Four

1467 Words
"Naligaw yata kayong dalawa dito sa Umbra? Anong sadya nyo dito?" Palipat lipat ang tingin ni Amber kay Shadow at Whisper. "Nandito kaming dalawa para paalalahanan ka Amber?" wika ni Shadow na seryosong seryoso. "Paalalahanan ng ano naman?" Pagmamaang maangan naman nya. "Haayy.. Amber, mga kauri mong kaharap mo ngayon hindi mga tagalupa. Alam mo kung ano ang nais naming ipahiwatig sayo." Seryoso ring sabi ni Whisper sa kanya. Sa nakikita nyang reaksyon ng dalawa alam na nyang importante ang sadya ng mga ito sa kanya. Dumating na ba ang panahon ng paghahatol sa kanya? Sa mga ginagawa nyang hakbang na paglabag sa mga kautusan ng Mahal na Reyna Amethyst ng kahariang Umbra? Pero hindi pa pwedeng bawiin sa kanya ang taglay nyang kapangyarihan...hindi pa nya natatapos ang kanyang nasimulang laban... Hindi pa nya nalulupig ang lahat ng nagkasala sa kanya.. Sa angkan nila.. "Amber, isang beses na kaming lumabag sa kautusan ng Reyna Amethyst at hindi matatawaran ang hirap at pasakit ng ipinataw nyang parusa saming dalawa ni Shadow, ang kaparusahang sa tanang buhay namin ay noon lang namin naranasan." "Kaya pinaaalalahanan ka namin ulit ngayon ni Whisper, tumigil kana sa pagkitil ng buhay ng mga tagalupa.. Pakiusap, hindi ikaw ang dapat gumagawa nyan kundi si Zia, naiintindihan mo ba kami ha Amber." "Narinig kong sinambit mong pangalan ko Shadow.. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Isang nilalang ang biglang lumitaw sa kanilang harapan... Basi sa dala nitong kawit, koronang nakalutang lang sa ulo nito, ang pakpak nitong kulay itim na may halong ginto , tiyak ni Amber na ito si Zia ang pinuno ng mga tagahatol at tagaparusa.. Akala nila nag iisa lang ito, pero sa pagtalikod nito ay saka naman naglitawan ang tatlo pa nitong kasamahan. "Uy... Zia, kanina lang tayo magkasama ah.. namiss mo ba'ko kaagad kaya ka nandito?" "Gusto mong ihiwalay ko yang ulo mo sa katawan mo para malaman mong ganun kita kinamumuhian Whisper?" Nanlilisik ang mga matang naglakad palayo sa kanila si Zia. "Geezz... Mahal na mahal talaga ako ng pinuno nyu ano? Kakapanindig ng balahibo ang kasweetan nito.. woooh." "Minsan mo na syang sinaktan Whisper, kaya wag ka ng umasang mahuhumaling ulit sya sayo." Nang uuyam na sabi ni Ui saka nilingon ang dalawa pang kasama nito..saka sabay sabay na naglaho ang tatlo. "Lilisan na rin kami Amber..tandaan mo isang pagkakamali mo na lang mapapatawan kana ng kaparusahang hinding hindi mo makakalimutan. Kaya kung ayaw mong mangyari sayo ang nangyari samin ni Whisper magbago kana!" "Oo na! Tatandaan ko ng mga sinabi nyo sakin.. sige na! Maaliwalas na araw sa inyong dalawa...Paalam." Nauna pang maglaho si Amber sa dalawa. "Panu ngayon yan Shadow, mukhang di susunod satin si Amber?" Naiiling na napapasuklay na lang ng kanyang buhok si Whisper. "Kagaya pa rin sya nung musmos pa lang sya, walang pinagbago. Hay, napakatigas pa rin ng kanyang ulo." "Nag aalala ako sa kanya Shadow, baka di nya kayanin ang kaparusahang ipapataw sa kanya kapag nagkasala ulit sya." "Basta! Dito lang tayo Whisper! Aalalay at gagabay sa kanya.. Tandaan mo ang sinumpaan nating pangako sa kanyang Ama't Ina." Nagtapikan pa ng braso ang dalawa bago sabay na naglaho. Samantalang naglalakbay naman patungong mundo ng mga tao si Amber para bisitahin ang mga kaibigang sina Candy at Alex. Napabagal ang paglipad nya ng umagapay sa kanya ang kaibigang kwago. May iniuulat ito sa kanya na labis nyang ikinasaya. Nahalikan nya pa nga ang kwago dahil sa ganda ng dala nitong balita sa kanya. Hindi na sya makapaghintay na mabisita munang mga kaibigan bago gawin ang sa tingin nya'y nararapat gawin para mabawasan ang mabigat nyang suliranin. Para sa kanyang mga magulang.. hustisya para sa karumal dumal nilang pagkamatay. "Amber!" Natutuwang sinalubong sya ng yakap ni Candy. "Kumusta ka na Heneral Ixeo? Natutuwa naman akong makita kang muli kaibigan." "Candy nako ngayon hmp! sabi ng wag mo na akong tawaging Heneral lxeo eh!" Nakasimagot na tinalikuran nyang kaibigan at nagtungo sa kusina para ipaghanda ito ng makakain. "Amber! wow,.. diko alam na dadalaw ka rin kay Heneral." Natutuwang sambit ni Alex na kalilitaw lang din sa kanilang harapan. "Sinabi ko ng Candy nako ngayon at hindi Heneralll..." Naiinis na sigaw ni Candy sa dalawang kaibigan, sakto namang papasok sila Eruto, Brent at Gaelan ng bahay. "Mahal, galit ka ba?" Nag aalalang tanong ni Eruto sa asawang si Candy na kaagad namang pumihit paharap sa kanila at malapad na nakangiti. "Hindi, Mahal, ang aga mo yatang umuwi ngayon hmm." Kaagad na niyakap at hinalikan ni Candy ang asawang palipat lipat ng tingin kila Amber at Alex. "Hi, Amber.. Kumusta kana?" Nasisiyahang bati ni Gaelan sa diwatang walang ka re-a reaksyon ang mukha. 'Lam nyo, palaging nakabuntot yang dalawang yan sa asawa ko.' Kausap ni Candy kay Amber at Alex sa isip nya. 'Bakit naman?' Takang tanong ni Amber. 'Si Brent, kasi, laruan ni Alex, pero yang si Gaelan, tingin ko may gusto sayo kasi palaging pangalan mong bukambibig eh.' 'Ganun?' 'Oo, tingnan mo kung makatingin sayo, haha' sabat naman ni Alex na naglakad palapit kay Brent na nakangisi ng nakakaloko. "Hello Amber, okay ka lang ba? Kanina kapa kasi nakatingin sakin, may gusto ka bang sabihin?" Kinaway kaway pa ni Gaelan ang kamay sa harap ni Amber. Kumurap kurap muna si Amber bago sumagot. "Ah wala naman, naaaliw lang akong tingnan ang mukha mo." "Ha! Bakit naman?" "Kelangan ba may rason ako para lang matitigan ka ng matagal?" "Hindi... Ahm.. okay lang naman yun sakin, kaso naninibago lang ako sayo ngayon." "At bakit naman?" "Kasi ngayon mo lang yan ginawa sakin." "Uhooyy... Kinikilig si Gaelan... Eruto, tingnan mong kaibigan natin nagbibinata na, hahaha." Biglang sigaw ni Brent. Mabilis na pinulot ni Gaelan sa sofa ang teddy bear na kanyang unang nakita, saka ibinato yun kay Brent na tumakbo naman palabas ng bahay habang malakas na tumatawa. "Gagong yun... Ka bad trip.. tangna.." Bahagyang namumula pang mukha ni Gaelan dahil sa nararamdamang hiya. "Amber, sor- " Naputol ang pagsasalita nya ng pagbaling kay Amber wala na dun ang diwata.. Napapakamot na lang sya ng tenga saka napabuga ng hangin.. "Tsk.. Basta na lang akong iniwan dito?... Grabe naman sya sakinnn..." "Suko kana ba, Bro?" Nagtatakang nilingon ni Gaelan si Eruto na galing ng kusina at may dalang dalawang bote ng beer at iniabot ang isa sa kanya. "Thanks" Kinuha nya yun saka umupo sa pang isahang sofa. "Alam mo kasi, mahirap makuha ang loob ng mga diwata, mailap kasi sila.. Hindi lang yun, napakahirap din nilang paamuhin." "Ganun ba si Candy ng makilala mo?" "Actually, unang kita ko pa lang kay Candy ibang naramdaman ko eh.. Hindi excitement at mas lalong hindi ako na attract sa ganda nya, kabaliktaran kasi ang naramdaman ko. Kinikilabutan at natatakot ako sa kanya." "Paano ka na in love sa kanya kung ganun?" Interesadong tanong nya kay Eruto. "Ahm... Panu nga ba? saglit isipin ko muna hmm... Ah, nung umalis sya.. mahigit isang buwan syang nawala, dun ako nakaramdam ng lungkot, parang namiss ko ang presensya nya, kaya humingi ako ng tulong kay Brent. Pinahanap ko sa kanya si Candy at holaa.... napadpad kaming tagaytay." Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Eruto na ikinailing na lang ni Gaelan. "Ah... Yun yung kinaladkad kami ni Griffin papunta dun.. Oo, naalala ko na." Natawa na rin si Gaelan ng maalala ang pangyayaring yun. "Alam mo bang. Kahit kailan ‘di madali ang magmahal. Sa totoo lang, mahirap. Makakaranas kayo ng ‘di niyo pagkakaayos, haharapin niyo ang sunod-sunod na problema. May mga pagkakataon na ‘di kayo nagkakaintindihan at ‘di kayo magkasundo sa isang bagay. Na halos nakakapagsabi na kayo ng masasakit na salita, dala ng mabigat na dala ng inyong emosyon. But after these arguments, you will realize, na etong taong inaaway mo, ay ito rin ‘yung taong gusto mo pang makasama. Marami pang problemang sosolusyunan, marami pang mali na kailangan niyong itama. Away? Pride? Masasakit na salita? Actually, wala naman talaga ‘yun kung mahal niyong dawala ang isa’t-isa. Mahirap nga magmahal, pero dobleng saya din naman kapalit nito kapag nakukuha niyong itama at ayusin ang lahat." Napabuntong hininga na lang si Gaelan saka tumayo at namulsa. "Thanks, bro, kahit papanu naliwanagan ako. Ngayon nakakatiyak nako saking sarili, alam ko na kung anong magpapaligaya sakin." "Good luck! Buddy, push mo lang yan.. pasasaan ba't maaabot mo rin ang langit." 'Ge, hahabulin ko pang mailap kong kapuso.. Pakisabi na lang sa kanila nauna nako.." Sinabayan pa sya ni Eruto palabas ng bahay. At sa paghakbang nya patungo sa garahe nakita pa nyang naghahabulan sila Alex at Brent. Kitang kita ang kasiyahan sa mukha ni Alex, samantalang nakabusangot naman si Brent na sapo sapo ang dibdib. 'Sana kami din ni Amber, balang araw ganyan din kasaya.,.' Tanging naibulong nya sa hangin bago sumampa sa kanyang sasakyan. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD