Chapter 1 - Who?
Sabi nga ng iba, hindi mo raw malalaman ang sakit at hinagpis hangga’t hindi mo ito nararanasan. Ang pagkabigo at pagkakasakit ay hindi madaling makalimutan lalo na kung ang taong bunga ng pinakamasaklap na pangyayari ng iyong buhay ay patuloy na nagpapakita sa mga hindi inaasahang pagkakataon.
“Who are you? Why are you in my room?” Pagkakita pa lamang niya sa taong nakatayo sa kanyang silid ay inusal na niya ang mga katagang iyon. Nakakunot ang noo at nakatikom ang labi, tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang kausap. She looked at him questioningly, her eyes roving like a hawk to its prey. Ang kausap naman ay tila gulat na gulat at hindi makapaniwala na naririnig ang mga salitang iyon sa kaharap. Tatlong beses na nagbukas sara ang bibig nito bago nakakuha ng boses upang mag-usal ng salita.
“Jack...” pabulong niyang bigkas.
“I am Jack but I don’t know who you are. Tell me who you are now! Just tell me.” Tinangka niyang magtanong ng mahinahon ngunit alam niyang isang salita pa ay tataas na ang tono ng boses niya. Imbis na boses, tinaasan niya ng kilay ang kaharap. Gusto niyang pumikit na lang upang hindi makita ang estrangherong iyon ngunit alam niyang kailangan niyang maging alerto at mapagmatyag. Marahil ay isa itong kaaway. Naghintay pa siya ng ilang segundo. Nang hindi sumagot ay napapikit siya at napatikom ang mga kamao. Sinusubukang huminga ng malalim upang humugot ng pasensiya.
“Don’t waste my time, mister. Just tell me who you are! What are you doing in my room? Who even gave you permission to come in here when I don’t even know who you are? Dahil ayaw mo naman sumagot, umalis ka na lang. Tatawag ako ng nurse kapag hindi ka pa lumabas.” Sa walang emosyon niyang mga tanong ay napaluhod ang lalaki sa kanyang harapan. If she was surprised by his action, she did not show it. Itinuon lang niya ang paningin sa mukha ng bagong pasok ng kanyang silid.
“How can you not remember me? Ako ‘to, si Cayden! I’m Cayden Reece. Jack, please tell me you’re just joking! Please tell me that you’re just pretending that you don’t know me. Tell me, you’re just making me feel the same rejection and pain. Are you trying to make my life miserable for what I did to us in the past? Please let me talk to you. Please let me stay here with you,” nanginginig ang boses na sabi nito.
Nakakaawa man ang itsura ng lalaking lumuluha at nakaluhod sa harapan ng isang babaeng naka-wheel chair, hindi nito nakuha ang inaasahang sagot. Walang emosyon na tumingin lang ito sa kanya at direktang sinabi nang hindi kumukurap ang mata. “Joking? Pretending? Who are you to accuse me of those things? Sino ka ba para makilala ko dapat? You don’t even look like someone with power or good reputation to be recognized. ‘Wag ka nang makulit dahil I really don’t know you, Mister. Tumayo ka diyan dahil hindi naman kita kilala. Get out of here. I don’t want any more visitors, especially if it’s you,” malumanay ngunit madiin na sabi ng babae.
“Please don’t do this, Jack. I can’t do this. I realized I can’t lose you again. When the police called me...halos mabaliw ako! Kung alam mo lang kung paanong takot ang naramdaman ko. Nadurog ang puso ko na marinig na naaksidente ka... When I saw you, para ko na ring naramdaman lahat ng sakit na dinanas mo...Kung pwede sanang ako na lang ang nasaktan. Ako na lang ang nasa ganyang kalagayan. Nag-flashback lahat ng panahong magkasama tayo...” tuloy-tuloy na sabi ng estranghero habang patuloy na pumapatak ang mga luha sa mga mata nito. Pigil ang sarili, she slowly raised her hand to make him stop. Tinitigan niya ang mukha ng estranghero.
“Mister ano, naliligaw ka ba? Mali ang kwarto na pinasukan mo. Come to think of it, whoever that person is, kung sino man ang babaeng ‘yan na tinutukoy mo, sigurado akong hindi siya maniniwala sa’yo. Flashback na parang movie? O baka naman teleserye? May summary ng previous episode? Sir, whatever it is you did in your past, perhaps that pain you’re feeling na may paiyak-iyak ka pa, that is your karma. O baka nagi-guilty ka lang talaga. Nadudurog ang puso mo ngayon? Mag-isip ka dahil siguro, kaya ganyan ka dahil dinurog mo rin ang puso niya noon. Payo ko lang sa’yo, move on move on di ‘pag may time! Wala nang nagpapakatanga at martyr ngayon. Digital age na, hindi na uso ang umasang magbabalik pa ang mga bagay na nawala na. Uso na ang disposable ngayon. Pati tao disposable na rin. Maghanap ka ng ibang lilinyahan mo ng mga drama mo. In this time and day, nobody in their sane mind would even buy anything that you’re saying.” Iniikot niya ang wheelchair at inabot ang button sa gilid ng kama upang magtawag ng tulong. Nang sumagot ang nurse ay tinawag niya ito papunta sa kanyang silid. “Nurse! Pakisamahan naman ako sa banyo. Salamat,” hindi na niya inantay na sumagot ang nurse dahil alam niyang pupunta naman kaagad ito.
“Jack, ayat ko...” Napairap siya sa narinig. Alam niya ang salitang ayat dahil purong Ilocano siya. It made her blood boil even more. Mahal? Love? Nagpapatawa ba siya? Sinasagad ng estrangherong iyon ang pasensiya niya at sinasayang ang oras na dapat ginugugol niya sa pagpapahinga. Sukdulan na ang pisi ng kanyang pasensiya.
“Leave! Get out! Hindi ko kailangan ng kahit na sino, especially not someone I don’t even know! You’re wasting my time and energy listening to your nonsense! I did not sign up for a drama series. Real life ‘to! Nasa ospital ako, naaksidente at hindi kita kilala! Lumabas ka naaaa!” The venomous look she gave him made him wince. Siguro naman, hindi na siya muling guguluhin ng lalaking ‘yon matapos ang mga sinabi niya. Kulang na lang ay batuhin niya ito ng dextrose na nakasabit sa wheelchair o daanan niya at sagasaan ang taong iyon upang lubayan na siya. Tumayo ang lalaki at inilapit ang mukha sa kanya. Hindi siya gumalaw at pinilit na hindi magiwas ng tingin.
“I’ll leave, for now, Jack. But I’ll be back. Tandaan mo ‘to, and when I’m back, I’ll make you remember everything about me, about us and about everything that we did together. Don’t close me out from your life, ayat ko. You’ll be mine again. You’re mine.”