RAMDAM NA RAMDAM ni Ralph ang malambot na mga labi ng babae na nilalasap ang sarili niyang mga labi na hindi niya mawari kung ano ang iniisip at bigla-bigla na lang siyang hinalikan. At hindi rin naman malaman ni Ralph kung bakit imbes na itulak niya ang babae ay hinayaan niya lang itong halikan siya.
Batay sa paraan ng mariing paghalik nito sa kanya ay masasabi niyang hindi iyon ang unang beses na makahalik ito. Mapusok iyon, at mapag-anyaya, dinadarang ang pag-iisip ni Ralph para halikan niya ito pabalik.
At iyon nga ang ginawa niya. He returned the kiss with more fiery, more hot, more engaging, like he’s ravishing the other’s lips. Ni hindi na nga napansin pa ng babae na nag baliktad na ang posisyon nilang dalawa. It was now Ralph who was pinning the lady on the wall, his arms tightly held on both sides of her waist as he shoved his body closer to her.
Sa sobrang pusok ng kanilang paghahalikan ay hindi na nila napansin pa ang ilang nakaitim na kalalakihang napadaan sa gilid nila. Dalang-dala na si Ralph sa hindi niya malamang kadahilanan. Basta ang tanging pumapasok lang sa isip niya ng panahong iyon ay ang matikman ang matamis na labi ng babae hanggang sa kasulok-sulukan nito.
Halata iyon dahil hindi man lang napansin ni Ralph ang pasimpleng pagsipa ng babae sa nahulog nitong pouch sa sahid papunta sa likod ng paa niya na nakasandal sa sinasandalang dingding. Maging ang unti-unti nitong pag-angat sa pouch gamit ang paa na inipit ang pouch sa dingding hanggang sa maabot na iyon ng isang kamay ng babae.
Ang akala lang ni Ralph ay malanding hinahaplos ng babae ang binti niya pataas hanggang sa braso niyang nakahawak sa baywang ng babae gamit ang binti nito.
Hindi rin napansin ni Ralph ang pag-alis ng isang kamay ng babae sa leeg niya nang kinuha nito ang pouch bago muling ibinalik iyon sa pagkakapulupot sa leeg niya. Lahat nang iyon ay hindi napansin ni Ralph sa sobrang pagkadala niya.
Feeling that the lady was out of breath, Ralph hesitatingly let go. Agad namang napasinghap ng hangin ang babae, pero hindi na hinayaan pang muling makapag-isip ito, muling sinibasib ni Ralph ang bibig ng babae na napaungol pa sa pagitan ng malalalim nilang halik.
The two were so deep into kissing that they didn’t stop when the man in black once again walked to their side. Dahil may kasikipan ang hallway kung saan naghahalikan sina Ralph ay isa-isang naglakad doon ang walong kalalakihan.
Hindi man nila tinitingnan ang dalawa, pero dahil sa ginawa nilang paisa-isang maglakad ay halatang alam ng mga ito ang ginagawa nila ng kababalaghan. Pero, dahil mas may importanteng kailangang gawin ang mga ito ay hindi na nila sinuway pa ang 'magkasintahan'. Kahit pa nga ang makalagpas na ang mga lalaki sa kanila ay hindi talaga naghiwalay ang mga labi ng dalawa.
Ang akala ng lalaking 'darang na darang' na babae ay bigla na lang nagmulat ng mga mata at pinanood ang tuluyang paglaho ng mga nakaitim na lalaki sa paningin niya.
Doon niya inalis ang pagkakalingkis ng mga kamay niya sa leeg ng lalaki at tsaka marahang tinapik sa balikat nito. Nang hindi tumigil sa paghalik sa kanya ang lalaki ay hinawakan na ni Jianne ang magkabilang braso ng lalaki at marahas na inilayo ang mukha mula sa lalaki na parang balak na siyang kainin ng buo.
Kasabay ng pagkakatulak ni Jianne sa lalaki ay nahulog naman ang damit na itinago niya sa loob ng sando ng lalaki.
Pinigilan niya ang humingal ng malakas at pinaningkitan ng mga mata ang lalaki na mukhang hindi pa nawawala mula sa pagkalasing dahil sa halik. Ang mga mapupungay niyang mga mata ay nahaluan ng pag-aalab habang mariing nakatingin kay Jianne.
Halos napasinghap naman si Jianne sa nakita. Dahil sa pagkataranta niya kanina ay hindi na niya natitigan pa ang lalaki. Pero ngayon nga na bahagya na niyang napatyadahan ng tingin ang lalaki ay hindi niya maiwasan ang mapakagat sa ibabang labi.
The man was oozing with manliness. His fit body, especially those muscular arms and biceps that are overwhelmed with muscles. Dahil nga sa nakasando lang ito ay kitang-kita tuloy at nakabalandra ang naglalakihang mga braso nito, halatang batak sa workout, pero hindi naman ganoon kalaki na parang sa mga wrestler. Tamang-tama na ang laki niyon para paglawayan.
Isama pa ang bakat na bakat nitong abs dahil sa suot na fitted sando. Ang titigan pa lang iyon ng ganoon ay naglalaway na si Jianne, paano pa kaya kapag nawala ang sandong nakatakip doon.
Mabilis na napailing na lang si Jianne sa kabast*sang iniisip at napaangat ang tingin sa mukha ng lalaki bago pa bumaba ng tingin ang mga mata niya.
Kung ang katawan ng lalaki ang nagsusumigaw ng pagkalal*ki ay ang itsura naman nito ay nagsasabog ng kagwapuhan. Those pistachio-green limpid eyes now have a hint of drunken intoxication, which makes them sexier and more sensual. Pinaresan pa ng magulo nitong buhok, like an after-s*x-bed-hair at ang mamasa-masa at namumulang mga labi. Everything about the man shouts s*x.
Parang gusto na lang ding impit na mapatili si Jianne. The feeling of kissing an adonis makes Jianne feel jittery. Parang gusto na lang niyang titigan ang lalaki magdamag, since alam naman niyang hanggang tingin na lang siya.
“What. Are you just going to stare?” Not planning to taste once again? Tanong ni Ralph sa babae matapos makabawi.
Although he’s dying to taste those luscious lips again, he's now sane. Ayaw na niyang muling mawala sa wisyo dahil lang sa halik. Dagok iyon sa pagkalal*ki niya at prinsipyo niya bilang isang well-trained agent.
Parte na sa training nilang mga agents ay ang maging immune sa mga temptasyon kagaya na lang ng babaeng nasa harapan niya.
But the woman was really a big temptress. Just looking at those black droopy eyes that are literally wet with restrained tears. Any man could be tempted. Paano pa kaya kung matikman mo pa ang mapupulang labi na iyon na mas lalong naging pouty dahil siguro sa pamamaga mula sa marahas niyang paghalik sa mga iyon.
Ralph could no longer deny the l*st and hunger he felt towards the woman. And it’s making him crazy. I am not like this!
Feeling his own principles slowly crumbling, Ralph straightened his mind. Hindi dapat siya nagpapadala sa init at tawag ng laman. He’s not an easy man to begin with. He's an upright gentleman, with high principles that could not easily be taken down. Not again. Not anymore.
The woman smiled at him, making her already slit eyes shrink. “Thank you,” biglang pasasalamat nito. “I owe you one. H’wag kang mag-alala, I know how to return the favor. See you, Mister!”
Hindi na nakaimik pa si Ralph nang matapos magsalita ng babae ay agad itong tumalikod at naglakad papalayo. Katulad ng hinalikan siya ng babae ay natulala lang din si Ralph nang umalis ito ng walang sabi-sabi.
Well, at least she said 'See you,' which means that she’s looking forward to meeting him once again. Not that he’s also looking forward to meeting her too, but Ralph just wanted to clear his mind from the shock that just happened.
Kaya naman katulad lang ng plano niya kanina bago siya hinila ng babae pabalik sa hallway na ito at hinalikan ay muling naglakad palabas ng maliit na hallway na iyon si Ralph papunta sa suite na tinutulugan nila ng mga kasama.
Walking mindlessly, Ralph reached the door of their suite. Wala sa sariling hinawakan niya ang doorknob noon at hinila para buksan pero hindi bumukas iyon. Pero dahil nga sa lumilipad sa ere ang utak ni Ralph ay hindi niya napansin iyon at paulit-ulit lang na ginawa ang pagbubukas ng pinto. Tuluyan na niyang nakalimutan na kailangan niya pang i-scan ang key card niya sa scanner para ma-unlock ang pintuan.
Nahinto lang sa ginagawang kabaliwan si Ralph nang dahan-dahan niyang iniangat ang kaliwang kamay tsaka parang babae na hinawakan ang labi. Iyon ang naabutan ng kaibigan niyang si Paulo nang buksan nito mula sa loob ang pinto.
“Oh, andito ka na pala Sel! Kanina pa nagrereklamo si Xy kung kailan ka ba matatapos kumain— eh?” nang mapansin ni Paulo ang pagkatulala ng kaibigan ay doon lang siya nahinto sa pagbubunganga.
Kunot ang noong pinanood niya ang kaibigang nakatayo ng tuwid habang ang isang kamay ay nakahawak sa doorknob, samantalang ang isa naman ay nasa mga labi.
“Si Russel na ba ’yan? P*ta, kanina pa nagugutom ’yung tao eh— oh? ’Nyare r'yan?” singit naman ni Xyra na ipinasok pa ang ulo mula sa nakaharang na braso ni Paulo.
“Aba malay ko r'yan. Pagbukas ko nang pinto ay gan’yan na ’yan,” sagot naman ni Paulo na binitawan na ang pagkakahawak sa siradora ng pinto. “Bayaan mo na ’yan at kumain ka na. Kanina ka pa nagrereklamong gutom ’di ba?” dagdag ni Paulo na nakatingin na kay Xyra.
“Kaya naman pala natagalan dahil hindi nadala ang sariling orasan. Tagal-tagal kumain, gutom na 'yung tao eh,” bubulong-bulong na reklamo ni Xyra. “Anyway, bigyan mo 'ko ng mga thirty minutes, Pau. After thirty minutes ikaw naman ang kumain. Bye!” Pinukulan muna ni Xyra ng tingin ang kaibigan bago naiiling na napamulsa sa suot na baggy pants.
Lumabas na siya ng kuwarto at naglalakad na papunta sa kung saan man. Samantalang tinitigan muli ni Paulo si Ralph na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon. Hindi niya tuloy malaman kung hahayaan din ba niya ang kaibigan sa labas o kahit papaano ay papasukin man lang.
Sa huli ay napakamot na lang siya sa gilid ng ulo bago may kalakasan na sinipa sa tuhod si Ralph. Mabuti na lang at sapat na iyon para gisingin sa pagkatulala si Ralph na napamura sa sakit.
“Tutulala ka pa d’yan?” nakangiting tanong ni Paulo kay Ralph.
Dahil sa nasaktan ay balak sanang gantihan ni Ralph ng sipa si Paulo, pero nakapasok na ito ng tuluyan. Walang nagawa na pumasok na lang si Ralph sa loob at sinara ang pintuan.
HINDI NAMAN mabura-bura ang ngiti ni Jianne, habang naglalakad sa kung saan man. Patalon-talon pa itong parang bata habang ang isang kamay ay nakahawak sa namumugtong mga labi.
She couldn’t forget the handsome man and their scorching kissing scene. It wasn’t her first making out with men either for work or act. Pero para kay Jianne ay iyon na ang pinaka hindi niya makalilimutang halik.
The best kiss with the best man she had ever seen. How can she forget it then?
Muling inilabas niya ang nakuhang wristwatch mula sa lalako kanina na hindi niya alam kung paano pero kahit darang na darang na siya sa nakapanlalambot na halik ng lalaki ay nagawa pa rin ng mga kamay niya ang walang kahirap-hirap na mang-snatch. Parang may sariling utak na yata at will ang mga kamay niya dahil kahit lirong-liro ang utak niya sa halik ay kusa pa rin ng mga itong ginawa ang trabaho ni Jianne.
Naiiling na nakagat na lang ni Jianne ang ibabang labi para pigilan malawak niyang ngiti. Sa sobrang tuwa niya yata sa naging sexy time niya kasama ng sexy’ng lalaki ay nakalimutan na niyang may tinataguan pala siyang mga lalaki.
She was happily walking when suddenly, she bumped into a broad chest. Agad iyong nagpabusangot sa kanya kaya inangat niya ang mga mata para samaan sana ng tingin ang kung sino mang humaharang sa dinaraanan niya ng makilala niya ang mukha ng lalaki.
It was the man who held a piece of paper with a drawing of a woman with almost the same face as hers. Huli na nang balakin niya pang makatakas. Maliban sa napalibutan na siya ng mga ito ay mahigpit pa siyang nahawakan ng lalaki sa isa niyang braso.
“S-sa’n niyo ’ko dadalhin? Bitawan mo ’ko! Kung hindi sisigaw ako ng k*dnapping!” pananakot ni Jianne habang pilit kumakawala sa lalaki.
Hindi naman siya sinagot ng lalaki at sa halip ay marahas na hinila siya para magsimula silang maglakad. Dahil sa sakit ng pagkakahawak sa braso niya ay napasunod na lang si Jianne at hindi na pumalag pa. Doon lang lumuwag ang pagkakahawak ng lalaki sa braso niya, sapat na para hindi siya makatakas.
“Sino ang Boss niyo? Bakit niya ako pinapahuli? Isa ba siya sa mga nanakawan ko? Sabihin niyo, pakawalan niya lang ako, ibabalik ko ang mga kinuha ko. Kahit kasama pa ’yung mga nakulambit ko sa iba!” muling pakiusap ni Jianne sa mga ito.
Hindi pa rin sumagot ang lalaki, pero napatingin na ito sa kanya. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya na para bang tinanong kung ano ba ang pinagsasabi niya. Pero nababasa naman ni Jianne sa mga mata nito ang pagkamangha at tawa habang nakatingin sa kanya.
Dahil doon ay tumahimik na lang siya na parang pusang hinayaang hilain siya sa kung saan man ng mga ito planong dalhin si Jianne. Kung ano-ano na tuloy ang pumapasok sa isip niya.
Gaya ng kung sino ba ang Boss ng mga nakaitim na lalaki. Ano ang itsura nito. Ano ang gagawin nito sa kanya. Kung pagkatapos bang makuha ng boss ang mga nakulimbat niya ay ihuhulog na lang siya sa gitna ng dagat. O, baka naman ipakain pa siya nito ng buhay sa mga pating sa dagat.
Tuluyan na ngang nalugmok sa pag-iisip ng kung ano-ano si Jianne na hindi na niya napansin kung saan siya dinala ng mga lalaki. Napadasal na lang si Jianne sa isip matapos magbigay ng mga paalam sa mga kaibigan sa kanyang isipan.