Nine

2080 Words
Mula nung maganap ang pangyayaring sinalakay ng mga Golem ang bahay ni Gaelan, nung magising sya mula sa bangongot na kaganapang iyon, hindi na nya nakita pa si Amber. Mabaliw baliw na sya kakahanap sa diwatang yun kung saan saan hindi na talaga ito nagpakita pa sa kanya. Hanggang nung isang gabi habang nagmamaneho sya pauwi galing kila Eruto, may nasulyapan syang isang maliit na pusa sa daan, nakikipag away ito sa isang malaking aso. Hindi namalayan ni Gaelan na nakatigil ng kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada at naaaliw na syang pinapanood ang aso't pusang nag aaway. Natatawa pa nga sya dahil kahit na maliit lang yung pusa hindi ito nagpapadaig sa asong halos daganan na nga sya nito.. Biglang naalarma si Gaelan ng makitang sinagpang bigla nung aso ang maliit na pusa. "Oh! s**t! Nonono..." Nagmamadaling lumabas ng kanyang sasakyan si Gaelan saka maagap na dinampot ang bato sa kanyang paanan. Binato nyang aso dahilan para mabitawan nito ang kawawang pusa saka mabilis na itong tumakbo palayo dun. Nagmamadali syang tumawid ng kalsada para saklolohan ang pusang sugatan. "Kuting, ayos ka lang ba?" Maingat nyang dinampot ang pusa saka nilagay sa kanyang braso at sinuri ang sugat nito sa katawan. Malalim ang mga sugat nito at dumudugo, lakad takbo ang kanyang ginawa marating lang ang kotseng nakahinto sa kabilang kalsada. Mabilis ang patakbo nya patungo sa bahay ni Brent na unang naisip nyang makakatulong sa kanya ngayon. Halos dina nya naiparada ng ayos ang kanyang sasakyan sa garahe ni Brent at dina rin sya kumatok, basta pumasok na lang sya sa loob ng bahay nito na alam nyang palaging hindi naka lock. "Brent!.. Brennt... san kaa!" Hysterical nyang tawag sa kaibigan ng makita nyang kuting sa kanyang palad na parang wala ng buhay. "Wooh... Anong nangyari sayo bro? Ba't ka nag iiskandalo sa pamamahay ko ha?" Galing kusina ang binata, at bitbit nitong alagang pusa. "Brent, I need your help please! Gamutin mo sya.. dali na!" "Wow.. Kelan kapa naging pet lover ha? at saan mo naman napulot yang pusang gusgusin na yan?" Inilapag muna ni Brent ang pusa nyang si Alex sa sofa bago kinuha kay Gaelan ang sugatang pusa nitong hawak. "You think, she's still alive bro? Hindi na kasi sya humihinga..." Halatang malabis na pag aalala ni Gaelan sa pusa na ikinatawa na lang ni Brent. "Relax! Unconscious lang sya, nakalimutan mo na yatang siyam ang buhay ng mga pusa. Maya maya gigising na din yan." Pagpapakalma sa kaibigang sabi ni Brent, habang nilalagyan ng bendahi ang katawan ng pusa matapos gamutin at injectionan ito. "Oh God! Thanks Bro, saka ng bayad, tubuan mo na lang." "Nah, it's okay! libre na lang kasi cute naman si kuting kagaya ng kuting kong si Alex.. hmm." Inabot nito ang kanyang pusa saka itinabi sa pusa ni Gaelan. "Haha.. Alex talaga ang pangalan ng pusa mo?" Naniningkit ang mga matang sinulyapan sya ni Brent na himas himas pa rin ang alagang pusa nito. "At bakit? paki mo naman sa gusto kong ipangalan sa pusa ko? Kung naiinggit ka, di Amber rin ang ipangalan mo sa pusang napulot mo." "Kahit kelan, pikon ka talaga, haha... Ano, pwede na ba kaming umuwi ni Amber? Bigyan mo na lang kaya ako ng gamot nya para dika na ma stress sakin." Nakasimagot na tumayo si Brent mula sa pagkakaupo sa sofa saka kinuha ang itinabing gamot kanina para sa pusa ni Gaelan. "O, ayan na! may kasama pang sombrero yan ha! para kay Amber mo.. umalis kana dito, storbo ka lang sa bonding namin ni baby Alex." "Yeah.. yeah.. Thanks." Kinuha nyang plastic na inabot sa kanya ni Brent. saka binuhat ang tulog pa ring pusa, diretso syang lumabas ng bahay. Habang kasama nya araw araw ang pusang si Amber, mas napapalapit ang loob nya dito, kahit na nga madalas syang kinakalmot nito at minsan naman kinakagat pa nga sya. Pero sa ugaling pinapakita nito sa kanya, ikinatutuwa pa nga nya kapag sinasaktan sya nito, kasi may naaalala sya at isa lang ang pumapasok sa kanyang isipan palagi.. Parang si Amber lang din ang nakakasama nya. "Amber... Nasaan kana kaya ngayon? miss na miss na kita!" Akma nyang hahalikan ang pusa ng kalmutin sya nito sa mukha saka tumalon ito at tumakbo palayo sa kanya na ikinatawa nya ng malakas.. "Grabe! Amber na Amber talagang pag uugali, mailap at sadista." Pagulong gulong sya sa kama. Abala ang kanyang isipan hindi tumitigil sa pagbalik sa mga alaala nilang dalawa ni Amber. Sa bawat pagpikit nya, binabalik sya sa mismong pangyayari, Nakikita nyang mga masasayang sandali na pinagsaluhan nilang dalawa. Sa bawat pagpihit nya, nakikita nyang sobrang saya nya ng dahil sa diwata. Yung mga ngiti at walang katumbas na saya na tanging sa tabi lang ni Amber nya natatamasa. Sa bawat sandali, paulit-ulit naririnig ang boses nito na para bang sirang plaka. Sa bawat pagyakap sa unan, pakiramdam nya itong kayakap nya, sobrang miss na miss na nya itong talaga. At sa bawat pagmulat ng kanyang mga mata, walang sawang pinapamukha ang masakit na katotohanan na habang sya ay literal na pinapatay ng mga alaala, marahil si Amber ay mahimbing na natutulog at walang pinuproblema. "Amber..." Napangiti sya ng lumapit at tumabi sa kanya ang pusang si Amber. Binuhat at pinahiga nya ito sa kanyang dibdib, ipinikit nyang kanyang mga mata habang ang kanyang kamay ay walang tigil kakahaplos sa pusa. "Meow.." Napadilat bigla si Gaelan ng marinig ang kanyang pusa. Ngayon lang ito nagsalita, na sa mahigit isang buwan nilang pagsasama ni minsan hindi nya narinig ang boses nito, ngayon lang talaga ito nagsalita. at ang tingin nito sa kanya ngayon ay ibang iba sa dati. Kumunot ang kanyang noo ng mapansing iba yata ang kapaligiran nila. "Teka! Nasaan ako? Anong lugar ba ito? Amber, nasaan ka? Amber!" Tawag nya sa kanyang pusa na bigla na lang nawala, iba ang nakita nya sa kanyang paghahanap. "Brent!" Pinalibot nyang tingin sa kapaligiran, nanlalaki ang mga mata nya ng mapagtantong nasa Engkantadya sila. Napatutok ang tingin nya sa dalawang pusa na parehong nakatingala't nakatingin sa bilog na buwan. "Brent, bakit tayo nandito?" "Hindi ko rin alam." Tinuro ni Gaelan ang buwan na unti unting nag iiba ang kulay. Kinikilabutan sya sa hanging dumadampi sa kanyang balat. "Maaraw pa kanina bakit biglang gumabi? At bakit biglang naging buwan ang araw? magkaiba pang kulay. Whooh... Nakakatakot naman ang lugar na ito Brent." "Oo nga, ngayon lang ako nakakita ng buwan na dalawa ang kulay, asul at purple pa! kahit ang mga bituin nila dito kakaiba rin, nakakamangha talaga. Halika na Gaelan, kunin na lang natin ang mga pusa para makauwi na tayo." Dali dali nilang nilapitan ang mga pusa na nakatitig rin sa buwan. Akma na nilang hahawakan ang mga ito ng biglang lumiwanag ng nakakasilaw kaya napaatras silang dalawa. Ng unti unting naglalaho ang liwanag may naaninagan silang dalawang nilalang na nakatayo. Nagkatinginan silang dalawa at napahawak sa isa't isa. Ng tuluyang maglaho ang liwanag wala na ang mga pusa nila, ang pumalit ay ang dalawang diwata na pinatawan ng kaparusahan ni Reyna Amethyst ng kahariang Umbra. Hindi makapaniwalang nakatingin ang dalawang binata sa mga diwatang nakapikit pang mga mata. Ganun pa rin ang posisyon ng mga ito, kung anong pwesto ng dalawang pusa kanina ganun din ang dalawang diwata, magkatabing magkatabi pa rin ang dalawa. Nakasuot ng pulang damit si Alex habang asul na damit naman ang kay Amber. Humarap sa isa't isa ang dalawang diwata kasabay nun ay nag iba ang kulay ng kanilang kasuotan.. Mula sa makulay ay naging itim na ito ngayon. Dun lang napagtanto nila Brent at Gaelan na ang mga pusang inalagaan nila ay walang iba kundi ang mga diwatang itinatangi pala nila. "A - Alex!" Awang ang labing sambit ni Brent. "A - Amber!" Nanlalaking mga matang sambit naman ni Gaelan. Nakangiting naglakad palapit si Amber sa nakatulalang binata, tinampal tampal nyang pisngi nito. Ng makita nyang pagkurap kurap ng mga mata ni Gaelan, hinalikan nya ito sa labi at bago nya ito pakawalan kinagat pa nyang dila nito, napangiti na lang sya ng malasahan ang sariwa nitong dugo. "Amber!" tanging naibulong ni Gaelan ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "I always say how I don't need you but please don't leave me, Gaelan.. I can say something insulting. Don’t ever get mad when I say something not pleasant to your ears about how you look, how you talk and how you move. I’m just being careless that I want insult fights with you. I want to be childish with you. I want us to be lost in our own Neverland." Tila nangangarap namang sumagot si Gaelan kay Amber na bagamat seryoso ang mukha, mababakas naman sa mga mata nito ang kapayapaan at kasiyahang nararamdaman. "I will never leave you, Amber. I love you so much. You know that." Maagap na sagot ni Gaelan, nagniningning ang kanyang mga mata sa kasiyahang kanyang nadarama. Amber smiled.. "I can be so mean when I wanna be. I can be tough as hell whenever you do something that is against my playbook. When you’re with me, I just want you to hold my hand whenever I need it, I want you to hold me close whenever I got lost in my thoughts, when we’re with our friends don’t ever act like I didn’t exist in the first place, never leave my side without permission, and don’t you ever consider talking all gladly about other girls. If you plan on breaking these, prepare for a war." "Not gonna happen.. Promise! takot ko lang dyan sa mga pangil mo haha." Kinakabahang sabi ni Gaelan. "I can cut you into pieces when my heart is broken." Amber said seriously. Napangiwi kaagad si Gaelan pagkarinig sa sinabing yun ni Amber. ' Goodness.. nakakatakot talaga sya...' "I’m not talking like, I’m going to chop you’re leg off; I’m talking like, I can pretend that what we have right now didn’t matter to me at the moment. Pain can change a person. Pride will always go in our way. I can act that I don’t care about what’s going on with you. I can act like all the things that you did didn’t hurt me even a bit. I can act like letting you go is the only possible solution to what I’m feeling on that very second. I can act like I don’t want you, that I don’t need you, that I don’t love you. That is only part of being broken. But please, on that very state of me, don’t ever leave my side. Because that is the moment when I really need you to hug me and make me feel like all of my burdens are breaking down in your arms. I can act like I have walls around me, like I’m hard to reach. But please break down those walls. Please love me still. Please don’t leave me. One more thing I ask of you... Love me for who I am and be true. Love me as a fish loves the sea, how the bird loves to sing. Love me as a bee loves its honey, as an angel love his wings. Love me and hold me tight as you tell me everything is all right. Love me and guard me with all your might as you hold me near at night. Love me as I lay a kiss upon your lips, as the heart in my chest flips." Hinawakan ni Gaelan ang magkabilang kamay ni Amber saka masuyong hinalikan ang mga yun.. "Amber, from that time until now, my love hasn't changed. I accepted you even if you are a witch, a fairy and a vampire. Don't worry, I'll stay with you throughout my life." Amber hugged Gaelan, then whispered... "Finally l found my home... Thanks Gaelan." Gaelan hugged her tightly. "Your welcome, Amber... I love you." Napangisi si Amber, hinalikan nyang leeg ni Gaelan... Napalunok sya ng unti unting lumabas ang kanyang mga pangil. "Gaelan..." "Hmmmm?" "I love you too." Sabay sagpang nya sa leeg ng binata na tila nanigas ng maramdaman ang sakit at pagsipsip nya sa dugo nito. "Amber...." Huling nasambit ni Gaelan bago ito nawalan ng malay. 'Welcome to my immortal world Gaelan.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD