"Ayaw kitang saktan o makitang nasasaktan dahil sakin. Hindi ko kasi kayang makita ka na nasasaktan dahil sakin. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata mo at basahin na “Nasasaktan ako sa mga ginagawa mo sakin, Amber" Kaya Gaelan, lumayo kana sakin!"
Napailing na lang si Gaelan.. Ilang beses na bang ganito sila ni Amber. Mula ng iuwi nya ito sa bahay nya mas lalong minahal nya pa ito. Alam nya at ramdam nyang nakakapasok na sya sa mundo nito.. Madalas na silang nagbo bonding.. Hindi nya nga akalain na malakas uminom ng alak at manigarilyo itong si Amber.. iniisip nya kung saan ito natutong magbisyo, pero kapag pumapasok sa isip nyang mga kaibigan nitong sila Alex at Candy, nasasagot na nun ang kanyang mga katanungan.
"Amber, makinig ka sakin.. Mahal na mahal kita! Ikaw lang ang babaeng nais kong makasama habang buhay. Ayaw kong makitang nagseselos o pagseselosin ka dahil sakin kahit na alam kong hindi mo nga ako mahal." 'Pucha, ang sakit'.
Huminga muna sya ng malalim saka hinampas ang kanyang dibdib. saka nagpatuloy sa pagpapaliwanag dito.
"Hindi ako lumalapit sa ibang babae upang kausapin sila ng walang sabi tungkol sayo. Hindi ako nakikipag-usap sa ibang babae ng hindi ako nagpapa alam sayo. Ayaw ko kasi ng may gumugulo sa utak mo at sabihin mo na baka nambababae ako. Magseselos ka at iisipin mo na hindi ka karapat-dapat sakin. Ayaw ko. Hindi ako ganun, dahil ayaw kong nakikitang nagseselos ka at ayaw kong nakikita kang nasasaktan Amber."
Kimkim ang tunay nyang nararamdaman para kay Gaelan, kontrolado nyang emosyon na wag lumabas sa kanyang mukha dahil titig na titig sa kanya ang binata.
"Hindi ako ang babaeng gusto mong mahalin, Gaelan. Ako ang babaeng maari mong habulin, iyakan, paasahin, hamunin. Ngunit hindi mo kakayaning mahalin, dahil hindi ako ang babae ng mga panaginip mo, wala akong katulad. Magugulat ka lamang sa iyong makikita at kung sa una man hindi ka na agad maniwala sa akin na hindi ko kaya magmahal, hindi ako magpapakita ng emosyon, hindi ako ang babaeng maari mong mahalin."
"Edi sige, tignan natin... simulan mo, makipagkilala ka, tanungin mo ang aking nakaraan, dito palang makikita mo na ilang beses na akong nadapa, nasaktan, niloko at kung ang iniisip mo na dahil dito ay hindi na ako makikipaglaban, dito ka unang nagkamali dahil sa bawat pagsubok ko sa buhay, sinisigurado ko sa'yo na ako'y laging tatayo nang may prinsipyo at dangal, hindi ko babaguhin ang aking pagtingin upang maintindihan lang nila ang nais kong isigaw para sa'yo, ang ibig sabihin lamang nito ay isang pagsubok... kaya kong baguhin ang isipan mo”
"At ano Gaelan? tayo'y magsasama? masaya’t kinilig.. ngunit liggo linggo na lamang ay malalaman mong may pinatay na naman ako? mawawala na naman ako ng matagal, hindi ako umuwi sa piling mo? At kada linggo paulit-ulit kong sasabihin na hindi na ito mauulit? ngunit alam nating dalawa na ito'y isang kasinungalingan na naman, ganun din ako noong tayo'y nagkakilala, pero kala mo ako'y magbabago... pero hindi."
“Hindi mo kailangan matakot sa pagmamahal Amber!.."
"Pagmamahal? Hindi ko alam yan Gaelan, dahil hindi ako marunong magmahal. Alam mo ba kung bakit? Dahil isa akong halimaw, na ang alam lang ay pumatay."
Nanlulumong nilapitan ni Gaelan si Amber saka masuyong niyakap.
"Tuturuan kitang magmahal Amber.. Magtiwala ka lang sakin!"
"Tama na! Gaelan, parehas lang tayong masasaktan, luhaan at sugatan, habang unti-unti ko na namang itinataas ang aking pananggalang, gamit ang mga basag na bote ng alak at mga upos ng sigarilyo na sa ating nakapagitan, ako na naman ang magmumukhang masama."
"Dahil hindi ka marunong magmahal Amber... ngunit kaya kong tiisin lahat ng sakit na ibinabato mo sa akin, dahil hindi mo kayang magpakita ng emosyon, ngunit kaya ko ibigay ang buong buhay ko sayo."
"Pero sinabi ko na naman, hindi ako para sa'yo Gaelan, hindi ako ang babaeng gusto mong mahalin." Kasabay nun ang paglaho ni Amber.
Napasuntok na lang sa hangin si Gaelan, dahil sa pagkabigong nararamdaman.
"Balang araw magkikita ulit tayo. Balang araw hahanapin mo rin ako. Balang araw makakasama din kita. Balang araw magiging masaya din ako. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw mahahanap din ulit kita at magiging masaya tayo, buburahin ko lahat ng masasamang ala-ala na nangyari sa nakalipas, tutulungan kitang bumalik sa dating ikaw, yung dating ikaw na masayahin gaya nung una kitang makita kasamang mga kaibigan mo na nagsasaya, na hindi takot masaktan at matapang sa lahat ng bagay. Tutulungan mo din ako na matupad lahat ng gusto ko sa buhay, hindi mo ako iiwan kahit na anong mangyari. Bubuo tayo ng masayang pamilya, palalakihin natin sila na puno ng pagmamahal. At kapag malaki na sila, hindi ako malulungkot na baka iwanan na nila ako kasi may sarili na silang pamilya. Kasi alam kong nandyan ka lang sa tabi ko. Kahit na kulubot na mukha ko, kahit hindi na ako gwapo, kahit mataba na ako at maputi na yung buhok ko, alam kong mamahalin mo pa din ako. Maghihintay ako sa pagdating at pagbabalik mo Amber.."
Pumatak ang mga luha ni Amber habang pinagmamasdan mula sa malayo si Gaelan, milya milya man ang layo na nakapagitan sa kanilang dalawa, malinaw nyang nakikita at naririnig ang binata. Aminin man nya o hindi, mahal na nya ang binata, ito ang kauna unahang nagbago sa kanya, ang makaramdam ng iba't ibang emosyon na nahihirapan syang kontrolin at intindihin. Biglang nagkulay pula ang kanyang mga mata ng makaramdam ng kakaibang presensya. Naaamoy nya sa simoy ng hangin ang nakakasulasok na amoy ng nabubulok na laman. Mula sa gilid ng kanyang mga mata nasulyapan nyang tatlong nilalang na naaagnas ng hitsura.
'Golem! Anong ginagawa ng mga ito dito?'
"Nandito sila para maghasik ng lagim Amber."
"Arkin! Anong?.. Bakit?"
"Dahil apektado sila sa pagbabago mo, Amber."
"Hindi ko maintindihan...."
"Kasabay ng mga pagbabagong nangyayari sa katauhan mo, muli silang nabuhay galing sa hukay na kinakukulungan nila. Ano ngayon ang gagawin mo Amber?.. anong makakaya mong gawin para maprotektahan si Gaelan at ang mundo nila?"
Hindi man lang kakikitaan ng takot at pag aalala ang mukha ni Amber. Deretso lang ang tingin nito sa mga mata ni Arkin. May kutob syang may alam ito tungkol sa mga Golem, O mas tamang sabihing... ito ang may kagagawan kung bakit nagsusulputan ang mga halimaw na ito sa mundo ng mga tao.
"Anong binabalak mo Arkin? Kilala kita mula balahibo hanggang diwa mo, kaya, magtapat kana sakin."
"May gusto lang akong tiyakin Amber, wag kang mag alala hindi kita ipapahamak. Magkaibigan tayo kaya ipanatag mong 'yong sarili."
Matiim ang pagkakatitig ni Amber sa kaibigan na ngayon ay nakatingin naman kay Gaelan, nakikita nyang madilim na aurang nakapalibot kay Arkin.. Nag aalala sya hindi para sa kanyang sarili kundi para kay Gaelan na walang kamalay malay sa magaganap mula ngayon, at kung anuman ang mga pagsubok na gagawin ni Arkin kay Gaelan, kelangan nyang maging handa para protektahan ang taong minamahal nya, kahit na ang banggain at kalabanin ang kaibigan gagawin nya, magkasira man sila dina yun mahalaga sa kanya, dahil mula ng matutunan nyang mahalin si Gaelan ipinangako nya sa kanyang sarili na poprotektahan nya ito maging ang kapalit man ng lahat ay ang kanyang buhay.
'Ngayon lang ako naging maligaya sa buong buhay ko... Hindi ko hahayaang mawala pa sakin ang kaligayahang iyon.'
?MahikaNiAyana