HINDI SIYA nag-atubiling buhatin si Eunice nang mawalan ito ng malay. Dinala niya ito sa kanyang hotel room. Nakatulog na ito sa sobrang kalasingan pero sa dami ng sinabi nito ay hindi niya maiwasang hindi mapaisip lalo na sa sinasabi nito tungkol sa kanyang ina. Ang paulit-ulit nitong ibinanggit ay ang salitang masama ang kanyang ina. Nahulog tuloy siya sa mahabang pag-iisip. Dinala niya si Eunice sa knayang kama. Doon niya ito pinahiga. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ni Eunice. Hindi niya mapigilang hindi tumulo ang luha. Paulit-ulit niya ng tinatanong ang sarili kung bakit mahal niya pa rin ito sa kabila ng lahat? Alam niyang si Eunice ang kanyang kahinaan. Pinunasan niya ang luha. "Bakit ka kasi uminom hindi mo naman pala kaya?" wika niya sa babae kahit na tulog na tulog na i