002: Mistaken Identity

2218 Words
PASSING THE NIGHT on the secluded part of the rear of the ship, Jianne’s body feels cold and sore. But all in all, she felt refreshed and energetic as she wanted to start her mission. Dahil sa takot na may makakita sa kanya ay siniguro muna ni Jianne na malalim na ang gabi at malayo-layo na sila mula sa port bago siya naghanap ng mapupuwestuhan. S’yempre, tiniyak muna niya na walang makakakita sa kanya. Hiding her bag in a hidden place, Jianne once again checked herself. Dahil alam niyang lahat ay libre sa ship ay plano muna ni Jianne na mag-almusal bago simulang mangdukot. S’yempre, inayos muna niya ang sarili at naglagay ng makeup sa mukha. Dala ang mamahaling pouch na kinuha ni Jianne mula sa mga gamit na binili para sa kanya ni Mr. Dueño ay muling tinungo ni Jianne ang sentro ng ship kung saan ilang alternative restaurants ang bumukas na. With her little actions, Jianne entered the simplest restaurant with her graceful, elegant, and noble manner. So, it was also normal that Jianne would be assisted by the crew when she entered. “Good morning, Ma’am. Today’s breakfast set is seafood. Please choose your table, Ma’am, before we take your order,” the lady crew courteously led Jianne to a seat she randomly pointed at. At dahil hindi naman iyon ang unang beses na magpanggap siya bilang isang noble lady, bawat kilos ni Jianne ay nag mukhang natural. Mabuti na lang din at ang mga damit na dinala ni Jianne ay mga mamahaling damit na nakuha naman niya mula sa mga dati niyang biktima. Kaya naman mukha talagang branded ang mga iyon. Hawak ang nakalapag na menu ay inisa-isang basahin ni Jianne ang mga pagkain at dahil hindi pamilyar sa kanya ang iba ay pinili na lang niya ang pinaka una niyang nakilala. “I would like some smoked salmon and dill waffles, plus some iced coffee please,” nakangiting wika ni Jianne sa waitress na agad namang inilista ang napili niya. “Is that all, Ma’am?” nakangiti ring tanong pa ng waitress na tinanguan lang ni Jianne. Matapos noon ay umalis na ang waitress marahil para ihanda na ang pagkaing in-order niya. Nang malayo na ang waitress ay doon lang nilibot ni Jianne ang mata sa lugar. Simple lang talaga ang style ng napili niyang restaurant, kaya siguro bilang lang sa isang kamay niya ang nakain doon. And that also includes her. O baka mas’yado pang maaga at tulog pa ang karamihan kaya naman kakaunti pa lang talaga ang makikitang tao. Nag-aalalang napatingin tuloy siya sa suot na wristwatch. Kung maaga pa nga ay paano siya makapag simula sa pag-snatch niya ng kung ano ang makukuha niya eh kaunti lang talaga ang mga tao. Hindi naman puwedeng mag sayang siya ng oras kahihintay sa paglabas ng iba. Mukhang mahihirapan yata siyang mangolekta ng alahas at cards nito. Mabuti na lang at unang araw pa lang naman iyon. Sisiguraduhin na lang niyang makakarami siya sa mga susunod na araw. “Here’s your smoked salmon and dill waffles, plus your iced coffee, Ma’am. Enjoy your breakfast!” masayang bati ng waitress na iniisa-isang nilapag ang order niyang pagkain sa harapan niya. Jianne curtly nodded as she waited for the waitress to finish whatever she needed to do. Nagsimula lang siyang kumain nang iwanan na ulit siya ng waitress. At dahil maaga pa nga, hindi minadali ni Jianne ang pagkain niya. She leisurely ate her food while staring at the people who would soon enter her vision. Nakakalahati na niya ang kanyang iced coffee ng mapansin niyang dumarami na ang naglalakad sa paligid. So when she felt that it was time for her to start sneaking at her oblivious victims, Jianne sipped her iced tea in one go and then took the tissue prepared for the customer. Marahan niyang pinahiran ang gilid ng mga labi bago pinunasan ang kanyang kamay. Then she picked up her purse and stood up. Jianne sashayed her way out of the restaurant as she started looking for her victims. Pasimple lang siyang naglalakad, nagkukunwaring patingin-tingin sa paligid kahit na ang totoo niyan ay isa-isa na niyang tinatandaan ang mga taong bibiktimahin niya. Sa tuwing nakalimang target na siya ay tsaka lang siya kikilos. One by one, she stealthily took any valuable thing she could get from each of her targets. Mga mamahaling alahas, relo, at wallet ay hindi niya pinalampas. Kung kinakailangan pa niyang lumapit sa mga ito, makipag-usap ay ginawa niya, makuha lang ang target niya. Ganoon lang ang ginawa ni Jianne. Noong una ay medyo madalang dahil nga sa karamihan ng mga naglalakad ay halatang bumangon lang para mag-almusal batay sa mga suot pa nitong mga pantulog. Ang iba naman ay may mga kasunod na bodyguards, kaya hindi naman niya malapitan. Fortunately, when it was noon time, where people would go for lunch, doon dumami ang tao. And most of them go out in groups without any guards around them, kaya bigla ulit dumami ang ani niya. Kung hindi pa napuno ang may kalakihan niyang pouch ay marahil hindi pa titigil sa pang-snatch si Jianne. Disappointed, Jianne turned back as she planned on puting the things she collected in her bag before continuing her job. Hindi. Kakain muna ako. Wika ni Jianne sa isip ng marinig ang mahinang daing ng kanyang tiyan. So just like she planned, nagmamadaling tinungo ni Jianne ang daan papuntang rear kung nasaan niya tinago ang kanyang mga gamit. Dahil sa lunchtime na ay karamihan ng tao ay nasa sentro kaya iilan na lang ang tao sa rear. With a careful action, Jianne took her bag from where she hides it, put all the things she collected on it, then return the bag from her secret hideout. At lahat ng iyon ay ginawa ni Jianne sa loob lang ng dalawang minuto. Ganoon kabilis ang mga kamay at kilos niya. Smiling contently, Jianne walks away from the rear and returned to the center of the ship. At dahil sea food na ang nakain niya sa breakfast ay naghanap siya ng panibagong restaurant na konti lang ang customers. Unlike kanina na sinalubong siya agad ng waitress, nilapitan lang si Jianne ng isang waiter nang nakaupo na siya. It was a Filipino dish restaurant, so Jianne happily ordered a bit more food. A dish of Menudo, Sinigang, and Fried Shanghai plus a bowl of rice, and a bottle of cold water. Mabuti na lang at kaunti lang ang bawat takal ng ulam kaya hindi naman nag mukhang patay-gutom si Jianne. Gusto niya lang talagang sulitin ang libreng pagkain kaya tinodo na niya ang pag-order. So when Jianne walked out of the she had a very wide smile plastered on her face. Busog na muling naghahanap si Jianne ng tatargetin. Marahil dahil sa busog ay nasa good mood si Jianne. Kaya nang makakita ng unang target matapos ang lunch ay agad niya itong nilapitan. It was a young miss, maybe younger than her who was alone and looked troubled. Sa damit pa lang nito at postura ay masasabing spoiled na ang babae. Isama pa ang paraan ng pagkakakunot ng noo habang nakalabi ay talagang prinsesa kung ituring ang dalaga. “Hi,” nakangiting bati ni Jianne pagkalapit. Hindi naman itinago ng babae ang pagtaas ng kilay nito nang lingunin siya. Inignora na lang iyon ni Jianne at matamis na nginitian ang babae. “I’m sorry if I suddenly approached you. I noticed that you’re alone, and since I am also alone, I think that maybe I could accompany you. You see, my dad brought me here, but he’s always mingling with those old men, I can’t find anyone who’s the same age as me to be with,” medyo maarteng reklamo ni Jianne sa babae na nanlaki pa ang mata sa kanya. “That’s right! Papa’s also like that! I was kinda bored already following him around so I tried to escape,” kwento naman nito na nagpangiti kay Jianne. She took it. That’s easy. Said Jianne to herself. And just like Jianne predicted, after more than twenty minutes chit chatting with Jhomaica— the teenage girl who introduced herself to Jianne— she easily took so many valuables from her without getting noticed. A silver bracelet, a golden ring, wallet that are full of dollars, and of course the target cards. In short, it was a bounty earnings. Gustuhin mang kuhanin pa ni Jianne ang mamahaling relo ay pinigilan na niya ang sarili. Nagpaalam na siya sa babae matapos niyang mag-suggest ng ilang magagandang spot sa cruise ship. Ang lawak tuloy ng ngiti niya habang naglalakad-lakad siya. Nag-iisip kasi siya kung itutuloy niya ba ang pang-snatch niya o pansamantalang hihinto na para sa unang araw na iyon. Nasa isip niya iyon samantalang ang mga kamay naman niya ay hindi mapigilan ang abutin ang kung ano mang maaabot. Smiling cheekily, she just reasoned to herself that it was because those things were laid in front of her eyes. Sino ba naman siya para balewalain ang mga iyon lalo na kung halos ihain na sa kanya. Napahinto naman si Jianne ng makita niya ang ilang naglalakihang kalalakihan na nagtatanong-tanong sa mga nakasalubong habang may hawak itong papel. Nagtataka ay kuryosong lalapit sana siya para makiusyoso nang nahagip ng malinaw niyang mata ang imahe na nasa papel. Although it was only a sketch of a woman, it was beautifully sketched. Tinitigan ni Jianne ng maigi ang litrato para mamukhaan niya ang nakaguhit doon pero nagtaka siya ng makitang medyo hawig niya ang babae. Maliban sa straight at itim na itim niyong mahabang buhok ay kuhang-kuha talaga noon ang mukha niya. Medyo lumapit pa siya nang kaunti habang nakatago sa isang poste para marinig ang sinasabi ng mga nakaitim na lalaki. Medyo nakakaramdam na kasi si Jianne ng hindi maganda. “. . . No, I don’t know her,” sagot ng lalaki na pinagtanungan nila. Hindi naman na kinulit pa ng mga nakaitim na lalaki at sa halip ay lumapit na sa susunod babae. Nanlaki ang mga mata ni Jianne ng mamukhaan ang babaeng nilapitan nila. Isa iyon sa mga biktima kaninang umaga ni Jianne, na kausap pa niya bago hinuthutan. “Do you know her?” tanong ng isang nakaitim na lalaki sabay pakita sa babae ng papel. Napaisip muna ang babae bago nanlaki ang mga mata na napatango-tango. Itinuro pa niya ang babae sa papel bago nagsalita, may bahid ng pagtataka sa tono at mukha. “Yeah, I just talked to her this morning. Why are you looking for her though?” tanong ng babae. “None of your business, Miss. Where did you last see her go?” usisa pa ng lalaki. “Hmp! You tell me it’s none of my business. Then why would I answer your st*pid question?” mataray na sagot ng babae. Natakot na napaatras naman ang babae nang mag-angat ng kamay ang lalaki. Mabuti na lang at napigilan agad siya ng kasamang nakaitim din na lalaki. Halata namang natakot ang babae na napaatras pa habang napapatingin na sa paligid, naghahanap ng kakampi. Unfortunately for Jianne, mukhang malinaw din ang mga mata ng babae. Marahil sa sobrang takot nito ay mas lalong tumalas ang paningin niya kaya nang mapabing sa lugar ni Jianne ang mata ng babae ay nanginginig ang kamay na agad siya nitong itinuro. “I-it’s her! It’s her!” Hindi na hinintay pa ni Jianne na mapalingon sa kanya ang mga lalaki. Mabilis siyang tumakbo papaalis. Kung gaano kabilis kumilos ang mga kamay niya’y ganoon din kabilis ang itinakbo ni Jianne makatakas lang sa mga lalaki. How unfortunate for her, mabilis ding nakahabol ang apat na lalaki nang sinubukan niyang lumingon. Nakita niya pa ang isang may hawak na walkie-talkie at may kausap mula roon. Gritting her teeth, Jianne hastened her running as she run here and there, just to get away from those burly men. Ni ang pansinin pa ang mga nakakabangga ay binalewala na niya makatakas lang sa mga humahabol sa kanya. “Sh*t,” mura ni Jianne. Sino bang pontio-pilato ang mas’yadong kuripot at nanakawan ko lang ay balak na akong ipa-m******e! Ahh! Mabilis na lumiko si Jianne sa isang way na alam niyang patungo sa mga suite. Nasa second deck na siya, kung nasaan ang mga hile-hilerang suite ang nakaparada. Balak ni Jianne na pumasok sa suite na masasaktuhan niyang bukas para pagtaguan. Mabuti na lang at ang row na napasukan niya ay wala mas’yadong tao. Ang kaso ay hindi naman niya sigurado kung sa pagpunta niya roon ay may masasaktuhan siyang magbubukas na pinto. Mas lalong kinabahan si Jianne nang makitang duluhan na ang dadaanan niya, naririnig na rin niya ang mga papalapit na yabag ng mga humahabol sa kanya. At parang nakakita ng salvation si Jianne nang makita niya ang isang lalaki na naka-gray lang na sando at lousy pants na kalalabas lang sa isang maliit na hallway. Without thinking twice, Jianne run towards the man, pulled him with her back to the hallway. She ignored the shocked face of the man as she removed her short black cardigan jacket. Walang anu-anong isinuksok niya iyon sa loob ng sando ng lalaki bago walang sabi na idinikit niya ang katawan sa lalaki, pinulupot ang mga braso sa leeg nito at tsaka mapusok na hinalikan niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD