WALANG IMIK na pinanood ni Jianne ang dalawang lalaki na naglalaro ng chess sa harapan niya. Kanina pa siya naiinip habang pinanonood ang boring na laro ng dalawa na hindi alam ni Jianne kung chess ba ang nilalaro o dama. Kung hindi lang siguro dahil sa tape na nakatapal sa bibig niya at ang mga kamay na nakatali sa likod niya at paang nakatali naman sa isa’t isa ay baka kanina niya pa pinagtutulak ang mga ito para siya na lang ang maglaro.
Ilang beses na tuloy napapairap si Jianne dahil sa mga maling tira ng mga ito na sa palagay niya ay kung ano lang ang maisipang hawakan ng dalawa ay siya ring ititira nila kahit pa nga against na iyon sa rules.
Ang mas nakakatawa na nakakainis pa para kay Jianne ay ang mga mukha nila na akala mo talaga ay mga professional na manlalaro ng chess dahil sa mga seryosong mukha. Kung hindi lang titingnan ang palpak nilang mga tira ay baka nga papasok na silang mga amateur players kahit pa nga mas amateur pang tingnan maglaro ang mga bata kaysa sa kanilang dalawa.
“Hmm-hmnga bho-hmo!” muling singhal ni Jianne sa dalawang bantay.
Kanina pa niya tinatawag na mga bob* ang dalawa dahil nga sa hindi maipaliwanag na mga tira nito sa chess na nilalaro. Alam ni Jianne na naiintindihan ng dalawa ang kanina pa niyang sinisigaw pero nagpanggap lang ang mga ito na walang naririnig. Marahil dahil sa wala silang pakialam sa mga pasaring ni Jianne o dahil wala ang mga itong kakayahan para patulan siya. Kaya naman ang lakas tuloy ng loob ni Jianne na inisin nang inisin ang dalawa.
Minsan pa nga ay tinatawanan niya pa ang dalawang bantay at kahit na halata sa mga mukha ng dalawa ang unti-unting pagkainis ay pigil na pigil pa rin ang mga itong mapikon at patulan o kaya ay pasimpleng gantihan siya. At dahil talagang naiinis si Jianne sa pagkuha ng mga ito sa kanya at pagtago sa kuwartong iyon ay idinaan niya na lang sa pang-aasar sa dalawa ang paglabas niya ng pagkabadtrip niya.
Hindi niya rin naman alam kung gaano na ba katagal na nakakulong siya roon pero sa palagay niya ay mag-iisang oras na siyang naroon. Nakasisiguro lang siya na nasa loob pa rin siya ng cruise ship. Maliban doon ay wala na talaga siyang kaide-ideya kung bakit ba siya naroon o kung sino mang pontio pilato ang nagpadakip sa kanya.
Habang dinadala kasi siya ng mga kalalakihan kanina ay hindi naman tinakpan ng mga ito ang mukha niya. Kaya naman nakikita niya ang mga dinaraanan nila. Sa tingin ni Jianne ay mukhang malaking tao talaga ang nakabangga niya ngayon, dahil nga sa para bang walang katakot-takot ang mga tauhan ng kung sino mang ’yon para harap-harapan siyang kidn*pin. At hindi rin naman alam ni Jianne kung matutuwa ba siya o ano dahil mukhang wala ring pakialam ang mga nakakita sa kanya habang sapilitang isinama ng mga kalalakihang humuli sa kanya.
Based on Jianne's conjectures, if she analyzed every reason for suddenly bringing her into this room, she could come up with three. Katulad nang una niyang analisa, maaaring isa sa mga biktima niya ang gustong maghiganti sa kanya o kaya nama’y nagpatulong ito sa iba para parusahan siya.
Pangalawa naman ay dahil sa nakilala siya ng ilan sa mga kalaban ni Mr. Dueño at balak siyang gamitin ng mga ito para makahingi ng malaking ransom. Although it was kind of obscure, Jianne wanted to think of every possibility so she could analyzed everything clearly without missing anything.
Pangatlo at pang-huli ay may relasyon pa rin kay Mr. Dueño. This time, it was Mr. Dueño who wanted to get her after knowing what she had done and what she really was. Kahit pa nga ilang sandali niya lang na nakasama si Mr. Dueño ay kahit papaano’y marami nang nalaman si Jianne tungkol sa lalaki. Masasabi niyang mabait talaga si Mr. Dueño at kakaiba, pero hindi pa rin iyon sapat para kay Jianne para tuluyang magtiwala sa lalaki.
Isa sa dahilan kung bakit tumagal si Jianne sa trabaho ay dahil sa galing niyang kumilatis sa isang tao. Kaya naman hindi siya basta-basta nagtitiwala sa panlabas na anyo ng isang tao. She believes that the more innocent, humble, and good-natured a person looks on the outside, the more sly, greedy, and tricky they are on the inside. Sa pinaikling tagalog, ang mga taong mabait tingnan ay nasa loob ang kulo.
All of those three conjectures she had were everything Jianne thought had a high possibility of being true. Pero kung iko-konekta naman niya ang mga iyon sa mga nakita niya at nalaman kanina habang dinadala siya ng mga lalaki sa kuwartong kinalalagyan niya ngayon ay tanging ang unang conjecture na lang niya ang medyo pasok.
Batay sa impormasyong nakalap nila noon nina Harper tungkol sa interior structure ng ship ay nasa banda ng mga VIP rooms siya dinala ng mga lalaki at isa sa VIP room na iyon siya ikinulong ng mga ito.
Kung hindi lang dahil sa sitwasyon kung paano siya napadpad sa lugar na iyon ay baka nagawa na niyang matuwa at mamangha dahil sa unang pagkakataon ay nagawa niyang makapasok sa isang VIP room ng isang luxurious cruise ship katulad ng sinasakyan nila ngayon.
Hindi man ganoon kabongga ang istilo at disenyo ng loob ng kuwarto pero sa mga kinang pa lang ng mga kagamitan na nasa loob ay alam ni Jianne na milyones rin ang halaga ng kabuuan niyon. Hindi pa niya nakikita ang loob ng dalawang pinto sa magkabilang dingding pero sa tingin ni Jianne ay isa roon ang private bathroom at ang isa naman ay maaaring wardrobe o kaya naman ay closeth.
Sa palagay ni Jianne ay hindi lang basta-basta VIP kung ituring ang may ari ng kuwarto. Hindi na rin magugulat pa si Jianne kapag sinabi sa kanya ng dalawa na nasa loob siya ngayon ng kuwarto ng may ari ng cruise ship.
And that thought is enough reason to remove her second and third conjectures about Mr. Dueño. Harper never failed them on information hacking. Whatever information they needed, even if it wasn’t important, Harper had a way of getting it. Kaya walang pagdududa si Jianne nang sabihin sa kanya ni Harper na hindi ganoon kayaman si Mr. Dueño. Although, if we’re talking about measuring wealth together with the people on the cruise ship, Mr. Dueño’s wealth is above average.
But what made him more important than any other elites in the ship is his respected name and fame. According to the information Harper gathered, Mr. Dueño was a venerable general before he retired for an unknown reason. But despite that, his fame, which was nationwide as he had helped and assisted in many wars and imprisoned many high-class criminals, was top-notch. Maybe because everyone on the ship has dirty businesses under them, they became wary of Mr. Dueño’s.
Although they knew that fact, Jianne and her group of con artists were not afraid of Mr. Dueño. Alam kasi nina Jianne na sa mga katulad nila Jianne na wala pa namang bahid ng dugo ang mga kamay, at tanging pagnanakaw lang ang kasalanan ay sigurado silang hindi sila ganoon bibigyan ng pansin ni Mr. Dueño. Mula rin naman sa mga ganid at maduming ang perang ninanakaw nila, kaya maliit lang iyon kumpara sa kasalanan ng mga tao na nasa cruise. Mahuli man sila, baka pagsabihan lang sila ni Mr. Dueño o kaya ilang araw na ikulong at pagkatapos ay okay na.
Maaaring malaki ang pangalan ni Mr. Dueño, pero kung business ang usapan ay so-so lang ito kumpara sa ibang mayayaman sa barko. Baka nga dahil sa pangalan niya ay maging dahilan din iyon para mas lalo siyang ilayo ng may ari ng barko sa VIP rooms sa takot na mabangga nito ang mga naglalakihang tao sa loob ng cruise. So Jianne is very sure that Mr. Dueño did not own this highly expensive room.
“Oi!”
Before Jianne could continue analyzing, another man who entered the room called her out. Dahil nga sa pagkakatulala ni Jianne ay hindi agad niya napansin ang pagdating ng lalaki. Kung hindi pa siya nito malakas na tinapik sa balikat ay baka nanatili lang si Jianne sa malalim na pag-iisip.
Wala sa sarili siyang napatingala at agad na sumimangot, kahit pa nga hindi niya nagawa dahil sa tape na nasa bibig niya. Ang lalaki lang naman kasing bumungad sa kanya ay ang malaking mama rin na nangunguna sa pag-hunting sa kanya kanina.
Batay pa lang sa blonde nitong buhok, tan na katawan, blue na mga mata, at ang batak na batak na malaking katawan ay alam ni Jianne na foreigner ang lalaki.
“Heh. Are you waiting patiently here like a good b*tch?” the burly man snided.
Harap-harapang inirapan lang naman ni Jianne ang lalaki kahit pa nga sa loob-loob niya ay sandamakmak ng mga mura ang natanggap ng lalaki mula sa kanya.
Mukha namang natuwa ang lalaki nang makita ang naiinis niyang mukha. Maingay na hinila nito ang isang upuan papunta sa harapan at pabaliktad na naupo roon habang hindi inaalis ang nakakaasar na ngiti nito mula kay Jianne.
“I don’t know what the boss found in you, but since it was the boss who told us to take care of you while he’s busy with some other things, then we will do as we have been told. So remain as quiet as you are and listen carefully to me,” the man instructed.
Hindi tumango o kaya naman ay umirap si Jianne. Nanatili lang siyang nakatingin sa lalaki na para bang sinasabi niya dito na magsalita na siya at huwag ng kung anu-ano pa ang sinasabi. Ignoring the look of Jianne, the man continued speaking.
“Let’s start with your question of why are you here, right?” tanong muli ng lalaki na para bang sa lagay ni Jianne ay makasasagot siya. “Well, I’ll take your silence as a yes.”
Baliw. Napairap na lang si Jianne sa isip.
Mukhang may tama ang lalaki kahit pa nga mukha namang matino ito. Tama nga talaga na, 'Don’t judge the book by its cover'.
Isang senyas at agad na lumapit ang isang lalaki sa mama dala ang isang papel. Agad naman iyong kinuha ng mama at ipinakita kay Jianne.
“Do you know who this person is?” tanong ng mama.
Tinitigan naman ng maigi ni Jianne ang nasa larawan. Kung tama ang hinala niya, ang babaeng nasa larawan ay walang iba kung ’di ang babaeng nagpanggap o nasaktuhan na kamukha niya. Sigurado si Jianne na hindi siya iyon dahil never pa siyang rumaket gamit ang totoo niyang itsura.
The woman in the photo resembles Jianne with her real face. From the long and curly black hair, those black eyes, the small lips, and the small heart shaped face. Everything the woman in the photo looks like the normal Jianne. Ang kulang na lang yata ay ang isang itim na nunal sa ilalim ng mata, kuhang-kuha na talaga ng babae na nasa litrato si Jianne.
At dahil hindi naman makakasagot ay binawi ni Jianne ang tingin sa larawan at tiningnan ulit ang lalaki. Marahil dahil sa napansin ng lalaki na nakakabaliw kausapin ang sarili ay muling inutusan nito ang mga kasama para tanggalin ang tape sa bibig ni Jianne.
“Tangin—”
Isang malakas na ungol ang ipinangtuloy ni Jianne sa dapat sanang malutong niyang mura nang bigla ba namang tanggalin ng lalaki ang tape mula sa bibig ni Jianne. Sa ilang segundo lang na iyon ay pinat*y na sa mura ni Jianne ang lalaki dahil sa sakit.
Ang kanyang malaki at mamasa-masang mga mata ay agad na namula habang ilang patak din ng luha ang agad na tumulo. Kinagat na lang niya ang ibabang labi habang pinapat*y na niya sa tingin ang lalaking naglakad na pabalik sa kaninang kinatatayuan.
“Now, now. Since you can speak, start answering my question. Do you know the lady in the photo?” tanong ng mama, trying to get Jianne’s attention from the other man.
At dahil hindi magawang labasan ng galit ni Jianne ang lalaki ay ang mama ang pinukulan niya ng makamandag niyang mga tingin.
“What did she do anyway? Why is your so-called boss dying to look for that person?” tanong ni Jianne, ignoring the question of the man.
For all she knew, kahit anong tanggi pa ang gawin at sabihin ni Jianne na hindi siya ang babaeng nasa litrato ay alam niyang hindi maniniwala ang mga ito. Instead of wasting their time denying the undeniable things, Jianne would just use them to gather information. Lalo na tungkol sa boss ng mga goons na kumuha sa kanya.
“Heh. Denying indirectly? You’re a very cunning woman, aren’t you? Maybe you could really be with our boss. A tyrannical boss and a cunning b*tch. Meh, what a great match.”
Hindi na mabilang ni Jianne kung ilang beses na siyang napairap sa halos dalawang oras pa lang na kasama niya ang mga lalaking iyon. Hindi na magtataka pa si Jianne kapag malaman niyang ang boss din ng mga ito ay may pagkabaliw katulad ng mga alagad niya.
“Since you wanted to act innocent with me, then I will ignore your lousy act. Presuming that I believe you are not this woman, let me answer your question.” Biglang nagseryoso naman ang mama. “This woman here is the lady that our boss wanted to play with for the whole sea fare. But how impudent this woman is! She might think highly of herself just because of that tiny interest the boss has for her. She dared to escape from our boss after taking so much money from our boss. Not only did she take millions from our boss, but she took them all for free, without letting our boss enjoy her wh*re of a body. How despicable! Right?”
Hindi alam ni Jianne kung paano magre-react. She wanted to laugh because of how good and cunning that woman was. Medyo namangha at humanga pa nga si Jianne sa babae dahil kumpara sa kanya ay mukhang matatawag niyang propesyonal na manggagantso ang babae. Biruin mo ba namang sa isang target lang ay milyon na agad ang nakulimbat niya ng walang kahirap-hirap. Naroon din ang kaunting inggit at selos dahil nga sa mas marami pa rin ang nakuha ng babae kumpara sa kanya at walang kahirap-hirap pang nagawa niya iyon.
Kung hindi lang dahil sa ginawa siyang scapegoat ng babae, baka naging idolo na nga ni Jianne ito.