4-Hostage

2210 Words
      “I don’t care. I want to sleep. Try not to bother me,” sagot ni Jackie na pumikit na at hindi na siya muling pinansin.   Dahil nakatapos naman na silang kumain ay hindi na tumutol si Cayden sa gustong pagtulog ni Jackie. Bukod sa gusto niyang magpahinga ang babae ay ililigpit rin naman niya ang pinagkainan nila. Siya mismo ang naghanda ng pagkain at ngayon naman ay magliligpit ag maghuhugas ng mga plato. He wanted to show her that he is willing to take care of everything especially her. Sinadya ni Cayden na walang makakagawa ng lahat ng gawain doon at pag-aalaga kay Jackie bukod sa kaniya.   Matapos niyang maghugas ng mga plato at maghanda ng lulutuin para sa pananghalian, naligo si Cayden sa kabilang kwarto kung nasaan ang mga gamit niya at muling bumalik sa silid ni Jackie. Noong una ay dapat sisilip lang siya kung tulog ito. Napangiti siya nang makitang imbis na natutulog ay binabasa na ni Jackie ang librong inilagay niya sa bedside table. Paborito ito ni Jackie, ang Arannik, Hilakbot sa Pusod ng Gubat na isinulat ng kilalang manunulat na si Vincent Manrique. Kahit ilang beses na nitong nabasa iyon noong nasa high school pa ay hindi nakakasawa.   “Do you want to go outside?”tanong ni Cayden pagpasok niya.   Tuloy pa rin ito sa pagbabasa at hindi man lang siya nilingon. Naupo siya sa gilid ng kama at naghintay na pansinin siya. Gusto niyang titigan lang si Jackie maghapon at magdamag kahit na kabisado na niya ang korteng puso nitong mukha, mapupulang pisngi sa maputi nitong balat, matangos at makipot na ilong, full red cherry lips at ang mapungay na matang napalilibutan ng mahahaba at malalantik na pilik-mata. She dyed her black hair to an auburn shade. Ang haba nito ay hindi na rin hanggang beywang kundi hanggang dibdib na lang. Curled na rin ang dulo na lalong nagpaganda sa kanyang maamong mukha.   “Jack, gusto mo bang mamasyal sa labas? Maganda ang panahon, hindi masyadong mainit. Sa may swimming pool tayo?” Hindi pa rin siya nililingon o pinapansin man lang ni Jackie. He sighed and asked again, “Jack, anong gusto mo? If you want we could go somewhere...”    He was lost for words when the book she was reading was dropped on the pillow beside her and then she looked at him. Kung nakakamatay ang titig ay baka napabulagta na lang siya sa sahig.   “Ang gusto ko, umuwi na. Gusto ko, lumabas dito sa kwartong ‘to at bumalik na ng Maynila, kasama ang pamilya at mga kaibigan ko. Gusto kong makatayo na at makalakad na para makalayas na ‘ko rito! ‘Yon talaga ang gusto ko! Ngayon, kung hindi mo kayang gawin, ‘wag mo na ‘kong kausapin. Get out of my room and leave me alone!” Muli nitong kinuha ang librong ibinaba sa unan at ipinagpatuloy ang pagbabasa.   Sinubukan ni Cayden na huwag maapektuhan ng pagsinghal na iyon ngunit hindi niya magawa. He hated himself more every time he sensed her anger towards him. Alam niyang wala namang amnesia si Jack. She just hates him that much that she wanted to erase him from her memory.   “Ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo na hindi ko magagawa ang gusto mo. We’ll stay here until your cast could be removed. Palitan ko mamaya ang gauze ng sugat mo? O natuyo na ba talaga?” She looked at him with contempt and he forced himself to retain his straight face as he continued, “Look, Jack, I brought you here so I could take care of you. Tayong dalawa lang ang nandito. Para tayong nasa island. Actually, that was my initial plan, dalhin ka sa isang isla na tayong dalawa lang. But this option won. I just thought if we stay here, you would feel better. Teritoryo mo naman ‘to.”   Napailing ang kausap at bumuntong-hininga bago sumagot.   “Pagaling na ang sugat ko you don’t have to do anything. Teritoryo ko? Ni hindi nga ako makakilos! Where is my wheel chair? Ang saklay ko?! How am I supposed to even take a bath or dress up? Where are my clothes? Alam mo?” She was screaming at him. Namumula na ang mukha ni Jackie sa galit.   Yumuko lang si Cayden bilang sagot. “O sige, fine! Give me a calendar so I could mark and count the days to my freedom. 8 weeks ko bang pagtitiyagaan na kasama ka? Penitensya ba ‘to? Kabayaran ba ‘to sa mga kasalanan ko noong past life ko?” Natigil siya sa pagsigaw at pumikit.   Nang magsalita ito muli ay parang may kumurot sa puso ni Cayden.   “Why are you making me suffer? Ano bang kasalanan ko sa’yo?” Mahina ang boses ngunit puno ito ng emosyon. Alam niyang sa panginginig ng boses na iyon ay nagpipigil ito ng luha. He’s doing everything wrong kung sa unang araw pa lang nilang magkasama ay mapapaiyak na naman niya ang babae.     “Hindi punishment ‘to. You don’t deserve to suffer. I’ll make everything better. I’ll be your aide. Ako ang aalalay sa’yo. Just let me. Since you said you forgot who I am, why don’t you just let me rebuild our friendship? I’m great company if you’d give me another chance.” Tiningnan siya ni Jackie, umirap ito bago ipinikit ang mga mata. She massaged her temples as a sign that he was making her head ache. Mas maganda na iyon kaysa ang makita siyang umiiyak. Ilang minuto na namang hindi nagsalita ang kausap. Ganoon pala ang pakiramdam ng nababasted. Masakit. Pakiramdam na parang mukhang tanga na kinakausap ang sarili.   “Jack, please kausapin mo naman ako. What are you thinking? Tell me.” He tried one more time. She sighed and looked at him with obvious frustration in her eyes. Damang dama ni Cayden na ayaw siya nitong kausapin.   “I’m thinking that its ironic that you are holding me hostage inside my own home. Bakit hindi ka na lang lumipat sa bahay ninyo? Wala ka bang pamilya? Walang naghahanap sa’yo?” He sighed and ignored her questions. Sinubukan niyang ibahin ang usapan. Dahil kumpirmado na niyang nagpapanggap lang si Jackie na hindi siya naaalala ay kailangang galingan niya ang mga susunod na hakbang.   “Wait here, I’ll prepare your bath for you. Sabi ni Mama Sanya hindi ka pa raw nakakaligo simula noong--” Napanganga si Jackie sa sinabi niya. Pinigilang mapangisi ni Cayden dahil siguradong mabubulyawan na naman siya.   “What the-?! Papaliguan mo ‘ko?” Nanlalaki ang mga matang tanong sa kanya.   “Pwede naman kung gusto mo.” He winked at her. Napanganga si Jackie bago ito luminga linga. Nang walang makita na pwedeng ibato, napatingin ito sa hawak na libro.  She threw the book she was holding at him. Sapul si Cayden sa dibdib. He laughed out heartily at her reaction. Pinulot niya ang librong tumama sa kanya na nahulog sa sahig. Mula sa kinauupuan niya, umusog pa siya papalapit kay Jackie at bumulong sa tainga nito, “I could run the soap all over your body then rinse you with warm water. I’ll be doing those while my eyes are closed of course. I could even wear gloves if you prefer. Kaso para naman akong naghuhugas ng plato kung gano’n.”   Dahil sa lapit ng mukha nila sa isa’t-isa, naramdaman ni Cayden na parang naghahabol ng paghinga si Jackie. He’s getting the reaction he wanted and decided to tease her more, he gently placed his hands on her waist, “Pwede rin naman na maligo ka mag-isa but I’ll stay in the bathroom with you just to make sure you’ll be safe.  I will just help you move back here on the bed once you’re done. I will drape you with the towel, too, if you want. Still with my eyes closed. Everything will be done with my eyes closed.” Sinadya niyang hipan ng bahagya ang tainga ni Jackie and he felt her stiffen. When she recovered after a few seconds of silence, he felt the tables turn. She pulled back a bit, slid her hands on his nape and forced him to stare at her eyes. Parang na-hypnotize si Cayden sa tingin sa kanya ng babae na parang nang-aakit.   “Dahi hindi naman ako inutil and I still have the use of my arms and right leg, I will choose the second option. You don’t even need to cover your eyes and you could watch me take a bath, as you said, to ensure my safety. But in one condition, you have to promise not to move until I ask for your help. You will follow everything that I tell you to do inside the bathroom. Can you do that for me?” She tilted her head to the right and looked at his lips na parang gusto siya nitong kagatin. Siya naman ang naghabol ng hininga. “Cayden?” He cursed quietly when she licked her lips while staring at his mouth. “Reece.”   “Ah...Yes, I can do that.”  She only calls him Reece tuwing nauubusan ito ng pasensya sa kanya.   “Good. Now, prepare my bath. Do you have a large plastic that we could use to cover my cast?”   “Yes.” Siguro kahit anong itanong ni Jackie sa kanya habang nakakapit ito sa batok niya at siya naman sa makipot na beywang nito ay oo lang ang isasagot niya.   “Good.” Bigla itong bumitiw sa kanya at unti-unting binuksan ang butones ng damit bago muling nagsalita, “Cayden, sabi mo aayusin mo ang paligo ko?” Her voice was back to it’s normal coldness.    “Ah, oo. Sandali.” Tumayo siya na tila nanginginig ang mga tuhod. How could she still affect him that much after all those years? Nasa may pintuan na ng kwarto si Cayden upang kuhanin ang waterproof na full leg cover na ipinasadya niya para kay Jackie. Para itong maluwag na stockings na may garter at tali sa dulo upang hindi mabasa ang sementadong parte ng legs ng kasama.   “Madali akong mainip kaya bilisan mo, baka magbago ang isip ko.” Her words sounded like a warning and when he looked at her, nakabukas na ang button down shirt at nakasilip ang pagitan ng mga dibdib nito. Alam niyang wala itong bra dahil siya ang naghanda ng poloshirt na suot ni Jackie noong nakarating sila ng bahay.   “I’ll...I’ll be very quick,” nautal niyang sagot bago siya tumakbo patungong kabilang silid kung nasaan ang mga gamit niya. When he was back at her room, she was already sitting on the edge of the bed. Nakayanan ni Jackie na igalaw ang kaliwang hita at binti pababa ng kama. He approached her carefully and showed her the waterproof cloth. Nang tumango ito ay saka lamang niya tahimik na isinuot ang leg cover kay Jackie. He tried to control the shaking of his hands and to not succumb to the urge to caress the other leg that was also exposed to him. “Wait here for a while.” Without looking at her, he walked towards the bathroom and ran the warm water of the jacuzzi. Malawak ito at may back cushion kaya’t pwede kay Jackie. Naghila rin siya ng isa sa dalawang monoblock chairs na ipinasok niya noong gabi at itinabi sa jacuzzi upang pagpatungan ng paa. Ang isa naman ay itinapat niya sa shower kung gusto ni Jackie na mag-shower na lamang at hindi na magbabad sa jacuzzi.   When he went out of the bathroom and was about to go back in the room, natigilan siya sa may pintuan. She looked like someone who jumped out of a Men’s magazine wearing only her black string bikini. Parang regalong galing sa langit na may tali sa magkabilang gilid. Kahit may semento ang kaliwang binti at hita, she still looked perfect. Hindi maialis ni Cayden ang mga mata niyang nakatitig sa katawan ni Jackie.   “What are you waiting for? Are you even going to help me walk, carry me or give me my crutches?”   “Ha?”   “Reece, naliligaw ka ba? Giniginaw na ‘ko. Focus.” Iritable na naman ang boses nito. Hindi naman niya masisi si Jackie dahil mukha naman talaga siyang naliligaw habang nakatingin siya sa katawan nito.   “I am. I’m coming.” She snorted at his words. When he walked towards her, his eyes were fixed on her perky breasts. When he lowered himself to lift her from the bed, by the back of her thighs, her arms automatically weaved at his nape.  Her body pressed dangerously to him, he sighed at his obvious fate. Kailangan niyang magtrabaho ng extra upang suyuin si Jackie dahil mas mapapatagal ang paghihirap niya kung laging ganito. He’s in really deep s**t and he knows it. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD