BEING secretly married when they were just sixteen, vows they made to each other in front of the altar after promising their parents that they would get married when they reached the legal age was the turning point of his life. Hindi man naging maganda ang simula ng lahat maging ang katuparan ng kagustuhan nilang makasal sila ng legal, masaya pa rin si Cayden dahil makalipas ang limang taon simula nang aminin nila sa isa’t-isa ang nararamdaman ay sila pa rin ang magkasama. “Kanina nakakunot ang noo mo at mukhang sasapak ka na ng tao, ngayon naman ngumingiti kang mag-isa. Ang lakas din ng amats mo, noh? Hangover ba ‘yan o lasing ka pa rin?” Nasa sala na silang magkakaibigan. Naihatid na niya si Jackie sa kabilang bahay at kasama naman ang mga kaibigan nito. Lilipat sila roon kapa