“I want to take a shower na lang,” bulong ni Jackie nang binubuhat na siya ni Cayden patungo ng banyo. The movement from the bed to the bathroom seems to go on forever. Pakiramdam ni Jackie ay parang ang haba ng inilakbay kahit na ilang hakbang lang naman ang pagitan nito. Pagpasok ng banyong halos lahat ng gamit ay kulay puti at silver ay nakita niya ang upuan sa ilalim ng shower. Doon siya inilapag ni Cayden. Ipinaghila rin siya ng isa pang upuan upang nakapatong ang binti niyang may semento. Abot kamay lahat ng gamit sa paliligo, ang body wash, sabon, shampoo at conditioner. May loofa rin at sponge. Abot din ni Jackie ang knob ng shower kaya’t kung tutuusin ay pwede na siyang iwanan ni Cayden.
“You’re going to watch me shower?” nakataas ang kilay na tanong niya. Napatigil itong ipihit ang knob ng shower habang pinagmamasdan ang lalaking nakatayo ilang hakbang lang mula sa kanya.
“Ha? Oo. I can’t leave you here alone. Sabi mo I can watch over you.” Napalunok si Cayden habang nakatingin pa rin sa hubad na katawan ng kasama.
“So mas gusto mong manood talaga? I-off mo muna ang tubig sa jacuzzi. Sayang.” Lumakad si Cayden na hindi pa rin maialis ang mata kay Jackie. Muntikan pa itong madulas nang mapatid sa non-slip mat na inilagay niya malapit sa akyatan ng jacuzzi.
“Kapag ikaw nabagok, hindi kita matutulungan. Look at where you’re going kasi!” Pabulyaw na sigaw ni Jackie. Napakamot ng ulo si Cayden bago pihitin ang stainless steel at bilog na knob ng jacuzzi. Huminto ang pagdaloy ng tubig palabas sa mga water jets ng tub. Nang masiguro niyang naisara na nga niya lahat ng lever na nagtitimpla ng hot and cold water, umatras muli si Cayden at bumalik sa nauna niyang pwesto.
“Can you just stay outside?”
“Hindi nga. I’ll wait for you.”
“Sige, gusto mo ng show. I’ll give you one. Remember, don’t move and just stay where you are unless I told you to move.”
“Yes...oh, s**t—” Nang buksan ni Jackie ang tubig ay napamura si Cayden. Ipinikit nito ang mga mata at tumingala upang unang tamaan ng patak ng tubig mula sa shower ay ang mukha niya. The movement caused her upper body to bend backwards and made her breasts perk up. Under the cascading waters of the shower, Jackie looked like a water goddess. Habang nababasa ang buhok niya at sa bawat paghawi ng buhok at sa marahang pagmasahe ng anit ay mas lalong nanunuyo ang lalamunan ng lalaking nakamasid. Bawat galaw ni Jackie ay nagpapainit ng katawan ni Cayden. Mas naghabol siya ng hininga nang magsimula nang magsabon si Jackie. She lathered her body using the soft yellow sponge which she poured some lavender and vanilla scented body wash. When Jackie told him that she would give him a show, he didn’t expect it to be in slow motion. Every caress of the sponge on her body left a trace of white soap suds. Parang gustong lumapit ni Cayden upang siya mismo ang mag-alis at magbanlaw ng mga ito, but he remained still and just continued to watch kahit naghahabol na siya ng hininga, naiinitan na at may ibabang bahagi ng katawan niyang gusto nang kumawala.
Matapos magsabon at magbanlaw ay hindi pa tapos ang paghihirap ni Cayden. Sa pang-finale siya muntikang bumigay. When Jackie removed the strings of her bikina to wash her private part, he almost ran towards her to do it himself. Ngunit alam niyang kapag ginawa niya iyon ay tuluyan nang matatapos ang lahat. She would hate him more. Kaya’t kahit nakakabaliw na manood lang ay pinagkasya na niya ang sarili sa sitwasyong siya rin naman ang gumawa.
“Please hand me a towel. I’m done,” Nakatulala pa rin at nakakagat sa labi si Cayden na parang in-shock dahil sa Private show na iyon ni Jackie.
“Reece!” Noon lang siya muling bumaling ng tingin sa mukha ni Jackie.
“Ha?” Nagtataka niyang tanong.
“I told you to get me a towel. Then we can go back inside the room so I can dress up.” Jackie’s voice sounded irrititated. Nakatiis din ang kaliwang kilay nito sa inis. Hindi man lang ito naapektuhan na magkasama sila sa loob ng banyo at nakahubad siya habang nakatitig naman si Cayden sa kanya.
“Ah teka lang,” bulong niya habang lumapit sa isang cabinet sa may gilid ng pintuan kung saan nakalagay ang mga fresh towels. Kinuha ni Cayden ang isang malaking puting tuwalya. Iniladlad niya iyon bago itinapis sa katawan ni Jackie. Iniangat ni Jackie ang braso niya upang si Cayden na mismo ang maglagay ng tuwalya. Matapos iyon ay ipinulupot ni Jackie ang mga braso sa leeg niya at pinangko na siya ni Cayden upang makabalik na ng kwarto.
HABANG pabalik sa silid ay ramdam ni Jackie ang mabilis na pagpintig ng dibdib ng nagbubuhat sa kanya. Napailing si Jackie sa naging takbo ng paliligo niya. Hindi pa rin nagbabago ang kababata niya. Duwag pa rin ito kahit na puro yabang. She closed her eyes as he deposited her on top of the bed while draped in a large white cotton towel.
“You can just leave a change of clothes here then get out of the room. Kung may saklay lang ako I could get them from the closet by myself.” Sinadya niyang titigan ang mukha ng lalaki bago siya nito tuluyang bitiwan. Hindi ito makatingin sa kanya. She smirked at his flushed face before she continued, “Reece, ang damit ko. Anong klaseng aide ba ang naninigas kapag nakakakita ng katawang ng pasyente? Mabuti nabihisan mo pa ‘ko kagabi kung ganyan naman pala ang reaksyon mo.” She rolled her eyes at the silliness of it all.
Kung ibang lalaki siguro ang nakakita ng kahubdan niya ay sinamantala na nito ang pagkakataon, pero iba si Cayden. Ni hindi ito lumapit o kumilos man lang. He stood there and watched her like a hawk while she bathe but he never moved or approached. Nilakasan ni Jackie ang loob upang magpanggap na walang nakatingin sa kanya habang nililinisan ang sarili. Magaling naman siya roon kaya’t pinangatawanan na niya. Kumilos lang muli si Cayden nang humingi na ng tuwalya si Jackie at binuhat na siya palabas ng banyo at pabalik ng kwarto.
“It wasn’t me.” He straightened up when he replied with a hoarse voice. Nag-iwas rin ito ng tingin at dumiretso sa isang duffel bag na nakapatong sa sofa ng silid.
“What?” Nakakunot-noong tanong ni Jackie.
“Hindi ako ang nagpalit ng damit mo. I wanted to but I couldn’t do it. I knew it wouldn’t be right to touch you without your consent. Si Yaya Marta pinapunta ko rito.” She cursed in her mind. That explains his reaction when she undressed in front of him. Kaya pala para itong natuklaw ng ahas at kung makatingin sa katawan niya ay parang gusto na siyang sugurin. Napaisip tuloy si Jackie kung anong mangyayari kung sakaling nawalan ng self-control si Cayden.
“Sabi mo kasi ikaw, so I assumed sanay ka na makakita ng...” She hated him before for being proper but now she hated him more for being a gentleman.
“Jack, please stop. Ito na ang damit. Sabi ni Mama Sanya you prefer button down shirts para hindi mahirapan alisin o isuot. Wala ka na gaanong damit dito at kung mayroon man baka kailangan palabhan muna dahil nadumihan na. Hindi ko nadala ang mga damit mo. Just the ones beside your bed at the hospital.” Napakamot pa ito ng ulo sa pag-amin.
“So kasabwat mo pala ang nanay ko?” Napairap siya at napakapit ng sentido. Alam naman ni Jackie na hindi maglalakas ng loob si Cayden na kunin siya at dalhin sa Ilocos kung walang pahintulot ng mga magulang niya. Masyadong magalang sa magulang si Cayden at alam ni Jackie na hindi siya itatakas lang ng basta-basta.
“You know why they are doing this, Jackie. 21 na tayo.” His words triggered the anger within her.
“I don’t care if we’re 60! Ayoko nito! Ayoko sa’yo!” She saw the light blue button down short sleeve shirt that he placed beside her on top of the bed and threw it at him. Nasalo naman ito ni Cayden. Lumapit ito sa kanya at ibinuka ang damit. Ipinuwesto ng maayos upang ipapasok na lang ni Jackie ang mga braso niya sa loob.
She looked at his pleading face, she sighed and wore the shirt. Nang maisuot na niya ito ay iniangat siya ni Cayden ng bahagya upang maalis ang tuwalyang nakatapis sa katawan niya. When she settled back in the bed, she took a pillow and placed it on her lap. She was just wearing his shirt and nothing else.
“You can leave now.” She closed her eyes, willing for him to just leave her in peace. Ngunit may ibang gusto si Cayden.
“Come on...please just let go of the past so we could start all over...”
“Hindi ko alam ang sinasabi mo.”
“Jack, maalala mo man ako hindi, you don’t have a choice. You’re stuck with me for the next weeks, months and years. Hindi kita isosoli hangga’t hindi mo ‘ko tinatanggap ulit.” He looked determined to get what he wanted. Nakatikom pa ang mga kamao nito habang nakatingin sa kanya. Alam niya ang tingin na ‘yon. She has the exact same look three years ago, before everything finally went down the drain for them both.
“Wala akong choice? I’m stuck with you ba ‘kamo? Get out of my room you f*****g asshole!” Imbis na magalit sa singhal niya ay nagulat ito at napangisi.
“Jack...nagmumura ka na?” Kung ibang tao siguro ay ma-ooffend sa pagmumura ni Jackie, ngunit hindi si Cayden. He looked amused and he even smirked as he sat down on the bed. He moved closer to her while she tried to move back. Bumalik ang kapilyuhan sa mukha nito, “You undressed in front of me, showered effortlessly while I was watching, you did all of those without batting an eye at ngayon nagmumura ka pa? Ano pang pagbabagong makikita ko sa’yo, ayat ko?”
“Hindi na ako ang dating Jackielou na kilala mo. Kaya kung ako sa’yo, hahanap na ‘ko ng ibang pag-aaksayahan ng panahon.” Mula sa pagkakangisi ay nagseryoso ang mukha nito. He moved his face closer to hers. Hindi naiwasan ni Jackie na magpigil ng hininga habang nakatitig sa mata ng lalaking marahang hinaplos ang pisngi niya.
“I wasted too much time with the charade that you pulled off, ayat ko. Tatlong taon mo ‘kong iniwasan. Pati mga magulang natin at taong malalapit sa’ting dalawa idinamay mo at kinasabwat mo sa galit mo sa’kin. Iginalang ko ang gusto mo dahil kasalanan ko, pero hindi na ngayon. I gave you enough time and all the f*****g space that you needed. I let you do that because you wanted that and I thought it would make things better. Kaso nakasama pa dahil hindi mo ko pinayagang makalapit sa’yo even after trying to do everything to reach out to you,” bumulong ito at hinaplos ang kanyang buhok. He tucked a loose hair on her ear then held her by her nape, “Hearing about your accident rocked me to the core, Jackie. Stop pretending that you don’t remember me. I’m sorry for forcing you into this situation but you left me no choice. Hinding hindi ka na mawawala sa’kin, isumpa mo man ulit ako.”
Kung nakakapigil ng hininga ang mga kataga ni Cayden at ang tingin nitong nakakalusaw, mas nayanig si Jackie sa sunod nitong ginawa. His lips grazed her mouth softly. Ilang haplos lang ng mga labi nito sa kanya ay para na siyang hinuhugutan ng lakas. Kung nakatayo si Jackie ay baka natumba na siya sa tindi ng epekto ng mga halik na iyon. Her mind forced her to stay still but her body wanted to betray her will. From the soft and gentle kiss, he tilted his head to the right while he gently guided her face to capture her lips deeply. Kasabay ng marahang paghigit ni Cayden sa buhok niya ay ang imboluntaryong pagbuka ng mga labi ni Jackie. Ginamit nito ang pagkakataong iyon upang mas palalamin pa ang halik. When his tongue invaded her mouth, it made her feel dizzy. Hindi pa rin siya sumagot ng halik. She let him feast on her mouth and stayed still as much as she could. She trained her mind and heart to be cold and now is the time to test if she trained herself well. Makalipas ang ilang minutong pagpapakasasa sa mga labi niya, marahan siyang binitiwan ni Cayden. Nang humarap ito sa kanya, his eyes showed that her training paid off. He looked in pain, confused and scared. He finally realized what and who he’s dealing with.
“I’m sorry, Jack... I just missed you and I wanted you to remember...” Tinutop nito ang magkabilang pisngi ni Jackie. His eyes shone with unshed tears.
“Get out of my room.” She stared him in the eye with all the look of hatred she could muster. With every ounce of strength left within her, she pushed him away from her. His chest felt hard and he moved just an inch.
“Jack...” His eyes pleaded for mercy. For her mercy that he doesn’t deserve.
“Labaaas! Kung ayaw mong gumapang ako palabas ng kwartong ‘to para lang makalayo sa’yo, lumabas ka!!!” She shouted as loudly as she could. Alam niyang rinig kahit sa driveway nila ang tinig niya. Seeing him flinch and stand up as if burned felt like she won a race. Isang karerang nagpapabilis ng t***k ng puso niya at nagpapakulo ng dugo niya.
Ilang segundong katahimikan din bago muling nagsalita ang lalaki, may hinugot itong isang bagay mula sa likuran na bulsa ng suot na pants, “I’ll be back later. Use this if you need anything. I’ll be on the other line, waiting as always.” He leaned towards her and she froze in place, she relaxed only when he took the towel beside her.
Napairap si Jackie sa inilapag sa side table na itim at dilaw na walkie-talkie. Gusto niyang ibato ang gamit na iyon kay Cayden ngunit pinigilan niya ang sarili. Luma na ito at marami nang pinagdaanan. May mga masasayang ala-ala rin siya mula sa bagay na iyon. She sighed, closed her eyes and ignored him. Isang malalim na buntong-hininga pa ang pinawalan nito bago tuluyang lumabas ng silid. When she was sure that he already left, she opened her eyes and slowly slid herself to lie on the bed. She covered her face with the pillow on her lap and let the dam of tears flow. Kung alam lang ni Jackie na ganito ang kahihinatnan ng isang gabing pagsasaya niya kasama ang mga kaibigan, hindi na sana siya lumabas pa ng bahay.