bc

MY FIRST AND LAST

book_age18+
4.4K
FOLLOW
44.5K
READ
friends to lovers
drama
twisted
realistic earth
first love
friendship
poor to rich
stepmother
classmates
passionate
like
intro-logo
Blurb

Sabi nga, mahirap magmahal ng kaibigan. It's hard to reveal your true emotions but its hard to keep and swallow your pain. You are afraid that something might change.

This story is all about love and friendship.

Magkaibigan matalik sina Eunice at Jonathan hanggang sa matuklasan nila na higit pa sa pagkakaibigan ang kanilang nararamdaman para sa isat-isa.

Akala ni Eunice ay ganoon lang kadali ang magmahal. Basta mahal ka at mahal mo ay okay na.

Lahat nang pagmamahal ay ibinigay niya kay Jonathan. Huli na nang marealized niya na wala na siyang itinira para sa sarili. Iniwan rin siya ng lalaki at biglang naglaho.

Ang pagmamahal niya kay Jonathan ay napalitan ng poot. Ang masakit pa ay nag-iwan ito ng alaala na magiging bahagi ng buhay niya upang hindi ito makalimutan.

“It is hard to forget someone who gave you so much to remember.”

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
NAKANGITI si Eunice habang may iniisip nang biglang dumating ang kanyang kaibigang si Jonathan. “Hanggang dito ba naman iniisip mo pa rin ang Nikko na 'yon? Nagtatampo na ako sayo niyan,” pukaw sa pagmumuni-muni niya ng kababatang si Jonathan. Nasa maliit na kubo silang dalawa ng mga oras na yon. Magsasaka ang ama niya samantalang anak ng mayor ang matalik na kaibigan niya. Si Jonathan Miranda, ang nag-iisang kaibigan niya. Mayaman ang pamilya nito at kilala sa buong Isabela. Pitong-taon na silang magkaibigan. Tumaas ang kilay ni Eunice sa kaibigan. “Alam mo naman diba na crush na crush ko si Nikko? At saka sa pangarap ko lang siya pwedeng makasama,” kinikilig niya pang sagot dito na ang tinutukoy ay ang isa sa baguhang kaklase nila. “Bakit ba kasi nandito ka?” nakaangat ang kilay na tanong niya. “Wala lang… Akala ko kasi makakahanap ako ng matinong kausap. Nagkamali pala ako,” nagtatampo nitong sagot sa kanya pero umupo naman sa bakanteng upuan kung saan siya nakaupo. Alam niyang may problema na naman ito sa pamilya kaya ito madaling magtampo. Pikon na naman. “Bakit? Anong tingin mo sa akin hindi matino?” nakairap niyang tanong. “Iba naman kasi ang nasa isip mo palagi. Parati na lang bang si Nikko ang nasa isip mo samantalang nandito naman ako?” paghihimutok nito na tinuro pa ang sarili. “Pwede ba huwag mo akong dramahan? Crush ko lang ‘yon. Ikaw pa rin ang kaibigan ko at alam mong hindi kita ipagpapalit kahit kanino,” nakangiting wika ni Eunice sa kaibigan. Alam niyang nagseselos na naman ito. Palibhasa kasi nasanay si Jonathan na silang dalawa lang ang magkasama at ito lang ang palagi niyang iniisip. “Kahit na sa lalaking iyon?” pangungulit pa nito sa kanya. “Pwede naman sigurong kayong dalawa ang piliin ko di ba? Parte ka na ng buhay ko Jonathan. Bata pa lang tayo ay magkaibigan na tayo. Si Nikko naman ay iba dahil gusto ko siya. Magkaiba ang nararamdaman ko sa inyong dalawa,” hindi mapigilang pag-amin niya sa nararamdaman. Ewan niya ba kung bakit todo ang pagkagusto niya kay Nikko samantalang bagong kakilala niya lang ito. “You’re only fifteen para isipin ang ganyang bagay, Eunice,” masungit nitong sagot. Ang mga kilay nito ay magka salubong. “Puppy love lang ito kaya ‘wag mong masyadong seryosohin syempre gusto ko munang magtapos ng pag-aaral bago ang lahat. Gusto ko may matino na akong trabaho bago ako pumasok sa pag-aasawa para hindi naman ako mapahiya sa pamilya ni Nikko,” pang-aasar niya pa kay Jonathan dahil umuusok na naman ang ilong nito sa galit. “Mamasyal na nga lang tayo para mawala sa isip mo yang Nikko na ‘yan,” yaya ni Jonathan sa kanya sabay hila sa kamay niya. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa kaibigan. Payat si Jonathan pero mataas ito kahit na sixteen pa lang. Buwan lang ang pagitan ng edad nila. May pagka-tsinito ang mga mata nito. May dimple sa magkabilang pisngi na lalong nag pagwapo kapag ito ay nakangiti. Hindi niya masisisi ang mga kaklaseng babae kung bakit panay ang papansin sa kaibigan niya. Ang iba nga ay naiinggit sa kanya dahil parati nyang kasama si Jonathan. Kung may nagtataka man sa pagiging close nilang dalawa ay tinatawanan na lang nila. Alam niya sa sarili nya na kaibigan lang ang turing niya sa lalaki. Ganun din naman si Jonathan sa kanya. Mahal nila ang isa't-isa bilang kaibigan. “Pumunta nalang tayo sa bahay at nagluto si Nanay ng kakanin,” yaya niya sa kaibigan habang naglalakad. “Aba gusto ko ‘yan. Ang bait talaga ng Nanay mo,” sagot nito sa kanya na malungkot ang mga mata at alam niya kung bakit dahil hindi siya tanggap ng pamilya nito dahil mahirap lang sila. Kailanman ay hindi siya madala ni Jonathan sa bahay ng mga ito. Wala naman kaso sa kanya yun. Ang importante ay si Jonathan. Ang ama ni Jonathan ay mabait sa kanilang mahihirap pero hindi siya sigurado kung totoo ang pagiging mabait nito dahil alam niyang kailangan lang nito ang maging mabait dahil isa itong pulitiko. Aminin man natin kailangan nilang maging mabait para makakuha ng botante na boboto sa kanila. “Wag ka ng malungkot diyan at balang araw matatanggap rin ako ng mga magulang mo lalo na kapag naging mayaman na ako at sana sa panahon na yun magkaibigan pa rin tayo. Gusto kong ipagmalaki mo rin ako sa pamilya mo,” nakangiti niyang wika sa kaibigan upang hindi na ito malungkot pa. Niyakap niya pa ito sa bewang. Samantalang ginulo naman ni Jonathan ang buhok nila. Ganun sila kung mag-asaran. Napuno ng mga ngiti ang dinadaanan nila. Wala namang mas mahalaga sa kanya kundi ang pagkakaibigan nilang dalawa. Wala siyang pakialam kung hindi siya gusto ng pamilya ni Jonathan. Ang mahalaga ay tanggap siya ng kaibigan. “Kiss mo nga ako” wika pa ni Jonathan sa kanya kaya pinandilatan niya ito ng mata. “Ano ka!” “Bakit dahil may crush ka na? Kaibigan mo naman ako ah?” Ngumiti siya sa tinuran ni Jonathan. “Fine! Close your eyes,” utos niya pa kay Jonathan. Mabilis naman nitong ipinikit ang mata at kinantilan niya ito ng mabilis na halik sa pisngi. Walang malisya iyon sa kanilang dalawa. ********************************* HINDI MAPIGILANG MABATUKAN ni Jonathan si Eunice dahil sa pagtitig sa katabing transferre nilang classmate na si Nikko. Naiinis siya dahil kailangan pa nilang magmadali sa pagpasok para makatabi nito ang lalaki. Unang pasukan nila sa huling baitang sa high school. Classmate niya pa rin si Eunice at syempre pati rin si Nikko. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw niyang maging kaklase nila si Nikko. Naiinis na kasi siya kay Eunice. Wala itong bukang bibig kundi si Nikko. Si Nikko na gwapo at malakas ang dating. Nakakainis na. “Bakit ka ba nambabatok?” mahina ang boses na tanong ni Eunice sa kanya. Inayos pa nito ang buhok na nagulo niya. “Laway mo kasi tumutulo na,” sagot niya ng naiinis. Bigla pa siyang natawa ng biglang nitong punasan ang gilid ng bibig niya. Napakaamo ng mukha ni Eunice at hindi niya mapigilang matawa sa pagiging inosente nito. Kahit malupit sa kanya ang mundo ay balewala iyon. Si Eunice lang ay sapat na. Buo na ang araw niya kapag kasama niya ito. Ang kaibigan lamang ang nagpapasaya sa kanya. “Niloloko mo ba ako?” galit na tanong ni Eunice sa kanya. “Nakatulala ka kasi diyan sa katabi mo na parang wala kang katabi. Kung makatitig ka diyan sa kaliwa mo ay wagas!” nakasimangot niyang sagot. “At bakit naman parang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo? Dapat nga excited ka dahil first day of school na naman!” irap sa kanya ni Eunice. “Kanina excited ako kasi nang ,alaman ko na classmate pa rin kita pero nang makita kita na tulala ka na naman diyan sa katabi mo parang gusto kong lumipat sa ibang section,” seryoso niyang sagot sa kaibigan. Napasimangot si Eunice dahil sa kanyang sinabi. “Kaya mo akong iwan dito? Bakit parang napapansin ko na parang ayaw mo na may ibang lalaki akong nagugustuhan?” tanong sa kanya ni Eunice kaya natigilan siya. Bahagya ring namula ang mukha niya sa tanong nito. “D-ahil nakakalimutan mo na may kaibigan ka!” tanging sagot niya. Kinuha niya ang bag sa likuran ng upuan at lumabas ng silid-aralan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit inis na inis siya kay Eunice. Pakiramdam niya ay unti-unti na itong nawawala sa kanya. Palibhasa kasi ay nasanay siyang ito lang ang tanging kasama niya at ngayon ay nagseselos siya sa pagpapakita nito ng interes kay Nikko. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Isa lang ang alam niya. Nasasaktan siya. ************************ NAPATINGIN si Eunice sa katabi. Nakatitig pala sa kanya si Nikko kaya hindi niya napansin ang kaibigang nag-walk out. “What’s wrong? Bakit parang ang lalim ng buntong hininga mo?” tanong sa kanya ng lalaki na ikinagulat niya dahil for the first time kinausap siya nito. Tahimik lang kasi ito palagi kaya kahit noong bagong transfer ito. Hindi nga siya nito kinakausap. “A-hh wala, pasensya ka na kung naistorbo ka,” natataranta niyang sagot. Kinikilig siya kay Nikko. Pakiramdam niya namula ang buo niyang mukha ng humarap ito sa kanya at ngumiti. “No problem, Eunice,” muling ngumiti nito sa kanya. Mas hamak na malaki ang katawan ni Nikko kaysa kay Jonathan. Akala nya magiging masaya siya kapag napansin siya ni Nikko pero nagkamali siya dahil iniisip niya pa rin si Jonathan. Kanina pa kasi ito hindi bumabalik ng classroom at nag-aalala siya na baka may nangyaring masama sa kaibigan. Nagsimula na ang klase nila ay wala pa rin si Jonathan. Nanibago siya sa pagtatampo ni Jonathan. Kahit minsan never itong nagtampo sa kanya. Madalas kasi ay siya ang tupakin. Hindi siya mapakali sa kanyang upuan. Panay ang tingin niya sa labas ng bintana. “Iniisip mo ba si Jonathan?” tanong sa kanya ni Nikko. “Oo. Hindi pa rin kasi siya bumabalik. Baka mamaya may masamang nangyari dun,” nag-aalala niya pa ring sagot dito. Nagulat nalang si Eunice nang biglang tumayo si Nikko at lumapit sa guro nila at may binulong ito. “Anong tinanong mo?” nagtataka niyang tanong pagbalik ni Nikko sa upuan nito. “Di ba sabi mo nag-aalala ka na baka may masamang nangyari kay Jonathan kaya tinanong ko si teacher kung nagpaalam sa kanya si Jonathan. Lumipat pala si Jonathan sa ibang section kaya wala siya rito. Nagtataka nga rin si teacher kung bakit siya lumipat samantalang si Jonathan pa mismo ang nagrequest na dito siya sa section na ito,” mahabang sagot ni Nikko sa kanya. Hindi namalayan ni Eunice na tumutulo na pala ang luha niya sa sinabi ni Nikko. “Don’t worry at magkakaayos rin kayo,” pag-aalo nito sa kanya na pinunasan pa ang mga luha niya. Sa halip na kiligin sa ginawa ng lalaki ay lalo pa siyang naiyak. Ngayon lang kasi sila magkakahiwalay ng silid aralan. Simula ng maging magkaibigan sila ay never itong humiwalay sa kanya. Nasanay siyang nasa tabi niya lang si Jonathan. Nakakapanibago. Hinintay niya si Jonathan sa uwian pero nakauwi na raw ito sabi ng kaklase nito sa kabilang section. Alam niyang iniiwasan siya ni Jonathan. Nagdaan ang mga araw, linggo at buwan na hindi niya ito nakakausap si Jonathan. Nakikita niya naman ito sa loob ng campus pero hindi niya naman malapitan. Iniiwasan na siya ni Jonathan. Marami na rin itong kaibigang babae at lalaki. Ang tingnan siya ay hindi nito ginagawa. Iniisip niya tuloy na baka kinalimutan na siya ng matalik na kaibigan at nakahanap na ng ibang kaibigan. Kung noon ay binabalewala niya lang ito ngayon ay nararamdaman niya ang kahalagahan ni Jonathan. Walang araw na hindi niya iniiyakan ang pag-alis ni Jonathan sa buhay niya. Parang wala silang pinagsamahan. Kahit nga kaarawan niya ay kinalimutan na rin nito na labis niyang ikinalulungkot. Nagulat na lang si Eunice ng mabalitaan niya na may nililigawan si Jonathan. Masakit man aminin pero nasasaktan siya dahil kapag may nagugustuhan ito ay siya ang unang nakakaalam. Siya ang unang sasabihan nito. Tatanungin muna nito kung papasa ba sa kanya at syempre ang isasagot niya ay hindi. She felt that Jonathan deserved more. “Malungkot ka na naman. Kalimutan mo na pinsan si Jonathan, parang kinalimutan ka na rin niya. Mag-move on ka na. Kung siya nga nakahanap na ng nobya bakit kaya hindi mo subukang sagutin si Nikko total ay matagal ng nanliligaw sayo ang lalaki,” wika sa kanya ng pinsang si Nicole. Kaklase rin nila ito ni Nikko. Nang-iwan siya ni Jonathan ay dumating naman sa buhay niya si Nikko. Tatlong buwan na siya nitong nililigawan pero hindi niya pa rin magawang sagutin. Palagi niya pa naman noon sinasabi na kapag niligawan siya ni Nikko ay sasagutin niya kaagad na talaga namang ikinagagalit ni Jonathan dahil parati nitong sinasabi sa kanya na magpakipot naman siya kay Nikko. “Akala ko dati kapag niligawan ako ni Nikko ay sasagutin ko agad siya pero hindi pala. Pakiramdam ko may ibang gusto ang puso ko,” madamdamin niyang pag-amin sa pinsang si Nicole. “Matagal ko ng nahahalata ‘yan pinsan. Simula nang hindi na kayo magkaibigan ni Jonathan ay napansin ko ang lungkot sa mga mata mo na tanging si Jonathan lang ang nakapagbibigay ng ningning lalo na kapag magkasama kayo,” madamdaming sagot ni Nicole sa kanya. Malungkot na ngumiti siya sa kaibigan. “Miss na miss ko na siya Nicole at tama ka mahal ko pala si Jonathan hindi lang ngayon kundi noon pa hindi ko nga lang alam. Ang sakit pala sa pakiramdam kapag abot kamay mo lang ang isang taong mahal mo na hindi mo alam kong makakasama mo pa.” Napahaguhol siya sa pinsan niya at agad naman siya nitong niyakap. “Naging busy ako noon na mapansin ni Nikko samantalang nandiyan lang pala sa tabi ko ang hinahanap ko na kayang buuin ang araw ko. Siguro nasanay lang ako na palagi siyang nasa tabi ko. Hindi ko siya pinahalagahan Nicole at kung kailan na wala na siya ay saka ko lang naramdaman na mahal ko pala siya hindi lamang bilang kaibigan,” wika niya pa. Simula nang hindi na siya kinibo ni Jonathan ay naging malungkutin na siya. Pakiramdam niya ay hindi na siya magiging masaya ulit at dahil iyon kay Jonathan. Ang pagtulo ng kanyang luha ay walang patid. “Tahan na pinsan pinagtitinginan na tayo ng mga tao,” saway sa kanya ni Nicole. Ito na mismo ang nagpunas sa luha niya. “Wala akong pakialam. Gusto kong iiyak ang kasawian ko dahil nasasaktan ako,” sagot niya pa. Tumigil lamang siya sa pag-iyak nang malapit na sila sa bahay. Hindi niya rin masabi sa mga magulang kung ano ang dahilan kung bakit hindi niya na nakakasama si Jonathan. Pero kahit na hindi magtanong ang mga magulang niya ay nararamdaman nito ng lungkot niya. Inayos niya ang sarili upang hindi mapansin na galing siya sa pag-iyak. “Hindi ka ba muna papasok ng bahay?” tanong niya kay Nicole. Hindi kalakihan ang bahay nila. Gawa lamang sa plywood ang dingding at pawid ang bubong. Hindi tulad ni Jonathan. Langit ito at siya ang lupa. “Hindi na pinsan. I’m sure nagwawala na naman si Nanay dahil iisipin nun na nag lakwatsa na naman ako,” sagot sa kanya ni Nicole. “Basta pinsan, cheer up lang ha? Hindi pa end of the world,” dagdag pa nito kaya napangiti siya. Tama ito, hindi pa end of the world para magluksa siya. Bata pa siya. Kung kinalimutan siya ni Jonathan dapat na rin sigurong turuan niya ang puso. Sanayin na hindi niya na ito kailangan. Kumaway siya sa pinsan ng magpaalam ito sa kanya. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.9K
bc

His Obsession

read
88.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook