Separate Loveby larajeszz
Chapter 11
When I got home, I immediately had to be active on my social media account to tell my friends about the setup that I had with Asher. I couldn’t bear the guilt, but I also had no choice. It’s not something that I could casually share with them in person because it’s too risky.
Jaycee Buenaventura: guys, may sasabihin ako
Seen by Cally and Syrine.
Jaycee Buenaventura: nakauwi ka na, @Syrine Alfonso?
Syrine Alfonso: Otw pa lang sa bahay.
Cally Rodriguez: ANO YANG SASABIHIN MOOO
Cally Rodriguez: minsan ka lang mag-online tas may chika ka agad!!!
Cally Rodriguez: ISPIL DA TII
Seen by Ivy and Aiden.
Ivy Tuazon: @Jaycee Buenaventura wag mo kaming binibitin!!!
Ivy Tuazon: WAG PURO SEEN LANG
Aiden Rivera: ant4gaL nmn pueszx At3 jayc3e,,
Sinubukan kong magtipa ng mga letters sa keyboard ko pero hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga daliri ko! Ni-long press ko ‘yong mic icon at nagsalita malapit sa microphone ng cellphone ko.
“Sa call ko na lang sasabihin.”
Si Cally ang unang nakakita ng voice message ko at siya na rin ang nagsimula ng call namin.
“Ano’ng sasabihin mo? Siguraduhin mo lang na matutuwa ako d’yan, ha!” bungad ni Cally pagkasagot ko ng call.
I waited for the others to join, and when we’re complete, I struggle with explaining, but gladly they gave me time.
First, I explained to them that I had a huge feeling of guilt; that's why I felt like I owed them an explanation. Then, I proceeded with what Asher told me about Savanna's purpose in coming here. They had violent reactions, especially Cally, but I told them to calm down because we shouldn't judge Savanna's reasons. I, too, don't have an idea about her relationship with Asher.
"Why are you telling this to us?" asked Syrine.
I collected a huge amount of air. This is the part where I told them about the boyfriend-girlfriend thing that Asher and I are playing.
"Asher doesn't know that I told you, guys. But he doesn't have to know, this is on me, I don't want to keep anything from you."
Walang nakapagsalita agad sa kanila matapos kong maipaliwanag ang sitwasyon namin ni Asher ngayon. I trust their judgement, kung may sasabihin man sila about dito ay makikinig ako sa kanila.
“Bakit ang bilis ka namang napapayag ni Asher?” tanong ni Aiden.
Hindi ako nakasagot kaagad dahil maging ako ay tanong ko ‘yon sa sarili ko na hindi ko pa rin magawang hanapan ng kasagutan.
“Maybe Jaycee didn’t have a choice. Ayon sa kaniya ay nadulas na si Asher at nasabi kay Savanna na may relasyon sila,” ani Syrine. “Kung ako rin naman ang nasa tayo ni Asher at may taong naghahabol sa akin na hindi ko naman gusto, I’d do the same.”
Tumango si Ivy. “And Jaycee and Asher are friends, kaya hindi naman siguro magtataka ang iba niyong kaklase kung mapapadalas silang magkasama.”
“Agree. At isa pa, may pagbibidahan silang play,” ani Aiden.
Nagpalit ako ng puwesto ng pagkakahiga at niyakap ang isa kong unan. “What are your thoughts, Cally?” tanong ko.
She was holding her chin at parang may malalim na iniisip. “Paano kapag hindi pa rin umuuwi si Savanna tapos na-develop ang feelings niyo ni Asher sa isa’t isa? Edi tototohanin niyo na ‘yan?”
“B-Bakit mo naman naisip ‘yan?” tanong ko.
“She’s right, Jay,” pag-sang ayon ni Syrine. “It’s not impossible to happen.”
“Ano’ng gagawin mo kapag nangyari ‘yon, Jay?” nakangising tanong ni Ivy.
“Hindi ko pa naiisip ang mga gan’yang bagay…” pagsasabi ko ng totoo.
After that call with my friends, I organized my reviewers on my table to read some notes for our quiz tomorrow in EAPP. I read my notes for thirty minutes to completely digest the terms that need to be memorized. I was so invested in what I was doing that I almost fell out of my seat when my phone rang.
It was Aizan calling.
“Hello?”
“Jaycee!” it was almost a scream. “Hulaan mo kung ano’ng pinaplano ko.”
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil wala naman akong ideya sa mga hilig o kung paano mag-isip ang isang ‘to. “Hindi ko mahulaan.”
“Sige, sasabihin ko na lang,” aniya at tumikhim pa sa kabilang linya. “Quiet ka lang, ah? Don’t tell my kuya. Promise?”
I bit my lower lip and fidget with my highlighter when he mentioned his brother. “Okay, I won’t tell him. Promise.”
“At sasamahan mo ako rito. Promise?”
What’s the worst that could happen? Aizan is a good guy and I trust him. “Promise.”
And that promise kept me up all night. Hindi ko dapat sinabi ang word na ‘yon! Ang dami kong nagawang impulsive decision ngayong araw. At sa magkapatid pa! Balisa akong pumasok kinabukasan dahil do’n.
“Good morning,” pagbati ni Asher nang makarating ako sa labas ng room. Lumapit siya at bumulong. “She’s already here. So…” At kinuha niya ang bag ko sa aking balikat at siya na mismo ang nagdala no’n papasok ng room.
Napapikit ako sa ginawa niya. Paano ko magagawa ang ipinangako ko kay Aizan kung ganito umasta ang kuya niya?!
“Yay! You already promised!” he cheered. “I’ll visit AIS tomorrow. Samahan mo naman ako, oh. I checked your schedule sa table ni Kuya at may 2 hours vacant kayo after recess.”
Iyan lang naman ang sinabi niya kagabi. At first, sa isip ko ay wala namang kaso sa ‘kin na samahan siya dahil pamilyar naman sa ‘kin ang buong campus, not until naisip ko ang dahilan kung bakit ayaw niyang ipasabi kay Asher ang binabalak niyang pagpunta ng AIS! For Pete’s sake, hindi maganda ang nangyari sa kaniya the last time he went here!
Pero sa pagkakaalam ko naman ay suspended pa rin si Tyler. But still, may mga alipores pa rin siya!
Pumasok ako sa room at nakitang naroroon na nga si Savanna. Nagre-review siya para sa quiz namin mamaya kaya dahan-dahan ako sa pag-upo sa puwesto ko para hindi ko siya maabala. Wala pa si Syrine! Wala akong makausap! Nilingon ko si Asher at nakitang abala rin siya sa pagbabasa.
Naglabas na lang ako ng librong mababasa dahil nakapag-review naman na ako kahapon. Mamayang hapon pa ang quiz namin at mas effective sa akin na mag-review a day before tapos review ulit mga 10 minutes before the quiz, kung magbibigay man ng time ang teacher para makapagbasa pa.
The two periods of classes started and finished earlier than usual; I think the faculty has their meeting. I checked my phone for possible messages from Aizan and he was already on his way. May 20 minutes pa akong time para makapag-recess at imi-meet ko siya sa may guard house after.
“Jaycee, let’s go?”
Instinctively, I hugged my phone when I heard Asher’s voice. There's just something in me that's cautious for him to know that Aizan is on his way here. Ramdam ko ang paglingon ni Savanna sa gawi ko.
“Go where?” tanong ko at dahan-dahang ibinaba ang cellphone ko sa table.
Pinanliitan niya ako ng mata, as if he’s sensing something. “Recess na.”
Hindi ako p’wedeng sumabay sa kaniya dahil mahihirapan akong tumakas para kitain si Aizan! “Uh… Pupunta muna ako sa library.”
“You won’t eat?” nagtatakang tanong ni Syrine sa right side ko.
Iniwas ko ang tingin ko kay Asher at saktong nagawi ang tingin ko sa isa naming kaklase na natutulog. “Busog pa kasi ako. T’saka… Magre-review ako ro’n o kaya matutulog.”
“Ano’ng gusto mo? Bibilhan kita,” tanong ni Asher.
Sunod-sunod akong umiling. Ang consistent naman niya naman! “Hindi na. Busog pa talaga ako.”
Hindi ko na sila hinintay ni Syrine at tumayo na ako at mabilis na lumabas ng room. Change of plans, mahaba naman ang vacant kaya mamaya na lang ako kakain. For now, sa guard house na ako didiretso at hihintayin si Aizan.
Makalipas ang halos limang minuto ay dumating na si Aizan. Kinausap siya saglit ng guard at pinagsulat sa logbook, binigyan din siya ng visitor’s pass.
“Hi!” masiglang bati niya pagkapasok ng gate. Kumpara sa huling beses ko siyang nakita ay mas maaliwalas na ang mukha niya ngayon. Hindi na gaanong halata ang mga pasa at sugat niya no’ng nakaraan at mas lalo na siyang naging kamukha ng kuya niya! “Sa’n tayo magsisimula?”
“Sa college muna tayo. Hindi na natin pupuntahan ang department namin, ah? Baka makita tayo ng kapatid mo.”
“Hindi ba’t college ‘yong Tyler?”
I smiled to assure him. “Suspended pa rin ‘yon kaya okay lang.”
Nagsimula na kaming maglibot. Lahat ng madadaanan naming structures or places na may historical background ay ipinaliliwanag ko sa kaniya ang meaning.
Aizan gasped beside me nang sabihin ko sa kaniya ang kuwento behind the Forbidden Tables ng AIS. “That’s cool.”
Kung titingnan naman ay parang normal lang ‘yon na tambayan ng mga estudyante; gawa ‘yon sa bato at may dalawang benches ang kada isang table. Ayon sa mga alumni ng AIS ay kapag nag-date daw ro’n ang mga couple na hindi pa graduate ng college ay maghihiwalay raw. It’s called ‘forbidden’ for dating, but it’s not literally forbidden to use. Dito kami minsan tumatambay ng mga kaibigan ko.
Wala akong kilala sa mga grumaduate noon dito na naghiwalay nang mag-date sa Forbidden Tables kaya hindi ko alam kung ano ang naging basehan nila. Baka panakot lamang ‘yon para hindi maging dating place ito sa loob ng campus.
Nang malapit na kami sa entrance ng College department na nasa harapan lang ng clinic ay nakita ko ro’n si Asher. He was watching us intently with his blank expression. I didn't bother to tell Aizan so we could hide because he already saw us, and I didn't want him to conclude anything. I'm just giving his brother a tour!
Siniko ko na lamang si Aizan nang mahina dahil mukhang hindi niya pa napapansin ang kapatid niya dahil abala siya sa paglilibot ng tingin.
“Sh*t,” bulong niya nang makita rin si Asher. Naglakad kami parehas papalapit sa kapatid niya. “Kuya, I’ll explain-”
“Wala ka sa library.”
Napalunok ako ng isang beses dahil sa sobrang seryoso ng boses niya. “Sorry…” na lamang ang nasabi ko dahil si Aizan na ang nagpaliwanag ng lahat.
Habang nag-uusap ang dalawa ay hindi ko magawang tingnan si Asher. I noticed that he was holding two water bottles and a wrapped chocolate rocher waffle.
Pagkatapos magpaliwanag ni Aizan ay buntong-hininga ang unang naging sagot ni Asher sa kaniya. Muli siyang bumaling sa akin at iniabot ang hawak niyang tubig at waffle.
“Wala ka sa library,” pag-uulit niya. “I assumed na baka sumama na naman ang pakiramdam mo kaya binilhan kita ng pagkain kahit pa sinabi mong busog ka. I'll resume the tour with my brother. You can go back and finish reviewing.”
Nauna nang maglakad si Asher. Saka lang ako nakapag-angat ng tingin nang nakalayo na siya. Aizan gave me a smile and mouthed, “Thank you!”
------
-larajeszz