CHAPTER NINE

1092 Words
Eunice pov Hindi nakauwi ng bahay si Eunice dahil walang magbabantay kay Jonathan sa hospital. May kailangan kasing ayusin ang Papa nito kaya iniwan nito si Jonathan sa kanya. Nagpaalam lang siya kay Nicole sakaling hanapin siya ng ina. Ibinilin niya rin na walang makakaalam na magkasama sila ni Jonathan, maliban sa mga magulang niya. Iyon kasi ang bilin ng ama nito sa kanya bago umalis. Hindi pa rin nagigising si Jonathan dahil siguro sa mga pampatulog na gamot na tinurok dito. Pain reliever daw yun para hindi nito maramdaman ang sakit ng mga sugat. Kanina pa siya nakatitig sa maamong mukha ng lalaki. Kahit may mga pasa ito ay bakas pa rin ang gwapong mukha ni Jonathan. Hinaplos niya ang mukha nito. Naisip niya tuloy ang mahigit isang taon na nagdaan na hindi sila nagpapansinan. Kung nahalata niya sana na nagseselos na ito sana ay hindi sila nagkahiwalay ng matagal. Sana ay wala ng Nikko. Sana hindi na ito nasaktan. Maraming sana na hindi pwedeng maibalik pa. Nagising si Jonathan sa ginagawa niyang paghaplos sa pisngi nito. “Bakit umiiyak ka?” mahina ang boses na tanong nito sa kanya. Hindi niya pala namalayan ang pagpatak ng mga luha. Siguro ganito talaga. Mahirap pigilan ang luha kapag nag-aalala ka sa taong mahal mo. “Wag mo akong pansinin. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba? Gusto mo tawagin ko ang doctor?” sunod-sunod na tanong niya at agad na pinunasan ang luha sa mga mata. “Ok na ako dahil ikaw ang una kong nakita. Patawarin mo pala ako dahil hindi ako nakarating sa usapan natin,” sagot sa kanya ni Jonathan. “Hindi mo na kailangang magsorry. Alam ko na ang dahilan. Ang isipin mo kung paano ka gagaling diyan at ng makabawi ka sa atraso mo,” biro niya kay Jonathan. “Kiss mo na ako,” pilyo nitong hiling sa kanya kahit na nasasaktan pa rin sa bawat pag-galaw. Isa ito sa ugali ni Jonathan, pilyo ito pero malambing naman na sobrang niyang namiss ng magkalayo sila. “Gusto mo bang madagdagan yang pasa mo sa mukha?” natatawa niyang tanong dito. “Ang papa mo pala ay umuwi lang saglit at may aayusin lang daw at ikukuha ka ng mga gamit,” dagdag niya pa. “Sa tingin mo ba ay aawayin niya si Mama?” tanong sa kanya ni Jonathan. Hindi niya magawang sumagot sa tanong nito. “Hindi ko alam Jonathan. Ngayon ko lang nalaman na mabait na tao ang daddy mo. Kahit nagulat siya sa sinabi ko kanina siguro naman ay hindi niya magagawang saktan ang mama mo,” wika niya. Ang totoo ay hindi niya rin naman alam ang isasagot at hindi niya rin alam kung ano ang plano ng ama nito. “Hindi kailangang manakit ng isang tao para lang maipadama na galit ka rito,” tanging naisagot niya para hindi na ito mag-alala pa. “Salamat dahil nandito ka sa tabi ko, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan si Mama kung bakit niya ako pinagmamalupitan. Bata pa ako ay marami na akong katanungan sa isip ko na hindi ko mabigyan-bigyan ng kasagutan at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit,” malungkot ang boses na wika sa kanya ni Jonathan. Kahit sino naman kasi ay masasaktan kung ang nanakit sayo ang ay ang taong nagluwal sayo at naiintindihan niya si Jonathan. “Nandito lang ako para sayo. Hindi ako mawawala Jonathan,” sagot niyang kinuha ang kamay nito. “Kahit minsan hindi ko naramdaman na minahal ako ni Mama kaya ng makilala kita sayo ko binuhos ang pagmamahal na hindi ko naipapakita at maibigay sa magulang ko. Minahal kita ng sobra at ngayong alam ko rin na mahal mo ako. Masaya ako dahil alam kong may nagmamahal na sa akin,” umiiyak nitong wika sa kanya. Pati sya ay naiyak na rin. Ramdam niya noon ang sinasabi nitong pagmamahal na akala niya ay pagmamahal ng isang kaibigan lang. Palagi siya nitong inaalagaan at napakaswerte ng mga magulang nito na kahit minsan ay hindi binigyan ng pagkakataon na maipakita kung gaano magmahal si Jonathan. “Huwag kang mag-alala dahil simula ngayon palagi na akong nasa tabi mo at ganun din ang Papa mo. Hindi kami magsasawang mahalin ka at sana ganoon ka rin sa amin kaya magpagaling ka na diyan dahil ang sabi ng Papa mo ay mamamasyal daw tayo kapag magaling ka na,” nakangiti niyang pagbabalita dito. “Talaga? Sinabi nya ‘yun?” tanong nito na namilog pa ang mata. Para itong limang taong gulang na sabik na maipasyal ng ama. Naawa tuloy siya rito kahit paano kasi ay hindi siya nakakalimutan ng mga magulang kahit na hirap sila sa buhay. Masaya sila kahit kumakain ng kamoteng kahoy kapag namamasyal sila sa bukid, hindi naman mahalaga na may masarap na pagkain kapag namamasyal ang importante masaya sila at nagmamahalan at higit sa lahat ay buo sila. “Oo sinabi niya ‘yon kanina at sa tingin ko naman ay tutuparin ng Papa mo,” nakangiti niyang sagot. “Mas masaya syempre kung kasama ka,” wika pa ni Jonathan. “Gusto ko nga sana na ‘wag ng sumama para naman magkaroon kayo ng oras ng Papa mo,” sagot niya. “Pero mas buo ang saya ko kung kasama ka.” Napangiti siya sa sinabi ni Jonathan. “Eunice,” tawag sa kanya ng lalaki kaya napatingin siya rito. “Bakit?” “Alam kong mga bata pa tayo at marami pa tayong pagdadaanan pero gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita at ikaw lang ang buhay ko. Hindi ko kakayanin na mawala ka ulit sa akin sa pangalawang pagkakataon,” wika pa ni Jonathan sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi mapaluha sa sinabi nito. “Magkasama nating tutuparin ang ating mga pangarap para kapag dumating ang oras na pwede na kitang maging asawa ay wala ng dahilan para mangamba tayo,” dagdag pa nito. “Ikaw lang din ang bukas ko Jonathan kaya please lang ‘wag mo akong tinatakot dahil alam mo na kanina pa ako hindi mapakali dahil sa kalagayan mo. Hindi ko kayang nasasaktan ka,” sagot niya. “Kakayanin ko lahat para sayo. Basta alam ko na sa tuwing gigising ako ay ikaw ang una kong nakikita,” wika niya pang nakangiti kaya gumanti siya ng ngiti. Kahit nahihirapan ito ay inabot nito ang kanyang kamay niya papunta sa labi nito at kinantilan ng masuyong halik---- halik na lalong nagpapatibok sa kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD