaman din ang magkapatid na Arellano na sina Alex at Allan. Lahat ng kalapit ng kanilang farm na lupain ay pwersahan nilang binili sa napakababang halaga sa mga may-ari. Kaya karamihan dito ay sa akin na kusang lumapit na ibinenta sa akin ang kanilang lupain na binayaran ko naman sa tamang halaga. Kaysa sila ang isunod ng Arellano brothers na sapilitang kunin ang lupain nila. Ako kasi ang hindi kayang banggahin ng magkapatid dito sa probinsya sa lawak ng connection ng pamilya ko. Kaya hindi na ako nagtatakang ipinapatumba ako ng mga ito. Hindi rin ito ang unang beses may sumunod at nanambang sa akin para itumba ako na hindi nagtatagumpay. Kaya natuto na kami nila Dale na humawak ng baril para sa seguridad namin kapag ganitong nalalagay kami sa peligroso! Kahit wala kaming ebidensya ay alam naman naming ang magkapatid na Arellano ang utak ng mga gantong gawain. Dahil sila lang naman ang mahigpit kong kaaway. Nakasunod pa rin ang mga ito kaya mas binilisan ko pa kahit medyo matagtag ang daan dahil rough road na dito. Tahimik lang naman si Akhirah na nakakubli at takip pa rin ng palad sa tainga. Nang mapansin kong nailigaw ko na ang dalawang nakasunod sa amin ay ikinubli ko na sa isang malaking bato ang kotse at inakay itong bumaba. Nangangatog ang mga tuhod nito at naninigas ang palad nitong napakalamig! Kita ang takot sa mga mata nito kahit may suot na malaking round glasses. "Tara." Pilit itong ngumiti na mahigpit kumapit sa kamay ko at napapatakbo sa malalaking hakbang kong sinuong ang kagubatan! Ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay pinaputukan na ang gawi naming ikinaalarma namin at napatakbo! Mahigpit kong hawak ang kamay nito na tinahak ang nagtatayugang kakahuyan na siyang napagkukublian namin! Pansin kong hindi na lang dalawa ang taong humahabol sa amin kaya lalo akong naalarma. "T-Teka. . . ." "Tatalon tayo!" bulalas ko na napapalingon sa mga nakasunod sa amin. "Hindi ko kaya!" pasigaw nitong sagot. Namumutla ito na napatingin sa kulay asul na ilog! Nandidito kami ngayon sa taas ng talon at malakas ang agos ng tubig at mataas din dito! Napalingon ako sa likuran at saktong pasasabugin na nila ang kinaroroonan namin kaya hinapit ko ito sa baywang sabay talon na ikinatili nitong napayakap ng mahigpit sa akin! Kasabay ng pagtalon namin ang pagsabog ng kinatatayuan namin kani-kanina lang na kung nahuli lang ako ng segundo sa pagtalon ay nagkasabog-sabog na ang katawan namin! Napamulat ako na mag-isa na lamang akong nasa ilalim ng tubig!? Napalinga-linga ako dito sa ilalim at nabahala na hindi ko ito makita! "Akhirah!?" Muli akong sumisid pailalim ng ilog at hinahanap ito sa ilalim. Pero ilang beses na akong napapaahon para huminga ay hindi ko pa rin ito mahanap-hanap. Kakaibang takot na ang lumulukob sa akin sa mga sandaling ito. Na baka. . . na baka napahamak na si Akhirah! "Fvck! Akhirah?! Nasaan ka!?" sigaw ko na muling sumisid sa ilalim. Nangangawit na ang mga braso ko sa pagsisid dito pero hindi mahagip ng paningin ko ang babaeng. . . mahal ko. "Hindi 'to pwede! Hindi ako pwedeng sumuko!" parang hibang bulalas ko na sumisid muli. Mabuti na lang at wala na ang mga humahabol sa amin. Na hindi na nila kami sinundan pa dito sa baba. Pero para naman akong mahihibang dito na hindi mahagilap si Akhirah. "Nasaan ka ba, sweetheart? Hwag mo naman akong takutin," anas ko na naghahabol hininga. Nangilid ang luha ko na muling sumisid pailalim na palinga-linga sa paligid ko. Nanigas ako ng masulyapan ko sa 'di kalayuan ito na nagkukulay pula na ang kinaroroonan! "s**t! Akhirah!?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD