Three

1438 Words
=⚔= Para lalong maintindihan ang pinanggalingan ni Amber!!! Isa po sya sa mga diwatang taga ulat sa kwento ng... "Ang Lihim na pagkatao ni Ayana" Finish na po ang story na yan.. Maaari nyu na pong basahin... Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking mga nobela.. ?? ?MahikaNiAyana ⚔⚔⚔ Matapos ang misyong iyon, hindi na naging maganda ang takbo ng buhay ni Gaelan. Madalas na kasi nyang napapanaginipan ang impaktang babaeng yun.. Kahit na naghihirap ang kanyang loob wala man lang syang pinagsabihan ng karumal dumal nyang nasaksihan ng gabing yun. Basta tikom lang ang kanyang bibig ng lisanin nilang lahat ang compound ni Roso. 's**t! Sana dina ulit kami magkita ng dyablong babaeng yun! Ayoko na talaga... Lord please lang po, ilayo nyo po ako sa mga masasamang elemento, maawa na po kayo sa gutay gutay na puso at kaisipan ko! Amen.' "Gaelan, anuba? Sabi ng bumaba kana dyan sa sasakyan ko eh!" Dis oriented na napabaling ng tingin si Gaelan sa nakasimangot na si Griffin. "Bakit?" "Punyemas! Anong bakit? Nandito na po tayo kamahalan, pwede na po kayong bumaba." Sarkastikong sabat naman ni Pyre sa usapan nila Griffin at Gaelan. Nabaling ang tingin ni Gaelan kay Brent na nasa harapan na ng bungalow type na bahay. Bumaba na lang sya sa sasakyan saka naglakad patungo sa mga kaibigang nagkukumpulan. Nandito silang lahat sa tagaytay para tumulong kay Eruto na bawiin ang diwata nitong girlfriend mula sa Amang Hari nito doon daw sa Engkantadya. Napailing iling na lang si Gaelan, dahil ngayon ang paniniwala nya tungkol sa mga engkanto ay totoo talaga. Hindi na kathang isip nya lang. "Hello Ganda! Na miss mo ba'ko ha?" Bating pasigaw ni Brent sa isang magandang babae na nakatayo sa balkonahe ng bahay. Nagsipolan naman silang magkakaibigan. "Alex, nakahanda na kaming sumama sayo dun sa sinasabi mong Engkantadya." Sabi ni Eruto dun sa babae na kulay pula ang buhok. "Huh!" Naguguluhang napabaling ang tingin ng dalaga kay Eruto. "Ahm mga kaibigan ko! pede ba silang sumama satin?" Nakangiwing sabi ni Eruto dun sa Alex na hindi alam kung matatawa o anuba. "Ha! Lahat sila?" Tanong pa nito ulit kay Eruto na parang manghang mangha, sa dami ba naman nila at lahat lalaki pa. "Oo, kung pede sana Alex!" Pinasadahan silang lahat ng tingin ni Alex, kaagad namang sinaway sila ni Eruto sa kanilang pagkukulitan, nagtatawanan at naghaharutan pa sila na parang mga batang walang pakialam sa kapaligiran. Natigil lang sila sa pagsasaya ng may narinig silang pagaspas sa himpapawid, lahat tumingala dun at nakita nilang isang babaeng kulay asul ang buhok na pababa na ngayon ang paglipad sa kanilang harapan, may kasabay itong isang kwago na paikot ikot sa himpapawid. Mismong sa harapan nila Eruto at Alex tuwid na tumayo ito at dumapo naman sa balikat nito ang kasamang kwago. "Amber! ba't naparito ka? May nangyari ba sa Umbra?" Nagtatakang tanong ni Alex sa taga ulat ng Engkantadya. Natahimik naman ang mga kalalakihan na nakamasid lang sa pag uusap ng dalawa. 'Bakit pakiramdam ko, kakilala ko ang Amber na'to? na parang nagkita na kami dati, pero diko lang matandaan kung saan.' Pahimas himas pa ng kanyang baba na bulong ni Gaelan sa sarili. "Ginagawa ko lang ito para makatulong sa isang kaibigan." Ani Amber na bahagyang sumulyap kay Gaelan na titig na titig naman sa kanya. Nanigas sa kinatatayuan nya si Gaelan ng magtama ang mga mata nila ni Amber. 'Huh! Ang mga matang yun, pamilyar na pamilyar sakin.. Teka! Hindi naman siguro sya yung impaktang nakita ko sa bahay ni Roso, diba? Imposible talaga yun kasi kulay asul.ang buhok nya, isa pa napakaamo ng kanyang mukha di gaya ng impaktang yun nakakatakot ang hitsura nun...hmm.. Gaelan, stop thinking nonsense ok! Hindi sya yun, magkaiba sila ok! Tapos ng pag iisip ng kung anu ano.' Sinikap nyang pakalmahin ang kanyang sarili at nakinig na lang sa usapan ng dalawang diwata. "Bakit may nangyari ba kay Heneral?" Tanong ni Alex.. tiningnan ng makahulugan ni Amber si Alex, tila nagkaintindihan naman agad ang dalawang diwata. "Tara na! kailangan nating magmadali bago pa mahuli ang lahat!" Sambit ni Alex. Kaagad na naglaho ang dalawang diwata na ikinamangha naman nilang lahat. Pero sa isang kisapmata lang lumitaw ulit ang dalawang diwata sa harapan nila. Humihingi ng paumanhin kasi nakalimutang kasama pala sila. "Kayong anim kumapit kayo kay Amber." Tinuro ni Alex sina Keros, Pyre, Griffin, Eruto, Prick at Gaelan na kaagad namang humawak kay Amber kasabay ng paglaho ng mga ito. At sa isangkisapmata lang nasa loob na sila ng kahariang Getah, eksaktong nasa bulwagan na silang lahat kaharap ang Hari ng Getah na si Etan at Reyna Jade. Silang mga magulang ni Candy, ang diwatang pinakamamahal ng kaibigan nilang si Eruto. "Anong ibig sabihin nito Alex? Bakit mo dinala dito ang mga tagalupang yan?" Dumadagondong ang boses ng Ama ni Candy habang galit na galit nitong ibinagsak ang hawak na tungkod. Naglikha iyon ng malakas na lindol at may nagbagsakang kidlat sa kapaligiran ng palasyong Getah. Nagkatinginan silang magkakaibigan.. Ramdam nila Gaelan ang lakas ng kapangyarihan nito kaya nangangamba sila hindi lang para sa kanila kundi higit na kay Eruto, Abah! Kung saka sakaling ito'y magwagi na mabawi si Candy mula sa Ama nito, isa lang ibig sabihin nun.. Magiging byenan ng kaibigan nila ang mabagsik na engkantong kaharap nila ngayon. "Kamahalan, pakiusap! huminahon po sana muna kayo at pakinggan ang nais kong iparating na salita sa inyo." Hindi naman sila lahat nakagalaw, nakatulala lang sila sa mga kaganapan na nasasaksihan nila ngayon. "Isa kang lapastangan! Bakit mo sinuway ang utos ko ha? Alam mo ang batas sa kaharian ko." Ikinumpas Ni Haring Etan ang hawak nitong tungkod na nakaturo kay Alex na nabigla sa tumamang kidlat sa katawan nito na nagdulot ng malalaking hiwa at nagtalsikan ang mga dugo nito sa kung saan. "Uhhh... P - Patawad Mahal na H - Hari! Gwarkkk..." Hindi na napigilan ni Alex ang pagsuka ng dugo habang sapo ang bibig nito. Humahangos namang dumating si Reyna Jade at sa likod nito ay si Amber na syang sumundo dito. Lumapit agad ito sa Kabiyak saka niyakap ito para kumalma sana pero lalo lang itong nagalit ng makitang isang tagalupa ang lumapit kay Alex at dinaluhan ang diwata. "Alex!" Sa ginawa ni Brent na pagtulong kay Alex, nagsisunuran na rin silang magkakaibigan dito. "Mga lapastangan kayong lahaaatt! Kaylalakas ng loob nyung magtungo at tumuntong sa kaharian ko ng walang pahintulot." Kumumpas ang dalawang kamay ng Hari, hindi lang kidlat at lindol ang pinakawalan nito, may ipo ipo na rin na may kasamang ulan ang patungo sa kinaroroonan nila Gaelan, pero bago pa yun umabot sa kanila, biglang lumitaw si Candy at pumagitna para apulahin ang daluyong na tatapos sana sa mga buhay nila. "Ama! Tama na po! Tumigil na po kayo Ama! Parang awa nyo na po!! Tama naaa!" Umiiyak na napaupo na lang si Candy sa bulwagan ng Palasyo, habang lumuluha ito ng mga brilyante. Natataranta namang nilapitan sya kaagad ng Ama't Ina nito. Inaalo at pinapakalma sya ng kanyang mga magulang. "Grabeee! lumuluha sya ng dyamante, panu nangyari yun?" Nanlalaki ang mga matang sambit ni Keros. "Kasi nga, isa syang Diwata boss K." Ani Brent. "At nasa mundo tayo ng mga Engkanto, kaya walang imposible dito." Si Eruto na nagtutubig ng mga mata habang deretso lang ang tingin sa kasintahang si Candy, nag umpisa na itong humakbang palapit sa diwatang minamahal habang nag uumpisa ng pumatak ang masagana nitong luha sa magkabilang pisngi. Napapailing na lang si Gaelan sa mga nasaksihan, ramdam nyang magtatagumpay ang kanilang kaibigan na maiuwi ang diwatang pinakamamahal nito. Dahil makapangyarihan ang pag-ibig... malaking paniniwala nya dun. "Kaya dapat umayos tayo kung ayaw nating maparusahan ng mga engkanto." Habang sinasabi yun ni Gaelan, umiikot naman ang kanyang tingin sa paligid.. Hinahanap ng kanyang mga mata si Amber ang diwatang di nya maiwaksi sa kanyang isipan. "Ako bang hinahanap mo?" Bulong ni Amber kay Gaelan na napatuwid ng tayo at dahan dahang humarap sa kanya. "H - Hi, ako nga pala si Gaelan Ablan." Halatang panginginig sa boses nito habang naka face to face kay Amber at nakalahad pang kanyang kanang kamay. "Amber, ikinatutuwa kong makilala at makadaupang palad ka Gaelan Ablan." Malapad itong ngumiti na inabot ang kamay ng binata. At sa pagdaop ng kanilang mga palad, tila nakaramdam ng kaginhawahan at kapayapaan si Gaelan habang titig na titig sa mga mata ni Amber na bakas naman ang kasiyahan. May kislap ng kapilyahan sa sulok ng mga mata nito at kilabot naman sa gilid ng bibig nitong bahagyang nakataas. Kung anuman ang naglalaro sa kanyang isipan, tanging si Amber lang ang nakakaalam... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD