“Jack! Are you okay? Where are your bags? Iuuwi ka na namin. Deb, Fiona, get her things now!” Napatigil si Cayden sa pagbaba ng hagdanan at napatingin naman sa kanya si Jackie. Ang mga nakaupong bisita ay sabay-sabay na nagsitayuan pagkakita sa kanila. Pasugod na noon sa kanila si Dara kung hindi lang ito kaagad na nahila ni Dash. Naagapan naman ng iba pa nilang kasama ang paglapit din ni Debbie at Fiona. “Why?” Nakakunot ang noong tanong ni Jackie. Panandaliang napaawang ang bibig ng mga nakarinig. Nalilito marahil sila na parang wala lang kay Jackie ang sinabi ng kaibigan. “What do you mean why!? He kidnapped you from the hospital and brought you here against your will! How could you be so freaking calm about this?!” Nagpupumiglas si Dara sa mahigpit na pagkakayakap