CHAPTER EIGHT

1228 Words
Amelia’s pov AGAD na hinanap ni Amelia ang katulong na nakatapon sa kanyang damit. Halos hindi tumutingin sa kanya ang ibang katulong dahil alam ng mga ito na madadamay lang sila sa galit niya. Agad niyang sinabunutan si Lucia ng makita niya sa likod ng mansion. Alam niyang nagtatago na ito. Hindi ito nakailag sa pagsabunot niya. Walang gustong umawat mula sa mga kasamahan nito sa takot na baka madamay. Wala siyang pinalalagpas kapag may nagkakamali. Lahat ay pinaparusahan niya. “Akala mo ba hindi ko napapansin na talagang sinasadya mo para magalit ako sa harap ng asawa ko? Puwes nagkakamali ka! Magaling na artista ito, bobo!” bulyaw niya sa katulong at pinagsasampal ito. Nagulat pa siya ng itulak siya si Lucia. Nawalan siya ng balanse kaya nabitawan niya ito. Lalong nag-apoy siya ng galit. Kulang na lang ay magbuga siya ng apoy. “Kung hindi man nahahalata ni mayor ang tunay mong ugali, ako alam ko at anumang oras pwede akong magsalita at hindi mo ako mapipigilan kahit pa patayin mo ako ngayon. Maganda ka nga at mayaman pero ugaling demonyo naman ang nasa loob mo! Katulong lang kami dito pero mas may pinag-aralan kami sayo kung ugali ang pagbabasihan,” sagot sa kanya ni Lucia na ikinagulat niya. “At sino ang nagbigay sayo ng karapatan para sagutin ako? Baka nakalimutan mo kung sino ka sa bahay na ito? Isa ka lang tagasilbi! Hampasluspa! Inggrata! Lumayas ka sa pamamahay ko bago pa kita mapatay!” bulyaw niya dito na nanginginig sa sobrang galit. Ngayon lang may sumagot sa kanya ay isang katulong lang. “Talagang aalis ako sa bahay mo pero bago ko gagawin yun ay gusto ko munang gawin ito,” wika ni Lucia sa kanya. Nabigla pa siya ng bigyan siya ng mag-asawang sampal ng katulong sa magkabilang pisngi. Hindi niya magawang lumaban dahil halos mabingi siya sa lakas ng sampal. Gigil na gigil siyang gumanti. Hahabulin niya sana ito pero handa na pala itong umalis ng bahay niya. Naka-impake na agad ang mga gamit nito. Wala siyang nagawa kundi ang maghesterikal na lamang. Hindi niya matanggap na isang katulong lamang ang makakasakit sa kanya. Lahat ng mahawakan ng kamay niya ay tinatapon niya. Wala siyang pakialam kung may matamaan man. Hanggang sa makaalis si Lucia ay hindi pa rin siya kumakalma. Gustong-gusto niyang malabas ang kanyang galit. “Anong nangyari diyan sa pisngi mo at namumula?” tanong sa kanya ni Jonas. Hindi niya ito napansin dahil abala siya sa paglalagay ng make-up para hindi mapansin ang sampal ng pesteng katulong nila. Kumukulo pa rin ang dugo niya sa galit. “Nandito ka na pala. Akala ko hindi ka uuwi pero mabuti naman at hindi ka na dumiretso ng Manila, nakalimutan ko kasing humingi ng budget para dito sa mansion at sa taninam,” pag-iiba niya ng usapan. Hindi niya sinagot ang tanong nito. “Ako na ang bahala sa mga bagay na ‘yan dahil simula ngayon dito na ako maglalagi. Inayos ko na ang schedule ko sa Manila,” malamig na sagot sa kanya ng asawa na labis niyang ipinagtataka. Mukha itong may problema. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag ito na ang hahawak ng pera? Magkakasya na lang siya sa binibigay nitong allowance? Gusto niyang sigawan ang asawa pero hindi niya magawa. “Paano ang business mo sa Manila?” napalakas ang boses na tanong niya. Hindi pwede na manatili to na mansion. “Pag-uusapan namin ‘yan ni Jonathan kapag nandito na siya. Doon ko siya balak paaralin para kapag nakatapos na siya ay gamay niya na ang ang pasikot-sikot sa kumpanya. Patuturuan ko siya kay attorney. Iyan naman ang plano natin hindi ba?” sagot pa nito na ikinagalit niya. Naghuhubad ng polo si Jonas ng mga oras na iyon. “Pero ang bata pa ni Jonathan para bigyan mo ng obligasyon na ganyan kabigat? Bakit kasi hindi na lang ako total asawa mo naman ako. Ako ang turuan mo total nag-aaral pa naman si Jonathan,” nagtatampo niyang sagot sa asawa. Hindi niya ito hinarap para kunwari ay nagtatampo siya. Kapag kasi ganito na nagtatampo siya ay nilalambing siya nito. Ayaw nito na sumasama ang kanyang loob. “Pagod ako Amelia. Bukas na tayo mag-usap,” saway nito sa kanya. Kapag ganito na pagod ang asawa ay ayaw nito ng pagtatalo. “Isa pa anak ko si Jonathan kaya dapat lang na sa kanya ko ipagkatiwala ang lahat ng pinaghirapan ko,” sagot pa ni Jonas na lalong nagpainis sa kanya. Kanina niya pa ito gustong batuhin sa inis. “Asawa mo rin naman ako? Bakit hindi ako ang mamahala sa negosyo natin? Kailangan mag-focus ni Jonathan sa kanyang pag-aaral at ang mag-manage ng negosyo ay mabigat na obligasyon and knowing Jonathan? Hindi pa siya handa. Hindi mo kasi alam dahil palagi ka namang wala,” sagot niya sa asawa. “Ihahanda ko siya Amelia. Bakit ayaw mo ba na makasama ako? Panahon na siguro na bitawan ko ang mga bagay upang naman magkaroon ako ng panahon sayo,” wika pa ni Jonas sa kanya kung kaya napaangat ang kanyang kilay. Hindi naman kasi iyon ang gusto niya. Ang gusto niya ay palaging malayo ang asawa upang nagagawa niya ang lahat ng kanyang gusto. Napapagod siyang maging anino ito kapag nasa paligid lamang ang asawa. Hindi na siya sumagot sa sinabi ni Jonas. Mukhang mainit ang ulo nito. Pakiramdam niya tuloy may alam na ito sa ginagagawa niya. Ayaw niya itong i-provoke na magalit sa kanya baka kung ano pa ang masabi niya. “Kakain lang ako,” wika ni Jonas sa kanya sabay labas ng kwarto nila pero bumalik ito. “Hindi mo ba ako sasamahan?” “Magpapahinga na ako at pagod din ako,” sagot niyang tinalikuran ito. Walang nagawa ang asawa. Ngayon niya lang ito tinanggihan at alam niyang magtataka ito. Madalas kasi kapag nasa bahay ito ay asikasong-asikaso niya ito. Matutulog na sana siya ng biglang sumigaw si Jonas. “Amelia!” sigaw nito kaya napalabas siya ng silid. “Bakit?” tanong niya. “Anong sinasabi ng mga katulong na umalis si Lucia? Biglaan naman yata? Hindi ba matagal na siya sa atin at ako ang nag-hire sa kanya. Dapat sa akin siya nagpaalam,” wika pa nito sa kanya kaya kinabahan siya. Napatingin siya sa tatlong katulong na nakikinig sa kanilang pag-uusap. “Bakit ba galit na galit ka sa akin? Anong malay ko kung ayaw niya ng magtrabaho sa atin? Isa pa matagal ng nagpapaalam sa akin ‘yon sabi ko ay hintayin ka pero hindi na nagpaawat. Hindi ba?” tanong niya sa mga katulong. Kulang na lang ay pandilatan niya ng mga bata ang mga katulong sumagot lamang sa kanya. “O-po,” nakayuko na sagot ng mga ito. “Wala ba itong kinalaman sa nangyari kanina? Hindi ba natapunan ka ng tubig?” tanong pa ni Jonas sa kanya. “Ang babaw naman yata para paalisin ko siya. Pinagdududahan mo ba ako?” tanong niya sa asawa na punong-puno ng hinanakit. “Ang mahirap sayo madalas ka ngang wala ay ganito pa ang sasabihin mo sa akin,” dagdag niya pa ito. Napabuntong-hiningan si Jonas sa kanyang sinabi. “I’m sorry. Sige magpahinga ka na.” Masama ang loob ang tinalikuran niya ito. Inis na inis siya. Napahiya rin siya sa mga katulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD