DAHIL sa patuloy na pagkukwentuhan, hindi na namalayan nila Jackie, Dara, Debbie at Fiona na gumagabi na pala. Kung hindi pa sila nakarinig ng katok mula sa silid ni Jackie upang yayain silang maghapunan ay hindi pa nila malalamang alas-otso na ng gabi. Si Dara ang nagbukas ng pintuan na para bang alam nito na ang katipan niya ang kumatok. Namumula ang mukha nito nang mabungaran ni Dara. Napalakas ang tanong niya. “Uminom ka!?” Bungad ni Dara sa katipan. Nabaling ang atensiyon ng tatlong nagkukwentuhan nang sumagot si Dash ngunit mahina. Hinila pa nito si Dara upang lumabas ng silid nang magsalita ito. “No. Konti lang. Kung marami naman hindi ako agad nalalasing. You know that.” “Fine. It’s night na pala? Where are the others?” Tanong ni Dara habang pumulupot sa isa’t-