CHAPTER SIXTEEN

1432 Words

INIS NA INIS na si Amelia. Pakiramdam niya ay nakakulong siya sa hawla. Mabilis siyang nagtungo sa kanilang silid upang gumawa ng phone calls. Pakiramdam niya kasi ay anuman ang gawin niya ay may matang nakatingin sa kanya. Ilang sandali pa ay may sumagot sa kanyang tawag. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay naririnig niya na ang galit sa boses ng kanyang kausap. “Ano ang gagawin natin ngayon? Alam mo naman na kailangan natin ng pera hindi ba? Malapit na ang eleksyon at kailangan ko ng pera para maipangmudmud sa mga tao,” sigaw sa kanya sa kabilang linya. Tinawagan niya lang ito dahil hindi niya ito pwedeng puntahan lalo pa at palaging nasa mansion ang asawa niya. “Gumagawa naman ako ng paraan at ‘wag kang mag-alala dahil maibibigay ko rin ang kailangan mo. Bigyan mo lang ako ng kontin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD