7-Unwanted Guests

1808 Words
  “What do you mean you can’t tell me where you are?!” Napapiksi si Cayden sa bulyaw sa kanya ng kaibigang si Dash sa telepono. Si Dash ang kabarkada niya at leader ng grupo nilang MOVERS, isang sikat na dance group. Bahagya din niyang inilayo ito dahil sa lakas ng pagkakasigaw sa kanya. Nanibago marahil ang tainga niya sa narining na tunog. Isang linggo na siyang hindi kinakausap ni Jackie. Isang linggo simula nang dumating sila roon ay puro tango at tingin lang ang isinasagot sa kanya ng kasama. Tuwing may kailangan ito ay sa walkie-talkie lamang sinasabi at mga isang salita lang na utos kadalasan ang naririnig niya. Ni hindi naguusal ng salita si Jackie tuwing magkasama sila. Hinihintay pa nitong lumabas siya ng silid bago siya tawagin muli gamit ang walkie-talkie kung mayroong kailangan. Ang huling pag-uusap nila ay noong mabasag ang lamp shade sa gilid ng kama.   “Dude, I’m in a tight situation right now. Hindi kayo pwedeng magpunta kung nasaan ako! Please naman, Dash, ‘wag na kayong dumagdag sa iniisip ko.” Kipkip ang telepono sa tenga at balikat, napakapit ng sendito si Cayden habang ang isang kamay ay ipinipihit ang nilulutong roast chicken sa rotisserie. Nagluluto siya ng tanghalian nila. Kagagaling lang niya sa kwarto ni Jackie upang ihatid ang wheelchair nito at saklay na ipinangako niyang ibibigay niya matapos ang isang linggo nilang pagsasama. Isang linggong nasanay na si Cayden na lagi niyang binubuhat ang babae sa kahit saan nitong gustong puntahan. Kung bakit naman sa ganitong pagkakataon pa naisipan ng mga kabarkada na magpunta sa probinsya nila?   “Reece, Dude, I’m the one who’s in a very tight situation right now. Tatlong araw na ‘kong hindi kinakausap at pinapansin ni Dara. Maawa ka naman sa’kin! Mamatay na ‘ko!” Gustong sabihin ni Cayden na siya ang malapit nang mamatay sa kunsumisyon dahil sa mga sinasabi niya. Kung tatlong araw na hindi kinakausap si Dash ng girlfriend nito, paano naman si Cayden na pitong araw na ring hindi kinakausap ni Jackie, idagdag na rito ang tatlong taon nilang pagkakahiwalay?   “Nandito kami sa Ilocos ngayon. Sa bahay mo. Wala ka naman rito. Kailangan makita ni Dara si Jack. We even cut our European tour when she heard Jackie already woke up from her sleep! Dude, European trip na binayaran ko na in advance. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero wala na tayong magagawa. You know how Dara is. Hindi siya titigil hangga’t hindi ko napapakita sa kanya na okay si Jack. Please naman, Dude. Ilang araw na ‘kong hindi mapagkatutulog. Hirap na hirap na ‘ko. Bakit ba kailangan kong madamay sa issue ninyo sa buhay?!” Gusto mang mainis ni Cayden sa pagsusumamo ng kaibigan ay napangiti na lang siya. Nagrereklamo na sa tatlong araw na panlalamig sa kanya ng nobya samantalang siya ay ilang taong natikis. Ilang araw na rin siyang hindi pa rin pinapansin. Napabuntong-hininga na lang siya. Aminado naman ang lahat na malakas talaga ang tama ni Dash sa nobya nitong si Dara. Ang malas lang ni Cayden ay dahil nagkataong isa sa mga best friends ni Jackie si Dara at ngayon ay ginagamit na ang network of friends nila upang mahanap ang itinatago niya.   “Hindi pa nga ako nakakausad, dumating na kayo. I can’t tell you where we are. Pupuntahan ko na lang kayo. Sino-sino ba ang kasama mo?”   “Kumpleto ang Movers. Kasama rin si Deb at si Fiona at ang fiancee ko siyempre.” Kumpleto ang dance group nila at barkada, ang Movers na hango sa umpisang letra ng mga pangalan nila, Malik, Oswald, Vance, Ezra, siya na si Reece at panghuli ay si Stone Dash.   Napailing si Cayden bago muling sumagot. “Malamang kasama mo si Dara. Hindi naman kayo naghihiwalay. Dude, hindi lang ako pwedeng umalis ngayon dahil walang kasama si Jack. Diyan muna kayo sa bahay. Ipapahanda ko ang mga guest rooms. Mamasyal na lang muna kayo habang hindi pa ‘ko nakakapunta.” Iniisip niya kung paano niya papapuntahin ang katiwala nila upang samahan muna si Jackie habang ginagawan ng paraang mapaalis ang mga kaibigan nila sa Ilocos. Kung biglang aalis ang katiwala nila at pupunta roon, maaring mahalata ng mga bisita kung saan ito pupunta. He can’t risk for Jackie’s friends to take her back to Manila. Hindi pa niya nagagawa ang mga kailangan niya at gustong gawin. Masisira ang lahat ng plano at diskarte niya kung may mga ibang tao silang kasama, lalo na kung ang maimpluwensiyang mga kaibigan pa ni Jackie.   “Dude, parang hindi mo kilala ang mga kasama ko. Na-interrogate na ng mga girls ang katiwala ninyo. We’re actually walking towards Jackie’s house right now. Hayop ka rin, Dude. Magkapitbahay lang kayo? As in mga anim na tumbling lang! Gago ka talaga ang dami mong lihim! Lagot ka sa’min mamaya.” Na-imagine ni Cayden nang minsang ginawa niya iyon. Sakto ngang anim na tumbling simula sa front gate nila Cayden papunta sa harapan ng bahay nila Jackie.   “Gago ka rin, Dude kasi ngayon mo lang sinabi na naglalakad na kayo! Fine. I’ll tell Jackie she has visitors. Pero hindi kayo pwede magtagal dito. Parang awa mo na. Sa bahay namin kayo matutulog. Walang maiiwan dito...Hello? Dash? s**t!” Napamura siya nang maputol ang tawag kasabay ng pagtunong ng door bell. He looked at his roast chicken one last time before setting the timer of the rottiserie. Mukhang kailangan niyang dagdagan ang niluluto dahil sa dami ng mga makikain ngayon sa kanila. Kung buong barkada niya ang kasama, kailangan pang-piyesta pa ang ipahanda niya dahil sa lalakas nitong magsikain. Magluluto ba siya? He sighed and decided against it. He took out his phone and dialled his lifeline.   “Yaya Marta, makikipaluto po ng pagkain good for 15. Kayo na po ang bahala sa menu. Pakidala na lang po dito kina Jackie around lunch time. Salamat po.” Sumalampak sa sahig si Cayden at nagtakip ng mukha. Gusto niyang magtago at huwag na lang lumabas ngunit maya-maya pa ay tumunog na ang walkie-talkie na nakasukbit sa kanyang beywang. Tinatawag siya ng kanyang reyna.   “Reece. Someone’s at the door. If you won’t get it, I will.”   “s**t talaga, sasakalin kita Stone Dash Fuego!” napahilamos sa mukha si Cayden bago sinagot ang tawag ni Jackie.   “No. Just stay put. I’ll check who they are.”   “They? Bakit they?” Nagtatakang tanong ni Jackie.   “Wait for a while, Jack. I’ll explain later.”   He sighed a deep breath to calm his nerves before he stood up from his crouched position and walked towards the front door where their bwisitors are waiting. Pagbukas niya ng main door ay ang mga babaeng barkada ni Jackie ang nasa harapan ng linya. Para silang susugod na isang pulutong sa giyera. “Dito muna kayo sandali. Sasabihin ko lang kay Jackie na nandito kayo.” Hindi niya man gusto maging unhospitable ngunit wala siya sa mood upang magsabing, Welcome to Ilocos.   Susugod na sana si Dara, Debbie at Fiona ngunit nahawakan sila ng mga kasama. Si Dash kay Dara, habang si Oz naman kay Fiona at si Malik at Vance kay Debbie. Si Ezra ay lumusot sa gilid at diretso lang sa sala. Naupo at sumandal sa malambot na sofa. Mukhang napagod sa haba ng biyahe.   “It’s best if we stay here for a while.” Narinig ni Cayden na bulong ni Dash sa mga kasama. Ito ang hudyat niya upang alisin ang suot na apron at maglakad na patungong silid ni Jackie. Isang katok lang ay narinig na kaagad niya ang sagot nito.   “Pasok,” Kung sana ang salitang pasok ay para sa pagpayag nito na pumasok siya muli sa buhay ni Jackie, siya na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo.   When he entered the room, Jackie was sitting on the bed with her legs stretched.   “Jack, our friends are here. They’re waiting for you downstairs. Nagpaluto na lang ako ng lunch kay Yaya Marta dahil kulang ang roast chicken na isinalang ko.” Napangiti si Jackie at tumingin sa kanya.   “Help me change?” Doon lang napansin ni Cayden na pawisan si Jackie. May mga butil pa ng pawis sa noo nito at leeg. “Are you alright? What were you doing? Bakit parang pagod ka at hinihingal?” Lumapit siya kaagad at sinipat ang mukha at katawan kung may kakaiba ba rito.   “Na-excite ako sa crutches at wheelchair.” She blushed and he knew from there what she did.   “So, nilibot mo ang buong kwarto?” When she smiled and nodded her head in response he almost lost his senses. She smiled at him.   “It felt good to be able to move around by myself. Kaso pagod na ‘ko. I don’t think I could even move a muscle even if you force me to.” Nahiga ito at ipinatong ang braso sa noo.   “Don’t worry about it. I’m here. Wait, I’ll get something for you to change into.” Ngumiti muli si Jackie sa kanya. Gusto pa sana niyang titigan ito ngunit tinaasan na siya ng kilay nang nakatanghod lang siya sa harapan at hindi makakilos.   “Cayden?”   “Yeah. I was just....ahm...shit I’m whipped.” He cursed as quietly as he could but he knew she heard him. Nakita niyang nagpipigil ng ngiti si Jackie.   “I turned on the centralized aircon downstairs so just wear this so you won’t get too cold or hot.” Isang longsleeved shirt na cotton ang iniabot ni Cayden kay Jackie. Agad namang inalis nito ang butones ng suot na damit. Isa sa nakasanayan na nilang dalawa ay ang pag-alalay ni Cayden sa pagbibihis ni Jackie. Na-train na rin niya ang sarili na huwag tumingin tuwing nakahubad ang babae. Hindi kagaya noong unang araw nilang magkasama na halos hindi na siya kumurap kakatitig sa katawan nito. Even though he doesn’t stay with her inside the bathroom while she bathe after that day, he makes sure he could hear if she is safe.   Nang maisuot na ni Jackie ang light pink na shirt, inabutan niya ito ng suklay.   “Thanks.” Nang matapos na mag-ayos ni Jackie ay itinaas na nito ang mga kamay, tanda na kailangan nang lumapit ni Cayden upang buhatin ito bridal style patungo sa sala kung nasaan ang mga kaibigan nila. Pagbungad pa lang nila ng grand staircase ay nagsilapitan na ang tatlong kaibigan ni Jackie. Hindi inasahan ni Cayden ang mga sumunod na nangyari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD