PAGPASOK nila sa silid ay sa kama inihatid ni Cayden si Jackie. “I’m going to shower and change first then I’ll come back for you to help you bathe.” Tumango na lang si Jackie. Sayang lang ang oras niya kung sasagot pa siya o tatanggi. Sigurado naman siyang pipilitin pa rin siyang bantayan sa paliligo ng makulit na lalaking nagpainit na naman ng ulo niya. She raised one eyebrow at him when he didn’t drop her on the bed like he was supposed to. Nakatayo lang ito sa gilid ng kama habang bitbit siya. Kung may ibang makakakita, sasabihin sigurong ang sweet ng pwesto nila na parang mag-asawa sa honeymoon. Mag-asawa? She closed her eyes and forced the awful thought out of her mind. “Bilisan mo na. Baka mamaya baka biglang bumalik na sila. Gusto ko munang umidlip dahil fyi, sigu