Synopsis
Name: Gaelan Ablan
Age: 28
Birthday: August 14, 1992
Civil Status: Single
Hobbies: playing different kinds of instruments
Nationality: British Colombia
Occupation: Hainsha Secret Assassin Agent
Position: Sniper
Motto: "Show me the most damaged parts of your soul, and I will show you how it still shines like gold."
❤
" I tried to hate you but the only thing I hated is how much I love you."
- Gaelan Ablan -
⚔⚔⚔
Minsan, sa pagpatak ng orasan, ibinulalas niya ang isang katanungan.
“Gaelan.... Ano ang kulay ng pag-ibig?” ngumiti lang ako, nag-isip.
"Marahil pula, kulay na kay lamig." aking sambit na walang pagdududa.
Magmula noong ang akin at ang kanyang labi ay nagdampi. Ang halikan siya ay tila nagdudulot ng paso sa aking katawan.
Ang hawakan siya ay ang paglalakbay sa ibabaw ng yelo, na walang saplot sa paa;
Ang hagkan siya ay ang paglubog sa ilalim ng malalamig na tubig;
Pula, pag-ibig na ‘kay lamig ngunit ang panghawakan ito ay ang damhin ang init ng yelong nanlalamig.
'Kahel, kulay na puno ng emosyon at pag-asa...
Katulad ng pagbaybay ng haring araw sa karagatan ng gintong kaulapan, tila ba nagsasabing kahit gaano kadami ang problema,
matatapos ang isang araw na maganda at may bukas ka para makapagsimula."
Nginitian ko muna sya bago ako nagpatuloy sa pagsasalita.. Natutuwa ako kapag ganitong magkalapit kaming dalawa.
"Kahel, pag-ibig na handang magsakripisyo...
katulad ng unti-unting pagkamatay ng haring araw para sa buwan, tila ba nagsasabing kahit ilang ulit o kahit gaano kasakit, handang isakripisyo ang lahat, para sa nakatatanging iniibig.
'Dilaw, kulay na 'kay saya...
tandang-tanda ko pa, noong unang beses tayong nagkita, kung paano ang mga mata mo at mata ko ay nagkatagpo, sa gitna ng mga nagkakagulong tao, at kung paano mo nilagyan ng kulay ang madilim kong mundo. Dilaw, pag-ibig na hinding-hindi bibitaw, sa kabila ng lahat ng mga pagsubok at sakit, paulit-ulit, doon ay hahanapin kita, sa pagitan ng 'kamusta ka’ at 'paalam na’, panghahawakan ang bawat pagsambit mo ng “mahal kita.”
'Berde, kulay ng paglago...
katulad ng punong patuloy na lumalaban sa mga unos, minsan kang titisudin ng kalungkutan o di kaya'y dadagukan ng mga panlilinlang, ngunit hindi titigil sa pag-ikot ang mundo, mapag-iiwanan ka nito kung hindi ka tatayo. Berde, pag-ibig na balanse... kailanma'y hindi kailangang mamili, sapat para magmahal ka at mahalin ka pabalik, sa buhay na walang ikaw at ako, kundi tayo—na patuloy na babangon at lalago."
Nagniningning ang kanyang mga mata habang titig na titig sakin. Alam kong naiintindihan nya rin ako dahil sinisikap kong maging malalalim ang pagsasalita para lubos nyang maunawaan ang lahat ng ito.
"Asul, kulay na puno ng katahimikan...
katulad ng malawak na karagatan, tila bumubulong na aking iwan ang takot sa dalampasigan, at lakbayin ang buhangin kung saan nakaratay ang matagal ng minimithing makita. Asul, pag-ibig na puno ng pagtitiwala.. pagmamahal na hinding-hindi magdududa, pag-ibig na hindi mang-iiwan, at handang maghintay sa taong paulit-ulit ng lumilisan.
'Indigo, kulay na mapanlinlang... katulad ng biglaang pagdilim ng kalangitan, tila ba nagbabadya ng malalakas na pag-ulan, tila ba ang mga ulap ay umiiyak at nagdadalamhati sa sakit; ngunit biglang hihinto, ang kapaligiran ay muling tatahimik. Indigo, pag-ibig na nakakaloko..
dadating ng hindi inaasahan, iiwanan ka kung kailan ka seryoso, pagmamahal na handang maghintay sa tamang panahon, kung kailan ang dalawa ay magiging isa, handang manindigan sa kung anong meron tayo.
'Lila, kulay na puno ng imahinasyon...
ang yakapin ka ay tila pagyakap sa buo mong pagkatao, ang mahalin ka ay ang pagtanggap ikaw man ay maging sino. Lila, pag-ibig na totoo."
“Yun ba ang kulay ng pag-ibig?” tanong ni Amber na may masuyong ngiti.
Tumango ako at hinaplos ang kanyang pisngi.
"Marahil ang pitong kulay ng bahaghari, na tila bumubuo sa pitong letra ng pag-ibig. Oo, bahaghari ang kulay ng pag-ibig, at ikaw ang paborito kong kulay, Ikaw ang ika-walo na sa mundo ko'y nagbigay kulay, Ikaw ang haplos ng reyalidad sa mahigpit na gapos ng pantasya, Ang kaligayahang hindi matutumbasan, Pag-ibig na panghahawakan hanggang sa dulo ng walang hanggan."
Hinalikan ko sya sa noo, tapos hinawakan kong dalawa nyang kamay, saka ko sinabing...
"Amber, Bahaghari ang kulay ng pag-ibig."
⚔⚔⚔
Name: Amber
Age: 23
Occupation: Messenger in the kingdom of Umbra.. In the world of Engkantadya.
Nationality: Umbra's
Vampire Fairy Witch
Motto: "You can tell how dangerous a person is by the way they hold their anger inside themselves quietly."
❤
"You can't love me..
I'm two parts alcohol and two parts forgotten promises. My bones are shattered and my veins burst with fire. I'm just bones and unreturned love.. A girl your mother warns you about, when you lie in her lap
Unaware of a monster like me.
I've ripped apart every fool,, Who's tried to love me. I'm the creaking of your bones
Early in the morning,, And the ghostly voices
In the middle of night..
I'm a storm you're unaware of while you sleep peacefully with your satin quilts
I'm the weight on your shoulder which holds you down. And the blood you taste in your mouth when you're left all alone.
And an angel can't fall in love with a monster.
That's the rule.
I'm the shadow of your fears"
- AMBER -
⚔⚔⚔
It is human nature to expect from others in terms of feelings. When you love someone, your heart automatically evokes the need to get the same amount of love back or at least get acknowledgment. But when you don't get those feelings back, you get hurt and there's nothing that you can do about it. You can not put love for yourself in someone's heart no matter how much you try. Love is not something that can be done with effort but instead, it just happens.
?MahikaNiAyana