“Costume party na naman, Dara? Pang-apat na ‘to! Ilang costume party na ba ang pinuntahan natin ngayong taong ito? My God, hindi ko alam kung bakit fascinated kang masyado sa mga ganyang party!” Nagagalit si Fiona kay Dara noon dahil pang-apat na nilang party sa pagitan ng buwan ng Octubre at Nobyembre iyon. This time, Jackie will be coming with them. Hindi siya nakasama ng ibang party dahil may tinatapos siya basahing libro na hindi niya maibaba hanggang hindi niya nababasa ang ending. “Prinsesa talaga ang costume mo? Will you wear a mask?” Tanong ni Dara na gustong ibahin ang usapan dahil sa pagtatalak ng kaibigan. “Wala namang prinsesa na naka-mask. Masquerade ball ba ang party?” sagot niya. “You can wear anything you want. In fairness, kamukha mo si Cinderella. Gandaa