PAGLABAS ni Cayden ng silid ni Jackie ay sakto namang narinig niyang tumutunog ang kanyang cellphone na sinadya niyang iwan sa katabing kwarto. Agad siyang nagtungo roon upang sagutin ang tawag. Pagkakita pa lang niya ng pangalan ay napabuntong-hininga na siya. Kailangan niyang maging kalmado. He pressed the green button and held the phone near his ear.
“Good morning po, Mama Sanya...”
“Anak, kumusta na si Jack? Nagalit ba?” Napabuntong-hininga rin ang ginang sa kabilang linya. Kahit hindi siya magsalita ay alam nilang parehas ang sagot sa tanong na iyon.
“Sa akin lang naman po siya nagagalit.” Naupo si Cayden sa sofa ng guest room at napatutop ng kanyang noo habang ang magkabilang siko ay nakapatong sa kanyang mga tuhod. Pakiramdam niya ay unti-unting hinuhugot ni Jackie ang kanyang lakas ng loob.
“Alam kong mali na kampihan kita pero she’s being irrational.”
“Ako naman po ang may mali sa aming dalawa. Salamat po at pinayagan ninyo akong alagaan si Jack sa paraang kaya ko.” Nang magpaalam siya sa mga magulang ni Jackie na ilalayo muna niya ito para alagaan, hindi sila pumayag noong una. Naalala niya ang araw na dumating ang mga magulang ni Jackie. She was still unconscious that time. Hindi alam ni Cayden kung saan siya kukuha ng lakas nang mga panahong iyon. Basta ang alam lang niya ay hindi niya kayang mawala pang muli si Jackie sa buhay niya.
“Alam ko po na marami akong pagkukulang. Gusto ko po sanang bumawi kung papahintulutan po ninyo ako. Gusto ko po sana na iuwi muna si Jackie sa Ilocos. Ako na po ang mag-aalaga sa kanya hanggang sa kaya na niyang maglakad muli ng mag-isa.” Pagdating ng mga magulang ni Jackie ay agad humingi ng tawad si Cayden para sa
“Hindi papayag si Jack sa gusto mo, anak. Alam mo naman na hiniling niyang huwag kang papalapitin sa kanya,” paliwanag ni Sanya.
“Alam po ninyo na matagal ko na gustong makasama at makausap si Jack. Ngayon po na nakita ko na siyang muli, hindi na po ako papayag na magkalayo kami muli. I want to do everything to make her accept me again in her life. Please po, nakikiusap po ako sa inyo na payagan po ninyo akong gawin ang mga bagay na dapat matagal ko nang ginawa. I want to be responsible for her, please po sana po pumayag kayo.”
“Paano naman kung hindi kami pumayag?” tanong naman ng Papa ni Jackie.
“Makikiusap po ako sa inyo hanggang umoo kayo. Kung mananatili kami rito, hindi po ako makakalapit sa kanya. I want to be the one who provides for her needs. Gusto ko po siyang pagsilbihan. Alam ko po na ang gusto ko ay ayaw ni Jackie sa ngayon pero naniniwala po ako na kung mabibigyan po ako ng chance na amuin siya at ipakitang hindi ko po siya pababayaan, baka po magbago na po ang lahat. Nakikiusap po ako,” Paluhod na dapat si Cayden noon nang makuha niya ang pagpayag ng mga ito.
Matapos ang tatlong taon nilang pagkakahiwalay, hindi na tatanggapin ni Cayden ang sagot na hindi kung may kinalaman kay Jackie. Ipinaliwanag niyang mabuti ang kanyang intensyon at malaking pagpapasalamat niya na napa-oo niya ang mga ito.
“May tiwala kami ng Papa niya na hindi mo na siya ulit sasaktan, ha, hijo?” Tumango si Cayden na parang nakikita siya ng kausap. He sighed and massaged his forehead. Paano niya masasaktan ang isang taong napatigas na ng hinanakit at panahon?
“Opo. Makaaasa po kayo. I’ll do things right this time.” Ilang segundong katahimikan bago muling nagsalita ang nasa kabilang linya.
“Siya nga pala, kinukulit ako ng mga kaibigan ni Jack kung nasaan siya. Masyadong close ang mga iyon at siguradong hindi papayag na hindi malaman ang whereabouts ng isa’t-isa, lalo pa at hindi kami ang kasama. They would want some kind of explanation why she’s not here with us or with them. Hindi ko sinabi ang eksaktong lugar ang kaso lang ay nabanggit ng Papa niya na nasa probinsiya.” Isa sa pinanghihinayangan ni Cayden sa ilang taon niyang pagbibigay ng espasyo kay Jackie ay ang masakit na katotohanan na napalitan na siya sa buhay nito bilang kaibigan. Dati ay silang dalawa ang magkakampi at magkasama sa lahat ng pagkakataon, importanteng pangyayari o sa mga problema. Ngayon, isa na lang siyang anino ng nakaraan ni Jackie na ayaw pa nitong balikan o maalala man lang.
“Ako na po ang bahala, Mama. Thank you po.”
“Hijo, she’s cut off from everything right now. Even from us. Balitaan mo kami ng progress niya. Magsabi ka lang kaagad kung may problema.” Base sa boses ng nasa kabilang linya ay naluluha ito. Naririnig din niya ang pagsinghot ng ginang.
“I’ll take good care of her po. Don’t worry. Salamat po ulit.”
Nang magpaalam na ang ina ni Jackie ay tuluyan nang nahiga si Cayden habang ang cellphone naman niya ay inilapag niya sa gilid ng sofang hinihigaan kasama ng kapares ng walkie talkie na iniwan niya sa kabilang silid. Gusto niyang pumikit muna at alalahanin ang masasayang araw nila noon upang mapalitan ang lungkot na bumabalot sa puso niya.
Nasa isang burol sila noon at magkatapat silang nakaupo sa isang malaki at pulang picnic blanket. Nailigpit na nila ang mga pinagkainan nila at ineenjoy na lang ang katahimikan ng paligid. Their legs were stretched, their feet almost touching. Kakulay pa ng suot ni Jackie na pantalon ang inuupuan nilang tela habang ang pang-itaas naman nito ay maluwag na t-shirt na puti. Siya naman ay naka-shorts lang na itim at dilaw na muscle shirt. Ang mga tsinelas nilang magka-ternong itim na may pulang checkmark ay nakagilid sa bag na dala nila.
Everything was going well after they finished eating breakfast when she burst out crying all of a sudden. Hindi alam ni Cayden kung anong nagawa niya upang mapaiyak ang kaibigan. He wanted to surprise her with a relaxing picnic after her sixteenth birthday but he was the one surprised by her reaction.
“Jack, ano bang problema? Bakit ka ba umiiyak?” pag-aalalang tanong niya.
“Stop doing things that confuses me.” Napakunot ang noo ni Cayden. Ano naman kaya ang nagawa niya? Pinunasan niya ang luha ni Jackie gamit ang kanyang palad ngunit hinawi siya nito. Mas gusto pala na sa manggas ng suot na tshirt na puti ipahid ang luha.
“Ha?” Napakamot siya ng ulo sa kalituhan.
“Kasi ang weird na. Hindi ko na kaya.” Nakangusong sabi ni Jackie na hindi pa rin maintindihan ni Cayden.
“Alin ba? Alin ang hindi mo kaya? Hindi mo na kayang tumayo dahil sa dami mong nakain? Alam mo bang gumising pa ko ng maaga para lang maghanda ng mga...”
“Ang hindi ko kaya...crush kita...”
Kung ano man ang sasabihin noon ni Cayden ay hindi na niya naituloy. Parang nablanko ang isip niya kasabay ng pag-awang ng kanyang bibig at pagtitig sa kasama. Hinanapan niya ng senyales na nagbibiro si Jackie ngunit kahit lumuluha at humihikbi ay mukha pa rin itong seryoso. Namumula pa ang pisngi nito at tainga.
“Anong sinabi mo?”
“Ipapaulit mo pa talaga? Reece naman!” Mula sa pagkakatingin sa kanya habang nakaupo sa picnic blanket nila ay nagtakip si Jackie ng mukha. He wanted to smile at her cute and innocent reaction but his nerves got the best of him. Hindi niya alam kung bakit para siyang binuhusan ng tubig na may yelo. Pakiramdam rin niya ay may humahalukay ng sikmura niya at may mga langgam na gumagapang sa katawan niya.
“Crush? Parang crush lang umiiyak ka na. Eh, ano naman? Gwapo naman talaga ‘ko. Mabait pa. Maalaga. Simpatiko. Ano pang hahanapin mo? All in one package! Ano naman nakakaiyak na may crush ka sa’kin?” Sinubukan niyang pangitiin si Jackie ngunit hindi umepekto. Nakatakip pa rin ito ng mukha. Gusto niyang pagaanin ang usapan dahil hindi niya alam ang sasabihin o isasagot sa ipinagtapat nito.
“Mayabang ka rin.” Humihikbing sagot nito.
“May ipagyayabang naman. Jack, tumigil ka na nga sa pag-iyak. Wala namang dapat iyakan. Normal lang naman ‘yan dahil lagi tayong magkasama. Kaya ka ba umiiyak dahil ayaw mo? Nabobother ka ba na...”
“Reece...”
“Naiinis ka ba at ‘yan ang tawag mo sa’kin?” Iniba niyang muli ang usapan. Ginagamit lang ni Jackie ang pangalang Reece kapag naiinis ito o nagagalit sa kanya.
“Oo naiinis ako! Parang wala lang sa’yo! Hindi mo naman sineseryoso ang sinasabi ko!” Napaawang ang bibig ni Cayden nang ibaba ni Jackie ang mga palad na nakatakip sa mukha at tumingin ito sa kanya. She looked like she was slapped in the face. Namumula ang magkabilang pisngi at mukhang nasaktan. Cayden felt helpless that he was hurting her unintentionally. He sighed before he replied.
“Jack, hindi naman sa gano’n. I just don’t know how to react. I don’t even know what to say. Ang alam ko lang ayaw ko na umiiyak ka o nasasaktan ka because I care about you. Bukod pa roon, lumalaki ang butas ng ilong mo tapos mamaya maga na ‘yang mata mo. Baka sabihin sa inyo pinaiyak pa kita.” He reached out and enclosed her hands on his. He felt strange with the contact. Dati naman silang naghahawak ng kamay. Minsan nga ay magkatabi pa sila natutulog, ngunit nakaramdam siya ng kakaiba sa sandaling iyon. Parang may kuryente. Nagkatitigan sila ng ilang segundo bago bumuntong-hininga si Jackie nang hindi na siya nagsalita.
“Fine. Just forget I said anything. Aalis na lang ako! Tiklupin mo na lang ‘tong mag-isa mo!” Tinangka nitong tumayo at tumalikod ngunit naagapan ni Cayden. He tightened his hold and pulled her. Sa lakas ng pagkakahila niya ay na-out of balance si Jackie at napadantay sa kanya kasabay ng pagkakahiga niya. From holding her hands, his arm shifted to her back. With the way her body pressed and molded into him, sigurado siyang naririnig at nararamdaman ni Jackie ang biglaang pagbilis at paglakas ng pintig ng puso niya. Mahangin man sa burol ay parang bigla siyang natapat sa matinding sikat ng araw kahit na nakalilom naman sila sa ilalim ng isang malaking puno.
“Cayden...” Lagi naman niyang naririnig ang pangalan niya mula kay Jackie ngunit iba ang tunog nito ngayon. He wanted her to repeat his name with that sexy breathless voice. Her hands were in between their bodies and she tried to push herself up.
“Don’t move. Let’s just stay like this for a while.”
Hindi alam ni Cayden kung sino ang nagsimula o kung sino ang mas naunang lumapit. One moment, they were staring at each other’s eyes, trying to read what’s in each other’s minds and the next thing he knew, they were kissing passionately. Hindi lang basta paglalapat ng mga labi bagkus ay maalab at nakaliliyo sa sarap.
Kahit ala-ala na lamang ay bumilis pa rin ang t***k ng puso niya at nakaramdam muli ng init na dala ng malambot at matamis na labi ng kababata. Natigil lang ang pagbalintataw ni Cayden nang makarinig ng malakas na kalabog mula sa silid ni Jackie. He quickly jumped to his feet, quickly went out of the guest room to see what happened.
“Jackie...”
Gustong murahin ni Cayden ang sarili dahil sa tagpong naabutan. Nakaupo si Jackie sa sahig at katabi ang nahulog na lampshade mula sa side table ng kanyang higaan. When he entered the room, she was trying to stand up using the side table as her leverage and when he called her name, she just let herself slump on the floor with her head bowed.
“I can do this. I have to go to the toilet. I just need something to hold on to and then I’ll be fine.” Her voice sounded hoarse. Parang boses nito tuwing katatapos lamang umiyak.
Dito na lumapit si Cayden upang buhatin si Jackie at ihatid kung saan nito kailangang pumunta, ngunit kinuha nito ang takip ng lampshade at ibinato sa kanya. Hindi man siya nakailag at sapul siya sa hita, hindi niya ito ininda, lalo pa at nakita niyang may basag-basag na bumbilya sa tabi nito. Kahit itinutulak siya ni Jackie, pinangko pa rin niya ito at dinala sa banyo. Ibinaba niya ito ng marahan sa may toilet bowl. He noticed her flushed and angry face. Wala na naman siyang puntos, nagalit pa ito sa kanya.
“Get out! I can do this. You didn’t have to carry me.”
Nang makasiguro si Cayden na nakakapit na si Jackie sa may water closet at kalapit na lababo, saka lang siya lumabas ng banyo at sumandal sa gilid ng nakabukas na pintuan.
“Tell me when you’re done or if you need anything.”
“Just give me my crutches or anything that would help me move by myself. I don’t want to need anything from you. I can take care of myself!” Nangigigil ang boses nito na parang pinipigilan ang sariling sumigaw.
“After a week, I will give you the freedom to move, but not now. Not today. I’ll be back after five minutes. Liligpitin ko lang ang nabasag, baka makasugat pa.” He sighed and moved to where the broken lampshade was. Narinig niya pa rin ang sagot ni Jackie. Mas masakit pa ang mga salitang sinabi nito kaysa sa hita niyang nagpasa dahil sa inihagis nito sa kanya.
“Kahit ligpitin mo pa ang nabasag na, hindi ka nakakasiguro na totoong malinis na. Mas masakit makasugat ang maliliit na bubog na naiwan. Hindi mo mapapansin na nandyan pa pero tutusukin ka pa rin at papahirapan.”
Alam ni Cayden na hindi naman ang nabasag na lampshade ang tinutukoy ni Jackie. Paano nga ba niya magagawang buuin ang bagay na nabasag na? Paano niya masisigurong malilinis na niya ang lahat ng bubog ng nakaraan nila?