“Happy sixteenth birthday, Jack.” Napangiti si Jackie sa iniabot na bulaklak at kahon ng regalo ng bagong dating niyang bisita. Ilang minuto na rin niyang inaabangan ang pagdating nito. Inamoy niya ang bungkos ng rosas at sinilip ang laman ng kahon. Isa na namang mamahaling relo na gawa sa rose gold at pandagdag sa kanyang koleksyon.
“Salamat. I ti ammok haan ka nga umayen kas idi napalabas nga taw-en. Akala ko hindi ka na makakapunta parang noong isang taon.”
Sinubukan niyang itago ang lungkot ng kanyang tinig ngunit nahalata ng bisita. Humakbang ito papalapit at hinaplos ang kanyang pisngi. Wala na siyang nagawa kung hindi ang ngumiti habang nakatitig sa mapupungay nitong mga mata.
Sinenyasan niya si Pablo, ang body guard niya upang iabot ang mga bagong dating na regalo. Hindi niya maaring ihalo ang mga iyon sa tumpok ng mga nakabalot na kahong natamo niya sa kanyang kaarawan. “Mang Pabs, pakidala po sa kwarto ko. Salamat.” Tumango naman ang guwardiya sa kanila ng kanyang bisita habang kinukuha nito ang bulaklak at kahon at saka ito umalis.
“Sabali met dejay, Adda nak jay la union ket haan nak nga makapanaw. Adda ti surpresa mi para kenka madamdama. Ngem ita , mabalin ka kadi nga isala? Iba naman iyon. Nasa La Union ako at hindi makaalis. May sorpresa kami para sa’yo mamaya. Pero ngayon, maari ba kitang isayaw?”
“Adda kadi malagip mo iti daytoy a lugar? May naaalala ka ba sa lugar na ‘to?”
Nabulabog ang pagbalik tanaw niya dahil sa tinig na ‘yon. Ipinikit niya ang mga mata. Gusto pa sana niyang pagmasdan ang berdeng damuhan at ang mga nagagandahang bulaklak na nakapalibot sa hardin na tanaw mula sa silid kung saan siya nakaratay. Ang silid na walang ipinagbago. Off white na may asul na lining ang wallpaper niya. Ang tokador niya at mga cabinet ay kulay light blue habang ang kama naman niya ay puti. May dalawang abstract paintings na naka-hang sa dingding. Kung ang silid na iyon ay walang ipinagbago, sa kanya ay marami. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
“Awan. Haan kanto pay malagip detoy pay ngata? Haan mo ba ammo nga k********g detoy? Kasano nak nga inruar diay ospital ? Sino ka kadi? Wala. Ikaw nga hindi ko maalala, ito pa? Hindi mo ba alam na k********g ‘to? Paano mo ‘ko nailabas ng ospital? Sino ka ba?”
“I have every right to take you from the hospital. You’re here in our hometown, Ilocos na ilang taon mo nang hindi inuuwian. Hindi ‘to k********g. Kilala ako ng mga magulang mo. Kilala ako ng buong angkan mo kaya nga nadala kita rito. This is also your home, Jackielou. This has always been your home. I hope you remember that even if you do not want to remember me.” She opened her eyes and stared at the face of the man sitting at the edge of her bed. Nasa gitna si Jackie ng higaang may puti at asul na kubrekama. May ilang pulgada ang pagitan nila.
“Haan ko nga ammo dagita ibagbagam. Hindi ko alam ang sinasabi mo.”
“You’re still fluent. You know I loved it when you speak Ilocano.”
“Siyempre ditoy nak nga dimmakkel kada nagkapanunot. Ewan ko lang ikaw. You know what? Just to spite you, I won’t use that dialect ever again. Siyempre. Dito ako lumaki at nagkaisip.”
“I doubt that. Kapag galit ka, hindi mo maitago ang pagiging purong Ilocano mo. Just like when you’re happy and when you’re with me. Dito ka lumaki? I know that for sure. We grew up together, Jack. First step, first words, first bike and car ride, first kiss. Lahat ng first sa buhay mo ako ang kasama mo.”
Gusto niyang mag-walk out upang iwasan ang mga sinasabi ng lalaki ngunit hindi niya alam kung nasaan ang saklay niya o ang wheel chair. Mula sa pagkakahiga ay ibinangon niya ang sarili gamit ang mga kamay at braso na itinukod sa kama. Agad namang lumapit sa kanya ang kasama.
“I may be cripple but I’m not an invalid. I can do this by myself. I don’t need help especially from someone I don’t even know.” Tinitigan niya ang lalaking kaharap. Nakita niyang napabuntong-hininga ito sa talim ng tingin niya. Napakunot ang noo ni Jackie nang nakaupo na siya at nakasandal sa puting headboard ng kanyang queen sized bed ay nagabot ang lalaki ng kamay sa kanya.
“Fine. If you want to really do this. I’ll do this with you. I’m Cayden Reece Weber, 21 years old. Half Ilocano and half British. I grew up here, with you. I’m your neighbor, bestfriend, childhood friend and your...” Hindi na niya ipinatuloy ang sasabihin ng lalaki. Iniabot niya ang kaliwa niyang kamay. Napasinghap sila parehas nang may dumaloy na parang kuryente nang maglapat ang mga palad nila.
“I don’t care who you are in my life. Heck, I don’t even want to be here! But since I don’t have a choice but to tolerate your presence until I could be saved from your company, I’ll go with your game. I’m Jackielou Samonte Elarde. I’ll be your worst nightmare.”
“I know who you are. I’ve known you all my life. Jack, this is not a game and I doubt that you’ll be my nightmare because you have always been my dream come true.” Napaawang ang bibig niya sa sinabi ng lalaki na nakatitig lang sa kanya na parang minememorya ang kanyang mukha.
“Nagbaduy ka makairita!” Ang baduy mo nakakairita! The man chuckled and stood up from her bed.
“You might be hungry. I cooked breakfast for you. Wait, I’ll get the trolley.” Nagmamadali itong lumabas ng silid at nang pumasok ito ay may dalang malaking trolley na may iba’t-ibang pagkain.
“Breakfast? Simula kahapon tulog ako?” Napatingin siya sa malaking orasan sa may pintuan. Alas-nueve na ng umaga. Nang lumingon siya muli sa lalaking bumalik sa kanyang tabi ay napakamot ito ng ulo. Nagkaroon ng pagkakataon si Jackie na suriin ang suot nitong puting v-neck na muscle shirt at itim na sweat pants. Nakatsinelas lamang itong itim rin na may pulang check. Pamilyar ang tsinelas na iyon. She closed her eyes to force the memory out of her mind.
“Napadami yata ang sedative na naiturok ko. Anyways, something good came out of it. I was able to sleep beside you again without you wanting to kill me.”
“And you’re proud of yourself because of that?” Napahalukpkip siya at doon niya napansin na iba na ang kanyang suot. Nag-init bigla ang mga pisngi ni Jack. Hindi na ang makapal na pula at itim na checkered na button down oversized shirt na sinadya niyang isuot upang hindi na siya magpapantalon. Maging ang underwear bikini niya na puro de tali ang gilid ay iba na rin. Ibinigay ito sa kanya ni Fiona at Debbie upang hindi siya mahirapan sa pagsuot ng panloob dahil sa kondisyon ng kaliwang binti at hita niya. Alam kasi nila na hindi magpapatulong si Jackie kahit sa nurse na magbihis.
“Of course! O bakit ka namumula? Dahil iba na ang damit mo? I changed them for you. Dati pa naman bagay sa’yo ang mga polo ko. Favorite color mo pa, blue.” Pumikit siya upang pakalmahin ang sarili dahil sa narinig. Sinasagad ng lalaking iyon ang pasensya niya. Napatikom rin ang mga kamao at kung kaya lang niyang bumangon ay uundayan niya ng suntok ang lalaki.
“Cayden naman! Who gave you the right to dress me up!” Bahagyang natigilan ang kausap at tumitig muli sa kanya. Nakakatunaw na tingin ngunit sinanay na niya ang sarili na hindi maapektuhan sa mga ganoong klase ng tingin.
“I missed the sound of my name on your lips. Who gave me the right?” Napangisi ito at saka niya napagtanto na mali ang sinabi niya. She’s riling him to taunt her more. Siya na mismo ang gumagawa ng ikakabagsak niya sa bitag ng lalaki.
“You gave me the right, Jack. Hindi lang dress up ang karapatan na mayroon ako, gusto mo bang ipaalala ko sa’yo?” He was about to approach her but she held up her hand and closed her eyes to control her raging heartbeat.
“No! I don’t care! Kahit hindi naman ako gutom at ayaw kong kumain, what’s our food?” She cursed in her mind. Dapat ay hindi our ang salitang ginamit niya. Huli na dahil napangiti na ang kausap. He uncovered the plates and her taste buds betrayed her. Puro paborito niya ang nakahain. Longaniza, daing na bangus, itlog na maalat na may kamatis at steamed kangkong na may bagoong. Nakakatakam rin ang sinangag na maraming bawang.
“Mukhang ang pagkain naalala mo pero ang kagwapuhan ko hindi?” She rolled her eyes at his smirking face.
“Sino naman nagsabing gwapo ka?”
“Ikaw. Dati.” She groaned out loud and he laughed at her bago muling nagsalita,”joke lang. Let’s eat!” Inilapit ni Cayden ang bed tray na may malaking platong may servings ng bawat isa sa nakahain. Mayroon ding maliit na platitong naglalaman ng kangkong at bagoong at isa pang lagayan ng itlog na maalat at kamatis.
“Nasaan ang pagkain mo?”
“Makita ko lang na busog ka...” She groaned out loud again at tumawa na naman ng malakas si Cayden.
“Tigilan mo nga ang kakadialogue mo ng kabaduyan. Kumain ka na rin.”
“Share tayo?” Kumindat pa ito sa kanya na sinagot naman niya ng irap.
“Kumuha ka ng plato mo! Ayan, gamitin mo ang pang-cover.” Itinuro niya ang mga pinggan na ipinangtakip sa mga putahe. Sumunod naman si Cayden at naupo sa tabi niya. He stretched his legs on her bed just like her. The only difference was she was wearing a blue cement cast on her midthigh down to her lower leg and foot and the food tray on her lap. Tahimik silang kumain at iniwasan ni Jackie na mapalingon man lang sa katabi. Dahil gutom naman talaga siya, hindi na siya nahiya o naconscious na naubos niya ang laman ng plato hanggang sa huling butil. When she said she was full, saka lang kinuha ni Cayden ang mga plato.
“The last time I prepared a breakfast like this for you was the day after your 16th birthday. Nagpicnic tayo sa burol. This was the exact same menu.” Malungkot ang tinig nito habang ibinabalik sa trolley ang mga pinagkainan nila. Palabas na ng pintuan ang lalaki nang magsalita muli si Jack.
“I don’t remember anything that has to do with you. So please stop telling me those stories. Wala rin akong maalala.”
Cayden looked back at her from his post near the door. Kahit may ilang metrong distansya, kita ni Jackie ang dedikasyon sa mga mata nito. “You will, in time. I’ll make you want to remember.”