Separated Love
by larajeszz
Chapter 12
As I made my way down the stairs, I was rummaging through my things in my backpack to see if I had forgotten something. Script, tumbler, extra clothes, wallet, phone, charger, powder, and cheek tint. Okay, I'm good to go!
I'm on my way to Eya's house to have our first practice for the play. We'll be acting out some of the lines Eya has written to see if we can deliver our roles well. If not, we're going to have to look for others who fit well for the role.
Ilang araw na akong active sa social media dahil kailangang hindi ako maka-miss ng announcements for this project, ako pa naman ang main character. Ngayon ay nauunawaan ko na why today’s generation are really into it. Last night, hindi ko namalayan ang sarili ko na three hours straight na pala akong nags-scroll sa feed ko! Late akong nakatulog kaya ngayon ay medyo late din akong nagising.
Pagkarating ko sa baba ay patungo na ako sa pinto nang may nagsalita mula sa likuran ko.
“Hindi mo man lang ba ako babatiin?”
Gulat ko siyang nilingon at walang pag-aalinlangang tumakbo papunta sa kaniya. “Matthew!” I screamed like a kid. Niyakap ko siya nang sobrang higpit. “Na-miss kita!”
“Yeah, I could tell,” he said in his crushed-in-a-hug voice. Nang bumitaw ako ay tumawa lamang siya. “Na-miss din kita, Ate Jay.”
Napairap ako. “I told you to stop calling me “Ate”! Isang buwan lang naman ang tanda ko sa ‘yo.”
“Kahit pa isang minuto lang ang agwat natin ay mas matanda ka pa rin,” dahilan niya.
Mahina kong pinisil ang tagiliran niya. “Bakit hindi mo ako sinabihan na uuwi ka rito?”
“Eh, ‘di hindi na naging surprise ‘yon?” he shrugged.
Matthew Peredo is the sun of my dad’s younger and only sister. Hindi pa nagsisimula ang pasukan sa kanila do’n sa Cebu kaya naman t’wing bakasyon ay madalas siyang umuuwi rito sa ‘min. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya.
“May date ka ba?” tanong niya habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
Umirap ako at tumalikod sa kaniya para ipakita ang backpack ko. Tinuro ko iyon. “Date? With this?”
Saktong dumating ang kapatid ko na umiinom ng kape habang nakapamulsa at pinapanuod kami ni Matthew.
Naramdaman ni Matthew ang presensiya niya. Tinakpan niya ang bibig niya at gulat na lumingon sa kapatid ko. “Makikipagtanan na siya, Kuya JayJay!”
Nagsalubong lang ang kilay ni Kuya Jaywen at sumimsim sa kape niya. “Where are you headed to?” tanong niya sa akin. Sanay na rin ang isang ‘to sa ka-OA’an ng pinsan namin.
“May practice kami kina Eya.”
“P’wedeng sumama?”
Nagtataka kong tiningnan si Matthew. “At ano nama’ng gagawin mo ro’n?”
Umiling siya at bumaling sa kapatid ko habang nakaturo sa ‘kin. “Kuya JayJay, may tinatago ‘to sa ‘tin.”
Napanganga ako sa maling akusasiyon ni Matthew. “Wala akong itinatago! Kung gusto niyo, ihatid niyo pa ako!”
And thank heavens, I got a free ride! Tatambay rin naman daw sa mall ‘yong dalawa kaya hindi naman ako masiyadong nakaabala sa lakad nila. Kasalanan na ni Matthew ‘yon! Inaakusahan nila ako na may itinatago kaya wala siyang magagawa kung gusto ko lang linisin ang pangalan ko!
Si Kuya Jaywen ang driver, si Matthew naman sa passenger’s seat, habang ako ay mag-isa sa backseat. I was vibing with the stereo song using my head when my phone rang.
It was Asher…
I sighed before answering. “Hello?”
“Where are you?”
“On the way na.” Tiningnan ko ang relo ko. “Mga five minutes na lang ay nand’yan na ako.” Napapikit ako nang kinanta bigla ni Matthew ‘yong high note sa pinapatugtog niya.
“Who’s that?” tanong ni Asher. Malamang ay narinig niya ‘yon dahil sobrang lakas ng boses ng pinsan ko!
“Ah, wala. Kasama ko lang dito sa sasakyan.”
Hindi kaagad siya nagsalita. Tiningnan ko pa ang screen ng cellphone ko at nakita ko naman do’n na hindi pa niya naibababa ang tawag.
“Hello? Are you still there?”
“Yeah. I’ll hang up. Ingat kayo.”
Naguguluhan akong nakatingin sa telepono ko nang matapos ang tawag. What was the purpose of his call? But then I remembered our setup, and that answers my question. For sure ay may ilan na kaming mga kaklase na nando’n kaya kailangan niyang ipakita sa kanila that he’s basically concerned about his girlfriend’s whereabout.
Inilagay ko muna ang phone ko sa bag at tinaasan si Matthew ng isang kilay nang makitang nakatingin siya sa likuran habang nakangisi sa akin.
“Ano?” nagtatakang tanong ko.
Nagtaas-baba ang kilay niya. “Wala palang itinatago, ha?”
Napasinghal ako sa sinabi niya. “That was my classmate! Tinatanong lang kung nasa’n na raw ako dahil kanina pa akong late dahil nahuli rin ako ng gising.”
He gave me his I-don’t-believe-you expression. “Was it a boy?”
Napailing ako. “Why does it matter, Matt?”
Tumango-tango siya at muli nang bumaling sa harapan na para bang natapos na ang pag-interview niya sa akin. He put his hands on the back of his head and rested his back on his seat. “Crush ka n’yan,” he declared and whistled a tune.
I can’t believe this guy. Wala siyang pinagkaiba kay Cally at Anddie na ipinagtutulakan ako kay Asher!
“Paano mo naman nasabi?” Out of curiosity ay tinanong ko pa rin ‘yon dahil lalaki pa rin naman siya. Maybe there are boy things na hindi nauunawaan kaagad ng mga babae.
“Kasi tinawagan ka niya.”
Even my brother snorted to Matthew’s logic. “Just because of a call? Baka naman ayaw lang bumagsak no’ng kaklase niya kaya hinahanap na ang co-member.”
Tumawa lang si Matthew. “Kasi p’wede namang text, ‘di ba? Pero tumawag pa rin siya! It only means na mas gusto niyang naririnig ang boses ni Ate Jaycee kaysa sa nababasa niya lang ang reply niya.”
Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi ni Matthew dahil alam kong ginawa lang ‘yon ni Asher dahil sa ang alam nga ng mga kaklase namin ay boyfriend ko siya. Maybe Eya just asked him kung nasaan na ako kaya naisipan niya akong tawagan.
“Dito na, Kuya,” pagpapahinto ko nang matanaw na ang bahay nina Eya.
“Tingnan mo, Ate Jaycee, oh. Inaabangan ka pa.”
Sinilip ko ang tinutukoy ni Matthew at nakita si Asher na nasa labas ng bahay nina Eya at nakatingin sa sinasakyan namin.
“Baka nagpapahangin lang,” sambit ko at tumingin kay Kuya Jaywen na ngayon ay sa unahan lang nakatingin. Nagkita na sila ni Asher dati and Kuya knows that he’s been my old friend, I don’t want him so conclude things. “Thanks for the ride. Ingat kayo!”
Bumaba na ako at naglakad palapit kay Asher. Nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya ay nagtataka ako kung bakit lagpas ang tingin niya sa likuran ko, salubong pa ang mga kilay. Binalingan ko ang tinitingnan niya at nakitang kasunod ko na pala ang pinsan ko. Hindi na naman ako kailangang ihatid hanggang sa may gate!
Binigyan ko si Matt ng nagtatanong na tingin pero kumindat lang siya, halatang may hindi magandang gagawin. Nang katabi ko na siya ay bigla niya akong inakbayan at bumaling kay Asher.
"P’re,” aniya at inilahad ang kamay niya rito. Tinanguan siya ni Asher ng isang beses at tinanggap din naman ang kamay ng pinsan ko, magkasalubong pa rin ang mga kilay niya. "Pakibantayan ‘tong si Jayceelyn ko, ah? Medyo malikot kasi ‘to, eh."
Iniharap ako ni Matthew sa kaniya at hinawakan ang magkabila kong pisngi bago ako hinalikan sa ulo. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niya pero pinisil niya lamang ang ilong ko. Ano ba’ng trip nito?!
“Just behave, okay?” paalala niya pa sa akin na para bang isa akong bata.
Inalis ko ang mga kamay niya sa pisngi ko at binugaw siya palayo. “Umalis ka na nga! May lakad pa kayo, ‘di ba?”
Hinintay ko munang makaalis sila ni Kuya Jaywen bago muling bumaling sa katabi ko na ngayo’y walang reaksiyon at mukhang wala na rin sa mood.
“Okay ka lang?” tanong ko sa kaniya.
Nawala ang kaninang kunot sa noo niya at bumaling sa akin nang seryoso. “Why did you agree with this?”
Hindi ko naunawaan ang tinutukoy niya. “Agree with what?”
“With pretending.” Umiwas siya nang tingin and I saw how his jaw clenched. “Look, the last thing that I want to happen with this setup is to ruin relationships. You could’ve just said no.”
Napapailing siyang pumasok sa loob ng bahay nina Eya habang ako naman ay naiwang naguguluhan do’n sa kinatatayuan ko.
“What’s his problem?” sambit ko sa sarili.
At ano’ng ibig sabihin niya na ayaw niyang makasira ng relasyon? I've thought about it hard enough to realize what he meant. I gasped in disbelief. Did he actually assume that Matthew was my boyfriend?!
------
-larajeszz