PAPUNTA na sana sila ni Jackie sa Dining Room nang mag-aya muna ito sa toilet. “Samahan mo muna ko sa CR, dito na lang sa baba para hindi ka mahirapang magbuhat,” bulong ni Jackie sa kanya. Tumango siya at lumiko pabalik sa may CR sa ilalim ng staircase. Gaya ng dati ay iniupo niya sa may toilet bowl si Jack at saka siya lumabas ng banyo. He kept the door slightly ajar while he waited for her near the door. Nang marinig niya ang tunog ng tubig at flush ng water closet ay alam niyang tatawagin na siya ni Jack. “Let’s go.” Agad naman siyang pumasok sa loob. Pinangko niya si Jackie at huminto sila sandali sa may lababo upang makapaghugas ito ng kamay. Sa light blue themed na banyong iyon ay malayo sa toilet seat ang lababo kaya’t hindi nakapaghugas si Jackie ng kamay, hindi gaya