Nang dumating si Reece sa bahay nila ay na-corner kaagad siya ng mga kaibigan na naglalaro ng baraha. Nagbalasa si Oz at namigay ng baraha sa mga kasama. Tong-its ang nilalaro nila. Nasa balcony ang mga ito ng ikalawang palapag ng bahay. Tanaw mula sa balkonahe ang bintana ng silid ni Jackie. He couldn’t help but check if he could see her from where he was standing. Nang wala siyang makita ay saka lamang siya naupo sa natitirang bakanteng bakal na upuan, sumandal at saka pumikit. Alam niyang mahabang paliwanagan ang gagawin niya. Umalis siya ng walang paliwanag. Ang sinabi lang niya sa manager na si Miles at sa mga kaibigan ay may importante siyang kailangang gawin. Imbis na bakasyon lang ay tinanggihan na niya lahat ng future commitments nila sa pagsasayaw. Aminado naman sila