Chapter 2 - Pain

1404 Words
“Mom, how long was I asleep?” Isang linggo nang gising si Jackielou Elarde at palabas na rin ng ospital sa hapon na iyon ngunit hindi pa nila napagusapan ng kanyang inang si Sanya ang aksidente o ang kalagayan niya.   “Two weeks. Your friend, Dara called last night and said she’ll be back now that you’ve woken up.”   Tatlong linggo na ang nakalipas. Maghahating-gabi na noon at pauwi na sila ng mga kaibigang sina Debbie at Fiona mula sa bahay ng matalik nilang kaibigan na si Dara nang mabangga ng truck ang kotseng minamaneho sa isang intersection. Nagpapasalamat siyang naka-seat belt siya at hindi lata ang primera klaseng kotseng gamit niya. Malaki rin ang pagpapasalamat niyang mag-isa lang siya dahil nasa isa pang sasakyang nakasunod sa kanya ang dalawang kaibigan. Naalala ni Jackie ang malakas na tunog na sanhi ng pagkakatama ng truck sa kaliwang bahagi ng kotse. Dahil sa lakas ng impact ng pagbangga at dahil na rin sa nakapagpreno ang truck na naiiwas na magdire-diretso at mapisa ang sasakyan niya ay hindi siya gaanong napinsala. Bagama’t nagpaikot-ikot ang kotse ng apat na beses bago tuluyang huminto na nakalapat pa rin ang gulong sa kalsada, gising siya at narinig pa ang boses ng mga kaibigan na tumatawag sa kanya. Naramdaman pa niya ang kakaibang sakit sa kanyang kaliwang hita at binti, sa ulo at sa dibdib kung saan bumuka ang airbag. Nawalan lang siya ng malay nang ilawan na siya at makita niyang puno ng dugo ang katawan dahil na rin sa hiwa niya sa hita at binti dahil sa pagkaipit nito.   Alam ni Jackie na medically induced ang comma niya upang maka-recover ang katawan sa tinamong bugbog mula sa aksidente. Bukod sa head concussion at bone fracture sa kaliwang hita at binti na mayroon ding mahaba at malalim na sugat, maswerte siya na hindi na-damage ang spinal cord o nagka-epekto sa kanyang utak. The freak accident that almost cost her life seemed like a bad nightmare.   “Where’s my phone, mom? I’ll send a message to Dara na okay lang ako. Lumpo lang ako for two months or less but I’m fine. I thought Debbie and Fiona might have told her that I didn’t want her to go home. She’s still in Europe with her boyfriend?” Napangiti siya nang maalala ang kaibigan at ang hilaw na nobyo nito na si Dash.   “Nasira ang phone mo. We’ll just buy a new one. Nasa abroad pa siguro dahil from overseas ang tawag. Malaki ang naitulong nila para makauwi kami kaagad ng Papa mo. We were so worried! Mabuti na lang rin at nandito si Cay...” Nabura ang ngiti niya sa labi nang marinig ang panimula ng pangalang iyon.   “Stop, mom. You know how much I hate him. If you love me, don’t mention him again or let him get inside this room, again. He went here earlier, when you were talking to the doctor. Kahit na bilin ko na huwag siyang papapasukin sa kwarto ko for some weird reason, nakapasok pa rin siya.” Alam ni Jackie na kagagawan iyon ng kanyang ina, kaya’t mabuting magbigay na siya ng pahuling salita, “Mom, some things will never change and that includes how I feel about him.” She closed her eyes and tried to control her breathing.   “It’s been years, anak. Hindi ba pwedeng...”   “Wala naman pong magbabago kahit ilang taon pa, Ma!” Na-guilty siyang napasigaw siya sa ina ngunit hindi niya napigilan. Nang magsalita siya muli ay malumanay na, “Please as you promised me before, cover up for me. I need space and time.” Narining niya ang buntong-hininga ni Sanya.   “Kinausap niya kami ng Papa mo while you were still asleep. He was here with us. He never left your side kahit alam niya na two weeks ang maximum time ng comma mo. He’s really sorry, Jack. He asked for our forgiveness too and come to think of it, wala naman talaga siyang ginawang masama sa amin, anak. You and him were just...” Napakapit ng sentido si Jackie. Maging ang kaliwang binti at hita niya na nababalot ng cast ay kumirot din.   “Mom, my head hurts. Please call the nurse? I may need another dose of pain reliever.” Muli na namang narinig ang buntong-hininga ng ina at ang pagtunog ng silyang inuupuan nito. Nakatayo na marahil si Sanya upang pindutin ang button sa may bandang kaliwa niya. Siya na sana ang aabot ngunit gusto niyang matigil na ang usapan kaya’t iniutos na lamang niya.   “Jackielou, the pain medication only works on physical pain, hindi kaya ang heartache. I’ll call the nurse personally. Kailangan ko rin ng kape. I’ll also go see the doctor for your clearance then settle the bills. Pabalik na raw ang Papa mo galing ng opisina para makauwi na tayo. Baka mas mabuti kayo na lang ang mag-usap. Magkasing tigas naman ang ulo ninyo.” She heard the irritation on her mother’s voice and her footsteps towards the door.   “Ma, I’m sorry. You know how much I hate that topic, right?” Nang lumingon si Sanya, she looked at her mother like she always does when she did something wrong. Hindi pa pumalya ang tingin niyang iyon. Bumalik ito sa tabi niya.   “I love you, anak. Pero sobrang tigas ng ulo at puso mo, minsan hindi ko alam kung kasalanan ko ba dahil kinukunsinti kita.” She heard the worry on her mother’s voice and she tried to cheer her up.   “I love you, too. Wala kang choice dahil nag-iisa mo akong anak, kaya siguro you respect my wishes. That’s not kunsinti naman.”   “Pinaganda mo lang ang term pero ‘yon din ‘yon. I just want you to be happy, darling.” Napaisip tuloy si Jackie kung masaya ba siya. Happiness is just a state of mind at kung iisipin niyang masaya siya at hahanap siya ng mga dahilan upang maging masaya, bakit naman siya malulungkot?   “I am. I’m happy I’m still alive and I’m very happy that you and Papa are here with me. Quality time together?” She smiled and tried to sound cheerful but her mother frowned.   “Yes. Sorry if we’ve been busy lately.”   “Nah. It’s fine, mom. Ayoko naman maging clingy in real life. Okay na ko sa video calls and weekends with you. Pero mas okay ako ngayon that I get to hoard both of your times.” She laughed and Sanya laughed with her, “Ma, go get your coffee. I really need some pain meds.”   “Okay. Just relax while I’m out. I’ll be back quickly.”   Ilang minuto lang ay may pumasok na sa silid niya. Her eyes were still closed and she felt a bit sleepy.   “Nurse, I think the pain meds are wearing off...”   “Yes, miss. I’ll be taking care of your pain. All of your pain.” Masyadong mahina ang boses at parang pamilyar ang pabango ng nurse. Naalala lang niya marahil ang amoy dahil ang taong laging may gamit nito ang pinag-uusapan nilang mag-ina ilang minuto lang ang nakalipas.   She felt a gentle touch on her hand and her heplock was injected with the pain medication. Bahagyang uminit ang pakiramdam ng braso niya sa pagdaloy ng gamot. Hindi niya ibinukas ang mga mata dahil ayaw niyang makakita ng dugo. Posible namang magdugo ang karayom na nakatusok sa kamay niya na nakakonekta sa IV. Ilang segundo pa, she felt like a heavy weight was lifted from her head and left leg. Lahat ng sakit niya ay unti-unting nawala at para siyang idinuduyan patungo sa kawalan.   “You’re mine and I will never let you go this time.”   The last thing she heard was his voice and the citrus and manly aroma of his perfume as he grazed his lips on hers. Sinubukang ibuka ni Jackie ang mga mata niya upang siguruhin kung ito nga ba ang nasa silid ngunit hindi niya kinaya dahil kinuha na siya ng dilim.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD