Eight

1835 Words
Because this is life... I’d realize that there are certain things in life that you’ve got no control, that only you can do is live with it. The only choice we have is either give up or keep on going. Sometimes, in life we might fall down. That almost we don’t have the enough strength to get back up. When we talk to somebody or someone we use to know, we use this kind of mask that only us can know what is behind. We say we are fine, when in reality we are not. So when we are in our home, all by ourselves laying down in a bed with a four corner room. Where we know no one is looking at us, where we don’t have to impress everybody and our self and the fear comes in. The fear of being alone and lonely. That no one cares and no one will understand. Sometimes, the fear we have as we walk into the doors of our house is that we know it’s a broken home. There are moments when we doubt our life, what our future may become. What people might think of us, what we might become. That’s the fear that paralyze our being. Life is a journey. A journey that we should consider as an adventure of what tomorrow brings us. Life matters how we will finish it, how we hope about things. I’d realize also that we should not put our security into temporary feelings especially things. We should not put our happiness to things that won’t last. Life is not about looks. Everyone gets old, everyone will turn gray. Life is a matter of being who you are and loving yourself. Life is worth living when we find our purpose in our daily existence. Don’t be afraid to cry, don’t be afraid what people might think of you. Let them think that you are weak, you are gay or what. Just put this on your mind. Tears clean the window of our soul. That’s why we feel good, after we cry. "I miss you Amber... I miss you so damn much and I hope I could say it to you right now. I am so stupid to let you go. I don’t think anyone can make me smile like you did. I never ever even thought you’d leave me like this, eyes teary, heart shattered but I still like to think about you every day, it makes me smile. I don’t think you realize the pain until you’re the victim and I hope you never will, but I hope you realize soon enough that I miss you and I hope that you find deep inside your heart that you miss me as well. I’d take you back without hesitation." Nalaglag na lang kusa sa kamay ni Gaelan ang bote ng alak na hawak nya dahil sa kalasingan. Nahihilo na rin sya kaya iinot inot syang nahiga sa sofa, papikit ng kanyang mga mata ng makarinig sya ng pagkabasag ng salamin, hindi na sana nya pagkakaabalahan pang tingnan pero may naririnig syang mga ingay sa kanyang balkonahe kaya sinikap nyang makatayo at naglakad patungo dun ng pasuray suray. "s**t! sakit ng ulo ko..." pakapa kapa na sya sa dingding ng dina kinaya ang kirot ng sintido at ang pagkahilo. Malayo layo pa sya sa balkonahe ng maaninagan nyang tatlong lalaki na naglalakad, hindi pala naglalakad kundi lumulutang sa hangin ang mga ito pasalubong sa kanya. Sa nanlalabo nyang paningin hindi nya masyadong makita ang mga mukha ng tatlong lalaki. "Peste! Napasok yata ng magnanakaw ang bahay ko ah! Teka nga saan ko nga ba nailagay ang baril ko?" Kinapa kapa nyang bewang pero wala syang makapang baril mula dun. "Geezz... Ano bang amoy yan ang sangsang?." Pumihit sya patungong kusina, para syang masusuka hindi dahil sa pagkalasing nya kundi sa masangsang na amoy na nanunuot sa kanyang ilong. At dahil nga lango sya sa alak paikis ikis ang bawat hakbang nya, sa pagmamadali nya ay namali ang kanyang paghakbang at nabangga nyang paa ng mini cabinet sa gilid ng pintuan papasok ng kusina. "Ouch! shit..shit..." Napagulong sya sa lapag sa sobrang sakit ng paa nya, sapo sapo nya ito at hinilot hilot para maibsan ang kirot at sakit na nararamdaman.. "Bwisit na cabinet yan.. itatapon na talaga kitaaa.." Gigil pa nyang sigaw sa walang kamalay malay na cabinet. Natigilan sya ng may biglang humablot sa kanyang paa at ubod lakas syang hinagis kung saan lang. "Ahhhh.." Basag ang malaki nyang salamin sa sala ng dun tumama ang kanyang katawan. Pira piraso itong kumalat sa lapag kasama na sya. Hindi pa nga sya nakakabawi ng may humatak naman sa kanyang braso at pabalibag syang hinagis sa kisame. Pakiramdam ni Gaelan ay nagkalasog lasog ng lahat ng kanyang mga buto sa katawan. "f**k!.. Hah..." Maliksi syang tumayo at tinakbo ang kanyang sniper g*n na nasulyapan nyang nakasabit sa dingding pagkamulat pa lang ng kanyang mga mata. Iwinaksi nya sa kanyang isipan ang lahat ng sakit at kirot na nararamdaman. Nawala bigla ang kanyang kalasingan dahil sa sakit ng kanyang katawan. Kailangan nyang lumaban kung gusto pa nyang mabuhay. Ng mahawakan nyang baril kaagad nyang hinarap ang kanyang mga kalaban. "Hell! what kind of creature are they? Oh wait! Zombie!... seriously?" Nanlalaki ang mga mata ni Gaelan na napapa atras dahil pasugod na naman sa kanya ang mga kalaban. Instinct na lang nyang paputukan ito isa isa, napailing na lang sya ng makita ang dinaanan ng bala sa nuo ng mga ito, napatawa pa sya dahil sa katangahan nya. "Great! Zombie nga sila diba? Kaya malamang di yan tatablan ng bala haizt.." Panay na lang ang ilag nya sa mga atake ng mga ito. Paminsan minsan gumaganti din naman sya. Pero kahit na ilang sapak, suntok, tadyak pang gawin nya hindi nya matalo talo ang mga ito, napagod lang sya. Hinihingal na napaupo na lang sa lapag si Gaelan saka idinipa ang dalawang braso. "Come on... Lapain, kainin, patayin nyo nakooo.. haah..." Nakangiting ipinikit na lang nyang mga mata. Para sa kanya wala ng silbi pang buhay nya.. Tutal wala na syang pamilya, wala ring nagmamahal sa kanya. Ngayon lang sya nakaramdam ng lungkot... ng pag iisa... kaya tama na! siguro nga panahon na para makasama nyang mga magulang sa kabilang buhay. At least dun sasaya na sya't hindi mag iisa. Napadilat bigla ang kanyang mga mata ng umihip ang malakas na hangin, muntik pa syang matangay kung hindi lang sya kaagad nakahawak sa hamba ng pintuan ng kusina nya. "Amber!..." Pabulong nyang bigkas habang walang kakurap kurap na sinusundan ng tingin ang bawat galaw ni Amber na nakikipaglaban hindi lang sa tatlong Zombie kundi napakarami na ng mga ito. Basta na lang nagsisipasukan sa pamamahay nya at dere deretsong naglalakad patungo sa kanya, pero hindi na nakakaabot pa sa kanya ang mga ito dahil nakatayo ngayon si Amber sa kanyang harapan, hinaharang at nakikipaglaban ito sa mga zombie na gusto marahil tapusin ang kanyang buhay. "Aasa na ba ako... na ako ay minamahal mo na rin Amber?" Namasa na lang basta ang kanyang mga mata kaya ipinikit nya yun ng mariin para maampat ang mga luhang ngayo'y dumadaloy na sa kanyang magkabilang pisngi. Napadilat din sya bigla ng makaramdam ng takot na baka imahinasyon nya lang si Amber. Ngunit sa kanyang pagdilat, nanginig ang kanyang mga laman sa katawan ng makita ang isang pamilyar na nilalang.. Isang nilalang na hinding hindi nya makakalimutan habang sya'y nabubuhay. 'Dyata't ang Dyablong nakita ko noon at si Amber ay iisa? Oh my goodness!!! binabangongot lang ako.' Tinampal tampal nyang magkabilang pisngi habang nanlalaki ang kanyang mga matang nakatingin sa diwatang nakatayo pa rin sa kanyang harapan at nakikipaglaban para lang mailigtas ang kanyang buhay. "Ano na Gaelan?... ngayong nakikita mo na ang tunay na anyo ni Amber na sinasabi mong mahal na mahal mo, matatanggap mo ba ang isang diwata na mangkukulam na bampira at higit sa lahat ang dyablo ng kahariang Umbra?" Napatingin sa kanyang kanan si Gaelan, hindi na nya ipinagtaka kung bakit katabi nya ngayon si Arkin. Obvious namang kauri ito ni Amber. Bagamat seryoso ang bukas ng mukha nito ramdam ni Gaelan ang pang uuyam sa tono ng boses nito. Nakaramdam agad sya ng insulto, tila ba ipinapahiwatig nito sa kanya na hindi sya nababagay kay Amber. Tuwid syang tumayo at pinalibot ang kanyang tingin sa buong bahay nyang sira sira at nakatambak ang gutay gutay na katawan ng mga Zombie. Nahagip ng kanyang tingin ang magkapares na katana nyang nakasabit sa dingding. Tinakbo nya ito saka kinuha, mahigpit na hinawakan ito ng magkabila nyang kamay saka lakas loob na tumakbo papunta sa tabi ni Amber na seryoso ang mukha habang walang habas ang paghampas ng mahaba nitong sandata sa mga nagkukumpulang mga Golem. "Hinding hindi kita iiwan... hinding hindi kita tatalikuran... At kahit kelan, hinding hindi magbabago ang pagtingin ko sayo Amber.. Mahal kita, mahal na mahal... Maging ano ka mang nilalang... Maging sino ka man... Lalaban ako para sayo hanggang kamatayan." Matapos sabihin yun ni Gaelan, kagaya ni Amber walang kurapang pagwasiwas ng kanyang katana ang kasunod nun. Isa lang ang diskarte nyang naisip, dahil sa mga zombie ang kanilang kalaban inaasinta nyang leeg, bawat tamaan ng katana nya tumatalsik na lang kung saan ang napuputol na ulo ng mga ito, iniisip na lang ni Gaelan na mga natural na tao ang nakakalaban nila hindi mga nakakahindik na hitsura. At deadma na rin sya sa masangsang na amoy, ang mahalaga sa kanya maubos na nilang mga kalaban, kasi pagod at nanghihina na sya. Ramdam nyang nalolowbat na sya at malapit ng bumigay. 'Hmmm... Nakakahanga naman ang tagalupang ito... Karapat dapat nga sya sa pagmamahal ng kaibigan ko.." Malapad ang pagkakangisi ni Arkin na tutok ang mga mata sa magiting na binatang lumalaban ng patayan para sa pinakamamahal nitong diwata. Ipinitik nyang daliri at sa isang iglap lang naglaho ng lahat ang mga Golem, kahit si Amber naglaho na rin at kasabay sa paglaho ng mga ito ang pagbagsak ni Gaelan. Maagap namang sinalo na pinalutang ni Arkin ang katawan ng binata at dinala sa silid nito at inilapag sa kama, kinumutan matapos burahin ang mga sugat nito sa buong katawan, saka ibinalik nyang lahat sa ayos ang nasirang bahay nito. Ng masigurong maayos ng lahat saka ito naglaho. Masaya at nakontento na sya sa kanyang pagsubok na ginawa sa binata, hindi na sya mag aalala mula ngayon para kay Amber, dahil magiging maligaya na rin ito sa wakas... Tapos ng misyon nya sa diwata kaya makakabalik na rin sya sa kahariang matagal na rin nyang hindi nakikita at syempre bago yun dadaan muna sya sa bukal ng Astra, para masilip ang itinatangi nyang si Greyan... ang asul na salamangkerang nag aanyong mabagsik na kulay abong dragon. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD