CHAPTER 10

1362 Words
ILANG ARAW nang nakalabas ng hospital si Jonathan at pansamantala siyang nagpapagaling sa bahay nina Eunice. Halos pagaling na rin ang kanyang mga sugat dahil sa pag-aalaga sa kanya ni Eunice. Tinanggap naman siya ng maayos ng mga magulang nito. Ang ama niya ang nagsabi na ‘wag na muna siyang umuwi hanggat hndi siya magaling. Ito na daw ang bahala na mag-dahilan sa Mama Amelia niya kung bakit hindi siya umuuwi. Mabuti na lang at bakasyon na kaya okay lang na hindi siy umuwi ng bahay. Pabor din naman iyon sa kanya dahil kasama niya si Eunice. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya ng umalis sa bahay nina Eunice lalo pa at masaya siya dahil kasama nya ito. Ito ang una niyang nakikita pagkagising niya sa umaga at huli nyang nakikita bago siya matulog. Alam na rin ng mga magulang nito ang relasyon nila at walang tumutol sa mga ito. Sa katunayan nga ay botong-boto ang mga magulang nito sa kanya. Noon pa naman ay anak na ang turing sa kanya ng pamilya ni Eunice. Ramdam niya rin ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. “Uy anak, ‘wag ka naman masyadong obvious baka isipin ng nobyo mo ay patay na patay ka sa kanya!” puna ng amang si Mang Gardo kay Eunice habang kumakain sila. Pinagsisilbihan kasi siya ni Eunice habang kumakain sila. Napansin niyang namula ang mukha ni Eunice dahil sa sinabi ng ama. “Si Tatay naman masyadong seloso, selos lang ata kayo,” sagot ni Eunice sa ama na hindi makatingin sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti lalo na at lalong gumaganda ito kapag nagkukulay kamatis ang mukha. Sa tuwing na kasama niya ang pamilya ni Eunice ay hindi niya mapigilang hindi mahiling na sana ay ganoon din sila. “Bakit ako magseselos nandiyan naman ang Nanay mo? Subuan mo nga ako Belen,” utos pa nito sa asawa kaya nagkatawanan sila. “Tigilan mo nga ako Gardo! Para kang bata, ang tatanda na natin! Gusto mo langgamin tayo rito?” sagot ni Nanay Belen kaya nagkatawanan silang lahat. Ganoon sila parati kapag sama-samang kumakain. Madalas kasi ay ang ama ni Gardo ang nagbibiro. “Baka naman anak isinuko mo na ang bataan?” dagdag pa ni Nanay Belen kaya napaubo si Eunice. Muntikan niya na rin maibuga ang laman ng bibig dahil sa hindi inaasahag tanong. Mas malala pa pala ito sa asawa nito kung magtanong. Napatitig siya kay Eunice. Namumula na rin ang mukha niya ng mga oras na iyon. “Tama kayo diyan Nay Belen. Inakyat ako kagabi ni Eunice,” sagot niya na nakatitig kay Eunice. Katabi nya lang ito ng upuan. Naging mabalasik ang mukha ni Eunice dahil sa kanyang sagot. Alam niyang gustong-gusto siya nitong batukan pero nagpipigil lamang ito. Ang totoo kasi ito ay siya ang pumupunta sa silid nito kung saan ay katabi nitong matulong ang ina at siya ay katabi niya ang ama nito. Hinihintay lang niyang makatulog si Tatay Gardo at pinupuntahan niya si Eunice sa kabilang silid. Nagkataon naman na maagang natutulog ang nanay nito kung kaya walang nakakaalam sa ginagawa niya. Simula ng tumira siya sa bahay ni Eunice ay hindi siya nakakalimot na mag-goodnight sa kasintahan. Hindi siya natutulog hanggat hindi niya nayayakap at nahahalikan ito. Ngumiti siya kay Eunice. Asar na asar na naman ito sa kanya. Pinandilatan siya nito ng mata. Nagbabanta ang mga iyon kaya binawi niya kaagad ang unang sinabi. “Biro lang po ‘yon Nay Belen ‘wag po ninyong seryosohin,” nakangiti niyang wika. “Mabuti naman at mga bata pa kayo,” wika sa kanya ng ginang kaya tumango siya. “Akala ko ay hindi ka nagbibiro kasi namula ang dalaga ko,” sagot ni Mang Gardo na nakatingin kay Eunice. Hanggang sa natapos silang kumain ay hindi na kumibo si Eunice. Napakon siguro ito sa kanyang sinabi kanina. Hindi tuloy siya mapakali. Nilapitan niya ang kasintahan. “Huwag ka ng magalit sa akin. Biro lang naman ang sinabi ko kanina. Sinakyan ko lang naman ang nanay mo. Sige na, pansinin mo na ako, ayaw ko na hindi mo ako pinapansin. Sorry na,” paghingi niya pa ng tawad dito. “Napahiya kasi ako kanina. Baka kung ano ang isipin nila. Ang nakakainis pa ay ikaw itong umaakyak sa silid namin tapos babaliktarin mo ako sa harap ni Nanay at Tatay?” sagot ni Eunice sa kanya. Gusto niyang matawa sa sinasabi nito. Napaghahalata itong guilty silang dalawa. “Halika ka nga dito,” wika niya sabay kabig dito at niyakap siya ng mahigpit. “Hindi mo kailangan magtampo. Kampante lang talaga ako na nakikipagbiruan sa mga magulang mo. Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin na umaakyat ako sa silid ninyo kapag tulog na sila,” wika niya pa. “Dapat lang kung ayaw mong matali sa akin!” irap pa ni Eunice. “Binigyan mo ako ng ideya, gustong-gusto kong magpatali sayo,” wika niya pang nakangisi kaya kinurot siya nito. “Puro ka kalokohan. Alam mo naman na may pangarap ako para sa pamilya ko at ayokong biguin sila. Isa pa, ako lang ang tanging pag-asa nila,” sagot pa ni Eunice sa kanya kaya hinalikan niya ito sa noo. “Hindi ka nag-iisa dahil mamahalin ko ang lahat ng mahal mo,” wika niya pa. Nawala naman agad ang tampo sa kanya ni Eunice. Alam niyang hindi siya matitiis ng babae. Kusa na siyang kumalas dito ng yakap at baka makita pa sila ni Tatay Gardo. Ayaw niyang mag-isip ito ng hindi maganda. Hanggat kaya niya ay pinipigilan niya ang sarili. Mahirap kasing iwasan ang taong mahal na mahal mo lalo na at nasa iisang bubong lamang silang dalawa. Masyado siyang malambing pagdating kay Eunice at nadadala rin ito kapag naglalambing siya. Mahirap pigilan ang taong nagmamahalan. Hinding-hindi siya magsasawa sa mga halik na namamagitan sa kanilang dalawa na tila nag-aanyaya na tugunin niya kahit na pareho silang baguhan sa mga ginagawa. Alam niyang sa edad nila ay kapwa sila mapupusok lalo na sa tuwing na silang dalawa lamang. Wala silang pakialam kung tama ba o mali ang ginagawa nila basta ang alam nila ay napapadama nila ang pagmamahal sa isat-isa. “Huwag kang magsasawang mahalin ako Eunice dahil kahit kailan ay hindi ako magsasawa na maipadama sayo ang pagmamahal ko,” wika niya pa sa babae. Ngumiti si Eunice sa kanya. “Alam mo kung ano ang namimiss ko sayo?” ‘Ano?” “Ang pagiging malambing mo Jonathan. Kahit magkaibigan lang tayo noon ay alam kong mahal na mahal mo ako,” wika pa ni Eunice sa kanya. “At hindi mo pa rin nahahalata na mahal na mahal kita.” “Ayoko kasing mag-assume. Isa pa ay langit at lupa tayo. Ayoko naman na sabihin ng ibang tao na pera lang ang habol ko sayo kaya kita minahal,” wika pa nito. “Wala akong pakialam sa ibang tao dahil ang mahalaga sa akin ay ikaw lamang,” nakangiti niya pang wika. Sumandal si Eunice sa kanyang balikat. Inamoy niya ang buhok nito pagkatapos ay napapikit siya. “Eunice.” “Bakit?” “Paano kung hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko? Pakiramdam ko ay napapaso ako sa tuwing na magkadikit ang mga katawan natin,” hindi niya mapigilang wika. “Hindi ako alam Jonathan dahil sa tuwing na magkasama rin tayo ay iba rin ang nararamdaman ko,” sagot ni Eunice sa kanya. Hindi niya napigilan ang sarili at mabilis niyang siniil ng maalab na halik si Eunice. Nang una ay pinipigilan siya nito pero ng huli ay tinutugon na nito ang mga halik niya. Nasa palengke lamang ang Nanay ni Eunice at si Tatay Gardo naman nito ay umakyat na ng bukid. Ang alam niya ay sa susunod pa na linggo ang balik nito. Ang halik na namagitan sa kanilang dalawa ay lalo pang naging mapusok. Naging malikot na rin ang kanyang mga kamay at malayang hinahaplos ang katawan ni Eunice. Handa ng mnagpaubaya si Eunice sa kanya. Ang hiling niya lang na sana ay hindi pa dumating si Nanay Belen lalo pa at gusto niyang damhin ang katawan ng kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD