Two

1017 Words
"Agents! Be ready in five minutes... Roso, the mastermind is in the house, we could just bargain to him to release all the children's he kept with his freedom of course tsk.. That bastard is smart huh! But let's see what he says if we capture all of them. Agents... go get him alive if possible.. Understand!" "Loud and clear Boss K." Sagot ng labingdalawang secret assassins agent ng Hainsha Organization sa pamumuno ni Keros Kitsume, ang head ng Asia. Nag kanya kanyang posisyon ng mga agents. "Huh! Ano yung lumilipad na yon patungo sa bubong ng bahay ni Roso, hoy! Brent, nakikita mo ba yun?" "Wag mo ng pansinin yun Gaelan, mag ready kana lang dyan.. Siguraduhin mong asentado yang pagbaril mo ha, para bumilib naman ako sayo at maniniwala nakong one of the best sniper ka ng Hainsha hehe." "Ulol.. Gusto mo try ko sayo ang skills ko para face to face mong masaksihan kung gaano ako ka asentado? Hehe ka rin.. Idiot." "Relax.. Chill ka lang, dika na mabiro.. Alalahanin mo doctor ako, at kapag na stugi ako wala na kayong genius doctor na maaasahan." Nakataas pang kilay na sabi ni Brent sa katabi na nakasilip sa sniper g*n nito. "Sshh.. Wag ka munang maingay, may nakikita akong tao sa bubong ng bahay ni Roso.. Pero parang hindi ordinaryong tao eh... Parang aswang.." Binatukan kaagad ni Brent si Gaelan. "Tangna! tanda tanda mo na naniniwala kapa sa mga aswang hahaha." Napatakbo bigla si Gaelan patungong halamanan, ni hindi na nya inintindi ang pagbatok ni Brent sa kanya.. Nakatuon kasi ang pansin nya dun sa bubong ng bahay. Naghanap sya ng punongkahoy at ng makakita kaagad nyang inakyat yun at mula doon ay hinagis nyang lubid patungong bubong ng dalawang palapag na bungalow style na bahay. "Gaelan, anong ginagawa mo? Shit.. bumaba kana nga dyan at ng mapasok na natin ang bahay." Naririnig ni Gaelan sa kanyang earpiece si Brent pero di nya ito pinansin. Nag umpisa na syang mag rapel paakyat sa bubong ng bahay kung saan nakita nya kanina ang aswang na pinaniniwalaan nyang nag e exist pa rin sa panahon ngayon. Ganun sya eh, mapamahiin masyado, kaya yung nakita nya kanina gusto nyang makita ito ng malinaw at harap harapan. Ngunit pagsapit nya sa rooftop wala ng bakas ng aswang dun. "Shit.. Ang bilis naman nyang kumilos, san kaya sya nagsuot?" Yumuko sya"t sinuyod ang bubong.. May napansin syang nakatuklap na bahagi nyon, sinalat nya yun at ng matiyak na hindi na yun nakakonekta sa loob ng kesame kaagad nyang binaklas yun at sinilip kung saang bahagi yun ng bahay. "A-- Ano yan...?" Mula sa kinaroroonan ni Gaelan kitang kita nya ang isang babaeng may mahabang sungay, may pakpak na malapad at malaki, may hawak na mahabang sandata at ang nakapag patindig pa ng kanyang mga balahibo sa katawan ay ang ginagawa nitong paglapa kay Roso.. Tila isa itong gutom na gutom na hayop, bawat sagpang nito ay natatanggal sa katawan ni Roso ang bawat bahagi ng kinakagat nito. Hindi naman nito kinakain kundi ikinakalat lang nito kung saan.. Kung gaano kalakas ang paghiyaw ni Roso dahil sa sakit na nararanasan ganun din kalakas ang pagtawa ng babaeng impakta, uu, yun ang itinawag nya sa mala demonyang nilalang na walang awang pinagpipira piraso ang buong katawan ni Roso hanggang sa malagutan na lang ito ng hininga. "Geezz... Hindi isang aswang lang ang nilalang na yan kundi isang demonyo.. Ay! demonya pala kasi babae sy--" Natulos sa kinapupwestuhan nyang pagsilip si Gaelan ng biglang tumingala sa kesame ang babae, deretso ang nagbabaga nitong tingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Gaelan ng ngumisi ang babae, kitang kita nyang mahahaba nitong pangil na may bahid pa ng dugo.. Nanginig ang laman ni Gaelan ng inilabas pa ng impakta ang mahaba nitong dila saka dinilaan nito ang nakakalat na dugo sa bibig nito. Gustuhin man ni Gaelan na ibaling ang kanyang tingin sa ibang dereksyon para dina nya makita pang babae pero hindi nya magawa. Tila nahipnotismo na sya nito. At ng ngumisi ang impakta sa kanya sabay kindat dun na nanigas ang kanyang katawan. Para syang paralisado ng mga oras na yun na ang huling ginawa nya ay ang mapahiga at deretso ang tingin sa madilim na kalangitan. 'Totoo bang lahat ng nakita ko O isang panaginip lang ito?' Dahan dahang ipinikit ni Gaelan ang kanyang mga mata. Naririnig nyang palitan ng putukan ng baril at ang paminsan minsang pagsabog ng mga bomba na tiyak nyang si Prick ang may kagagawan. Naririnig nya rin ang palitan ng mga boses ng kanyang mga kasama at ang pagtawag ni Brent sa pangalan nya.. Sa halo halong ingay na bumabalot sa paligid may isang malamyos na boses syang narinig na tila nagpakalma sa nanginginig nyang laman at rumaragasang dugo sa kanyang katawan. "Kung anuman ang nakita mong ginawa ko sa tagalupa na yun... Kabayaran lang yun sa utang nya sa angkan namin... Lilipulin ko ang mga kauri mong tao na may maiitim na budhi.. Yung mga kagaya nilang hayop na pumapaslang sa walang kalaban laban at mga inosenteng nilalang lalo na sa mga musmos.... Ako ang hahatol sa kanila at maghahatid sa huling hantungan doon sa kadiliman... Hanggang sa muling pagkikita natin Agent Gaelan Ablan... Mag iingat ka! para sa muling pagkikita natin maging karapat dapat ka sa pamantayan kooo..." Tila tinangay na lang basta ng hangin ang mahiwagang boses na yun. Napadilat bigla ng kanyang mga mata si Gaelan ng umihip ang malamig na hangin.. Kakatawa kasi iba ng kanyang pakiramdam ngayon. Kung kanina kilabot at takot ang naramdaman nya ngayon ligaya at ginhawa ang pumupuno sa kanyang puso. "Sino ang babaeng mukhang dyablo na yun? Bakit nya alam ang pangalan ko? At bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya? Nyeta.... Masama ito... Napakasama nito... Nagayuma ako ng impaktang yun? Pakingsheett noooo...." Umalingawngaw ang boses ni Gaelan sa kadiliman ng gabi.. Sa bilog na buwan makikita ang isang nilalang na may pakpak, malapad ang pagkakangiti nito habang titig na titig kay Gaelan na nakahilata pa rin sa bubong at walang tigil ang pagsigaw. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD