Six

1110 Words
"Amber! Tama na! Itigil mo na yang mga ginagawa! mo!" Ilang beses ng hinahatak ni Arkin si Amber palayo sa anim na mga kalalakihang tulala at takot na takot. Pero malakas si Amber na pursigidong mapatay ang mga ito. "Wag kang makialam Arkin! kung ayaw mong masaktan!" Dahil sa labis na galit at poot na bumabalot kay Amber, isang malakas na pwersa ang pinakawalan nito mula sa katawan nyang nagbabaga..talsik si Arkin sa malayo lapnos ang ibang parte ng katawan nito, pero saglit lang naman yun dahil mabilis na bumalik sa dati ang kinis ng balat nito. "Kayong mga salot na tagalupa... Hindi kayo nararapat na mabuhay... dahil sa inyo maraming inosenteng mga bata ang namamatay.. Kaya marapat lang na ibalik ko rin sa inyo ang kahayupang pinag gagawa nyooo." Hinablot nya sa ulo ang unang lalaking nahagip ng kamay nya, dahil sa mahaba ang kanyang mga kuku at matutulis pa yun halos bumaon na sa bungo ng lalaki. Sinagpang nyang leeg nito matapos baliin ang mga buto nito sa katawan.. Gutay gutay nya itong itinapon saka sinunggaban naman ang dalawang lalaking nanginginig at walang tigil sa pagmamakaawa sa kanya. Binaon nyang kamay sa dibdib nung isang lalaki saka dinukot ang puso nito at basta na lang inihagis kung saan ang wala ng buhay nitong katawan. isinaksak naman nya ang pusong nadukot sa bibig ng isa pang lalaking nagsisigaw at nagwawala mula sa mahigpit nyang pagkakahawak sa leeg nito.. dinakma nyang dibdib nito at parang papel lang na pinunit saka itinapon nyang wakwak ang dibdib, akma na nyang sasakmalin ang isa pang lalaking hawak ng may nagbigkas ng kanyang pangalan. dahilan para mapatigil sya sa kanyang ginagawa. "A - Amber!... I - Ikaw... ba yan? " Nanigas si Amber mula sa kinatatayuan ng marinig ang pamilyar na tinig ni Gaelan. 'Imposible!.. baka guni guni ko lang yun...' Dahan dahan nyang nilingon ang pinanggalingan ng boses na yun. Hindi makapaniwalang napaatras sya, napahigpit tuloy ang pagkakasakal nya sa isang lalaking nangingitim na dahil kinakapos na rin ito ng kanyang hininga.. Nabitawan nya ito bigla ng makita si Gaelan na humahakbang palapit sa kanya. "Amber!....." Bigkas pa nito sa pangalan nya.. "Hindi ka lang isang diwata kung ganun? Isa ka ring bampira?" Hindi takot ang nakikita ni Amber sa mukha ni Gaelan kundi pagkalito at pag aalala. "Amber! Halika na! Umalis na tayo dito." Hinawakan ni Arkin sa kamay si Amber para sabay na silang maglaho pero may humatak kay Amber palayo sa kanya. "A -Anong...? "Hindi mo sya pwedeng isama.. Wala kang karapatang ilayo sya sakinnn!" Puno ng selos ang boses na sigaw ni Gaelan kay Arkin. "At sino ka naman para pagbawalan at hadlangan ang nais ko, ha?" Balik sigaw rin ng galit na si Arkin. "Ako si Gaelan, ang lalaking nagmamahal sa kanya." Natitigilang napatitig sya sa kaharap maya maya napangisi ng nakakaloko si Arkin, tiningnan nito ng may pang uuri si Gaelan. "Hah! Mahal mo si Amber? Sigurado ka ba dyan tagalupa? Baka naman nabibigla ka lang?... Maghunusdili ka! Dahil hindi mo lubusang kilala ang inaangkin mong diwata." Hindi nagpadala sa paninindak ng kaharap nya si Gaelan.. "Wag mong maliitin ang pagkatao ko, lalo ng pag ibig na nararamdaman ko para kay Amber! Wala kang karapatang husgahan ako!" Lalong nasisiyahan si Arkin sa nakikitang kaseryosohan at katapatan ng lalaking kaharap, pero may gusto pa rin syang matiyak bago ipaubaya ang kaibigan sa tagalupang ito. Sinulyapan nya si Amber na nakayuko at walang imik habang hawak hawak ng mahigpit ni Gaelan ang braso nito. Napakarungis ng hitsura nito, puro dugo ang suot na damit, mukha at mga kamay nito. Kung tutuusin pag nakita ito ng ibang tao siguradong matatakot ang mga ito dahil sa hitsura nito ngayon... Naglaho man ang pakpak, sungay at pangil nito..nakakatakot pa rin ang buong hitsura nito..Pero, napabilib sya sa lalaking umaangkin dito, kasi di man lang nya ito makitaan ng kahit na konting takot.. "Gaelan ang pangalan mo diba?" Tanong nya sa binata na tumango lang sa kanya. "Gusto kong ipaalam sayo na si Amber... Hindi sya marunong magmahal, lam mo kung bakit? " Umiling lang si Gaelan bilang sagot. "Kasi, wala syang damdamin, wala syang pakiramdam at higit sa lahat wala syang emosyon... Sa madaling salita ang katulad nyang isang diwata na kalahati bampira ay walang kakayahang magmahal. Ang alam lang nila ay ang magpahirap, magparusa at pumatay.. Ngayon, tatanungin kita sa huling pagkakataon.. Kaya mo bang magmahal ng isang katulad ni Amber? " "Mahal ko si Amber! Maging ano man sya O maging sino man sya." Mabilis na sagot ni Gaelan kay Arkin. Nakita pa nyang pag angat ng sulok ng labi nito na tila ba nasisiyahan sa mga narinig mula sa kanya, at sumilay dun ang misteryosong ngiti nito na kaagad ding naglaho ng mapansin nitong pagkakatitig nya dito. "Sige, ipapaubaya ko na si Amber sayo.. Diko na sasabihing wag mo syang sasaktan dahil alam ko namang kayang kaya nyang tapusin ang buhay mo sa isangkisapmata mo lamang. Sana hindi magbago ang pagtingin lalo ng pagmamahal mo sa kaibigan ko kapag nakita mo ng totoong anyo nito! 'Mag iingat ka dahil isang dyablo yang kinababaliwan mo bwahahaha..." Pabulong na lang ang pagbigkas ni Arkin sa huling paalala nito, pero malinaw pa ring narinig yun ni Gaelan. "Salamat." Yun na lang ang tanging nasabi nya, kasi, biglang naglaho na si Arkin sa kanilang harapan. " Amber..." Kuha nya sa atensyon ng diwatang nakayuko pa rin mula pa kanina. Sa pag angat nito ng tingin sa kanya nahawakan nitong labi na may bahid pa ng dugo. Kahit ang mga kamay nito ay puro dugo rin na bahagyang natuyo na. "Gaelan..." Napangiti sya ng marinig ang pagsambit ni Amber sa pangalan nya. Napakalamyos ng boses nito, parang isang musika na humehele sa kanya. "Uwi na tayo ha! Amber." Lumapad lalo ang pagkakangiti nya ng tumango si Amber at hinawakan ang braso nya. Dinukot nyang mini wipes sa kanyang bulsa, humugot ng isang piraso saka pinunasan ang natuyong dugo sa mukha ng diwata. "Gumaganda ang paligid sa paningin ko.. lalo na kapag ikaw ang nakikita't nakakasama ko Amber, mahal na mahal kita!" Blangkong tingin lang ang isinagot ni Amber sa kanya. 'Di bale, makakapaghintay naman ako.. Hihintayin ko ang tamang panahon at pagkakataon na mamahalin mo rin ako at masasabi mo na saking... mahal mo rin ako.' Hinalikan pa nyang nuo ng diwata bago ito inakay paalis sa lugar na yun.. Sa lugar kung saan ang misyon nya'y iligtas ang mga hostage na bata pero nasorpresa sya ng makita at matagpuan si Amber doon, matapos nyang ipaubaya sa mga kasamahang assassin ang mga bata. Coincidence lang ba ito O naka tadhanang muli silang magtagpo? ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD