ALAM ni Jackie noon na hindi niya pa rin maaring sabihin sa mga kaibigan ang kasunduan nila ni Cayden at ng mga magulang nila. Hindi rin niya maikukwento ang pangyayaring walang nakakaalam kung hindi sila lang dalawa. “We agreed for you to get married now but not for you to consumate your marriage. Alam ninyong dalawa kung anong tinutukoy ko dahil ang pangyayaring naabutan ko ang puno ng pag-uusap na ito. We love both of you and we’d love to have our own grandchildren ngunit masyado pa kayong bata.” Tumango lang si Jackie at Cayden na magkahawak pa rin ng kamay. Kahit naman nadarang silang dalawa ng init ng katawan ay takot pa rin silang makaroon ng anak sa murang edad nilang 16. “I have an idea, Kumadre. Mga anak, kung papayag kayo.” Ang Mama ni Cayden ang nagsalit