NAPABALIKWAS ng bangon si Eunice nang may marinig siyang kumakatok. Nakatulog pala siya. Ala’s sais na ng gabi ng tumungin siya sa orasan. Naririnig niya ang boses ni Jonathan.
Dali-dali niyang nilapitan ang pinto at pinagbuksan ag lalaki. Nagulat pa siya ng mapagbuksan si Jonathan. Puno ng bugbog ang mukha nito. Pakiramdam niya ay lalo itong pumayat. Hapis ang mukha nito at ang ikinagulat niya ay putok ang labi at kilay nito. Kinurap-kurap niya pa ang mga mata niya baka nananaginip lang siya pero totoo ngang nasa harapan niya lalaki. Hindi siya nananaginip. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso.
“Papasukin mo na ako at malamig dito sa labas,” pukaw nito sa kanya na nagpabalik sa diwa niya. Niluwagan niya ang pinto at tuloy tuloy itong pumasok at umupo sa upuang kahoy na nagsisilbing sala nila. Habag na habag siya sa hitsura nito. Napaluha siya ng yakapin niya ito pero agad din siyang tinulak nito.
“Masakit,” daing nito sa kanya na ang tinutukoy ay ang katawang naipit. Napahawak ito sa katawan.
“Anong nangyari?”
Nilapitan niya si Jonathan at inangat niya ang tshirt nito. Napakagat siya sa labi niya nang makita ang nasa ilalim ng tshirt nito. Namumula ang mga iyon. Ang iba ay dumudugo pa dahil sariwa pa ang sugat. Halos walang parte ng katawan nito ang walang sugat. Hindi niya lubos maisip ang sakit na nararamdaman nito ngayon samantalang siya ay kulang nalang ay isumpa ito dahil hindi ito nagpaparamdaman sa kanya.
“Ano ba kasi ang nangyari sayo? Saan mo nakuha ang mga ‘yan?” naiiyak niya ng tanong dito. Takot na takot siya sa sinapit nito.
“Pwedeng makahingi ng tubig?” tanong sa kanya no Jonathan kaya mabilis siyang tumalima at kumuha ng tubig. Natataranta pa siya habang nagsasalin ng tubig sa baso.
Inamin ni Jonathan ang nangyari kaya mas lalo pa siyang napaiyak. Kalunos-lunos ang sinapit nito sa sariling ina at hindi niya mapigilang hindi magalit. Hindi ibang tao ang nanakit kay Jonathan kundi kadugo nito. Ang masakit ay siya pala ang dahilan kung bakit ito sinaktan ng ina.
“Pero hindi ka dapat sinasaktan ng Mama mo ng ganyan? Anong tingin niya sayo hayop? Alam ba ito ng papa mo?” sunod-sunod na tanong niya. Namimilipit pa rin ito sa sakit.
“Huwag na nating ipaalam sa kanya. Mag-aalala lang ‘yon.” mahinang sagot ni Jonathan sa kanya pero wala itong nagawa ng kunin niya ang cellphone nito.
“Dapat na malaman niya Jonathan,” pagpupumilit niya.
“Wag na Eunice at lalong magagalit lang si Mama sa akin. Ayokong magtalo sila ni Papa dahil sa akin,” pagtatakip pa ni Jonathan sa ina.
“At sa tingin mo ba hindi ako nakokonsensya lalo pa at ako ang dahilan kung bakit ka sinaktan? Sana naman hayaan mong gawin ko ang tama. Kailangan kang dalhin sa hospital para matingnan. Tingnan mo nga at may sinat ka pa?” nag-aalala niyang sagot.
Hindi na ito sumagot sa kanya pero alam niyang pumayag na ito sa sinabi niya. Dahan-dahan niya itong pinapasok sa maliit niyang silid. Kinumutan niya rin ito dahil alam niyang nilalamig ito at masama na ang pakiramdam.
“Dito ka lang sa tabi ko ‘wag mo akong iwan,” pakiusap sa kanya ni Jonathan. Ang hina ng boses nito na parang hirap na hirap. Ramdam mo talaga ang sakit na tinitiis nito dahil sa pananakit ng ina.
“Kakausapin ko lang ang Papa mo at babalik rin agad ako. Magpahinga ka na muna. Hihintayin natin ang Papa mo para madala ka namin sa ospital,” sagot niya dito.
Hinalikan niya muna ito sa noo bago lumabas ng silid niya. Alam niyang hindi ito komportable sa pagkakahiga dahil wala silang kama sa bahay at tanging banig lang ang ginagamit nila sa pagtulog.
Tulad ng sabi niya kay Jonathan. Tinawagan niya ang ama nito. Hindi siya nag-atubiling ipaalam sa ama nito ang nangyari kay Jonathan. Hindi na siya nag-isip kung magkakagulo dahil sa gagawin niya. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay madala si Jonathan sa ospital.
******************************
Mayor Jonas Pov
“NASAAN si Jonathan?” tanong agad ni Mayor Jonas sa kabiyak ng hindi makita ang anak sa mansion. Sa gate palang ay sinalubong na siya ni Amelia. Ang kanyang kabiyak.
Kanina nasa kwarto lang siya. Pagkatapos niyang kumain ay pumasok na agad siya sa silid niya. Alam mo naman ang batang yun walang inatupag kundi computer games at barkada,” sagot nito sa kanya na agad na yumakap sa braso niya.
“Pupuntahan ko muna siya at kailangan ko siyang makausap,” wika ni Mayor Jonas sa kabiyak na tuloy tuloy sa loob ng mansion.
“Pwede bang kumain ka na muna?” pigil pa sa kanya ng asawa.
“Sabay-sabay nalang tayo. Ako na ang tatawag kay Jonathan,” nakangiti niyang wika sa kabiyak kaya wala itong nagawa.
Kumatok siya ng kumatok pero walang sumasagot sa silid n Jonathan. Napakunot noo siya.
“Baka nakatulog na. Napuyat din kasi kagabi ‘yan kagabi at puro telebabad din ang inaatupag.”
“Open the door, Jonathan!” sigaw niya at kinatok ulit ang silid ng anak pero walang nagbukas ng pinto.
“S--abi ko naman sayo na ayaw paistorbo ng batang ‘yan. Lalabas lang kapag may lakad o kapag kakain na,” wika ni Amelia.
“Lucia, akin na ang duplicate ng kwarto,” utos niya sa isang kasambahay na nakasunod sa kanila.
“Hayaan mo na ang anak mo at baka naman ayaw magpaistorbo,” pigil sa kanya ng asawa pero hindi niya ito pinakinggan. Binuksan niya ang pinto pagkatapos ibigay ng maid ang susi. Wala siyang nakitang tao sa loob.
Binuksan niya ang ilaw at napansin niyang bakante ang silid ng anak. Pumasok din siya ng banyo sa pag-aakala na nandoon ang anak pero wala si Jonathan. Napansin niya ang papel sa gilid ng kama kinuha niya iyon pero sa pagtataka niya ay inagaw ng kabiyak.
“Nagpapaalam ang anak mo sayo na hindi siya makakasabay sa dinner mamaya dahil pupunta daw siya sa nobya niya. Tulog daw ako kanina kaya hindi siya nakapagpaalam,” wika ni Amelia habang binabasa ang sulat ni Jonathan.
“Kanina kasi nakatanggap ako ng tawag sa kanya pero hindi ko nasagot. Akala ko naman may problema siya,” sagot niya kay Amelia. “Bakit parang kabado ka? May problema ba?” baling niya sa kabiyak na kanina pa panay buntong-hininga. Napansin niya rin ang butil ng pawis sa noo nito.
“S-ino ba naman ang hindi nenerbyosin eh wala dito ang anak natin,” palusot ni Amelia sa kanya. “Halika na nga at kumain na tayo,” yaya sa kanya ni Amelia kaya lumabas na sila sa silid ni Jonathan.
“Bihira nga lang ako umuwi dito hindi ko pa naaabutan yang anak natin,” wika niya habang kumakain sila. Napapailing niya. Napatitig siya sa asawa. Nawi-werduhan siya sa asawa. “Bakit ang saya mo yata ngayon? Kanina parang namumutla ka?” puna niya sa bilis ng pagbago ng mood ng asawa. Tiningnan niya itong nagtataka.
“Di ba dapat masaya ako dahil kasama kita ngayon? Palagi ka kayang wala,” malambing na sagot sa kanya ni Amelia.
Napangiti siya at tumango.
“Pagpasensyahan mo na ako. Alam mo naman ang asawa mo masyadong busy sa negosyo,” sagot niya. Inabot niya ang kamay ni Amelia at pinisil.
“Bakit kasi tumakbo ka pang Mayor samantalang abala ka naman sa negosyo natin?”
“Alam mo naman na darating ang araw na si Jonathan ang mamamahala ng mga negosyo natin at ako naman ay kailangan kong magfocus sa pulitika,” sagot niya pa.
Nabigla pa siya ng mapasigaw si Amelia. Nabuhasan pala ito ng tubig.
“Senyora, pasensya na po hindi ko po talaga sinasadya,” natarantang hingi ng paumanhin ng katulong nila. Mangiyak-ngiyak ito sa paghingi ng tawad sa asawa.
“Ok lang yun, Lucia,” sagot ni Amelia na napangiti.
Napangiti siya sa sagot ng asawa. Likas talaga na napakabait nito. Hindi man lang ito nagalit na natapunan ang damit nito.
“Hindi ho ba kayo galit?” tanong ni Lucia sa asawa kaya napatingin siya sa katulong. Tila nanginginig pa nitong tanong.
“Kapag sinabi kung hindi ako galit totoo yun at hindi mo na kailangan matakot pa. Sige dun ka na sa kusina,” dagdag pang sagot ni Amelia kay Lucia.
“Ang bait naman na asawa ko,” puri niya. “Alam mo ang swerte ko sayo dahil hindi mo lang inaalagaan ang anak ko kundi napakabuti mo pang maybahay,” dagdag niya pang wika na nakangiti. Ginagap niya ang kamay nito at hinagkan.
Natigilan siya ng tumunog ang cellphone niya. Sandali siyang nag-excuse sa kabiyak upang sagutin ang cellphone. Mayat-maya pa ay bumalik siya sa hapag-kainin. Hinawakan niya sa balikat ang asawa.
“May pupuntahan lang ako. May dumating daw na tao sa munisipyo at hinahanap ako. Ayaw ko man umalis dahil gabi na ay hindi naman pwede. Alam mo naman diba na Mayor ang asawa mo at kaya walang oras ang trabaho ko,” paalam niya pa rito na nakangiti.
“Ngayon nga lang tayo nagkasabay sa pagkain ay aalis ka na naman. Sana naman kahit minsan maisip mo na may pamilya ka rin,” pagtatampo ng asawa.
“Amelia, sana maintindihan mo. Alam mong mahal ko kayo ni Jonathan pero kailangan din ako ng bayan natin. Tapusin ko lang itong kausap ko at uuwi ako agad. Pangako,” wika niya pa.
“Pasalamat ka mahal kita at kaya kita naiintindihan. Sige gawin mo na ang dapat mong gawin. At wag ka nang bumalik…
“Anong sabi mo?” tanong niya sa asawa ng hindi maintindihan ang huling sinabi nito.
“Ha? eh sabi ko bilisan mo lang para makabalik ka aga,” pagsisinungaling ni Amelia.
Napatango siya sa asawa. Kinantilan niya pa ito ng halik sa noo bago siya nagmamadaling umalis.