Dapat hindi niya na lang ito tinanong dahil nasaktan lang siya sa isinagot nito. Masyado kasi siyang naging assuming. May nobya na nga pala si Jonathan. At hindi siya ‘yon. Aaminin niya na sana ang nararamdaman niya dito kaso bigla naman sumingit sa eksena ang nobya nito. Bigla tuloy siyang tumayo at lumipat ng upuan. Lihim siyang nainis. Nagkataon lang pala kaya siya nito nailigtas.
“Something wrong?” puna nito sa kanya dahil sa pananahimik niya.
“Sumakit lang ang ulo ko dahil sa pagkasabunot ni Nikko,” pagsisinungaling niya para mailihis ang nararamdamang selos.
“Kung hindi ka kasi nagpakita ng motibo sa tao hindi ka mapapahamak ng ganyan,” paninisi pa ni Jonathan sa kanya.
Lumapit ito sa kinauupuan niya at hinaplos ang buhok niya.
Hindi niya mapigilang hindi kiligin sa ginawa ni Jonathan kahit pa sinisisi siya ng kumag sa mga nangyari.
“Hindi ba galit ka sa akin kaya nga hindi mo ako pinansin? Ikaw ang lumayo!” galit niyang wika sa lalaki. Naiiyak na naman siya. Ayaw niya ng maalala ang nakaraan pero paulit-ulit naman na bumabalik sa kanya ang ginawang pang-iiwan ng kaibigan.
Napabuntong-hininga si Jonathan.
"I can't even figure out why I left you for so long. I keep blaming what happened to you on myself since I left you in the care of that man. What if I didn't see you?"
Napansin niya ang lalong pagsingkit ng mga mata nito. Napakuyom na naman ito sa kamao. Pagdating talaga kay Nikko ay mahina ang pasensya nito.
“Gaya nga ng sabi mo kanina kasalanan ko ang lahat. I admit. It's all my fault. Nang iwan mo ako ng dahil kay Nikko ay nilayuan ko na siya dahil nagbabakasakali ako na baka bumalik tayo sa dati pero nagkamali ako dahil ang tagal na ng pagtatampo mo sa akin. Inabot ng taon, Jonathan. Akala ko rin kapag sinagot ko si Nikko ay makakalimutan na kita,” nagtatampo niyang wika sa lalaki.
“Do you know why I left even though the cause wasn't a big deal, and we didn't get into a fight?” tanong sa kanya ni Jonathan.
Napatitig siya sa maamo nitong mukha.
“Bakit nga ba?” kunot-noong tanong niya.
. As a friend or as a man who adores a friend, am I envious? I am aware that there is no justification for my anger at you because there has been no wrongdoing on your part toward me.
"Because it causes me pain whenever you think of Nikko, and I want to know why I felt that way. I walked away since I was curious about the reason why. Kung nagseselos ba ako as a friend or as a man na nagmamahal sa isang kaibigan? I am aware that there is no justification for my anger at you because there has been no wrongdoing on your part toward me. Natatakot akong aminin sayo na----
huminga ito ng malalim.
"What?" kumakabog ang dibdib niyang tanong.
"Na mahal kita Eunice, at natatakot akong mawala ka kapag sinabi ko na higit pa sa kaibigan ang gusto ko. Natakot ako na kapag nalaman mo na mahal kita ay layuan mo ako. Ayokong magbago ka sa akin. Diba sabi nga, if you love someone let them go?” pagtatapat ni Jonathan.
Nakatitig lang siya sa lalaki habang nagsasalita. Natigilan siya sa mga inamin nito. Kaya pala siya nito iniwan dahil naguguluhan ito sa sarili kung bakit ito nagagalit.
"Dahil mahal mo ako kaya mo ako iniwan?" kunot ang noo niyang tanong. Ang hirap naman yatang intindihin ng ginawa nito.
“Ayaw mo bang malaman kung ano ang nadiskubre ko sa sarili ko ng layuan kita?" tanong ni Jonathan sa kanya na titig na titig sa mukha niya. Hindi man lang nito sinagot ang kanyang tanong. “Nang mawala ka ay nalaman ko na hindi ko kayang mabuhay na wala ka sa akin. Mahal na mahal pala kita kaso huli na dahil nalaman kong nililigawan ka ni Nikko at ayaw kong maging panira sa inyong dalawa. Nagparaya ako kahit sobrang sakit, Eunice. Alam kong si Nikko ang pangarap mo,” wika ni Jonathan sa kanya.
Napansin niya ang bigat nararamdaman ni Jonathan dahil iyon din naman ang nararamdaman niya.
Napaiyak siya sa mga narinig.
“Alam mo ba ng mawala ka Jonathan? Narealize ko na mahal ko na pala ang kaibigan ko. Mahal kita Jonathan at naiintindihan ko kung bakit ganun na lamang ang galit ni Nikko. Nagseselos siya dahil alam niyang hindi siya ang laman ng puso ko Jonathan. Alam niyang mahal kita. Naririnig mo ba? Mahal kita. My perfect day is whenever I’m with you,” pag-amin niya rin ng nararamdaman kay Jonathan. “I love you Jonathan and I hate you for leaving me,” umiiyak niyang pag-amin.
Lumiwanag ang mukha ni Jonathan ng marinig ang pag-amin niya.
“Mahal mo ako?” nakangiting tanong sa kanya ni Jonathan.
Tumango siya. “Noon pa,” sagot niya.
Niyakap siya ni Jonathan ng mahigpit. Pakiramdam niya ay wala itong balak na pakawalan siya sa higpit ng mga yakap nito.
Kumalas siya ng yakap kay Jonathan. Bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa pagkakalapit ng mga mukha nila. Halos malanghap niya na ang hininga nito.
Natutukso na nga siyang tawirin ang maliit na distansya sa pagitan nila pero pinigilan niya ang sarili dahil naisip niya bigla na may nobya na ito. Hindi na malaya si Jonathan.
Nanlaki ang mga mata ni Eunice ng bigla siyang halikan ni Jonathan sa labi. Napakurap-kurap pa siya baka nadala lang siya sa emosyon. Pero hindi, dahil totoong totoo na hinahalikan siya nito dahil naramdaman niya ang paggalaw ng dila nito sa loob ng bibig niya na tila ba may hinahanap.
Tinugon niya ang halik ni Jonathan ng mas mainit at mas maalab.
Kahit na banyaga siya sa pakikipaghalikan ay wala siyang pakialam kung tama ba o mali ang ginagawa niya lalo pa at mga bata pa sila. Ang alam niya lang ngayon ay si Jonathan ang buhay niya.
Napaangat siya sa pagkakaupo ng maramdaman ang mga palad nito na humahaplos sa dibdib niya. Natanggal na pala nito ang jacket na nakabalabal sa katawan niya.
Nakalantad na sa lalaki ang kanyang katawan.
“Jonathan?” bulong niya sa pangalan nito. Tumigil ito sa paghalik sa kanya at tinitigan siya. Bigla siyang natauhan. Namumula ang kanyang mukha.
“Di ba may girlfriend ka na?” pinutol niya ang halik na namamagitan sa kanila.
“Tuksuhan lang yun ng mga kaibigan ko. Isa pa wala akong nililihim sa mga kaibigan ko. Alam nila na mahal kita. Sila nga ang nagri-report sa akin kung ano ang balita sayo,” nakangiti pang wika ni Jonathan kaya kinurot niya ito.
“Puro ka kalokohan. Sinaktan mo ako!” wika niyang napangiti sa sinabi ni Jonathan. Maluha-luha siya sa labis na tuwa.
Niyakap niya si Jonathan sa sobrang saya.
“Mahal na mahal din kita Jonathan. Simula ng iwan mo ako ay nangulila na ako sayo. Patawarin mo ako. Ikaw lang talaga ang minahal ko at sana ay paniwalaan mo,” wika niya pa.
“Kiss mo muna ako para maniwala ako,” biro nito sa kanya kaya natawa siya.
“Nahawakan mo na nga ang dibdib ko may patutunayan ka pang nalalaman diyan,” natatawa niyang sagot pero alam niyang pulang-pula ang pisngi niya dahil sa ginawa ni Jonathan sa kanya.
Walang pagsidlan ang saya ang puso niya ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya silang dalawa lamang ang tao sa mundo.
“Bihisan na kita baka ginawin ka na ‘yan umuulan pa naman,” mungkahi ni Jonathan sa kanya. Pinanlakihan niya ito ng mata para tumigil pero nagulat siya dahil tinototoo ni Jonathan ang sinabi. Tinanggal nito ang t shirt niya at pinalitan ng ibang tshirt na lagi niyang iniiwan sa kubo. Hindi siya nakagalaw sa ginawa nito. Wala itong ginawang pambabastos sa kanya habang binibihisan siya. Sa halip ay tila may sariling isip ang mga kamay niya at sumusunod sa ginagawa ng lalaki.
“Baka matunaw ako sa kakatitig mo niyan,” puna sa kanya ni Jonathan ng mapansin na nakatitig siya dito. Pinamulahan siya ng mukha sa biro nito. Baka kung ibang tao ang gumawa no’n sa kanya ay baka nasapak niya na pero iba si Jonathan. Special ito sa kanya. Mahal niya ito.
“Bakit mo kasi ginawa yun? Wala na akong maitatago sayo?” nakayoko niyang sagot.
“Hindi ka naman tumanggi ah? Isa pa nahawakan ko na yan,” nakangiti nitong sagot sa kanya. Lumabas tuloy ang dalawang dimple nito sa magkabilang pisngi sa kakatawa.
“Parang makopa na yang mukha mo sobrang pula,” sabay haplos ni Jonathan sa pisngi niya.
Dahan-dahan nitong nilapit ang mukha niya sa mukha nito. Namalayan nalang ni Eunice na muling naglapat ang mga labi nila sa pangalawang pagkakataon. Pakiramdam niya sa lalaki lang umiikot ang mundo niya sa mga oras na iyon. Sinabayan pa ng ulan ang mainit na tagpo na iyon na lalong nagpapainit sa nararamdam nila. Bago pa niya nakalimutan ang sariling katinuan ay kumalas na siya kay Jonathan.
“Nakakarami ka’na baka mamaya makalimot na tayo,” natatawang saway niya kay Jonathan.
“Natatakot ka ba sa akin?” tanong pa nito.
Natatakot siyang baka makalimot sila lalo pa at natutukso na siya sa mga yakap ay halos nito. Mga bata pa sila.
“Hindi ako natatakot sayo. Natatakot ako para sa sarili ko baka ipagkanulo ako ng damdamin ko. Mga bata pa tayo at marami pa tayong pinagdaanan,” pag-iwas niya.
“Huwag kang mag-alala dahil hindi kita tatakbuhan at ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay at kahit mga bata pa tayo ay alam ko ang sinasabi ko at responsable ako sa maaaring mang-”
Pinutol niya ang sasabihin ni Jonathan.
“You mean to say okay lang na may mangyari sa atin, ganun ba?” tanong niya ditong pinanlakihan ng mata.
“Depende ‘yan sayo. Kung ayaw mo naman okay ay lang,” tumatawa nitong sagot sa kanya kaya binatukan niya ito.
“Isusumbong kita kay Nanay,” pananakot niya rito dahil alam niyang takot ito sa Nanay niya kahit na magkasundo ang mga ito.
“Malaki ka na para magsumbong pa sa nanay mo,” natatawang sagot ni Jonathan.
“So, hindi ka natatakot kay nanay?” tanong niyang nanlalaki ang mga mata.
“Sasabihin ko lang naman sa kanya na ikaw ang unang yumakap sa akin. Kung hindi mo yun ginawa ay hindi naman kita hahalikan hindi ba?” pang-aasar sa kanya ni Jonathan.
Ito ang namiss niya sa kumag. Alaskador ito. Kinurot niya ito ng kinurot kaya panay iwas ang ginawa nito sa kanya.
Mga halakhak ang maririnig sa kubo na ‘yun. Kahit malakas ang ulan ay ligtas naman sila sa loob ng kubo. Sumunod si Eunice ng akayin siya ni Jonathan sa may higaan. Akala niya ay uupo lang sila pero kinuha nito ang banig na nakatago sa drawer na binili nito. Nilatag iyon ni Jonathan.
“Ano yan?” nanlalaki ang mga mata ni Eunice na tanong.
“Ang dumi ng isip mo,” natatawang sagot ni Jonathan.
“Bakit nga may banig? Jonathan ha?” banta niya sa lalaki.
Lalo pa siyang nataranta ng humiga ito sa banig.
“Halika na,” tawag sa kanya ni Jonathan. Nasa sulok siya ng kubo at nakaupo. Kinakabahan siya sa kalokohan na iniisip ni Jonathan.
“Jonathan ha!” babala niyo rito.
“Trust me,” pakiusap sa kanya ni Jonathan.
Hindi na ito nakangiti. Bumangon ito sa pagkakahiga at inabot siya kaya wala na siyang nagawa. Pinahiga siya ni Jonathan sa mga braso nito.
Nakatalikod siya dito. Ramdam niya ang hininga ni Jonathan sa kanyang tenga. Yumakap ito sa likuran niya.
“Relax, naninigas ka yata,” saway sa kanya ni Jonathan.
Kahit hindi niya ito nakikita alam niyang nakangiti ito.
“Sino ba naman hindi kakabahan sayo?” sagot niyang kinakabahan.
“Masanay ka na,” wika pa nitong bumulong sa tenga niya.
“Saan?” tanong niya.
“Na ganito tayo ka-close,” sagot ni Jonathan sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi kiligin.
Natawa siya sa sinabi ni Jonathan.
“Alam mo bang miss na miss na miss kita?” tanong pa sa kanya ni Jonathan.
“Okay lang na mamiss mo ako, ‘wag mo lang akong patayin. Hindi na ako makahinga oh?” natatawa niyang sagot.
Hindi niya pa rin maiwasang kabahan. Natatakot siyang baka makalimot sila.
“Kahit langgam hindi makakadaan sayo,” reklamo niya pa kaya natawa ito pero ang totoo ay gustong-gusto niya rin ang yakap ni Jonathan.
“Gusto ko ako lang,” wika ni Jonathan.
“Pati langgam pagseselosan mo?” tanong niyang natatawa.
“Naman!” sagot ni Jonathan.
Napabungisngis siya sa sinasabi nito.
“I love you, Eunice. Mahal kita. Sobrang mahal,” bulong sa kanya ni Jonathan kaya napangiti siya.
“Magkaiba ba ng I love you sa mahal kita?” biro niya.
“Just answer!” wika pa nito.
“How demanding. I love you too,” sagot niyang natatawa. Natawa pa siya ng ipulupot ni Jonathan ang mga legs nito sa katawan niya. “Mahal kita,” Dagdag niya pa.
Pinaharap siya ni Jonathan. Ramdam niya ang init ng hininga nito na tumatama sa kanya mukha. Pwede na silang magpalitan ng mukha sa lapit nila sa isa't-isa. Hindi kumurap si Eunice sa mga titig ni Jonathan. Nagkatitigan sila.
“Ikaw lang ang taong nagpapasaya sa akin Eunice,” wika ni Jonathan.
Hinahaplos nito ang kanyang mukha. “Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong tama to be with you. To have you,” dagdag pa nito.
“Wag na ‘wag mo akong iiwan Jonathan,” pakiusap niya sa lalaki. Huwag mo ng uulitin pang iwan ako.”
Umiling si Jonathan bilang sagot sa kanyang sinabi.
“Hindi ko na alam ang magiging kahulugan ng pagiging masaya kung wala ka rin lang naman,” wika pa ni Jonathan.
“Mga bata pa tayo, marami pa ang darating sa mga buhay natin. Maaaring magbago ang lahat ng ito,” paalala niya kay Jonathan.
“Mag-tiwala ka Eunice sa pagmamahalan natin. Kahit magbago man ang lahat at kahit pa marami ang dumating sa buhay natin. Isa lang ang hindi magbabago. Ang pagmamahal ko sayo,” mahabang sagot ni Jonathan sa kanya.
Binigyan niya ito ng banayad na halik pagkatapos itong yakapin ng mahigpit.