CHAPTER TWO

2800 Words
SINUBUKAN kalimutan ni Eunice si Jonathan kahit na mahirap lalo pa at napag-alaman niyang may nobya na ito. Masakit man pero kailangan niya ng mag move-on. Hanggang sa napagpasyahan niyang sagutin si Nikko. Hindi dahil sa mahal niya ito kundi dahil gusto niyang makalimutan si Jonathan. “Salamat naman at nagbunga na rin ang paghihirap ko sa panliligaw,” nakangiting wika ni Nikko sa kanya. Nagulat pa siya ng yakapin siya ni Nikko. Alangan siyang gumanti ng yakap sa nobyo. Wala naman talaga siyang plano na sagutin si Nikko dahil mga bata pa naman sila. Yun nga lang ay wala siyang magawa dahil napakakulit ni Nikko. Gusto niya rin ipakita kay Jonathan na hindi lang ito ang may ibang pinagkakaabalahan kundi maging siya ay mayroon din. “Niks, nasa school tayo,” saway niya sa nobyo na agad namang kumalas sa kanya. Sinamahan siya ni Nikko na kunin ang mga credentials na kailangan niya sa darating na pasukan. Napansin niyang may nakatingin sa kanilang dalawa ni Nikko. “Jonathan?” mahinang bigkas niya sa pangalan ng kaibigan. Nagtama ang mga mata nila kahit nasa malayo ito. Agad itong nag-iwas ng tingin ng mapansin niya itong nakatingin sa kanya. Sinundan niya pa ito ng tingin. “Nobya na kita Eunice, sana naman ay ‘wag mo ng banggitin ang pangalan ng lalaking yun,” puna sa kanya ng nobyo. May himig na pagseselos ang tono nito. Narinig din pala nito ang pagbigkas niya sa pangalan ni Jonathan. “I’m sorry hindi na mauulit,” napahiya siya rito. Pilit ang ngiting binigay niya sa lalaki. Sana lang ay tama ang pakikipag nobyo niya kay Nikko. Alam niyang unfair na gamitin ito para lang nakalimutan niya si Jonathan. Gusto niya rin na maging daan si Nikko upang tuluyan niyang makalimutan si Jonathan. ************ “HINDI ako pabor sa pakikipag nobyo mo sa Nikko na yan, Eunice. Sa tingin ko sa batang 'yan ay masamang tao. Mailap kasi ang mga mata. Mag-ingat ka sa taong yan anak. Iba magalit ang tahimik na tao,” bilin sa kanya ng ina ng minsang sunduin siya ng nobyo sa bahay nila. Pinakilala niya ito ng pormal sa mga magulang. Naghihintay lang si Nikko sa labas ng bahay nila. Kausap nito ang tatay niya. “Mabait si Nikko, Nay. Matagal ko na siyang naging kaibigan kaya nakakasiguro ako na mabait siyang tao. Saka po nay, kaya ko na ang sarili ko. Kolehiyo na rin ako sa pasukan," nakangiti niyang sagot sa ina. “Pasensya ka na anak. Alam mo naman na si Jonathan ang gusto kong maging nobyo mo. Nakakapanghinayang lang na nauwi kayo sa hiwalayan samantalang noon ay halos hindi kayo magkahiwalay. Kampante kasi ako kapag siya ang kasama mo kaysa diyan sa nobyo mo. Alam mo naman diba na noon pa man pisil ko na ang batang 'yon na maging nobyo mo?” wika pa ng inay niya. Alam niya na noon pa iniisip na nito na silang dalawa ni Jonathan ang magkakatuluyan. Kahit pa anong sabi niya na magkaibigan lamang sila ni Jonathan. Para matigil ang ina ay hinalikan niya ito sa pisngi at agad na nagpaalam. Para na kasi itong sirang plaka. Paulit-ulit na lang ang sinasabi tungkol sa kanila ng dating kaibigan. Hindi na rin sila nagtagal ni Nikko sa bahay at agad na umalis. “Saan nga pala tayo pupunta Niks?” pukaw niya sa nobyo dahil kanina pa ito walang kibo. Lulan sila sa bagong brand new car nito na ayon dito ay binigay ng ama nito nang nakaraang taon. Ang pagkakakilala niya sa nobyo ay wala na itong ina. Maaga raw itong naulila. Ang ama naman nito ay ang Vice Mayor sa lungsod nila. Politiko din ang pamilya nito tulad ni Jonathan. “Narinig ko ang pag-uusap ninyo ng nanay mo. Mas gusto niya pala si Jonathan kaysa sa akin,” seryoso nitong sagot sa kanya na ikinabigla niya. Alam niyang nasaktan ito sa mga sinabi ng nanay niya lalo pa at tahakang pinaparamdam ng ina niya ang pagkadisgusto sa lalaki. “Ganun lang talaga si Nanay pero kapag nakilala ka na niya at nakasama sigurado akong magugustuhan ka niya. Nasanay kasi 'yon na si Jonathan ang kasama ko,” sagot niya dito para hindi magdamdam pero hindi na ito sumagot pa. Nagulat na lang siya ng biglang bumilis ang takbo ng pagmamaneho nito. “Nikko ano ba!” pigil ang galit niyang saway sa lalaki sa takot na mabangga sila. Oo nga at wala namang sasakyan silang makakasalubong sa daan dahil bihira lang may kotse sa lugar nila pero tiyak niyang masasaktan sila pareho kapag nadisgrasya sila. “Ihinto mo ang sasakyan! Bababa ako!” sigaw niya kay Nikko dahil parang wala itong narinig. Nang hindi siya nito pinakinggan ay hinampas niya ito sa kamay kaya bigla nitong hininto ang sasakyan. Kung wala siyang seatbelt ay siguradong nasubsob na siya sa unahan ng kotse. Agad niyang tinanggal ang seatbelt at mabilis na bumaba ng sasakyan. Sumunod din sa kanya ang nobyo at hinila siya sa balikat paharap dito. Bigla siyang kinabahan ng makita ang galit sa mukha ni Nikko. Madilim ang mukha nito at magkasalubong ang dalawang kilay. Bigla niya tuloy naalala ang sinabi ng nanay niya. Lumakas ang t***k ng puso niya. Napalinga sya sa paligid. Walang tao at malayo sa kabahayan. Nasa kalagitnaan kasi sila ng daan at nasa bandang talahiban sila huminto. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya sa takot na baka may naiisip itong masama laban sa kanya. Ano nalang ang magiging laban niya? Malaki ang pangangatawan nito sa edad na nineteen samantala siya ay payat na babae. Ahead ito ng isang taon kay Jonathan. Nanghihina ang tuhod niya siya sa mga naiisip. “Ano ba Nikko nasasaktan na ako!” nagpupumiglas niya sa nobyo pero sa halip na bitiwan siya nito ay lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya. Pakiramdam niya nasakal ang buong braso niya sa sobrang higpit. Gusto niya ng maiyak sa sakit pero gusto nyang ipakita sa nobyo na hindi siya natatakot dito. Dahil lang sa sinabi ng nanay niya ganoon na ito magreact. Hindi na ito ang Nikko na kilala niya. Dalawang buwan pa lang sila nito. “Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa mga naririnig ko? Anong akala mo sa akin manhid?” bulyaw sa kanya ni Nikko na nanlalaki pa ang mata na sobra niyang ikinatakot. “Hindi mo naman kailangang masaktan dahil nobyo na kita,” mahinahong sagot niya dito baka sakaling magpakahinahon na ito. Binabalot na siya ng takot. “Nobyo? O panakip butas? Alam ko na hindi mo ako mahal at ginagamit mo lang ako para makalimutan si Jonathan at lalong hindi ako tanga para hindi malaman na mahal mo ang Jonathan na yun! Nararamdaman ko Eunice!” sigaw sa mukha niya ni Nikko kaya bahagya siyang napalayo. Sasagot sana siya sa lalaki ng bigla siya nitong hinalikan sa labi. Hindi naman tumama ang mga halik nito sa labi niya dahil nagpupumiglas siya kaya lumipat ang bibig nito sa leeg niya. Naramdaman niya rin ang pagpisil ng kamay nito sa bandang pang-upo niya. Napaiyak siya sa takot. Pinaghahampas niya ito pero hindi man lang ito natinag. Ayaw niyang magtagumpay ito sa balak nito kaya inipon niya ang natitirang lakas. Sinipa niya ang p*********i nito. Nabigla pa siya ng biglang sabunutan siya ni Nikko. Napaaray siya sa sakit. Pakiramdam niya ay natanggal ang buhok niya sa anit. Hindi na ito ang Nikko na hinangaan niya dahil ang Nikko na nagustuhan niya ay mabait, pero lahat ng 'yon napalitan ng masamang imahe. Tama pala ang kasabihan na matakot ka sa taong tahimik dahil hindi mo alam kung paano magalit. Tulad ng sinabi ng nanay niya kanina lang. Kung siya ang tatanungin maikukumpara niya ito ngayon sa taong baliw. Nandiri tuloy siya sa sarili kung bakit nagustuhan niya ito. Nang dahil dito ay nawala ang lalaking tagapagtanggol niya. Nawala ang lalaking minamahal niya pala ng lihim. “Maawa ka na,” tanging nasabi niya dahil hinablot nito ang damit niya na naging sanhi ng pagkawasak ng damit niya. Lalo itong naulol ng makita ang dibdib niya. Hinila siya nito sa gitna ng talahiban. Napahagulhol siya sa takot. Lumuhod siya sa lupa para mahirapan ito kung saan man siya balak dalhin. Pilit siya nitong hinihila patayo. Dinadasal niya na lang na sana maawa pa ito sa kanya at maisip ang pinagsamahan nila. “Bitiwan mo si Eunice!” sigaw ng isang lalaki mula sa kanilang likuran. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Patakbo itong lumapit sa kanila. Nagliwanag ang mukha niya ng makilala ito. “Jonathan?” tanging nasambit niya kahit na sumisinok na siya sa kaiiyak. Alam niyang maliligtas siya nito. Nagpambuno ang dalawa at dahil nakatalikod kanina si Nikko ay nasuntok ito sa tagiliran kaya tumilapon ito. Gaganti din sana ito pero naunahan na ito ni Jonathan. Hindi tinigilan ni Jonathan ng suntok si Nikko hanggat hindi ito matumba. Nang makita niyang puno na ng dugo ang mukha ni Nikko ay umawat na siya sa takot na baka makapatay si Jonathan ng dahil sa kanya. Hindi siya papayag na masira ang buhay nito dahil lamang sa tulad ni Nikko. “Tama na 'yan Jonathan,” mahinang sigaw niya sa lalaki. Nakasalampak pa rin siya sa damuhan. Hindi kasi siya makakilos sa sobrang takot at dahil na rin nanghihina ang mga tuhod niya. Agad siyang dinaluhan ni Jonathan ng makita siyang humahagulhol. Agad siyang niyakap nito. Hinubad Jonathan ang suot na jacket at binulot sa katawan niyang halos kita na ang dibdib. “Tahan na. Nandito na ako,” naramdaman niya na hinalikan siya ng lalaki sa ulo. Napayakap siya kay Jonathan. Ngayong nandito na si Jonathan ay napanatag ang kalooban niya. Napahiya siya sa sarili ng makita na basang basa na ang t-shirt nito ng luha niya at sipon. Nilayo niya ang mukha sa katawan nito. Nagulat nalang siya ng buhatin siya ni Jonathan at walang sabi-sabing dinala siya sa sasakyan nito. Gustuhin niya man maging masaya dahil kasama niya ito ay mas nanaig pa rin ang takot dahil sa ginawang kahayupan ng nobyo. Mabuti nalang talaga at hindi ito nagtagumpay. “Paano si Nikko?” tanong niya rito ng maalala ang nobyo. Nawalan ito ng malay kanina. Bigla niyang naisip na baka may mabangis na hayop doon sa talahiban at isipin na isa itong pagkain. Kahit papano may konsensya naman siya. Nagulat nalang siya ng biglang lumabas ng kotse si Jonathan at pinuntahan si Nikko. Sinundan nya ito ng tingin. Pagbalik nito ay nakita niyang dala na nito si Nikko. Hirap na hirap ito dahil payat ito samantalang may kalakihan ang katawan ni Nikko. Binalik ni Jonathan si Nikko sa sarili nitong sasakyan. “Tatawag na lang ako sa kanila at ipapasundo siya,” wika nito sa kanya na tila nabasa ang laman ng isip niya. Iniisip niya kasi kung paano makakauwi ang lalaki samantalang bugbog sarado ito. “Salamat. Sa kubo mo na lang pala ako ihatid may damit ako doon. Tiyak na magtataka si Nanay kapag nakita niyang ganito ang itsura ko,” mahina ang boses na turan niya dito. Wala siyang balak na magsampa pa ng kaso sa nangyari. Ayaw niya ng pahabain pa ang nangyari at pag-usapan ng mga tao. Wala pa rin kibo si Jonathan habang lulan sila. Pakiramdam niya tuloy ay napipilitan lang ito sa ginawang pagtulong sa kanya. Nang makarating sila ng kubo ay agad siyang pumasok sa loob. Malayo sa kabahayan ang kubo dahil nasa gitna iyon ng palayan. Si Jonathan mismo ang nagpagawa ng kubong iyon para magsilbing pasyalan nila kapag nalulungkot ito. Nakatayo iyon sa lupa mismo nina Jonathan. Ang kubo din na ito ang saksi ng pagkakaibigan nila. “Salamat sa paghatid at sa pagtulong mo sa akin at sana hindi na makarating kina Nanay ang ginawa ni Nikko. Alam mo naman yun. Siguradong magwawala iyon kapag nalaman ang ginawa sa akin ni Nikko. Ayoko ng maalala pa ang nangyari kanina,” wika niya kay Jonathan. Hindi pa rin ito kumikibo. Nagulat nalang siya nang makita ito na nakaupo sa dating paboritong upuan na ito pa mismo ang gumawa. Gawa lamang iyon sa kawayan na kinulayan pa nito ng kulay asul. “Labas ka na muna at magbibihis lang ako para maibigay ko na itong jacket mo,” pagtataboy niya dito dahil parang nakikipag-usap siya sa hangin. Maliit lang kasi ang kubo. Wala ring kwarto kaya siguradong makikitaan siya ng lalaki kung magbibihis siya. Hinanap niya ang dating damit na dalawang taon na yatang nakatago doon at salamat naman at okay pa rin. Simula ng hindi magpakita sa kanya si Jonathan ay hindi na rin siya bumalik sa kubo. Ayaw niyang maalala pa ang kaibigan. Masasaktan lang siya. “Umuulan kaya sa labas. Isa pa nakita ko na yan,” seryoso nitong sagot sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito. Kung hindi pa nito binalot ang katawan niya ng sarili nitong jacket ay tiyak na lantad sa mga mata nito ang maseselan niyang katawan. Naalala niya tuloy kung paano siya biruin nito. Bigla niya tuloy itong namiss dahil sa naisip. Kahit kasi na nasa isang school sila ay hindi man lang sila nakakapag-usap. Iniiwasan siya nito. Tiningnan niya si Jonathan. Nakaupo pa rin ito sa upuan na paborito nito samantalang siya ay nakatayo sa harapan ng lalaki. Walang sabi sabing niyakap niya ito nang mahigpit. Alam niyang nagulat ito sa ginawa niya. Hindi siguro nito inaasahan pero wala na siyang pakialam. Alangan naman pigilan niya ang damdamin. Lumuhod siya sa harapan ni Jonathan at muling niyakap ang kaibigang minamahal. Mahigit isang taon silang hindi nag-uusap, pakiramdam niya ay may kulang sa buhay niya dahil sa paglayo nito. Nang mag-graduate sila ng highschool ay lalong binalot ng takot ang puso niya. Ang alam niya ay nasa Manila na ito para doon mag-aral ng kolehiyo. Kaya nagulat siya ng makita ito kanina. Akala niya niya tuluyan na itong mawawala sa kanya. Pakiramdam niya nga kanina ng makita ito ay lalabas na ang puso niya dahil sa tuwa. Kahit pa naiinis siya dito dahil hindi siya nito kinakausap alam niyang namiss din siya nito. Nararamdaman iyon ng puso niya. Napahagulhol na naman siya sa sobrang pangungulila sa kaibigan. “Sssshhh. Tahan na, kalimutan mo na ang nangyari kanina,” turan nito sa kanya na ikinainis niya. Ang iniisip pala nito na kaya niya ito niyakap ngayon ay dahil nangyari kanina. Napakalas tuloy siya ng yakap dito at agad niya itong binatukan. “Bakit ka ba nangbabatok?” tanong nito sa kanya na hinimas ang nasaktang ulo. Infairness ang cute ng kumag. Namiss niya talaga ito. Lalo yata itong naging gwapo o baka naman dahil namiss niya lang ito? “Namiss lang naman kita kaya kita niyakap. Hindi dahil sa nangyari kanina! Mahigit isang taon mo akong pinagtataguan!” nakaismid niyang sagot dito kahit na patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha niya. "Iniwan mo ako Jonathan. I hate you!" sumbat niyang umiiyak pa rin. Nagulat na lang siya ng hilahin siya nito paupo sa kandungan nito at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman niyang umiiyak rin ito. Para silang mga paslit na nag-iiyakan. Tumagal sila sa ganoong posisyon. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa mga bisig ni Jonathan. “Matagal ka na bang binabastos ng lalaking yun?” tanong sa kanya ni Jonathan. Sumisinghot pa ito habang pinupunasan ang luha. Nakakaasiwa man ang posisyon nila dahil nakaupo pa rin siya ibabaw ng kaibigan ay hindi nila iyon pinansin. Yakap pa rin siya ni Jonathan. “Ngayon lang. Kaya nga ako nagulat. Narinig niya kasi si Nanay kanina. Hindi kasi boto si nanay kay Nikko bilang boyfriend ko. Akala ko pa mandin kilala ko na siya nagkamali pala ako,” mahinahong sagot niya. “Kung hindi mo ako pinigilan kanina ay baka napatay ko na ang gagong 'yon,” tiim ang bagang sagot ni Jonathan. Bahagya pang namumula ang mata nito sa galit. “Alam kong nagsisisi na siya sa mga oras na ito. Kung nabigla man siya sa nagawa niya sana ay makonsensya siya. Hindi ko siya dapat pinagkatiwalaan,” sagot niya. “Teka, bakit ka nga pala napadpad sa lugar na iyon? Akala ko nasa Manila kana?” pag-iiba niya ng tanong dito. Kanina niya pa kasi iniisip na baka sinusundan sila nito. Imposible kasing malaman nito na sila ang may-ari ng sasakyang nakahinto sa daan dahil ngayon lang iyon nagamit ng nobyo. “Hinatid ko kasi ang girlfriend ko. Syempre, daanan ang hinintuan niyo. Nagtataka lang ako kung bakit may nakaharang sa daanan ang kotse. Akala ko kasi nasiraan kaya huminto ako kaso habang papalapit ako sa may kotse may naririnig akong sumisigaw,” paliwanag ni Jonathan. Umangat ang kilay niya sa narinig. Kung hindi pala nito hinatid ang nobya ay hindi siya matutulungan ni Nikko. What a coincidence!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD